"Hala! Baka napunch mo si tita kagabi kuya" nababahalang ani ni Chaika at tinaas pa ang kamay nito at winagayway ang hintuturo nito sa kuya niya at sinasabing lagot ito.
"Hind--" sasagotin ko na sana si Kurt ng biglang magsalita si Tina "Ai oo, baka nananaginip ka na naman kagabi Kurt at nasuntok mo ang tita Celeina mo habang natutulog kayo. Di ba ma'am? At baka hindi na rin ninyo namalayan ma'am dahil hindi naman kayo madaling magising. Kung ganun pasa pala yan ma'am" pagsang-ayon nito kay Chaika.
Inisip ko ang mga sinabi ni Tina, napatango ako dahil pwede ding ganun ang nangyari. Baka yun nga.
"O-Oo, yun nga siguro ang nangyari" alanganin kong sagot dahil hindi ko naman talaga alam kung ano tong nasa leeg ko. Posible kayang kagabi to? Hindi ko kasi alam kung saang parte ng katawan ko ang dapat kong pagtuunan kagabi dahil hindi ko nga din alam kung ano ang nararamdaman ko.
Natatakot, na kinakabahan, naiinis, gusto kong magalit, natutuwa... hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman kagabi kaya hindi ko na rin alam kung ano tong nasa leeg ko. Ang alam ko ay dinikit lang naman ni sir Jameson yung ilong niya na parang inaamoy ako kagabi kaya paanong nagkaroon ako ng kung ano sa leeg ko.
Dumiretso ako sa banyo ko ng makarating ako sa kwarto ko para magsalamin. Dumikit ako at tinagilid ang ulo ko. Kitang-kita nga na parang namuong dugo ito dahil sa pagka dark red nito.
Ano ba ang itsura ng kissmark? Pumunta ako sa side table ng bed ko at kinuha ko ang cellphone ko. Sinearch ko sa google kung ano ang kiss mark and according to wikihow (A hickey, also known as a "love bite" or "kiss mark" is essentially a bruise caused by sucking or aggressively kissing another person's skin. It is initially red in color, due to broken blood vessels beneath the skin.)
Halos mabitawan ko ang cellphone ko nang mabasa ko ito at makita ang ilang pictures na kagaya nito sa leeg ko.
Nakakainis talaga yung sir Jameson na yun! Halos hindi ko na nga makalimutan yung ginawa niya kagabi at pati yung amoy niya parang gusto ko pa atang inaamoy, nakakaadik yung amoy niya at kahit may halong sigarloyo ito ay mas nangingibabaw ang natural nitong bango... tapos, tapos, nag-iwan pa siya ng kung ano sa leeg ko!
Lumabas ako ng banyo at saka pabagsak na humiga sa kama at nagsisisigaw. Ilang minuto na siguro akong nakahiga at nakatunganga ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Tinignan ko kung sino ito at ang malaking selfie ni Tina ang nakalabas.
"Bakit?" tanong ko at saka bumangon sa pagkakahiga.
"Ma'am baba na po kayo at gagawa pa po tayo ng social media account niyo. Hindi po ba kayo naboboring?" sagot nito kaya tumayo na din ako at bumaba.
Naboboring na nga ako kasi wala naman akong alam na pwedeng pagkaabalahan.
***
Nandito na ako sa tabi ni Tina habang hinihintay naming madownload ang mga app na kailangan daw meron ako.
Habang hinihintay namin ang mga ito ay mainam na din na naglalaro ang dalawang bata ng scrabble.
"Ma'am okay na. Gawa ka na. Ituturo ko" ani ni Tina kaya kinuha ko na ang phone ko sa kaniya.
"Sa Instagram muna tayo ma'am ah" ani nito at saka itinuro ang mga gagawin. Madali lang naman para sakin kahit hindi niya ituro kasi nakalagay naman na lahat kung ano ang yun at may nakalagay pa na help kung hindi ko naman alam. Hinayaan ko nalang siya na magsalita at ituro ang lahat at ayoko namang isipin niya na ayokong tinuturuan ako ng iba.
Ilang minuto lang siguro ay nagawan na niya ako ng account sa lahat ng apps na dinownload namin. In-add niya rin ako sa lahat at sinubukan niya pang magchat sakin para daw makita ko. Ayokong maglagay ng picture ko sa display profile kaya sinabi niyang lumabas daw kami at kukuhanan niya ako ng picture pero silhouette ang gagawin niyang pagkuha para 'di kita ang mukha ko.
Ayaw ko pa rin nung una pero tinanong niya kung bakit ayaw ko e picture ko lang naman. Wala akong alam na dahilan basta ayoko lang kaya sa huli ay pumayag din ako.
"Oh ayan ma'am isearch mo na yung mga yun at ichat. Nandun sa drawer na yun lahat ng mga card para sayo. Iwan ko muna kayo at tutulong sa paghahanda ng haponan" ani nito at saka naglakad papuntang kusina.
Sinundan ko siya at sinabing "Hindi bat ang pangit naman kung magchachat ako ng ganun? Ano naman ang sasabihin ko? Hi! Huwag ka ng magpadala ng flowers kasi ayoko ng flowers. Ganun?"
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Nag-iisip ito na parang tama nga ang sinabi ko.
"Palitan ko nalang kaya ang status ko? Pero bago yun ikaw muna ang mag-add sa kanila tapos after ka nilang i-accept bilang friend nila sa fb ay ishare mo ang status ko na in a relationship para makita nila? Mag caption ka nalang kahit congrats o kahit ano makita lang nila" desperada kong mungkahi. Napatango ito na pwede nga.
"Pwede naman ma'am, pero baka hindi ako i-accept at maging followers lang ako nung mga yun ma'am kasi mga famous naman na Doctor at nurses yung mga yun ma'am. Si ate Gina nalang kaya? Sa hospital nila madam nagtatrabaho yung boyfriend niya. Pwedeng palitan mo nalang ang status mo ma'am tapos sabihin natin kay ate na sabihin niya sa boyfriend niya na may boyfriend ka na at ikwento niya yun sa mga katrabaho niya na may boyfriend ka na. Nabasa ko kasi sa ilang mga cards na nagpapadala sayo ay yung matalik na kaibigan nung boyfriend ni ate na si Dr. Lucas. Ang hot kaya nun ma'am, crush ko din yun e" pagmumungkahi nito na itinango-tango ko na mas maganda nga ang naisip niya. Binalewala ko nalang ang sinabi nitong huli at mabilis na hinanap si Gina sa kusina.
Wala siya dito sa kusina "Manang Daisy, si Gina po? Nasan siya?" tanong ko habang naglalagay ito ng mga ulam sa lamesa.
"Nasa garden po ma'am. Tumawag po ata ang boyfriend niya" sagot nito kaya nagpasalamat na ako at pumuntang garden.
Malapit na ako ng garden at rinig kong may kausap siya mismo dito kaya tumigil ako.
"Di ba sinabiko namang sabihin mo muna kung pupunta ka dito?" rinig kong inis nitong sabi sa lalaking kausap nito na mediyo nakatalikod. Si Gina ang nakaharap sakin pa side kaya kita kong naiinis siya sa lalaking kausap niya.
Hindi nila ako nakikita dahil natatabunan ako ng mga malalaking bulaklak.
"Tumawag naman ako nung malapit na ako dito. Surprise nga di ba? Sinong magsusurprise na sasabihin niya din sa taong isusurpresa niya? Matutuwa ba siya kapag 'oi isusurprise kita bukas, masurprise ka ha?' dapat ganun ba? Now I know, sige next time" napaka sarcastic na sagot ng lalaki at sa tono din nito ay parang naiinis na din. May hawak itong malaking bouquet ng flowers at isang maliit na paper bag.
Naisip kong hindi tama na nakikinig ako at pwede ko naman sabihin sa kaniya ang pakay ko mamaya.
Tumalikod na ako at aalis na sana nung magulat ako na nasa likod ko pala si Tina.
Sa itsura nito ay gulat na gulat at nakahawak pa ang kaliwa nitong kamay habang nakatingin sa ate niya at sa kausap nito.
"Ginulat mo naman ako. Tara na sa loob, nakakahiya at nakikinig tayo" bulong ko sa kaniya na pagsuway at kinuha ang kanang kamay nito.
Hinila ko siya para pumasok na at nagpahila naman ito na parang wala sa sarili.
Nakapasok na kami sa kusina at pinaupo ko na din siya katabi ni Kurt, ngunit wala pa rin ito sa sarili.
"Are you okay tita Tina?" tanong ni Kurt at napansin din ata nito dahil hindi siya kumikibo.