WebNovelUNTIL WHEN100.00%

Hindi siya?

Nakatingin lang din kami sa kaniya nila Chaika habang nakaupo na. Wala si Rita at kami lang dahil lumabas ito kanina at may imi-meet daw sa labas na pagpapaalam niya sa dalawang bata.

Hinawakan ni Kurt ang braso ni Tina. Hindi pa rin siya kumibo kaya niyugyog na niya ito at saka lang gumalaw si Tina at pinansin si Kurt.

"Ha? A-ano yun?" wala sa sariling tanong nito.

"You are spacing out Tina. Is there something bothering you?" tanong ko kasi halata naman sa itsura niya. Nagsimula lang naman siyang maging ganiyan nung nanggaling kami sa garden.

"Ah wala po ma'am. May naalala lang ako" sagot nito at saka kumuha na ng pagkain. Halatang wala pa rin siya sa sarili kasi nauna na din siyang kumuha ng pagkain kahit hindi na sinasabi.

Hinayaan ko nalang at tinulongan ang mga bata sa pagkuha ng kakainin nila.

Ilang sandali pa ay dumating na din si Gina kaya yinaya na din namin siyang kumain. Pero nung dumating si Gina ay hindi man lang siya pinansin ni Tina. Mabilis na tumayo ito at sinabing tapos na daw siyang kumain kahit na wala pa naman ata siyang nakakain. Tinignan lang namin siyang umalis at mukhang hindi naman napansin ni Gina na may problema ito dahil umupo na din ito para kumain.

Sinabi ko agad kay Gina ang pakay ko kanina sa kaniya sa Garden at mabilis naman itong pumayag at sinabing kakausapin niya ang boyfriend niya. Napapaisip ako kung yung boyfriend niya kaya yung kausap niya kanina. Itatanong ko sana kaso baka sabihin niyang nakinig kami sa pag-uusap nila kanina. Hindi pa naman maganda ang pag-uusap nila.

***

"Tita, kailan daw po uuwi si daddy?" biglaang tanong ni Chaika habang pinupunasan ko ang nagkalat na ice cream sa mukha niya.

Nandito kami ngayon sa isang ice cream house sa bayan.

Kaming dalawa lang at wala ang kuya niya dahil malapit na ang math competion nito kaya kasama niya ang advicer niya na nagtuturo sa kaniya.

Tatlong linggo na rin ang nakalipas mula nung mapunta ako sa pamamahay nila at madami na rin akong natutunan. Marunong na din akong magdrive at minsan ako ang nagdadrive kapag ihahatid-sundo namin ang mga bata ni Tina.

Hindi na din bumalik si Gina sa mansyon mula noong araw na nakita namin siya ni Tina sa garden na may kausap.

Ang pagpapaalam ni Gina ay magtatrabaho na daw ito sa hospital nila madam kaya aalis na ito.

Kailangan ng isa sa kanilang magkapatid ang maiiwan sa hacienda para sa mga bata at si Tina daw yun dahil mas malapit ito sa mga bata. Pero hindi ako naniniwala na yun talaga ang dahilan. Alam kong matapos nung nangyari sa garden ay nag-iba ang kilos nilang dalawa.

Si tita Karen naman ay hindi pa nakakabalik dahil kailangan niyang maiwan muna sa States at nauna ng umuwi ang asawa nitong si tito Gary na nakilala ko lang noong nakaraang araw. May padating kasi na bagyo kaya kailangan niyang maghanda para dito at kakailanganin siya ng bayan niya.

"Hindi ba't sinabi ng lola mo na uuwi siya bukas?" takang tanong ko dahil yun ang narinig kong sabi ni madam nung nagvivideo call sila kahapon.

Naiisip ko tuloy kung ako ba ang rason kaya hindi na umuuwi si sir Jameson. Mula nung gabing yun ay hindi na siya umuwi pa. Kaya napag-isip-isip ko na pagkauwi ni madam ay aalis na ako. Ayokong makagulo sa pamilya nila. Naaawa na din ako sa dalawang bata. Lagi nilang inaabangan ang tawag ng daddy nila pero halos tatlong beses lang itong tumawag sa isang linggo at wala man lang limang minuto ay ibababa na nito ang tawag.

"That's what grandmama keep on saying everytime I asked but... da-daddy didn't come home" malungkot nitong sagot at saka ako tinitigan na parang maiiyak na.

"Sshhh. Huwag ka ng malungkot. Tatawagan nalang natin si daddy mo para sa kaniya natin mismo tanongin" pag-aalo ko sa kaniya.

"No, no tita. Daddy is working for us. He needs to" pagpigil agad nito. Kumunot ang noo ko dahil parang natatakot itong tawagan ko ang daddy niya. Dalawang araw na nung huling tawag nito sa mga anak niya. Hindi nakikiusap ang dalawang bata para tawagan siya. Si sir Jameson lagi ang unang tumatawag.

bzzzzz bzzzzz bzzzzz

Nagba-vibrate ang cellphone ko na nakalagay lang sa tabi ng kanang kamay ko sa mesa kaya agad ko itong kinuha. Tumatawag si Tina.

"Hello? Nasan ka na?" pagsagot ko ng sagotin ko ang tawag niya. Kasama namin siya kanina pero tumawag ang nanay niya kaya umalis ito at kailangan daw siya nito. Nagtxt kasi siya kanina na pabalik na siya.

"Nandito na ako sa labas ng ice cream house ma'am" sagot nito.

"Sige hintayin mo kami ni Chaika. Lalabas na kami" agad kong inayos ang gamit namin ni Chaika at saka ko siya binuhat.

Hindi kasi lalakad si Chaika kapag ganito na naiiyak siya kaya binuhat ko na.

Lumabas agad si Tina ng kotse nung malapit na kami at pinagbuksan ako.

"Anong nangyari ma'am?" senyas na tanong ni Tina nung makapasok kami ng sasakyan habang kandong ko si Chaika na nakapatong ang mga paa sa kanang bahagi ng upuan na katabi ko.

Sumenyas din akong mamaya ko nalang sasabihin na tinangoan naman nito at saka nagdrive.

Labing-limang minuto na rin ang nakakalipas at ramdam kong nakatulog na si Chaika.

"Tina, huwag muna tayong umuwi. Dumaan muna tayo sa park. May park malapit dito sa plaza niyo di ba?" mahina kong tanong na agad niyang sinang-ayunan.

***

"Sa totoo lang ma'am. Naaawa na rin ako sa dalawang bata. Hindi ko alam pero parang iba na kasi si sir Jameson" ani ni Tina nung maiparking nito ang sasakyan sa ilalim ng malaking puno. Iilan lang ang pamilyang magkakasama. Ang karamihan ay mga magkasintahan na naglalambingan ang nandito sa park.

Naisip naming wag ng lumabas ng kotse kaya tumingin nalang kami ng magandang spot kung saan pwede kaming magpark at mae-enjoy pa rin namin ang sariwang hangin habang nakabukas ang bintana ng mga sasakyan.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kung tanong.

Alam kong nagbago daw si sir Jameson mula nung mamatay ang asawa niya pero hindi yun sapat na dahilan para ganitohin niya ang mga anak niya. Walang kasalanan ang mga bata. Dapat nga na mas pagtuunan niya ng pansin ang mga anak niya dahil hindi lang siya ang nawalan. Kung gaano man kasakit para sa kaniya na mawala ang asawa nito ay ganun din naman ang mga bata. Isipin niya rin sana na wala na silang ina at kailangan nila ng taong magpaparamdam sa kanila na mayroon pa rin silang ama na nagmamahal sa kanila at handang maging isang ina para sa kanila.

Gawin niya sanang lakas ang mga anak niya.

"Huwag mong sasabihin ma'am ah?" paniniguro nitong tanong at saka sinara ulit ang mga bintana ng sasakyan. Alam kong may mga tauhan sila sir Gary na nagmamasid para masiguro ang kaligtasan namin kaya siguro sinara ni Tina ang mga bintana.

"Ano ba yun? Kada may sasabihin ka naman yan ang lagi mong sinasabi" inip kong sagot kaya tumawa ito ng mahina at saka nagseryoso.

"Kasi ma'am. Pa-parang hindi po siya si sir Jameson" alanganin at napakahina nitong suhestiyon.