Chapter Seven: Red

Ashton University is so much bigger than Greenridge. Dahil na rin siguro 'yon sa mas kilalang school din ang Ashton. Well-known people, or those who came from a well-off family always choose this school over any other schools. Kahit pa napakamahal at napakahirap pumasok dito, ito pa rin ang first choice ng kahit na sinong estudyante sa Manila. That's how famous and influential Ashton University is.

I would have been enrolled here too, if only I didn't beg my mom to let me study in Greenridge. Kung hindi lang sana ako nagmakaawa sa kanya noon na h'wag akong ilayo sa kanya dahil dalawa na lang kami sa pamilya, dahil wala na si Dad at siya na lang ang mayroon ako, baka dito ako nag-aaral ngayon kasama ang mga kaibigan ko; baka hindi ako nagpapanggap ngayon bilang ang mahina na si Serina; baka lang... Mas masaya ako ngayon.

Isang maingay na classroom ang nadatnan ko nang mahanap ko ang mga taong pakay ko rito sa Ashton. Maingay, hindi dahil panay ang pag-uusap ng mga tao sa loob, kundi dahil lang sa tatlong tao.

Ang mga kaibigan ko— sina Nikka, Lewis at Jc.

Para bang wala silang pakialam kahit na nakaupo sila sa teacher's desk habang sabay-sabay na kumakanta. Ang mga kaklase naman nila ay tahimik lang, tila hindi makapalag sa kalokohan ng tatlo.

Napa-iling tuloy ako. Para silang mga tanga.

"Hoy! Ang ingay niyo!" sigaw ko mula sa pinto ng classroom nila.

Napalingon ang lahat sa akin. Lahat ay bahagyang nanlaki ang mga mata. Ang iba ay dahil siguro ako pa lang ang nagreklamo sa tatlong magugulo sa harapan, habang sina Nikka, Lewis at Jc naman ay dahil sa pagkabigla.

They weren't expecting me. Especially, at this time of the day.

Nagtaas ako ng kilay sa kanila at saka ngumisi. "Missed me?"

Biglaang umalingawngaw ang isang malakas na tili sa buong classroom. Natawa na lang tuloy ako, dahil kilala ko na agad kung kanino nanggaling iyon.

"Oh my gosh, Zenna!" maligayang sigaw ni Lewis matapos ang makabasag-tainga niyang tili. Pagkatapos ay tumakbo para sana yakapin ako, pero agad siyang naunahan ng iba.

"Z! I missed you!" sabi ni Jc habang mahigpit nang nakayakap sa akin.

I let out a loud laugh. Ang kaninang inis ko bago magpunta rito ay mabilis nang nawala dahil sa kanila. Binalot kaagad ako ng saya, at init na para bang nakauwi na ako sa totoo kong pamilya.

"Hoy, Jc! H'wag ka ngang epal! Ako 'yong yayakap kay Zenna e!" singit ni Lewis, sabay sabunot sa buhok ni Jc kaya naman napabitiw siya sa pagkakayakap.

Napahawak siya sa ulo niya. "Aray, Lew! Pwede namang 'yong braso ko na lang ang hatakin mo, bakit buhok ko pa!" inis na sigaw niya.

"Masyadong sweet 'pag sa braso. Sige na, shoo!"

Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Kahit kailan, hindi nawala ang pagbabangayan nitong si Lewis at Jc. Para silang aso't pusa!

Napatingin ako kay Nikka na tatawa-tawa din sa gilid. Nang makita niya akong nakatingin sa kanya, nginitian niya ako, sabay labi ng, "Missed you."

I smiled and mouthed, "Me too." Before I found myself almost suffocating from Lewis' hug.

* * *

"Welcome, my ladies!" Jc said, while gesturing towards the inside of his family's bistro— Beer Towers.

Dahil sa saya nila sa bigla kong pagbisita, ginaya ako ng tatlo sa hindi pagpasok at niyaya kami ni Jc na dito na lang kami magpunta para makapag-usap. Sarado pa ang bistro sa mga oras na ito, syempre dahil tanghali pa lang, pero dahil si Jc na daw halos ang nagpapatakbo nito ay nagawan niya iyon ng paraan.

My treat, he also said.

Kaya walang kaabog-abog kaming pumayag. Libreng lugar na, libreng drinks pa. How could we possibly refuse to that?

Nikka and I smiled, while Lewis just rolled her eyes. We walked inside, and I was immediately mesmerized by the unique design and interior this bistro has. It has puzzle like furnitures, and peculiar-looking painting all over the room. It also has mini mezzanines, separated by wooden rails and each has its own wooden ladder. They were like mini tree houses, that has a table and a few seats each.

Creative. The whole room just screams of Justin Caine Ocampo. Our Jc.

"Ang ganda rito, Jc! Ngayon ko lang nalaman na may ganito ka palang business," sinabi ko sa kanya.

Mabilis siyang napangiti, na nagpakita ng mapuputi niyang ngipin. "Thanks, Z. Actually, lately ko lang 'to nakuha noong umalis si Kuya Javier for states. Siya ang original owner talaga nito, pero binigay niya na, so I figured I could make a few tweaks."

"And those tweaks are incredible."

Jc brushed his fingers through his hair while laughing. His biceps instantly showed with just that simple move. Nahalata ko tuloy na lalong gumanda ang kanyang katawan. Mas lalong nadepina. One of the perks of being in Ashton University's basketball team.

"Nako, Z. H'wag mo masyadong purihin 'yan. Lalaki na naman ang ulo," singit ni Lewis na nagpalingon sa amin ni Jc.

Tumawa lamang ako. Pero nilingon ko si Jc at nilabing, "Don't mind her."

Umiling naman siya habang may ngiti pa rin sa mga labi. Hindi na siya sumagot pa. Sa halip ay iginiya niya na lamang kami papunta sa isang booth. Naunang umupo roon si Lewis, habang sabay naman kami ni Nikka at nagtabi na rin sa katapat na upuan ng kay Lewis.

"Okay na ba 'yong Van Gogh? O may iba pa kayong gusto?" tanong ni Jc sa amin.

"Absolut sa 'kin!" ani Lewis.

"Okay na sa 'kin 'yong Van Gogh," sagot naman ni Nikka na sinangayunan ko rin.

"Si Lewis lang talaga ang panggulo," komento naman ni Jc bago natatawang umalis. "Be right back, guys."

Lewis rolled her eyes, which took my attention.

Lewis Antonette Salazar is believed by others to be the angel in our group. Because unlike me and Nikka who looks a bit intimidating and bitchy, Lewis looks like someone who wouldn't dare to do anything bad. Para siyang hindi makabasag pinggan dahil na rin sa maamo at mala-anghel niyang mukha.

But contrary to everyone's belief, she's actually our black sheep.

Well, all of us are black sheep to begin with, but Lewis is just far more naughtier than us. Kung pasaway kami, mas doble siya. Pero dahil na rin sa ugali niyang iyon ay nakilala namin siyang tatlo nila Nikka at Jc.

"So, what's up?" nakangiting tanong ni Nikka na nagpawala ng mga iniisip ko.

Napatingin sa akin si Lewis. "Oo nga, Z. Anong mayro'n? Bakit bigla kang napapunta ng Ashton?"

I blinked. For a moment, I forgot about the reason why I did came to Ashton. Sa sobrang saya ko nang makita ko sila, halos nawala na sa isip ko ang lahat ng nangyari sa akin kanina. Pero dahil naitanong nila, muli na naman tuloy bumalik ang lahat.

'Yong nangyari kanina with Mom, at lalong lalo na 'yong kay Alexis at Cloud.

"Pumunta lang ako para sana tanungin kayo kung may lakad ba kayo mamayang gabi. I badly need your company later tonight. It's about mom," I said, smiling, which made both of them raise their eyebrows.

Hindi naman na bago para sa kanila ang pagyayaya kong lumabas lalo na't kapag tungkol kay Mom. They know how things are between me and her. I've already told them the story, not all of it, though. But they know how bad my relationship is with my mom, and they never failed to be with me whenever I needed their company. Pero dahil palagi lang akong nagmi-message sa kanila kapag nagyayaya, nagtataka tuloy sila ngayon.

They know me too well. Alam nilang hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit ako pumunta. Kitang kita ko iyon sa mga mata nila. In both Nikka's doll-like eyes and in Lewis' angelic eyes.

Kaya naman isang malalim na paghinga ang ginawa ko, dahil alam kong mahaba-habang paliwanagan ito, bago ako nagsimulang magsalita.

"And actually, I need someone. A guy, to be exact," I frankly said.

Kahit na 'yon lang ang sinabi ko, mukhang nahimigan na ni Lewis ang nasa isip ko. Wala naman na rin kasi kaming hiya sa isa't isa, kaya normal na sa amin ang pag-usapan ang ganito. They often call me too, if they wanted someone to date. That's how close we are.

But this time around, I'm not asking them this favor for the reasons they're thinking. Dahil hindi lang naman date o good time ang habol ko sa lalaking pinapahanap ko sa kanila.

"How 'bout me?" prisintang sigaw ni Jc mula sa bar kung nasaan siya.

"She needs someone new, Justin. Hindi 'yong tulad mong inaamag na," pambabara naman ni Lewis.

"Kausap ba kita, Lewis?"

"Kausap ka rin ba ni Zenna? Huh, Justin?"

Napa-iling ako habang pinipigilan ang isang ngiti.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ring umiling si Jc. "Alam mo Lewis, kung hindi ka lang babae, baka nasapak na kita sa mukha."

'Yan na naman sila sa bangayan nila. Allergic ba ang dalawang ito sa isa't isa?

Mahinang natawa lamang si Nikka sa sagot ni Jc, habang si Lewis ay muling umirap. Hindi niya na pinansin si Jc, na ipinagpasalamat ko dahil baka kapag sinagot niya pa ay mas humaba pa ang usapan. Sa halip ay itinuon niya na lang ang paningin sa akin.

"Is this for a one-night stand?" tanong ni Lewis sa akin.

Nakita kong ngumisi si Nikka, bago niya ako inunahan sa pagsagot. "If she needs a guy for that kind of reason, she wouldn't ask you, Lewis. Mas marami pang lalaki si Z kaysa sayo."

"Burn!" singit na sigaw ni Jc.

Natawa na ako nang tuluyan sa kanila. Si Lewis naman na akala ko ay hindi ulit magpapaapekto ay biglang nambato ng candy sa direksyon ni Jc. Lalo namang natawa ang gago dahil alam niyang nakabawi siya, kaya bandang huli ay wala ring nagawa si Lewis kundi ang samaan na lang ng tingin si JC, bago muling ibinalik sa akin ang tingin.

"Para saan ba, Z?" she asked with a sweet voice, even though I know she's already annoyed at Jc.

Nagkibit-balikat ako. "For fun? Basta ang kailangan ko 'yong sports. 'Yong magaling makisakay, at hindi clingy."

"For fun? Pero alam mo na ang hinahanap mong qualities? You're definitely hiding something," sabat ni Nikka.

God! Bakit ba napakatalino ng babaeng 'to?

Tinitigan niya ako, habang itinataas-baba pa ang mga kilay. Hinihintay na ipaliwanag ko ang kalokohang naiisip ko. So I did. I told them everything that's happened earlier that day. Including my plan.

I decided it on a whim. Sobrang inis ko kasi kay Cloud dahil sa pagtatanggol niya kay Alexis. Then this idea came into mind.

I know that Cloud is interested in Zenna, despite her relationship with Alexis. So I figured that if he wants Zenna, then it's Zenna he'll get.

I'll make him notice me more, make him jealous, and make him believe that there's something between us. Pero kagaya ng ginawa niya sa akin, patitikimin ko lang siya. Like that kiss he did. Patitikimin ko siya ng sarap at pagkatapos ay ipaparanas sa kanya ang lamig na para bang nakalimutan ko siya. Exactly the way he did it to me.

It's not that I'm bitter. I'm just really pissed because of what happened. And it's perfect 'coz it's like hitting to birds with one stone. Alexis will be so angry because of it. That's my main goal.

"Oh!" Lewis suddenly said. "Try mo si Red!"

"Who's Red?" I asked, my brows furrowed.

"Red is one of the hottest, and I mean, the hottest guys in Ashton U."

"Mas hot pa kay JC?" mapang-asar na tanong ni Nikka na kinawala ng ekpresyon ni Lewis.

"Ha-ha. Kailan pa naging hot si Jc?"

"Oo, Lewis. Hindi kita naririnig," sigaw muli ni Jc mula sa bar na may kasamang tawa. Maya-maya pa ay lumapit na siya sa amin dala ang mga drinks namin.

Nilapag niya ang tray na may lamang apat na baso at dalawang pitsel ng cocktail. Pagkatapos noon ay umupo na siya sa tabi ni Lewis.

Then suddenly, he said, "Pwede kitang ipakilala kay Red, Z."

My eyes quickly landed on his direction. Napanganga ako, maging si Lewis dahil ngayon pa lang nagprisinta si Jc na ipakilala ako sa isang lalaki.

Never pa niyang ginawa ito, kahit sa mga kaibigan niyang lalaki na mula sa Ashton U, dahil alam niyang mga gago raw ang mga iyon. Pero ngayon, heto siya. Nakangiti at bukal sa loob na nang-aalok. At saktong sa lalaki pa na suhesyon ni Lewis.

"Talaga? Kaya mo?"

"Sure!" he said, confidently. "He's a friend of Ethan Co, one of my teammates. I've been with him a couple times, and I think he's a great guy. He's perfectly what you're looking for," he added before flashing me a wide smile.