Chapter Six: Revenge

Lutang na halos ang isip ko nang pumasok ako sa susunod kong subject. Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil ang laging laman lang ng utak ko ay ang ginawa kanina ni Cloud. It's unbelievable to think that the simple peck in the cheek he did would have this much impact on me.

And it only got worse when I saw him and Alexis sitting, once again, in one of the seats inside the classroom. We're classmates, for the second time. Great.

I walked pass them, my head hung low. Takot na takot akong makita ni Cloud, dahil pakiramdam ko ay mamumula na naman ang mukha ko kagaya ng kanina dahil lang sa titig niya. Nakakahiya. Pero naalala kong bigla. . . Hindi niya nga pala ako titingnan dahil hindi naman ako si Zenna.

I'm currently Serina, with the lame-ass ponytail and thick-framed glasses. Kaya sino nga naman ang titingin sa akin, pwera sa mga may galit sa 'kin kagaya ni Alexis.

And speaking of her, she caught me looking at them when I finally reached the back of the classrom where my seat was. Akala mo ay susugurin niya na ako dahil sa talim ng titig niya. Hindi ko alam kung dahil 'yon sa selos, o baka may iba pa siyang dahilan. Pero kung ano pa man 'yon, hindi ko na inisip pa at binigyan ng pansin.

As much as possible, I don't want to be a part of whatever it is that's going on between her and Cloud.

The fight we had the other week, that's the last of it. I hope it's the last. Dahil gusto ko nang bumalik ang tahimik na buhay ko rito sa school.

* * *

The smell of food inside the cafeteria filled my nostrils, making me hungrier than I was earlier. I looked around from left to right, scanning the whole room but even if it's already lunch time, there aren't that much students here yet. Siguro dahil na rin halos tumakbo na ako papunta rito para lang maiwasan sina Alexis at Cloud kanina sa klase.

Napangiti ako. Naglakad na rin ako papunta sa counter para kumuha ng tray at agad na makapila.

I never had friends in the past two years that I've spent here in Greenridge University, so I never did wait for someone to eat with at lunch. I never experience that hassle to wait for a friend before ordering your own food because both of you have different classes, or that instance when you have to wait for them to finish their food. Not in this school, at least. It was always just me. I was always by myself, so ordering alone, and finding a seat for myself wasn't new to me.

I looked to my right, pass my shoulder and found an empty table. It was that table near the window, the one I like the most. Kaya pagkabayad na pagkabayad ko ng pagkain ko ay naglakad na ako papunta roon.

Sa gilid ng aking mga mata, nakita kong nagsimula nang magsidatingan ang ibang estudyante. Hindi ko na nga lang nagawang pansinin pa 'yon dahil hindi ko na inalis ang tingin ko sa lamesang balak kong pag-upuan. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad ko, laking gulat ko nalang nang tumilapon ang tray na hawak ko.

Bumagsak ang pagkain ko sa sahig. Umalingawngaw ang ingay noon sa buong cafeteria, dahil na rin sandaling natahimik ang lahat. Pero ilang sandali pa ay napuno na muli ito ng ingay, as if nothing happened.

"Oh. Sorry," said the voice from behind me, but in a sarcastic tone.

From just that, I already knew who it was. Alexis. Sino pa nga ba ang may lakas nang loob na gawin 'to kundi siya?

Lumingon ako sa likuran ko, at agad nakita ang mapang-asar niyang ngisi. She's a few inch shorter than me, but her confidence was clearly more than her height. It was as if she was proud of her attitude; proud of what she just did to me. Kaya naman hindi ko na napigilan na titigan siya nang masama, kahit pa ang balak ko ay palampasin na lang ang ginawa niya.

"What? You got a problem?" she even said, that made my blood boil more.

"Bakit mo ginawa 'yon?"

Nagtaas siya ng kilay. "Ang ano? Oh, that? Well, I already said sorry." Pagkatapos ay nagkibit-balikat.

Napa-iling ako. Hindi ako makapaniwala na napaka-isip-bata ng babaeng 'to. Umiwas na nga ako sa kanya, pero heto na naman siya at talagang hinanap pa yata ako. What does she even get from bullying others, anyway? Fame? Satisfaction? Joy? I don't get her. I never will. But one thing that I do know is, people like her are the kind that I hate the most.

"You know what, kasing plastic mo 'yong sorry mo e. Halata namang sinandya mo 'kong banggain."

She chuckled, mockingly. "So what, kung sinandya ko? Wala namang maniniwala sayo."

I gripped the hem of my skirt tight, just to keep my hands from strangling Alexis. Just another word from her mouth, and I could already see myself reaching for her neck. She just really infuriates me, more than my cousins, more than my aunts. Hindi ko alam kung anong mayro'n sa kanya para maasar ako nang ganito, dahil bawat galaw niya, bawat salita niya ay sobra nang pinapakulo ang dugo ko.

It was as if she was born just to annoy me.

But, the moment I saw a familiar figure walking towards us, all my emotions instantly went out of the window.

Cloud, with the same set of cold eyes that I knew so well, was staring straight at me. Glaring, even. Like he's mad for some reason. He walked straight towards us, not even paying attention the the crowd that's starting to form around us.

When he got near us, his arms automatically went over Alexis' shoulders. Para bang normal na bagay na lang para sa kanya ang akbayan si Alexis. Pagkatapos ay napunta ang tingin niya sa pagkain ko na nasa sahig, at saka binalik ito sa akin.

"Ano na naman bang problema?" sinabi niya habang nakatingin sa akin nang matalim.

Nakita ko ang pagngisi ni Alexis. Halatang tuwang tuwa siya sa nangyayari, dahil ako na naman ang lumalabas na masama. Pagkatapos noon ay biglang nawala ang ngisi niya, at pilit niyang pinalitan ng pag-iyak.

Hindi na ako nakapagsalita. Doon pa lang, naintindihan ko na ang balak niya.

"Tinapon niya 'yong pagkain ko, babe!" she said while pointing at me.

I bit back a curse. I knew it. I just knew it. From the moment she walked into this cafeteria, this was the scene she's planning for.

This bitch!

I looked up at Cloud, hoping that I could convince him that Alexis was lying. Maybe, just maybe he'd take my side this time. But when I saw his eyes, his emotionless eyes, staring at me. . . My mind blanked out.

"Totoo ba?" he even said, with a tone as cold as his stare.

Halos matawa na lang ako sa sinabi niya.

Grabe. Hindi ko alam na ganito pala siya. Ganito pala siya ka-bulag pagdating kay Alexis. It's like he's a different person. Ibang iba doon sa lalaking nakita ko sa rooftop; ibang iba sa lalaking humalik sa pisngi ko kanina.

He was playful, and was always smiling when we met earlier. Kung titigan niya ako kanina, para bang isa akong bagay na kayang magpaligaya sa kanya. Pero ngayon, parang wala akong halaga; parang wala lang ako sa kanya.

As I've thought. Si Zenna nga lang talaga ang gusto niya. It was only Zenna that he saw, and not me as a whole.

"Kung sasabihin ko bang hindi, maniniwala ka?" I said, gradually losing all my care to even defend myself. "Wait. You know what, you don't need to answer that. Sige na, ako na ang nagtapon ng pagkain. Masaya na ba kayo?"

Inayos ko ang bag na nakasabit sa balikat ko. Gusto ko na lang matapos ito. Gusto ko na lang umalis! Kahit magutom na ako sa maghapon, wala na akong pakialam!

Kaya lang, mukhang hindi iyon ang gusto ni Alexis, dahil sa gilid ng mga mata ko, nakita ko ang mabilis na pagpulot niya sa natapon kong pagkain. Dinakot niya iyon at pagkatapos ay biglaang ibinato sa akin.

"What the heck!" sigaw ko, habang tinititigan ang uniporme kong napakadumi na ngayon.

"Hindi ba gusto mo 'yong pagkain ko? O edi ayan! Hindi ko naman ipagkakait sayo!"

I glared at her. I could feel my body shaking in rage. Gustong gusto ko na siyang sabunutan, gustong gusto ko na siyang sampalin! Ngunit bago pa ako makahakbang palapit sa kanya, mabilis na siyang itinago ni Cloud sa likuran nito.

This asshole. . . Kitang kita niya kung paano ako binato ni Alexis ng pagkain, pero kahit gano'n, siya pa rin ang kakampihan niya?

Damn. Edi magsama sila!

Padabog akong naglakad palayo, hindi na lumingon pa sa kanila. Hindi na ako lumaban, dahil ano pa nga ba ang magagawa ko? Magmumukha lang akong tanga ro'n. Magmumukha lang akong masama.

Dumiretso kaagad ako palabas ng school. Pansin ko ang mga taong panay ang tingin sa akin, malamang dahil sa madumi kong damit. Kaya sa halip na sa jeep, kagaya ng ginawa ko noon nang buhusan ako ni Cloud ng smoothie, sa taxi na ako sumakay ngayon para makauwi.

Nakakatawang isipin na ang dalawang beses na pag-uwi ko nang wala sa oras at pagka-cut class ko ay parehas na sina Alexis at Cloud ang dahilan.

Pagkarating ng bahay, pagligo kaagad ang ginawa ko pagkatapos ay nagbihis ng pang-alis. Nagsuot ako ng skinny jeans, gray na spaghetti strap top, at 'yong paborito kong Nike. Inilugay ko rin ang buhok ko at nag-ayos nang kaunti. Wala na akong balak pumasok pa, dahil ibang lugar na ang balak kong puntahan ngayon. Kahit pa may klase kami, wala na akong pakialam!

Kinuha ko ang kotse ko nang makababa ng bahay. Pagkabuhay na pagkabuhay pa lang ng makina, pinaandar ko na 'yon at hinarurot papunta ng Ashton University.

Be ready, Alexis and Cloud. 'Coz I'll serve both of you a dish best served cold— revenge.