Chapter Five: I Shouldn't Have

New week, new beginning. That was what I was aiming for when the second week of my third year in college finally came.

Gusto kong kalimutan na lang ang lahat nang nangyari noong isang linggo. Magmula sa away namin ni Alexis, sa hindi magandang experience ko kasama ang mga kamag-anak namin, hanggang doon sa lalaking nakilala ko sa sementeryo.

Just everything. Every single detail of it.

But when I saw that girl I've helped from bullying, Alexis who I fought with, and Cloud who poured his smoothie on me in one classroom. . . I already knew that trying to forget everything that happened last week is futile.

Seriously, how lucky can I get?

"You're late, Miss Luiz!" Mr. Isidro, my professor for my current subject said.

His bald head beamed because of the lights when he turned his head to me. I've had him for several subjects now, so I'm quite used with this kind of sight. Siya ang naging professor ko sa halos lahat ng subjects ko noong freshman year ko. Hindi ko lang inaasahan na dahil sa klase niya, makakasama ko ang mga taong ayaw kong makasama.

"I'm sorry, Sir." I lowered my head after answering him, then quickly walked to my seat.

I can feel Alexis' eyes following me. She's sitting on the front row, of course with his friend, or boyfriend, or whatever— Cloud. Doon pa lang, alam ko nang hindi ko magagawang makinig sa magiging lesson. Hindi lang dahil sa kanilang dalawa, kundi dahil na rin sa babaeng naligtas ko noon. Who is apparently, my seatmate.

"Good morning, Serina!" she cheerfully said as soon as I reached my seat.

I forced a smile, while trying to think if I should ask her how she knew my name, or if I should greet her back. In the end, I didn't do neither of those. Hinayaan ko lang siyang magsalita nang magsalita, kahit na ayaw ko talagang kausapin niya 'ko.

"Magkasama pala tayo sa subject na 'to. Nagulat ako." Her smile grew wider, then lifted her hand for a handshake. "Ako pala si Lucy. Lucy Castillo."

My brows immediately furrowed. I have a friend with the same surname. Don't tell me. . .

"Castillo? You don't happen to have a brother named Nixon, right?" I asked, hoping she'd say no. But when her eyes widened, I already knew her answer.

"Pa'no mo nakilala si Kuya?" she said, her eyes beaming with curiosity.

Shit. I never should've asked. Now I'm regretting it. Sana lang hindi niya tanungin ang kuya niya kung kilala ako, dahil kilala lang naman ako ni Nixon bilang Zenna at hindi Serina.

At sana hindi alam nitong si Lucy kung sino si Zenna, dahil pwedeng siya pa ang makahalata sa 'kin.

"Wala, kaibigan lang siya ng kaibigan ko," I awkwardly said before accepting her handshake. "H'wag mo nang isipin."

* * *

As I've thought, I wasn't able to concentrate that much in class. Halos walang pumasok sa isip ko habang nagtuturo ang professor namin, hindi lang dahil sa bulungan nila Alexis at ng mga kaibigan niya na alam kong ako ang paksa, kundi dahil na rin sa katabi kong si Lucy na panay ang tanong sa akin. She won't stop asking me random questions, saying that she only wanted to know me better and wanted to be my friend.

Kaya nang sa wakas ay natapos na ang klase, biglang gumaan ang pakiramdam ko na para bang may makapal na kumot na tinanggal mula sa akin.

"Saan ka na pupunta ngayon, Serina?" Lucy asked, as soon as we walked out of the classroom.

Nilingon ko siya at pagkatapos ay pilit na ngumiti. "Sa school's office. May gagawin kasi ako do'n."

"Ano?"

"May ibibigay ako sa Principal. Napag-utusan lang." Ngumiti akong muli.

I wasn't totally lying when I said that excuse. Totoong pupunta ako ng office para puntahan ang Principal. It's her birthday today, and I'm planning to give her a present. Mamayang hapon ko pa sana idadaan ito, pero para lang maagang makatakas kay Lucy, inagahan ko na ang balak kong pagbibigay.

It's not that I hate Lucy, but I just wan't to be careful around her. I don't want to get too close to her, lalo na ngayong alam ko nang kapatid niya ang isa sa mga kaibigan ni Zenna.

"Oh. Okay. See you later!" she said, then waved goodbye.

I did the same before turning around to head to the office.

Dahil malawak ang Greenridge University, kinailangan ko pang umalis ng building naming mga engineering student papunta sa building ng faculty members. Hile-hilerang naglalakihang puno ang nadadaanan ko habang naglalakad. Ang ilang mga tuyong dahon ay nagkalat kahit sa corridor ng school, habang ang mga bulaklak naman na nakatanim sa gilid ay nagsisimula nang mamukadkad.

Pinagmasdan ko ang bawat silid na nadaan. Iilang estudyante rin mula sa Senior High ang nakasalubong ko, na akala mo'y nakawala sa hawla matapos lang ang isang klase nila. Napangiti tuloy ako.

Kaparehas nila ako noong nasa high school pa lang ako. Iyon bang walang pakialam sa paligid basta't masaya lang ako at kasama ko ang mga kaibigan ko. Nakakalungkot lang na ngayon, hindi ko na magawa ang mga gano'n. Hindi ko na magawang makipagkaibigan dahil sa pagpapanggap ko, hindi ko na magawang magsaya dahil kailangan ko nang bantayan ang bawat kilos ko, at lalong hindi ko na maramdaman ang kalayaan ko habang narito ako sa eskwelahang ito.

Nang makarating sa Principal's office, agad akong kumatok sa pinto bago pihitin ang siradura. Bumungad sa akin ang malawak na silid, ngunit ang unang nakakuha ng atensyon ko ay ang name plaque sa lamesa.

Elina Espejo Luiz, iyon ang nakalagay doon; ang pangalan ng aking ina.

"What are you doing here?" Naalis lamang ang tingin ko sa plaque nang marinig ang boses na 'yon.

Mula sa gilid ng silid ay naglakad si Mom papunta sa kanyang desk sabay upo sa kanyang swivel chair. Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin, nanatili lamang ang mga mata niya sa mga papel na nasa kanyang mga kamay.

"I'm here to give you something," sagot ko bago naglakad papasok.

Sinarado ko ang pinto. Pagkatapos ay kinuha ko ang kahon na nasa aking bag bago inilapag iyon sa desk ni Mom.

Noong nabubuhay pa si Dad, siya ang gumagawa nito para kay Mom. He's the sweet one in the family, he always was, so whenever Mom's birthday or mine comes, he'd always prepare a surprise. Big or small, he doesn't really care, as long as there is one on our birthday.

Kaya nga ngayong wala na siya, naisip kong ako naman ang gagawa nitong mga bagay na 'to.

I didn't get to buy Mom a gift last year because we were too devastated from Dad's death, so I figured that I'll start this year. I just hope that this will start something new for Mom and I. Something. . . that will at least move her heart.

"It's your present," I said, smiling. "Happy birthday, Mom."

She finally lifted her eyes to meet mine. I took a deep breath. Hindi ko alam kung magugustuhan ni Mom ang regalo ko, at lalong hindi ko alam kung nagustuhan niya ang ideya kong gawin ito para sa kanya, pero umaasa ako na kahit papaano ay matutuwa siya. At lalo pang tumaas ang pag-asa na 'yon nang magsalita siya.

"Do you have any plans for today?" she said, then returned her eyes back to her papers.

I bit my lips, trying to suppress my smile. "Wala po, Mom. Bakit po?"

Ngayon lang ako tinanong ni Mom ng ganito, kaya halos gusto ko nang magwala sa saya.

Will we have dinner tonight? Is she gonna invite me to celebrate her birthday with her? Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko dahil sa sabik.

We were never really that close, even when Dad was still around. Palagi kasing busy si Mom sa trabaho kaya naman bihiran kaming magkita o makapagsama. Kaya isipin ko pa lang na maaaring ito na ang unang hakbang para mas mapalapit kami sa isa't isa, sobrang tuwa na ang nararamdaman ko.

But of course, my happiness was short lived. Every expectation that I have, even that glimmer of hope within me went out the window when mom finally spoke.

"Then make plans," she said, in a cold tone.

I felt my heart sink. Para bang nawalan ako ng pakiramdam, pero kasabay noon ay hindi maipaliwanag na sakit naman ang kumalat sa buo kong dibdib. Para bang may pumipiga, pilit na tinatanggal ang kahit na anong emosyong mayroon ako.

I couldn't talk, I couldn't say anything. I just listened to my mom as she continue to speak.

"Your cousins are coming over, and we decided to have dinner. You know they're uncomfortable when you're in the house, so make sure to make plans for tonight. I don't want you to start another argument between you and your cousins." She lifted her eyes and stared at me, blankly. As if all she could see was a thing not even worth looking at. "Understood?"

Gustong gusto kong umayaw. Gustong gusto ko siyang sigawan at tanungin kung bakit ako pa ang kailangang mawala mamayang gabi sa halip na ang mga pinsan ko. Ako na anak niya; ako na 'yong taong dapat mas malapit sa kanya. Pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon. Natatakot ako na magsalita, dahil alam ko naman na ang magiging sagot niya.

You're just not that important.

I know, and I'm sure of it that that will be her answer.

Kaya sa halip na magalit at magtanong, pilit na lamang akong ngumiti habang pinipigilan ang mga luha ko sa pagbagsak. "Okay. Sure. . . I'll meet with my friends and hang out with them tonight. So don't worry, I won't be bothering you."

"Good," she simply said.

As soon as mom averted her eyes, I turned around and started walking out of her office. Ni hindi ko na magawang huminga sa loob. Napakabigat niya sa dibdib, na para bang nauubusan ako ng hangin.

I shouldn't have come here. I shouldn't have hoped that that small gesture that I did would move my mom's heart. I should have known better.

If there's a list that could make her heart move, I am not in it. I never was, and I never will be.

I ran as fast as I could towards the school roof. Hindi iyon lugar na pwedeng puntahan ng mga estudyante, pero dahil sa kagustuhan kong mapag-isa, isa na namang patakaran ang lalabagin ko.

Mabilis kong binuksan ang pinto ng rooftop nang makarating doon. Isang malakas na hangin ang sumalubong sa akin dahilan kung bakit natanggal ang tali ko sa buhok. Sa sandaling oras, umasa ako na matutuyo ng hangin na iyon ang mga luha kong nagsimula nang bumagsak. Tinanggal ko pa ang salamin ko para mas makatulong.

Pero hindi. Hindi niyon natuyo ang mga luha ko. Hindi ang hangin, o kahit ang panyo ko na paulit-ulit kong ipinupunas sa mga mata ko.

Dahil sa halip, isang tao ang tumulong sa akin para matigil ang pag-iyak ko, at makalimutan ang mga nangyari kanina.

"Zenna?" aniya sa isang malalim na boses.

Ang itim na buhok ni Cloud ay sumabay sa pag-ihip ng hangin. Bahagyang natakpan noon ang perpekto niyang mga mata na kung noon ay malamig ang titig sa akin, ngunit sa pagkakataong ito ay tanging pagkalito at tuwa lamang ang makikita.

"I never thought I'd see you here," he said, chuckling, then started walking towards me.

I almost forgot for a moment that he's acting like this because I currently look like Zenna. Sandali akong napaniwala na nilapitan niya ako dahil gusto niya lang talaga. Pero nang makita ko kung paano niya ako titigan, na para bang maliwanag sa kanya na hindi ako si Serina na nakaaway ni Alexis noon; iyong babaeng mahina at hindi kagandahan ang ayos, doon na ako bumalik sa realidad.

Boys never really liked me as Serina. They only look at me when I'm Zenna. I get that, I knew it all along. And I guess, that's the consequence I get for pretending to be someone I'm not.

"You're Zenna, right? The first ever girl who refused me."

My train of thoughts evaporated in a snap when I heard his deep but playful voice. I blinked, a bit surprised. Not because of what he just said, but because he's suddenly inches away from me; suddenly too close to me.

"Really? I'm flattered," I said, trying to hide my nervousness, and the fact that I just cried.

Bakit ba kasi siya lapit nang lapit, e napakalawak naman ng rooftop na 'to!

A smile slowly crept across his face, making my brows furrow. "Balak mo ba talaga akong pahirapan na kalimutan ka, matapos 'yong pamamahiyang ginawa mo sa 'kin?"

"Alam mo, choice mo naman 'yan e. Kung gusto mo 'kong kalimutan o hindi. But don't worry, I'd understand if you can't."

He snickered. "You are so good at teasing."

"Oh, you're making me blush!" I answered, sarcastically.

He then shook his head. Para bang hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas na pang-asar sa bibig ko, pero kasabay noon ay natutuwa pa rin siya. Like he's amused, or something. And for a moment, I felt like I was a little puppy that kept on barking at him, but still, he thought of me as something cute and couldn't even hurt him at all.

Yes, I was the one teasing him, but it felt more like I was the one being teased.

He took another step closer. Hindi ko alam ang binabalak niya, pero yumuko na ako para maiwasan ang mga titig niya sa akin. Nahihiya akong mag-angat ng paningin, bagay na hindi pa nangyari sa akin noon kapag kausap ang isang lalaki.

And then with a single swift move, his lips landed on my right cheek which caught me off guard.

I backed away, reflexively, even though I know that it was too late. I don't know, I just wanted to put a distance between us because I definitely feel my face burning in embarrassment! Nakakahiya! Nakakahiya na ganito ako ngayon, samantalang kanina e ang galing kong mang-asar!

But he clearly saw it. I'm sure he saw how my face turned cheery red! Because just a few moments later, his sweet playful chuckle filled my ear.

"Now you're really blushing," he even said, before walking out of the door.

I couldn't do anything but stood there, mouth slightly open, while waiting for the heat in my cheeks fade away.

Dammit. I knew it. I shouldn't have come here, too.