CHAPTER 1: MEET THE BAD BOY

Marimar's Point of View

Punyeta ang mga lamang lupa na ayaw mag bigay ng sagot. Kailangan ko ng sagot! Fuck! Mag ta-time na ang tagal nila mag bigay ng sagot hooo! Umuusok na ata ilong ko nito sa galit!

Sa sobrang inis ko sinipa ko yung upuan ng nasa harapan "Hoy mikie pahingi naman ng sagot mo, h'wag kang madamot!" galit na galit nako baka ayaw pa niya mamigay.

"Bakit ba?!" pabulong niyang sigaw "Nah!" ibiniling ko ang ulo ko pakanan at itinaas ang kilay. Hala...aba ginaya pa ako banatan kita ang ingay mo! H'wag na nga punyeta halata na isusumbong nya ko kapag di ko siya tinigilan, sa mga mata pa lang niya sarap tusukin ng ballpen na hawak ko di ako nag iisip kontrabida pala ng buhay ko yung nasa harapan ko, grabe siya lang ang namumukod tanging madamot at masama ugali kala mo matalino wala namang boobs hahaha at bakit na sali ko yung boobs? Kainis kasi tsaka wala naman talaga.

"Marimar" napatingin ako sa kaklase kong si jack zyck na may hawak na papel na naka crumpled. Hooo...eto na siya.Pero naurat ako sa pangalang binanggit niya pwede naman kasing reverie o diba bongga?

"Akin na!" binigay niya sakin yung papel at pinagulong. Pagkakita ko sa papel shocks baby sagot nga, parang may kung anong ginto sa papel na nag papakislap ng mata ko haha thanks beshy oo best friend ko yan si jack at napaka bait nyan ay hindi konti lang pala pero akalain mong binigyan niya ako ng sagot kahit hindi ko hiningi, oo nga pala alam niyang wala ako laging sagot kasi kilala niya ko at hindi uso review sakin. Kasama ko lang kaya siya kahapon. Kalain mo yun may pogi akong kaibigan.

Parang harurot ng kotse yung kamay ko habang nagsusulat ng matulin at naglalaway pa ako sa sagot syempre kopyador ako. Nyeta nasabi ko ba na nangopya ako tss hindi naman, ngayon ko lang to ginawa at ito na ang huli kong pangongopya promise hope to die!

Teka may naka sulat sa likod mg papel na 'sabay tayo mag lunch mamaya ah' ang sweet naman ng best friend ko. Sabay sabit ng buhok sa tenga haha.

Lumingon ako sa kanya at nakatingin pala siya kaya tumango nalang ako choosy pa ba?

The Bell is ringing...

"Ugh! Nah! Putrages...Shems tapos ko na makopya baby!" napalakas ata ng pagkakasabi ko. Pasmadong bibig 'to pahamak much kasi naman lumingon mga classmates ko pati si jack at parang natataranta kasi sa kanya galing yung sagot at shems...papalapit si prof.

Putik! Kahit kabado nanay mo hindi ko maiwasang purihin yung prof namin ang pogi! Badtrip siguro mga twenty plus palang to huhu sana nga! Liligawan koto kung ganun.

Nang matauhan ako papalapit na pala si prof patay kang bata ka. Matalino ako kaya hindi ako basta basta nahuhuli kaya ang ginawa ko hinulog ko sa baba yung papel na kodigo at sinipa papunta sa harapan.

Tumingin sakin yung lalaki sa harap dahil alam niya ako ang nag sipa nun bigla ko namang tinignan ng masama.      

Nah! Kukunin mo yan o pasasabugin ko yung bungo mo?! makuha ka sa tingin please! Nagulat yung classmate kong lalaki kaya pinulot niya agad at nilagay niya sa sariling bag wahaha!

Evil laugh

"Marimar" here we go again medyo ayoko ng name nayan!

"Bakit po sir lim?" huhu pogi niya shocks!

"Are you cheating" yes hahaha

"Nah! Sir it's a big no-no po noh!" relax ko lang yan sinabi. Awsus ako pa ba?

"Are you sure?" abay nang hihinala pa.

"Very...very sure po" na nangopya ako.

"Okay you may now pass the paper"

"Okay sir" sabay kindat nakatalikod naman siya e.

Pag alis ni sir lim relax uli yung mundo ko. Inayos ko uli yung buhok ko na naka pusod at nag lagay nako ng pulbos at syempre di mawawala yung liptint whooo...ganda ko na dagdagan mo pa ng magandang mata dahil sa contact lense pero may grado naman hahaha ayoko ng salamin baka mag mukha akong nerd or super genius ayoko pa namang ipagkalat na masyado akong matalino.

Syempre di rin mawawala ang favorite kong nginunguya BUBBLE GUM! Lima lang ang binili ko kaya tipid tipid muna.

Hays nakaramdam ako ng antok dahil anong oras ako nakatulog kagabi. Wala rin naman daw si ma'am marra kaya naman makatulog na nga muna.

Sumandal ako sa upuan at shocks nauga siya. Nag hihirap na ba ang skwelahang 'to haha biro lang. Ipinatong ko naman sa upuan ni mikie yung dalawa kong paa at ang dalawa kong kamay naka lagay sa likod ng ulo ko haha relax na relax ang peg.

Hindi ko namalayan napa pikit nako at nagdilim na ang paningin ko.

_after one hour

BLAGGG!!!

Nagulat ako sa pag bukas ng pinto ng sobrang lakas dahil naluwa at nahulog ang bubble gum ko. Who the hell is that? What the fudge! Shit naman sa sobrang gulat ko muntik nako matumba sa likod. Hays so close muntik pa lang.

Aabot pa kaya 'tong mga bubble gum hanggang mamayang uwian?

Actually magugulatin ako kahit hindi ako mahilig sa kape.

Akala ko si ma'am marra na yung dumating si ZACK ZYCK lang pala yung kapatid ng best friend kong si Jack kamukhang kamukha niya talaga, kambal nga kasi sila.

Kaso sobrang layo ng ugali nila sa isa't isa. Si Zack lang naman ang bida sa school sa pag tugtog at ang pinaka pogi at si Jack naman para sakin sobrang bait at syempre pogi din hindi tulad ni Zack pogi nga masama naman ang ugali at puro kahanginan lang, sayang crush sana kitang hayop ka!

Pumunta siya sa upuan niya. Katabi ko nga pala si Zack likod kami pinapwesto ng mga siraulong guro.

Lumingon si Mikie haliparot kay Zack at namumula yung pisngi nya hooo sarap sampalin ang ambisyosa. Matagal nya ng gusto yung lalaki nayan at matagal ko narin siyang gustong kalbuhin kaso hindi siya pinapansin kasi wala siyang boobs! Charot wala kasi siyang pakialam sa babae haha tsaka hindi siya tumitingin ng diretso sa mata, lagi lang siya nakatingin sa board. Ano bang mayroon sa board. Wait

Tiningnan ko yung board may nakikita ba siya na hindi namin nakikita?

Nag salita si Mikie "Zac-"

"F*ck!" mabilis na sabi ni Zack kaya napahinto si Mikie haha taena laptrip.

Nag salita uli si kamukha ni Emily Rose nasi Mikie haha kamukha niya kasi "Zack nag test kasi kami kanina punta ka daw kay sir kung-" bigla naman nag salita uli si zack "Gah!" nang nag pahinto kay mikie ng pangalawang pagkakataon"Wala akong pake sayo!" dugtong niya. Nah...awtsu! Bleh! That's my boy kasi.

Tumingin sakin ang babaeng hampas lupa at aba inirapan pa ako. Bigla naman nag salita si zack "When I do not ask don't speak!" Ugh! Ang bait niya to the highest level ah.

"Hertia" pumunta si hertia kay zack. At bakit niya naman tinawag "Bakit po?" at wow ah nag po pa siya

"Get a test with lim" nah! Anak ng putang! Ano utusan? At ang mas malupet ang napakabait ko pa na kaklase ang nautusan niya at nauto. Wala pang galang kay sir Lim! Hays oo nga pala siya si Zack nanggaling sa pamilyang sobrang yaman. Nakapagtataka nga e kasi hindi siya mahilig mag english konting english lang siguro. Diba ganon naman sa mayayaman lagi silang spokenin dollar?

"Opo" abay magalang nga ang gago! Umalis na yung uto-uto kong kaklase slash kaibigan para kumuha ng test ng mokong.

Hays makatulog nga uli.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina kung paano ako matulog. Nakataas ang paa at nakapatong sa ulo ang dalawang kamay ko relax uli isang oras pa ako pwedeng matulog dahil dalawang oras time ni ma'am Marra. Pumikit nako sa sobrang antok.

Bigla namang may humampas sa braso ko kaya nagulat ako. Aw! Sakit nun ah! Tinignan ko ng masama si Zack. Natutulog naman kasi ako ng maayos tapos bigla siyang manghahampas.

Hinagis niya sakin yung test "Anak ng...anong gagawin ko dito?!" galit na galit kong tanong. Nakatitig siya sakin ng diretso sa mata kaya umihas ako ng tingin at kinagat ko ang labi ko sa taas na bahagi ganyan ako kapag nag papatay malisya at kinikilig kyah ang pogi. "Tanga ka ba negra?!" oo bakit? At awtsu negra?! Hindi porket maputi ka? "O nag tatanga tangahan ka lang?" parang may pinaparating to ah! Sumigaw ako sa kaniya "Oo...ay este bakit ba ha?!"

"Gah! Answer it. You're stupid!" anak ng tokwa naman oh kung mamalasin ka nga naman araw-araw pa!

"Ayoko nga bobo kaba ha?! Ano ako nahihibang?! Sagutan mo yan mag isa. Sayo yan at hindi sa-akin!"

"Nangopya nga lang din ako ano? Hello, okay ka lang?" dugtong ko pa.

Naurat naman siya sa sinabi ko dahil naikuyom niya ang sariling kamao.

"Sagutan mo sabi e!" hala galit na galit na siya at syempre hindi ako magpapatalo hooo winner ako dyan. Kinuha ko yun sa mga palad niya at unti-unti kong pinunit sa harapan nito at inihagis ko sa mukha niya yung papel at tumalikod na ako.

Narinig kong tumayo siya at hinagis yung upuan sa harapan, tae may flying chair. Patay kang bata ka...wrong move ata ako! Bakit ko nagawa yun huhu alam mo naman yung lalaking yon eh.

Naka talikod parin ako at bigla akong nag sign of the cross.

"Hoy siraulo!" yan na nga ba sinasabi ko e hinarap niya ako sa kaniya. Putra ang tangkad niya at umuusok na ang ilong at sobrang talim ng tingin niya sakin. Mama, papa handa nyo na po kabaong ko, sila lesley at hertia na daw po bahala sa kape't tinapay, si princess unica naman sa padasal.

Tumingin ako sa kaniya huhu nakakatakot po hindi ako papalag hindi ko naman sinasadya e pero sinadya ko talaga. Hindi nako kumibo kasi baka pag sapak niya sakin liwanag nalang makita ko at diretso langit na ako.

Pwede naman si Mikie yung ganituhin niya o utusan niya hindi ba? Tutal crush naman ng haliparot nato si Zack ayiiieut. Gagi ahhh huhu naiiyak na ko nagawa ko pang mag pakilig. Pero hindi ako iiyak sabi kasi ng papa maging matapang daw ako at kahit kailan hindi dapat ako umiyak.

Hinawakan niya ng mahigpit ang balikat ko. Ouch ouch ouch! "H-Hoy n-nangangalabit ka ba?" natataranta na ako ang sama ng tingin niya. Bigla naman akong napa lunok at waaah...nalunok ko yung bubble gum putrages. Kinapa ko yung leeg ko huhu labas ka naman dyan please.

Tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa balikat ko at sa kasamaang palad nahulog nako sa likod ng upuan ouch! Kinginamers naman ang sakit!

Pupulutin ko sana yung bubble gum ko para isubo uli pero pinitik ni Jack yung kamay ko tapos kumuha siya ng papel. Omgeee no way, itatapon niya ata? So yun dinakot niya tapos tinapon nga anak ng! Bubble gum ko!

"Marimar nasaktan ka ba?" nag tanong pa to si jack malamang masakit ngayon ka lang dumating hayop ka "Huh?! Anong nasaktan? Okay ka lang ba hindi ka ba nilalagnat haha sisiw! Pamatay lamok lang naman yung isa dyan!" nilakasan ko talaga pagkakasabi ko nun haha urat naman siya e. Ano tameme ka ngayon?!

Bumalik na si Jack sa upuan niya at naka tayo parin si Zack sa harap ko.

Nang tumalikod siya at humakbang palayo at palabas ng room kumuha ako ng papel at crinampled ko at binato ko sa kanya.

Tumingin siya saakin at bigla akong umiwas ng tingin "RAIN RAIN GO AWAY COME AGAIN ANOTHER DAY" kumanta ako nun kahit hindi naman umuulan ginagalaw ko pa yung ulo ko para ganap na ganap na kumakanta. Tumingin siya saakin ng masama kaya sumipol nalang ako whistle.

Tumalikod na siya at umalis. Ano?! Duwag! Pasalamat ka crush kita kung hindi nako baka ipabugbog pa kita sa kanto kasama si berna.

Kumuha uli ako ng bubble gum anak ng tokwa...tatlo nalang to huhu bahala na si batman.

Makatulog na nga uli para pag gising ko break time na sumasakit lang ulo ko kay Zack haha at sabay pala kami ni Jack mamaya mag lunch.