CHAPTER 2 THE TWINS

Chapter 2: THE TWINS

Nag bell na pala napa sarap ata tulog ko. Dinilat kona ang mga mata ko at nakatingin sakin ng masama si mikie anak ng...kagigising ko lang ah? Ano nanaman bang ginawa ko? Tinaasan ko siya ng kilay para sabihin Ano papalag ka?! Pero napatingin ako sa tinitingnan niya shocks...napasampal nalang ako sa noo ko sa kahihiyan. Sobrang dumi ng palda niya at dahil yun sa sapatos ko! Napatong ko pala yung paa ko kanina sa upuan niya.

"Mag pasalamat ka nalang dahil sa wala akong natapakang tae" hala ang hirap talaga mag sorry lalo na pag maganda ka.

Tumayo naman si mikie "How dare you!"

"Spell?" mabilis kong sabi at aba hindi nga marunong mag spell parang nag iisip pa ata siya. Edi medyo matalino pa ako sa kaniya? "How dare you...how dare you ka pa hindi ka naman marunong mag spell! Tska hindi bagay sayo mag english! English karabaw ka!"

"Ang kapal mo!" aba kaya mo naba buto mo?

"Whatever chuchunes!" inis siya e haha inilabas ko nalang ang pulbos at liptint ko para gamitin sa napakaganda kong mukha. Ang harot ko ba at may pa pulbos pa akong nalalaman?

Nagulat ako sa ginawa niya kasi bigla nalang niyang tinulak yung sariling upuan sakin awtsu...sakit sa tuhod bess mag kakapasa pa ata, tanong halata ba ang pasa sa akin? pout

Tumayo ako at dinura muna yung gum. Lumapit ako na naka cross arm tsaka ko sinipa pabalik sa kaniya yung upuan. Lumapit ako ng lumapit tsaka ko siya sinampal at sinipa uli para mahandusay siya sa sahig. Kinuha ko yung upuan niya tsaka ko binato.

At sa hindi inaasahan sa dami ng pagliliparan ng upuan sa bintana na babasagin pa putra five hundred huhu wala akong pang bayad.

Basag! Tegi ako neto five hundred!

Hindi ko namalayan na naka tulala pala ang mga kaklase ko pero natawa ako kasi tumulo laway ni hertia haha bilib ka no? Kay mikie lang ako ganito pero sa buong kaklase ko hindi sila naka tikim sakin miski masasakit na salita.

"Whooo! Galing mo talaga REVERIE!" haha nag sisigawan sila sa ginawa ko kasi si mikie yung nang bubully sa kaklase ko eh.

Gulat na gulat pa rin ang bruha haha hindi siya maka paniwala na wrong move pala siya.

Lumapit si jack sa akin "Hoy marimar tara na nga gutom na ko eh" andyan na pala siya hindi ko namalayan kasi naman para siyang kabute na bigla nalang lilitaw sa isang tabi. Hindi ko rin namalayan na lunch na at gutom na si marimar. Char, gutom na ako. "Approve!" masigla kong sabi tska nag okay sign.

Habang nag lalakad kami sa hallway nag salita nalang siya bigla "Gah! Ano na naman bang ginawa mo?" hindi niya ba nakita yun ha? Obvious naman na sinaktan ko si mikie ah hmm...napag hahalataan ka ah! 'crush niya kaya'? Omgee!

Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa iniisip ko."Bakit anong nangyare sayo?" wow bakulaw nag aalala ba siya haha "Ah wala muntik na kasing maka pasok yung langaw sa bibig ko pero buti nalang natakpan ko agad" bigla naman siyang tumawa na parang kalalabas lang ng mental. Ang abnoy niya. Nahawa nalang ako sa kabaliwan niya. Nakisabay tuloy akong tumawa pero tumahimik siya. Lagi siyang ganyan kapag natawa ako bigla nalang nag iiba ang mukha, yung para bang galit?

"Gah! Sabing ayusin mo yung tawa mo e paulit ulit ko nalang ba sasabihin sayo? Pramis ang sagwa pakinggan haha" nah! Abay ginaganyan mo nalang ako ah. Kiniliti ko siya ng kiniliti haha natutuwa ako pag kinikiliti ko siya dahil todo ang pag tawa na ginagawa niya "Haha tama na huhu bata pa po ako" tawa kasi siya ng tawa e kitang kita na yung ngala ngala niya.

Maya maya lang natapos na kami mag kilitian oh yes pwede pa lang lumabas ng school kapag break time wala kasing canteen dito e hahaha saya-saya. Kasi isa't kalahating oras ang break time mo dito.

"Saan tayo kakain?" tanong ko kasi baka hindi kasya yung pera ko dahil naiwan ko yung money ko sa kwarto kanina. Sana nga lang hindi dekwatin ni maricar yon.

"Ayun oh!" turo niya sa streat food huhu my favorite. Tumakbo na si jack at natakot ata yung nagtitinda sa kaniya dahil nga takas siya sa mental.

"Sige kain ka lang dyan ako na mag babayad" parang may nag bell sa tenga ko ah totoo ba to lilibre nanaman ako? Nakakahiya promise.

"Ayaw mo ba?" ayoko nahihiya ako e "Syempre" nagulat siya sa sinabi ko hindi pa nga ko tapos e "Syempre gusto ko!" kumuha nako ng baso para makakuha nako ng fish ball.

"Kala ko nahihiya ka eh" wala na akong hiya dati pa.

"Oo, nahihiya kaya ako pero konti lang" tumawa siya ng malakas.

"Nahiya ka pa sa lagay nayan ah halos mapakyaw mo na nga lahat ng tinda e" aw ganun ba ako ka patay gutom? Anak ng palaka naman oh pahiya one o one mukha akong buntis ng two months nito dahil sa katakawan.

"Ano nabusog ka ba?" hindi.

"Oo busog na busog" kulang na kulang huhu kulang naman talaga e gusto ko pa.

"Buti naman" sabihin ko na kaya na kulang pa yung kain ko. Ayoko mag karon ng kasalanan dahil lang sa kasinungalingan.

"Jack kulan--" hala si Relox Martini ba yun

"Hi marimar" wow bakulaw naman oh bat ngayon pa sumulpot tong baliw na'to! Kung kailan mag tatapat na yung tao e.

"Why?" wow umi-english na ako improving na.

"Sabay tayo uwi mamay--" bigla akong nag salita "Nah...ayoko may kasabay ako!" Mukhang nag taka siya ownos! Alam pala niya na walang may gustong sumabay sakin pauwi. Ayoko kasi siya kasama mamaya baka kung ano-ano nanaman sasabihin niya sakin. Kung si princess unica nalang ligawan niya tutal patay na patay naman ang beshy ko sa kaniya.

"Sino kasabay mo?" so yun "Si kambal bakit? " yes may kambal ako na ubod ng bait "Ayaw niya kaya sumabay sayo lagi" hala ano bayan isip-isip marimar kaya mo yan isip ka ng dahilan "Ah si...si ano si" sino ba? Ah...alam kona si jack "Si jack bakit?" nag taka rin bigla si jack. Kapit bahay ko naman sila ng kapatid niyang si zack ah!

"Alam mo naman na lagi kaming may practice sa piano and guitar hindi ba " pahiya ako. Hindi man lang niya ko pinagtanggol anong dahilan ko nito.

"Ah si zack pala kasabay ko" tama haha siya lang yung naisip kong dahilan. Siniko ko si jack. Umoo kana "Ay oo si kuya zack tapos na mag practice kaninang umaga"very good masunuring bata "Oh narinig mo? Layas! Chu!" haha kawawa naman, nakakairita kasi yun e biruin mo crush na crush niya ako bwiset na kagandahan 'to. Ang haba ng buhok mo marimar!

Nag lakad na kami papasok sa school at pagkakita namin sa wall clock...shocks late na kaming dalawa. Mukha kaming kabayo sa sobrang tulin ng pagtakbo namin na animo'y may humahabol.

Pag pasok namin, nag didiscuss na pala ang science prof namin at aba nasa upuan ko si zack haha maka punta na nga.

Pagka excuse namin dumiretso nako sa upuan ko.

"Hoy tabi!" naka cross arm pa ko nun "Then why?" aba syempre upuan ko yan "Ay wala naka upo ka lang naman sa upuan ko!" napa lakas nanaman ata ang pag kakasabi ko. Okay lang tumalsik naman sa mukha niya yung laway ko e.

"Ms. Reverie is any problem?" ano daw? Ang sarap sabihin na wala kang pake! "Ay wala po sir" nag smile nalang ako.

Umupo nalang ako sa upuan ni zack sabay nilingon ko siya "Ang pangit mo" kahit hindi. Ang pogi niya kaya kyah... "You too" ang sexy ng pag kakasabi niya sabay ngumiti siya. Omge...ngayon ko lang siya nakitang ngumiti haha char...lagi naman yan nangiti sa akin pero syempre pag inaaway niya ako. Bati na ba kami? Kanina lang mag kaaway kami ah. Ang pogi ni baby zack "Leche!" maldita ang peg.

Antok nanaman ako maka tulog nga muna tinanggal ko yung sapatos ko para hindi madumihan yung nasa tapat kong lalaki mamaya ma bugbog pa ko e bigla nalang dumilim yung paligid. Bakit ba pag matutulog ako nag didilim ang paligid?

-

Nag bell na pala at sa sobrang gulat ko nanginginig kong hinawakan ang dibdib para pakalmahin. Mga tatlo nalang tao dito at bakit hindi nila ako ginising? Napa hawak ako sa pisngi ko dahil parang ang wet ng pakiramdam ko at shocks...laway. Nyeta anis!

Binaba ko na yung paa ko at kinapa yung sapatos. Pero ilang minuto ko ng hindi makapa sa ibaba kaya naisip kong silipin. What the fudge! Where is the fucking shoes at bakit wala rito!

Isang oras ko na hindi nahahanap yung sapatos ko kaya nag decide nakong umuwi. Kung sino kamang kumuha ng sapatos ko humanda ka! Babangon ako at dudurugin kita!

Hays. Pag labas ko ng school kinuha ko yung phone ko para tawagan si maricar at mag papasundo ako dahil kung hindi mag lalakad talaga ako ng naka paa.

"Ahm...maricar nasa bahay kana ba? Ahm...pwede mo ba akong sunduin sa--" nah! Kinginamers naman hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko pinatayan ako ang wala. Ang bait talaga nun!

Matawagan nga uli... "Maricar na maganda pwede mo ba akong sunduin_" bigla siyang nag salita ["I'm busy "] toot toot... The nerve! Natawa ako sa tinawag ko sa kaniya Maricar na maganda kahit hindi naman.

Sasakay na nga lang ako. Dumiretso ako sa sakayan

"Kuya magkano po papuntang kanto? " sana pag palain si kuya kung hindi na siya manghihingi ng bayad "75 ineng" anak ng tokwa! Tubong lugaw to ah wala kaya akong kapera pera. Naiwan ko nga! Hindi niyo ba naiintindihan?

"Tubong lugaw ka ah" pa bulong kong sinabi "Ano yun ineng?" shocks wala, sabi ko panot ka "Ay wala ho" mukang nakumbinsi ko siya "Ano sasakay ka ba?" Putra...atat? Bumaba ka dyan ako mag da-drive! "Ay sige wag nalang ho pala may pupuntahan pa akong iba eh" kahit wala sakit na nang paa ko kyah.

Nag lakad na ako pa uwi sa bahay at ang sakit sa paa medyo malayo pa naman huhu parusa ba to?

Binilisan ko yung pag lalakad ko kasi may naka sunod na aso sakin shocks...lalapain ba ako nito? Sa sobrang pag mamadali ko may naapakan akong...h'wag naman sana.

BUBOG!

Ika-ika ako mag lakad ngayon huhu hindi naman masakit e nahihiya lang ako kasi nakapaa ako at puno ng dugo tapos ika-ika pa akong mag lakad baka akalain nilang zombie ako.

May lumapit sakin na lalaki at ang panget ng face niya

"Miss okay ka lang?" nah! "Ah opo manong okay lang ako" kahit hindi! Namamanyakan kasi ako sa lalaki na to e tsaka amoy alak siya "Buhatin na kita at dalin sa malapit na ospital--" bigla akong naalarma sa sinabi ni manong "Ah...h-hindi na po ayun lang naman po yung bahay ko oh" turo ko sa pangit na bahay kahit hindi naman samin yun e. Medyo malayo pa kaya. Titig na titig si manong parang babalatan ka ng buhay!

"Ah sige ingat ka hija " hija tapos sabay kindat nako po!putek ang ganda ko talaga.

Umalis na ako sa lugar na yon huhu katakot. Malapit na ako at madadaanan kona ang bahay ng kaibigan kong si jack. Isang bahay pa bago ang bahay namin. Kaya nga lagi kong kasama si jack sa bahay e kaibigan kasi ni mama ang lola ni jack at mag kasundo pa sila. Buti nga hindi mataray yung daddy at grandma ni jack kahit mayaman e kaso mayaman nga sila wala namang mommy si Jack, huhu patay na kasi dahil sa plain crashed.

Madadaanan ko na ang mala mansyon na bahay nila wow lagi akong naa-amaze dito.

Narinig ko ang pag bukas ng gate "Ay palaka" sa sobrang gulat ko napatalon pa ako huhu sugat ko!

Parehong nag dudugo ang dalawa kong paa anak ng!

Anong kahihiyan nanaman to pero wala talagang mas malala pa yung sa kinder pa ako e.

12 years ago... flashback

"Class you may go now" yipie uwian na pero naulan e paano yan. Ay may payong pala ako.

Kinuha ko yung payong tsaka binuksan.

Alam ko naman kung saan yung bahay namin kaso malayo e kaya naman nag simula na akong mag lakad.

Huhu sobrang lakas ng ulan at nakulog pa. Sa sobrang lakas ng ulan at kulog napa baliktad ang payong ko at biglang nahulog yung palda ko.

"Hahaha kawawa naman!" inaway pa ako ng kaklase ko. Nang maayos ko na ang payong ko nilagay ko na sa bag at hindi na ginamit yun kaya naulanan na ako. Inayos ko rin kasi yung palda ko na may perdible at sa hindi inaasahan na tusok pa ako pero hindi ako nasaktan hindi rin ako natakot sa dugo.

Nalungkot lang ako dahil ni hindi man lang ako inalala ng mama ko. Biglang tumulo ang luha ko kasabay ng pag patak ng ulan at dugong umaagos mula sa daliri ko.

Nasaktan ako kasi ni hindi ako sinundo ng mama ko ni hindi siya nag aalala sakin at pag dating ko sa bahay natutulog lang pala siya. Kung nandito si papa sa bahay sigurado magagalit yon kaso nasa america siya e.

Galit na galit ako non hindi ko siya ginising ni-lock ko yung pinto ng kwarto ko.

Ilang oras din nang kumatok si mama sa kwarto. "Marimar, anak tara na kakain na " hindi ako sumagot sobrang bigat ng pakiramdam ko at hindi ako maka hinga.

"Marimar ano ba?!" mukhang bubuksan niya na yung kwarto gamit ang susi.

Pagbukas ng pinto mukang nagulat si mama sa akin "Anak anong nangyari sayo bat namumutla ka at may dugo ka sa daliri?!"

Lumapit siya ng lumapit sabay haplos sa leeg ko "Anak sobrang init mo" nilagnat ako dahil sayo!

At sa sobrang pagod ko unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko kaya ipinikit ko na ito ng sandali at nagdilim na ang paligid.

-

"Gawin niyo po lahat ng makakaya niyo h'wag lang lumala ang sakit niya" mukhang alalang-alala siya "I'm sorry ma'am sa ngayon ay dapat lang muna siyang uminom ng gamot para unti-unting lumiliit ang butas sa puso ng iyong anak bawal pa siyang i-opera dahil mahina pa sobra ang katawan ng anak niyo" sabi ng naka puti.

Ha? Akala ko dahil sa lagnat kung bakit ako nandito at ano ang narinig ko may butas ako sa puso?!

End of flashback...

Hindi ko napansin na may lumabas pala sa gate ng zyck family at hindi ko rin napansin na si zack pala yun huhu masyado naba akong tulalegs?

Bakit parang natataranta siya? At nakatingin pa siya sa paa ko na puno ng dugo at teka mukhang may hinagis siya sa gilid.

"Ano yung hinagis mo ha?" nagulat siya sa tinanong ko.

"A-anong n-nangyari sayo negra?!" hala negra daw oh.

"May napaka bait lang naman tayo na kaklase na nag tago ng sapatos ko!" akala mo naman tutulungan niya ako. May pa tanong pa siya.

"Bakit hindi ka pa umuwi?" at bakit atat siya? Sinilip ko yung hinaharangan niya na hinagis niya sa gilid.

"Gah! What are you looking at? You've forgotten my territory!" ang damot ang putspa...tska h'wag niya akong ma english dyan "Edi h'wag! Hmm...lamunin mo yang teritoryo mo...chaka!" maka alis na nga!

Nag lalakad ako ng paika ika buti nalang wala ng masyadong tao.

Nilingon ko si zack kung nasa gate pa siya at nandun pa nga, nakangiti pa ang wala. Pero imbis na ngitian ko rin siya pabalik...inirapan ko nalang.

Nasa labas pa lang ako ng bahay narinig ko na ang pag tahol ni maricar "Oh ma nahanap mo na ba yung bagong biling damit ko?!" hays ingay nanaman, kahit hindi ko nakikita si maricar alam kong galit siya dahil sa tono pa lang ng salita niya. Kaya pala busy siya, hinahanap niya pala yung damit niya.

"Hindi ko mahanap anak" sasabi nyo!? Hays sobrang sama ng pakiramdam ko kailangan ko ng mag pahinga.

Umakyat nako sa taas pero na bigla ako ng makita ko ang kwarto namin ni maricar at waaah... Ang gulo sobra.

Narinig kong papaakyat si maricar ang magaling kong kambal at aba nag dadabog pa, for sure siya may gawa nito! "Hoy marimar, kinuha mo ba yung bagong bili kong damit? Ilabas mo na kasi mahal pa yun sa buhay mo at gagamitin ko yon sa party bukas!" sinisisi ba niya ako? Pero napukaw yung atensyon ko sa buong laway na tumalsik sa mukha ko.

Galit na galit siya ba at wala pang galang sakin di man lang nag ate mas matanda kaya ako ng one minute sa kaniya huhu.

"Hindi ko kinuha!" pumunta na ako sa kama ko at nag taklob ng kumot. Mas mabuting matulog kesa makipag tagisan sa abno kong kambal baka ika matay ko pa e o ika baliw!

"Tska tanggalin mo nga yang collection mo na hello kitty ang pangit e tska ang tanda mo na para sa ganyang bagay!" whatever chuchu! Hay ewan maka tulog na nga ang talkative mo masyado.

Masasanay nalang ako na lagi mong tinatakwil sa tahanan natin si hello Kitty.

Tska pag nineteen na ako dun ko lang tatanggalin yun haha syempre eighteen palang ako kaya pwede pa akong mangolekta kasi baby pa lang kaya ako.

I'm filipino writer :)