Heidi/Miki's pov...
Kakaiba ang pakiramdam ko napakalambot ng hinihigaan ko at napaka komportable. Nasaan ba ako? Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ang bubong ng kama. Mayaman siguro ang may ari...
Wait...
Mayaman?
Teka diba nasa hospital ako eh anong ginagawa ko dito.
Bigla akong napaupo at inikot ng tingin ang paligid at sigurado akong hindi ko kilala ang kwartong ito.
maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang katulong.
"Lady Miki here's your uniform and I'll put your breakfast here." Sabi niya at inilapag ang pagkain sa harap ko. Ito yung sinasabi nilang breakfast in bed ang sosyal ng may ari ah.
Nasaan ba talaga ako?
Hindi ko na lamang muna inisip at nagpalit.
"You're finally awake Miki do you feel fine" tanong ng lalaki na kakapasok lang at parang nakita ko na siya kung saan.
"Hello Tokugawa Miki I'm Shinichi Yuru" I... isa siyang Yuru ibig sabihin, pero parang nakita ko na talaga siya dati eh.
Oo nga tama sa Hospital siya yung dumalaw noon.
"Ba... bakit mo ko dinala dito?" Napangisi siya sa tanong ko kaya medyo umatras ako.
"Haha you're really like Miku, you're both cautious but I didn't bring you here to harm you, I brought you here because someone is planning to kill you"
Napakarami niyang sinabi at kilala niya ba si ate at sino ang gustong pumatay sakin?
"Sooner or later this place will also become dangerous" nagtaka ako sa sinabi niya.
"Anong ibig mong Sabihin?" Tanong ko na ikinangiti niya lang.
"I think he already know where you are and he already knew that I betrayed them" Naalala ko na, ang may pakana ng lahat ng ito sigurado akong hindi niya ako bubuhayin pero kaya ko bang pagkatiwalaan ang lalaking ito? Isa siyang yuru.
*tok tok "
Napatingin kaming dalawa sa pintuan.
"Speak" maotoridad niyang utos sa kung sino man ang nasa labas.
"That person already made his move and they're already here." Hindi maaari.
"Earlier than I expected, tayo na Miki kailangan na nating umalis" Sabi niya at bigla akong hinila.
Pagkabukas ng pintuan ay nakita ko ang nagsqlita kanina at nagbow siya sa kasama ko at ibinigay qng katana at mga baril binigay niya sa akin ang isa kaya nagulat ako.
"Sandali hindi ako gumagamit nito" Sabi ko at binalik sa kanya ang baril na ikinangisi niya.
"How come, you're Main Master's daughter though" Nakangiti niyang sabi at kinuha ang baril at may ibinigay sa aking bag.
"Kailangang may dala kang sandata if not you're gonna die and I won't be able to have the strength to face Miku if her sister died" Sa tingin ko alam ko na kung ano siya ni ate.
...
Pagkalabas namin ay napakaraming kalaban ang naghihintay pero hinaharangan kami ng mga alagad ni Yuru at sila ang lumalaban.
Inilabas ni Yuru ang baril niya at nagsimulang bumaril napuno ng inda ng sakit ang bakuran at napatakip na lamang ako ng mukha dahil sa ginawa niya.
Maya maya ay tumigil siya at nang tanggalin ko na ang kamay ko sa mukha ko ay napasigaw ako, napakaraming dugo.
Siguro kung nandito si Ranzel masayang masaya yun pero hindi ko talaga kaya ang mga nangyayari.
"Sa tingin ko may isang bagay na magka ibang magkaiba kayo ng kapatid mo" Napatingin ako kay Yuru at mababakas ang tuwa sa mga mata niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"You're too innocent young lady you're sister is different, she's a demon's incarnation." Ganon ba talaga ang ate ko.
"And that is what I love her" Sa pagkakataong ito ay hindi na ako nagulat pero nakakatuwa yung itsura ni Yuru ng mapagtanto niya kung ano yung sinabi niya.
"Fo... forget what I've said" Sa pagkakataong ito ako naman ang nakangiti.
*Bang bang*
Napatulala ako sa nangyari, muntikan na kaming matamaan pero naitulak kaagad ako ni Yuru bago pa tumama yung bala sa akin.
"There's new enemies young master and I think we can't handle them" Napatingin sa akin si Yuru at nakikita ang pag aalala sa akin.
"Dalhin mo si Miki sa mas ligtas na lugar Dave, I'll defend this place" Hindi maaari sigurado akong hindi magiging maganda ang mangyayari baka mamatay si Yuru.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit hindi ka sasama napakarami nila" Hindi niya kailangang magbuwis ng buhay.
"Listen, I just don't want to regret again" Natahimik ako sa sinabi niya at dumiretso na siya sa labas ng mansiyon.
Shinichi's Pov...
Tama, ayokong may pagsisihan ulit ako, gaya ng pagpili ko sa walang kwenta kong pangalan.
Pagkalabas ko ng mansiyon ay sumunod ang mga alagad ko.
"Master Yuru are you sure about this" Nag aalalang tanong sa akin ni Dave, pero siguradong sigurado na ako.
"Hindi ko alam na ikaw pala ang kalaban Yuru haha sinabi ko na sayong wag mo kong kakalabanin hindi ba" Napuno ako ng galit dahil sa boses na narinig ko. Ang nag iisang taong dahilan kung bakit wala sa tabi ko ang babaeng mahal ko.
"Kahit kailan hindi na ako makikinig sa lahat ng sasabihin mo kahit patayin mo pa ako" Sa ngayon wala akong ibang gustong gawin kundi patayin ang taong nasa harap ko ngayon.
"Hahahaha kaya gustong gusto kitang mapatay eh, ngayon wala na ang mga pakaelamerang leader at mapapatay na talaga kita Yuru haha" Nababaliw na talaga ang isang ito.
"Pagkatapos mong mamatay ay isusunod ko na ang mangkukulam na nagpabago sa dating ikaw haha" Dahil sa sinabi niya ay napuno na naman ako ng galit.
"Wag na wag mong sasaktan si Miku dahil mapapatay kita."
Pagkatapos ko iyong sabihin ay sumugod kaagad ako sa kanya itinapat ko sa kanya ang aking katana pero mabalis siyang nakaalis sa pwesto niya at maya maya ay nasa likod ko na siya kaya agad agad akong tumalikod pero may sumalubong sa aking suntok sa mukha kaya hindi kaagad ako nakapaghanda.
Alam kong hindi ko siya matatalo sa lagay kong ito ngayon pero wala na akong pakealam kailangan ko ng oras para makaalis si Miki.
"Anong problema Yuru napakabagal mo na hahaha, wala ka na talagang kwenta bakit ba ang taas ng tingin sa iyo ng ibang clan"
Tch wala akong pakealam sa mga walang kwentang clan na iyon.
"Sinakripisyo mo ang kaliwa mong kamay para sa babaeng iyon pero anong napala mo naging mahina ka alam naman nating kaliwete ka pero sinagad mo ang lakas mo para mailigtas ang babaeng iyon"
Wala akong pakealam sa sinasabi ng lalaking ito. Bwisit wala pa rin akong makita.
"Ngayon mamatay ka naman dahil sa kapatid niya haha" Nang medyo malinaw na ang aking nakikita ay huli na, nakahanda na siyang iwasiwas ang katana niya kaya napapikit na lamang ako.
Kung ito na ang wakas wala akong pakealam ang mahalaga ay hindi ako nagsisisi pero...
Pero gusto kitang makita.
Yui...
*swish*
Napadilat ako sa nangyari.
Hindi tumama sa akin ang katana at mayroong tao na nasa harap ko ngayon.
"Tch witch"
Yu... Miku...
A suivre...