Ai's Pov...
Kanina pa napaka awkward dito sa loob ng van grabe mahahalata sa mukha ni Kuro na galit na galit siya pati na rin yung assassin niya na pinsan niya.
Balita ko nag traidor ang isa sa kanila pero mukhang buo pa naman sila. Ayoko na nang ganitong feeling kaya lumapit ako doon sa dalawang assassin ni kuro na parehong nakatingin sa salamin.
"Psst" Medyo napangiti ako dahil nagulat jo silang dalawa.
"Ba... bakit Ai Sensei" Tanong nilang dalawa sa akin na parang hindi makapaniwala.
"Anong nangyari kay Kuro tsaka dun sa kasama niyong isa" Nagkatinginan silang dalawa at biglang nalungkot.
"Ka... kasalanan ko po Ai Sensei" Mukhang kilala ko na kung sini sa kanila ang sinabing nagtraidor pero narinig ko na rin naman ang kwento niya eh kaya ngumiti lang ako at hinawakan ang kanay niya.
"Wala kang kasalanan masyado lang marahas ang mundong kinabibilangan natin sigurado akong isa ka lang sa mga biktima nito" Hindi ko alam pero kailangan kong sabihin sa kanya ito.
"Sa... salamat po Ai Sensei"
"Hehe tawagin mo na lang akong Ate Ai mas maganda pakinggan diba" Mukhang di siya makapaniwala sa sinabi ko kaya nginitian ko na lang silang dalawa.
Mukhang papalapit na kami sa destinasyon namin.
"Kuro handa ka na ba? " Seryosong tanong ko kay Kuro. Alam kong kanina pa siya handang lumaban pero hindi ko alam kung handa na siyang malaman kung ano ang kalagayan ng babaeng mahal niya.
"Handa na ako Shiro haharapin ko kung ano man ang mangyayari" Napangiti ako sa sinabi niya at napansin kong nagtatagalog na siya kaso slang haha.
Nang huminto na ang van ay dahan dahan kaming lumabas at nang makita ko ang lugar kung saan kami bumaba ay parang nahilo na naman ako pero hindi ko na lang pinansin at dumiretso papunta sa subdivision.
Kakaiba ang subdivision na ito dahil puro mansyon ang nakatayo yaman.
Kakaiba ang pakiramdam ko sa lugar na 'to parang nakapunta na ako dito dati pero hindi ko alam kung kailan bwisit siguro kasama ito sa mga nawala kong ala-ala.
Maya maya ay hindi ko alam ay naglalakad na pala ako kung saan.
"Shiro where are you going? " Natauhan ako dahil sa tawag na iyon ni Kuro.
"Ah eh wala hehe" Kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa gawing yon pero hindi kami dapat basta basta sumugod dahil buhay ni Young Lady Miki ang nakasalalay dito.
"The Yuru Clan doesn't mean any harm anymore, that's what Great Master told me so we just need to make sure not to alarm them and enter peacefully" Seryosong sabi ni Adam pero natigil kami sa pag uusap ng may marining kaming mga tunog.
*Bang Bang*
Naalarma kami sa tunog ng mga baril kaya nagsi tinginan kaming lahat at alam na namin kung anong gagawin dahil hindi maaaring mapahawak si Young Lady Miki.
Ako ang unang nakarating sa pinangyayarihan ng putukan at may nakita akong dalawang lalaki na angat na angat ang laban kumpara sa iba, lalo kong napansin ang isang lalaki dahil kakaiba ang pakiramdam ko sa kaniya.
Hindi ko maintindihan pero ng muntikan na siyang mahiwa ng katana ay nagmadali akong harangan ang kalaban niya.
"Tch Witch"
Ewan ko lang ah pero naiirita ako lalaking ito, sino ba ito?
"para sa kaalaman mo hindi ako mangkukulam, at sino ka ba? "
Makikitaang pagkagulat sa mata ng kalaban ko pero naguguluhan naman ako.
"Miku umalis ka na"
Narinig ko ang pangalan matagal ng gumugulo sa isipan ko nitong mga nakaraang buwan kaya lumingon ako sa lalaking nasa likod ko.
"Sinong Miku? " tanong ko sa kanya dahilan para magbago ang ekspresyon niya.
"???" Anong nangyari dito tinatanong ko lang eh.
Nagulat ako ng bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at ang dahilan ay muntikan na pala akong matamaan nung atake nung kalaban tch, sorry nadistract lang ako ang gwapo eh.
At ngayon ay nasa kakaiba akong posisyon.
"Walanghiya ka talaga, sinabi ko nang wag mong sasaktan si Miku! " Galit na sigaw ng lalaking nakayakap sa akin... Teka Miku? Ako ba iyon?
"Haha I don't care about that witch's life kaya walang kwenta ang pagbabanta mo Yuru" Mapang asar na sabat ng kalaban at biglang nagpalitan na naman silang dalawa ng atake at ginawa iyon nung lalaking pinagtanggol ko kanina habang karga karga ako.
Wow ang lakas niya ah, pero...
"Cassandra, Ranzel!" Sigaw ko sa dalawang kuro assassin na kinausap ko kanina na mag masid sa akin.
Nang lumabas sila ay pareho silang humarang sa harap naming dalawa ng lalaking buhat ako para protektahan.
Nakita ko ang gulat sa mukha ng kalaban dahil sa pag labas ng dalawa.
"What's the meaning of this Rin Kanari" Oh so kay Cassandra pala siya nagulat.
"Miku? " Napatigil ako sa pagtingin sa kanila dahil sa boses ng lalaking nakayakap sa akin at napakunot noo ako sa pangalang sinabi niya.
Yan na namang pangalan na iyan, kanina ko pa iyan naririnig sa kanya. Lumayo ako ng konti at kinausap.
"Excuse me Ai Tsukishima po ang pangalan ko hindi Miku" Sabi ko para malinawan siya pero ngumiti lang siya at mas niyakap pa ako ng mahigpit dahilan para magkadikit lalo yung mga mukha namin.
Wait! Anong klaseng sitwasyon ito? Paano ako napunta sa sitwasyong ito! Myghod I'm gonna die in this handsome guy's embrace.
"You're still the same Miku, I Love You"
...
Tama ba yung narinig ko, talaga bang nag confess ng lag ibig sa akin ang isang 'to.
Teka diba nasa labanan kami, nang mapagtanto kong nakakahiya ang ginagawa namin ay tumingin ko sa labanan at wala nang tao pero maraming nagkalat na duguang katawan sa sahig.
Kilala ko kung sino may gawa nito...
Si Kuro...
"Na... Naiintindihan mo ba pinagsasabi mo? " Hindi ko mapakaling tanong grabe masyadong mabilis ang pangyayari, hindi ko akalaing may magtatapat sa akin.
Napakabilis ng pangyayari.
Ngumiti siya nang napaka lambing at inilapit ang mukha niya sa akin
WAIT!!
What's happening?!
Bago ko pa namalayan ay may malambot na bagay ng nakadampi sa labi ko at nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong hinalikan niya ako.
Nang humiwalay siya ay nakangiti pa rin siya sa akin na katulad kanina.
"I... Ikaw, bakit mo? " Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
A suivre...