Chances
Kanina pa ako palakad-lakad sa labas ng mansiyon. Di ko magawang pumasok sa takot. Eh kasi naman hindi ko nabili ang mga inutos ni Jirell at ng kaibigan niyang si Roxanne.
"Hoy Chances, kanina ka pa ba diyan?"sita ni Roxanne na sobrang nagpakaba sa'kin.
"Ah. Ano-kaka-ah. Kakarating ko lang."sagot kong kumakamot pa sa ulo.
"Ji! Yong katulong niyo, kanina pa nakabalik!"sigaw niya at mula sa kararating na kotse, lumabas ang anak ng amo kong ubod ng kamalditahan.
"Ba't mo kilala si Zacc?"usisa niyang nagpalaki ng mata ko.
Akala ko kasi sisitahin niya ako kung nasan na ang mga pinabibili niya.
"Sinong Zacc?"
"Umuwi ka na sa inyo at huwag ka ng bumalik dito. I will kill you if I see you again. I'm serious, Chances."pananakot niya.
"Jirell. Hindi ko talaga kilala ang Zacc na sinasabi mo!"
Nagkatinginan silang magkaibigan.
"Didn't you hear me? I just said get lost! Hampaslupa na bingi pa. Ugh!"asik niya saka pumasok sa loob ng mansion.
Napilitan naman akong lumabas at maglakad na pauwi. Di nalang ako sasakay. Kakailanganin kong magdoble ng ipon para sa maintenance ni lola. Mukhang matatanggal na ako sa pagiging working scholar nina Mrs. Larson. Sinong Zacc ba kasi ang tinutukoy ng malditang Jirell na 'yon? Paano nalang ang pag-aaral ko nito? Doble pa naman kailangan ko ngayong pasukan dahil huling taon ko na sa Architecture.
"Ang aga mo yata ngayon, apo?"salubong ni lola sa'kin.
"Siyempre. Namiss ko kasi kayo agad. At... ipagluluto ko kayo ng paborito niyo."nakangiting tugon ko.
"Eh apo. Mukhang di mo kailangang magluto."sabi niya't lumingon sa mesa naming puno ng pagkain.
May litson pa. Oo. Buong litson! Paano namin uubusin ni lola 'yon? Kami lang ang nakatira rito sa bahay. Wait. Bakit pag-ubos ang iniisip mo Chances? Baka may lason 'yan?
"Lola, kanino ba galing 'yan?"
"May binatang pumunta rito kanina. May mga kasama siyang nagdala nitong pagkain. Ang sabi e boypren mo daw."
"Lola, alam mo namang nasa ibang bansa si Isaac. Wala akong ibang boypren! Ugh. Mabuti pa, ibigay natin to sa mga kapitbahay."
Akmang ililigpit ko na ang mga pagkain ngunit natigilan ako nang makita ang matatabang alimango at hipon na mukhang sobrang sarap ng pagkakaluto. May mechado pang sobrang bango.
"Kumain ka na la? Ginutom ako eh."pag-amin ko kasabay ng pagreklamo ng tiyan ko.
Sinong boyfriend kaya ang tinutukoy ni lola? Hindi kaya umuwi na si Isaac? Pero makikilala rin siya dapat ni lola. O baka naman, iyon talaga ang inutos ni Sac na isagot ni lola kapag nagtanong ako. Kahit pasado alas-Diyes na ng gabi, lumabas parin ako ng bahay at naglakad papunta sa internet shop ni Aling Lora. Pagkapasok ko palang, pinagtinginan na ako ng mga nagco-computer sa loob na para bang may nakakatuwa sa pagmumukha ko.
"Oy, Dela Rosa. Sikat ka na!"anang Alvin na nagdo-dota.
"Pinagsasabi mo diyan? Talo ka ano kaya nangti-trip ka?"sagot ko rito.
"Hindi mo pa nakita, ate?"tanong naman ni Warren, anak ni Aling Lora na nagbabantay ng shop. "Oo nga pala. Wala ka nga po palang smart phone. May nagviral kasing video ate. Eh. Kitang-kita naman na ikaw 'yon eh."paliwanag niyang nagpakunot ng ulo ko.
"Video? Ano'ng nasa video? Di naman scandal diba?"parang timang na nautal ko sa sobrang kaba.
"Ate, palabiro ka talaga. Hahaha. Kaya lang... paano kapag nakarating kay Kuya Sac ang video na 'yon?"tanong niyang nagpakaba lalo sa'kin.
"Warren, ano ba'ng nasa video?"usisa ko.
"Proposal ate—"
"Anak ng!"sambulat ko sabay tampal ng noo. "Hala. Naku! Hindi ko pa naman alam kung saan makikita ang lalaking 'yon!"
"Ha? Seryoso ka ate?"
"Seryoso saan?"
"Na di mo kilala 'yong fiance mo?"
"Hindi ko fiance 'yon, Warren—"
"Pero iba ang alam ngayon ng lahat. At saka... talaga bang di mo kilala 'yong lalaki?"
"Ang kulit mong bata ka. Hindi nga kasi."
"Kung sa bagay, Warren, 'yang ate Chances mo, napag-iiwanan ng panahon. Daig pa ang probinsiyana. Parang di millenial."singit ni Alvin.
"Hindi ko lang kilala 'yong tao, napag-iiwanan na agad ng panahon? Tsaka hoy, moderna narin ang mga probinsiyana. Tsk. Mabuti pa atupagin mo 'yang pagdodota mo at ng matahimik ka."
"Sungit."reklamo niya bago isinuot ang headset.
"Zacchary Harrison. Isang sikat na model 'yon ate. Di mo kilala?"tanong ulit ni Warren.
"No. Hindi ko kilala. Sa'ng model?"
"May billboard pa nga 'yon sa may Flyover pagkalabas na pagkalabas mo rito sa'tin."
"Ewan. Di ko kilala. Patingin nga pala ako ng video."
Tama nga. Video nga no'ng nangyari kanina sa mall. Gago talaga ang lalaking 'yon. Sinet-up niya lahat to! Ano'ng trip no'n sa buhay?
"Nakakakilig nga kayo ate. Para kang si Cinderella."
"Hoy. Anong kilig pinagsasabi mo? Warren, ang bata mo pa! Saka dapat kay kuya Sac ka loyal—wait! Si Sac! Dito ako sa PC number—"
"Number 2 ate, bakante 'yon. Sige na. Mag-fb ka na. Ililibre kita."
Bumagsak ang mundo ko pagkabukas ko ng facebook at skype ko. Hindi ako tiyak kung naka-block ba ako o nagdeactivate lang siya. Pero whatever is the answer, ibig sabihin no'n ay problema. Nagka-chat pa kami kahapon eh. Malamang may kinalaman 'to sa video.
"Isaac naman! Di mo man lang ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag."anas ko habang naglandas naman sa pisngi ko ang magkapares na luha.
Nagmamadaling ni-log out ko ang account ko't tumakbo palabas ng internet shop. Narinig ko pa si Warren na tinatawag ako pero di ko na nakuhang lumingon. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Anong pangalan ng asungot na gagong 'yon? Papatayin ko siya kapag magpakita pa siya sa'kin! Tahimik akong pumanhik ng bahay upang di magising si lola na mahimbing na natutulog.
"Matulog ka na, Chan. Makakausap mo rin si Sac. Magkakaayos kayo."kumbinsi ko sa sarili ko bago nagtalukbong ng kumot at umiyak.
Napakaingay ng mga kapitbahay namin. Iyon ang dahilan kung bakit ako nagising. Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong ko si lola sa maliit naming sala. May dala-dala siyang basket na puno ng prutas. Hindi ako nagtanong at sinundan ko lang siya ng tingin. Tumambad sa paningin ko ang mesa na puno na naman ng pagkain. Napakuyom ako ng palad at lumabas ng bahay.
"Oy kuya. Ayan na si Ate Chan."anang Meroy sa lalaking kaharap niya na nakatalikod sa'kin. Nakababatang kapatid si Meroy ni Warren. "Good morning ate."bati pa niya.
Good pa nga sana ang morning ko! Kung hindi lang humarap sa'kin ang gagong gustong-gusto kong sakalin! Nakadark-glasses pa siya ala Daniel Padilla. Tama lang din 'yan dahil uuwi siyang may black eye! Pero takte, mukha nga siyang si Daniel padilla! Nakatee-shirt lang siya ng puti pero ang gwapo na niyang tingnan.
"Good morning, babe!"nakangiting bungad niya na nagpakuyom ng mga palad ko.
Walang ano-ano'y hinila ko siya palabas ng bakuran. Huminto lang ako nang nasa may maliit na eskinita na kami na kasalukuyan ay walang katao-tao.
"Stupid, what's with the dragging?"tanong pa niya.
"Tumigil ka sa kaka-english mo! Ano ba'ng kailangan mo? Hindi kita kilalang hayop ka at hindi kita kailangang makilala! Wala ka bang magawa sa buhay kaya nanggugulo ka ng buhay ng iba?"bulyaw kong nginitian lang niya. "Ano? May nakakatuwa ba sa sinabi ko?"
Sa sobrang inis ko sa pagmumukha niyang di maalis-alis ang ngiti, pinaghahampas ko siya ng paulit-ulit. Natatamaan siya sa balikat at dibdib pero hindi niya ako pinipigilan. Tumigil nga lang ako nang mapagod ako't maramdamang nanakit ang mga kamay ko sa kakahampas. Bato ba 'tong gago na 'to?
"Are you done?"nakuha pa niyang mang-inis na nagpa-arko ng kilay ko. Sasagot na sana ako pero binara ng hintuturo niya ang labi ko. "Don't worry, stupid. I'm really going to marry you."
"Ang kapal ng mukha mo! Bakit? Sa tingin mo gusto kong makasal sa'yo? Ang kapal ng mukha mo! Walang magkakagustong makasama ka! Ang gago-gago mo!"naiiyak na sigaw ko.
"Everyone is dying to be in your place. Every girl dreams waking up with this perfect face every morning, stupid."pagyayabang niya.
"Umalis ka na."pagpipigil ng galit na taboy ko. "Please, umalis ka nalang bago pa ako maging kriminal."
"No. I'm here for a breakfast with my fiancee."
"Kapag hindi ka aalis, lalasunin kita!"pagbabanta ko.
"A poison of love? I can have a million drops of that, babe."pang-iinis niya.
"Mamatay ka na!"asik ko't nagmamadaling naglakad pabalik ng bahay.
Nakailang hakbang na ako nang marealize kong hindi nga niya ako titigilan. Nakabuntot parin 'yong gago. At nang huling balingan ko, nginitian lang ako na para bang wala siyang kasalanan! Na para bang wala siyang buhay na sinira!
"Why are you so furious, stupid? Is it because of your... asawa at anak?"pang-aasar niya.
"Oo. Alam mo kung ano resulta nitong kagaguhan mo? Oo, tama ka! Magkakahiwalay kami ng future husband ko at hindi na kami magkakaanak!"
Tumawa lang siya ng malakas habang napahikbi ako ng hindi sinasadya. Naaalala ko si Isaac bigla at bumibigat na naman 'yong dibdib ko.
"Hey. Are you really serious about it? Look, Chan-chan, I am your future-husband and I can give you as many children as you want."
Napapunas ako ng luha sa sobrang inis sa grabeng kagagohan niya. Napasigaw nalang ako sa sobrang asar sa kanya. Bakit hindi siya nadadala sa pagsusungit ko! Tao ba 'tong kaharap ko?
"Mamatay ka na please."
"Death is my friend, babe."
"Gago! Lahat ng kaibigan, traydor!!!"
Pagkasabi ko no'n, tumawa na naman siya na para bang katapusan na ng mundo. I don't really mean it though. Gusto ko lang talaga siyang barahin.
"You're stupid but I'm starting to like you. You're funny."aniya pang lalong nagpausok ng ilong ko.
"Pwede ba umalis ka na?"sumamo ko nang malapit na kami sa bahay.
"Chances, I need to talk to you."
"I don't want to talk to you. English 'yon, siguro naman naintindihan mo na!"
"Hey, I'm serious."
"At sa tingin mo? Hindi ako seryoso? Hoy kumag, ayaw kitang makausap o makita... o maamoy... mamatay ka na!"
Tatakbo na sana ako pero nahuli na niya ang kamay ko. Maliban do'n, nahuli rin ng pilyong labi niya ang labi ko. Tumigil ng saglit ang mundo. At nang muling umikot 'yon, isa lang ang sigurado ako.
Tuluyan ng gumuho ang mundo ko.