CHAPTER 2

Chances

Sinampal ko siya sa magkabilang pisngi matapos niya akong bastusin! Sunod-sunod naman ang luhang pumatak sa mga mata ko pero pinili kong magtapang-tapangan.

"Gago ka! Gago! Ba't mo ba ginagawa sa'kin 'to!? Ikaw na ang nagsabi, napakaraming babaeng nagkakandarapang mapasa'yo! Ba't hindi nalang sila ang gaguhin mo? Ano ba? Sinisira mo ang buhay ko e! Ang tahimik-tahimik ng buhay ko tapos darating ka nalang at—"hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hilahin niya ako't yakapin.

"I just wanted to talk to you. Please, let's talk."mahinahong sumamo niya.

Okay, pagbibigyan ko ang pakiusap niya. At sisiguraduhin kong pagkatapos naming mag-usap ay titigilan na niya ako. Aayusin ko ulit ang buhay ko, ang buhay namin ni Sac. Pumayag akong sumama sa kanya matapos ang agahan dahil ayokong mag-usap kami sa bahay. Nakasilip sa'min ang mga tsismosang kapit-bahay namin kanina habang kumakain kami. Tama lang na mag-usap kami sa malayo at tahimik.

Huminto kami sa isang pribadong resort. Naglalakad kami ng ilang minuto sa dalampasigan na parehong tahimik. Nainip ako't dahil ayoko siyang makasama, ako na ang unang nagsalita.

"Ano ba'ng pag-uusapan natin?"

Umurong siya't humarap sa'kin. Nakangiti na naman siya na para bang iyon ang default emotion sa mukha niya. Akala niya siguro ang gwapo niya kapag nakangiti. Tsk. Gago pa kamo! Nakakaasar ang pagmumukha niya.

"Chan, I need to marry you."

Ewan pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong huwag humagalpak ng tawa. Nakakatawa naman talaga ang sinabi niya. Gago nga talaga siya. Hay nako. Ba't pa ba kasi ako sumama sa kanya rito? Grabeng trip meron 'tong gago.

"Chances, I'm serious!"naiinis na saway niya sa'kin.

"Sorry. Feeling ko nabingi ako eh. Ano nga 'yong sinabi mo?"pang-aasar ko.

"You need to marry me."he rephrased. Ay magaling din talagang mang-inis 'tong kumag.

"No. Mamatay na muna ako. Kung nasa tamang pag-iisip ako, gago, ba't naman kita papakasalan?"tanong ko pa.

"You have all the good reasons to marry 'The Zacc Harrison'."mayabang na tugon niya. "You'll be the luckiest wife. And you said you aren't stupid, did you?"

"Yes."

"Good. Only a stupid woman would not want to marry me."nakangising pahayag niya.

"Gago, teka nga. Gusto ko ng umuwi. Okay? So maging seryoso ka! Ba't mo ba ginagawa 'to?"

"Damn. You're really stupid. I have just told you! We need to get married!"

Napanganga nalang ako sa sinabi niya at napakamot. Hindi ko talaga mahagilap ang dahilan eh kung bakit siya gagawa ng ganitong trip sa buhay.

"Hindi ako buntis. Hindi kita kilala. Hindi natin kailangang magpakasal."

"Wait. Is that a suggestion?"pilyong tanong niya na nagtulak sa'kin para hampasin siya. "Okay. I'll make you pregnant so you'll marry me."

"Ugh! Kadiri ka! Manyak! Bastos!"asik ko habang pinagsusuntok ko siya. Tawa naman ng tawa ang gago.

"Seriously now, Chances. I'm—damn."mura niya saka nagkamot ng ulo. "I'm really not good at words. I don't know how to explain it. But I want you to marry me. I'll give you and your grandma a luxurious life—everything you want."

"Ayoko ng marangyang buhay. Simple lang ang pangarap naming buhay ni lola. Kaya please, itigil mo na 'to. Isa pa, ba't ba atat na atat kang maikasal? Sa tantiya ko hindi ka pa naman trenta."

"My family wanted me to live abroad, work in their company and marry someone from the business circle. I wanted to stay here and it could only happen if you marry me."seryosong paliwanag niya.

Napabuntong hininga ako.

"Alam mo, gusto kitang tulungan kahit gago ka. Pero... hindi sa ganitong paraan. Kung gusto mo, tulungan kitang maghanap ng babaeng ipapalit sa'kin."

"It's too late now. My parents are probably on their way back here to find out about you."

Yong video. Oo nga pala. Pero hindi. Hindi ako magpapakasal sa kahit kanino maliban kay Isaac. Nangako na kami sa isa't isa at hindi ko babaliin 'yon.

"I'm sorry. Hindi ko makagagawa ang gusto mo."

"Give yourself a few days to think about it. Listen, Chan. Everything will be faked—our relationship, our marriage. And after I get everything I need in three years, I will give you back your life. You can marry then the man who you really love."

Nangako ang gago na huwag akong guluhin sa mga sumunod na araw. Ginawa niya naman. Binigyan niya ako ng isang linggo para pag-isipan ang proposal niya kahit hindi ko naman kailangan ng oras para pag-isipan pa 'yon. Kahit anong mangyari, hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko kilala kahit pa peke 'yon. Ayoko. Ayoko nga kasi ng buhay na mala-pelikula. Gusto ko lang ng simple at tahimik na buhay, buhay na pinangarap ko kasama si Isaac.

"Enrolment na beshy. Pasukan na sa susunod na Lunes."wika ni Lendon o mas gustong tinatawag sa pangalang Lenlen, ang kaibigan kong bakla. "Balita ko kasi pinaalis ka na ng bruhilda sa mansiyon. Paano na ang pag-aaral mo?"

"Scholar naman ako sa university eh. Siguro maghahanap nalang ako ng part-time job para matustusan 'yong araw-araw na gastusin, lalo na ''yong pang-maintenance ni lola. Ang totoo niyan Len, sumasakit ang ulo ko sa kakaisip tungkol dito."pagtatapat ko. "Tatlong araw na akong naghahanap ng matatrabahuan eh walang tumatanggap sa'kin."

"Hindi rin kasi ako boto na magpart-time job ka pa, sis. Alalahanin mong matanda na si lola at kailangan mo siyang mabantayan. Hindi naman pwedeng iasa mo nalang si lola lagi kina Aling Lora."

Napakagat na lamang ako ng labi habang iniisip ang punto niya. Tama naman kasi. Hay naku, ano na'ng gagawin ko?

"Ba't di mo nalang pakasalan 'yong model slash secret boyfriend mo?"tanong niya saka tumili.

Wala akong sinabihan tungkol sa proposal sa'kin ng gagong Harrison na 'yon. Isa pa, one of these days, makakalimutan ko narin 'yon. Ibig kong sabihin, hindi na 'yon sasagi pa sa isip ko dahil bukas makakahanap ako ng ibang solusyon sa problema ko. Tiwala lang, Chan.

"Chan, pa'no na nga pala si Sac? Napaka-Maria Clara mo tapos two-timer ka pala."sabi niya't humalakhak. "Kung sa bagay, ang gwapo-gwapo naman kasi talaga ni Zacc. Hala! Ngayon ko lang napansin, Zacc at Sac. Ang galing mong pumili, besh. Hanapan mo rin ako ng boylet. Jack, gusto ko ang pangalang 'yan at feeling ko lapitin ka ng mga -ack eh."

"Len, pwede mo ba akong tulungan?"tanong ko sa halip na sakyan ang mga sinabi niya. "Baka pwede mong kontakin si Sac."

"Sure. Let's try right now."sagot niya saka naglabas ng phone. "Oy beshy. Di ko na siya mahanap sa friends' list ko. Chineck ko rin 'yong previous messages ko sa messenger with him pero... heto oh. Facebook User na ang nakalagay at hindi na ako pwedeng magsend ng message."

Nagdeactivate nga siya ng account. Isa nalang ang paraan para makausap ko siya. Tatawag ako sa landline niya sa States. Di bale ng gagastos ako sa payphone para makausap siya. Nagpaalam na ako kay Lenlen para matawagan si Sac. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang may sumagot sa kabilang linya.

"Sac—"

"Who's this?"anang babae sa kabilang linya. "Sac? Baby, I think this one's important. Come here and get the phone."

Naghintay pa ako ng ilang segundo pero hindi ko parin naririnig ang boses niya.

"Hey, sorry. Sac can't take your call right now."anito at saka nagbaba.

Baby? Hindi—hindi ako ipinagpalit ni Sac. Hindi niya gagawin 'yon. Pero narinig ko 'yon eh. Sobrang linaw nga. Panay ang tulo ng luha ko habang naglalakad ako pauwi na wala sa sarili. Napabalik lang ako sa katinuan ko nang marinig ko ang napakalas na busina ng kotse. Nakita ko ang sarili kong muntik ng masagasaan.

"Fuck! I almost had you killed! Miss, pwede bang mag-ingat ka naman? Naglalakad ka na nga lang, madidisgrasya ka pa."anang driver ng kotseng muntik ng makabangga sa'kin. "He—hey, umiiyak ka ba? Sa'n ba'ng punta mo? Ihahatid nalang kita."

"Sorry."sambit ko't saka tumakbo.

"Miss, sandali!"sigaw nito na hindi ko na binigyang pansin.

Tuluyan ng binagsakan ng kung anong mabigat na bagay ang mundo ko. Sinalubong ako ni Warren pagkadating ko ng isang masamang balita.

"Ate, si lola, isinugod nina nanay sa hospital. Bigla nalang kasing nahimatay."

Bakit ba nangyayari 'to ngayon? Iyak ako ng iyak habang lulan ng taxi. Umiiyak ako dahil una, natatakot akong may mangyaring masama kay lola. Pangalawa, sumakay ako ng taxi eh wala naman akong perang ibabayad. Ang tanga ko lang talaga. Sa sobrang taranta ko kanina, pumara nalang ako ng taxi at nakalimutan kong bente pesos nalang ang laman ng wallet ko.

"Kuya, sorry talaga. Wala ho talaga akong pera ngayon eh."paliwanag ko ng panlimang beses sa Mamang Driver na ayaw akong palabasin nang hindi nagbabayad. "Kuya... maawa naman po kayo sa'kin. Nasa loob ho ng hospital ang lola. Kailangan ko siyang makita. Babayaran ho kita kapag nakalabas na si lola."

"Hindi. Hindi ka makakalabas rito ng hindi nagbabayad."

"Kuya naman."Napatigil ako sa paghikbi nang tumunog ang cellphone ko. "Kuya, heto. Itong phone ko nalang ang pambayad ko."

Tinaasan niya ako ng kilay nang makita ang keypad-cellphone kong may electrical tape pa sa gilid. Nahulog kasi to minsan at ayaw ng kumapit ng maayos nong casing.

"Ineng, wala ng bibili niyang phone mo. 390 ang babayaran mo sa taxi at kahit pa nga ata ibigay ko 'yang phone mo ay walang tatanggap. Wag na tayong maglokohan rito, magbayad ka na—"

"Kuya, wala ho talaga akong pera. Teka, sandali lang ho baka may pangtext pa ako rito."

Manghihiram nalang ako ng pera kay Aling Lora. Baka nandito pa siya sa hospital. Chineck ko narin ang text message na natanggap ko ilang minuto lang ang lumipas. Galing 'yon kay Aling Lora.

Chan2, kailangan kong umuwi dahil hinahanap na ako ni Berting. Tinawagan ko nalang si Sac para magbantay kay lola mo. Pumunta ka narin rito, tiyak hahanapin ka ng lola mo pagkagising no'n.

Sac? Tinawagan niya si Sac? Sinubukan kong magreply pero wala akong load. Hay!

"Kuya, kung gusto mo po. Sumama ka nalang sa loob. Gagawin ko hong limanglibo ang bayad. Nasa loob kasi ang boyfriend ko. Hindi ko lang macontact."paliwanag ko.

Buti nalang pumayag siya. Balak ko nga sanang takasan kaya lang hindi talaga kaya ng konsensiya ko eh. Nahanap ko naman agad ang room ni lola. Nagulat pa ako nang malamang nasa private room siya. Pumasok agad ako pero walang tao ro'n.

"Ano 'to? Niloloko mo ba ako hija? Nasa'n na ang boyfriend mo?"nagagalit na tanong ni kuyang taxi driver.

"Eh—kuya. Akala ko kasi—"

"I'm here."biglang salita ng lalaki. Agad akong napalingon at nakita ko ang gago na kakalabas lang ng CR sa silid. "What do you need?"

"Ah—kuya."tawag ko kaagad ng atensiyon nito. "Sa labas nalang ho tayo mag-usap—"

"Hindi. Itong girlpren mo sir, sumakay ng taxi ko at walang pambayad. Ang sabi e ikaw raw ang magbabayad kaya sumama ako rito."

Napatakip na lamang ako ng mukha matapos sabihin 'yon ng driver. Kaasar. Bwiset! Nakakahiya! Tumalikod ako para hindi ko makita ang nakakaasar na ngiti sa pagmumukha ng gago. Sigurado akong nginingisian na ako nito.

"Here. You can leave."narinig kong sabi niya sa driver.

"Naku, sir. Wala ho akong panukli."

"Edi wala. Umalis ka na."pagsusungit niya rito.

Nang lumabas na ang driver, napagdesisyonan kong sumunod rito kaya tinungo ko narin ang pintuan. Napatalon pa ako nang maramdaman ang kamay niyang humawak sa braso ko.

"Anak ng tokwa—Ah, ano—'Yong pera. Babayaran ko 'yon. Pero hindi pa ngayon, wala akong pera."sambit ko't itinaboy ang kamay niyang nakahawak sa'kin. "Ba't ka nga pala nandito?"tanong kong nag-iwas ng tingin.

"Nanay Lora called me."pasimpleng sagot niya.

Sac? Siya ang tinutukoy ni Aling Lora? Zacc naman kasi 'tong gago at hindi Sac! Nay Lora naman! False alarm ka eh!

"Sorry. Ah—pero. Pwede ka ng umuwi. Ako na ang magbabantay kay lola."

"Okay."

"Sandali."tawag ko nang nasa may pintuan na siya. "Sa—salamat. Ah—Ingat ka pauwi."

Tumango lang siya't ngumiti. Nang makaalis na siya ay agad naman akong lumapit kay lola. Hawak ko ang kamay niya habang magsimula na naman akong umiyak.

"Sorry, la. Inuna ko pa si Isaac kaysa sa inyo. Ang sakit-sakit lola. May iba na siyang babae. Ang bilis niya akong napagpalit."sumbong ko rito. "Lola, gumising ka na oh. Kailangan kita ngayon. Kailangan kong marinig ang mga jokes mo."

Narinig ko ang pagpihit ng pinto kaya agad akong lumingon. Iniluwa no'n si Zacc na may dalang paperbag sa kanang kamay niya. Napapunas naman ako ng luha at saka siya muling hinarap.

"Zacc, akala ko ba uuwi ka na?"

"Stupid."ani niya't nagpatuloy sa paglalakad. "Why would I leave my fiancee in this type of situation?"

"Zacc. Hindi parin nagbabago ang desisyon ko. Hindi ko gagawin ang gusto mo, okay? Sorry."

"Fine."utal niya habang nilabas niya mula sa paperbag ang binili niyang pagkain. "Eat. Lola needs to see you healthy too."

"Hindi ako gutom."

"Kakain ka ba o susubuan kita?"nakangising tanong niya na nagpainis sa'kin.

Umayos na lamang ako ng upo at humarap sa maliit na mesa. Nasa tabi naman siya, nakatayo habang nag-iislice ng apple.

"Kumain ka na."

"Eh—ikaw? Hindi ka ba kakain?"tanong ko.

Ngumiti siya't saka umupo sa tabi ko.

"Sasaluhan kita kung iyan ang gusto mo, mahal ko."aniya sa tonong nang-aasar. Pinili ko nalang manahimik kahit na nangangati ang mga kamay kong suntukin siya.

"Oo nga pala. Ikaw ba'ng naglipat kay lola rito sa private room? Zacc, wala akong maibabayad rito. Okay lang naman na sa ward lang si lola—"

"That is never okay, Chances. Your grandmother is sick. She needs care and she won't have it there. Yes, ako ang naglipat sa kanya rito."

"Eh kasi Zacc—"

"Let's eat please?"putol niya sa'kin.

Wala akong nagawa kundi kumain nalang din. Kumakalam na din talaga kasi ang sikmura ko.