Chapter 1
Kanina pa ako naghihintay sa labas ng hospital. Solenn texted me to pick her up here. Hindi ko alam kung bakit dito ko siya hihintayin. Hospital ito. Isa ba siya sa pasyente dito?
Sampung minuto na,hindi parin siya lumalabas. Kaya pumasok na ako sa loob. Lumapit ako sa nurse station para magtanong. Nakita ko pa ang panlalaki ng mga mata nila. Yung ibang nurse,lihim na kinukuhanan ako ng litrato. Hindi na ako magtataka kung bakit sila ganyan, sobrang gwapo ko kasi. Hahaha
"Where's Solenn Mean Soliman's room?" Cool kong tanong. Kinagat pa niya ang labi bago sumagot sakin. Napalunok ako. Oh no! Not now please. Marupok ako!
"R-room 13,S-sir." Namula pa ang pisngi nito. Kinindatan ko siya bago lumalikod sa kanya. Bago pa ako makalayo,rinig na rinig ko ang tilian ng mga nurse. Ngumisi ulit ako.
Malapit na ako sa Room 13 ng marinig ko ang sigawan sa loob. Nilapit ko ang tenga sa pintuan para marinig ang pinag-uusapan.
"Miss Solenn,Kabilin-bilinan po ng Daddy niyo na bawal na kayong lumabas!"
"Come on,Lucianna! Last na ito. Pumayag ka na kasi." Rinig ko ang lambing ng boses ni Solenn. Gusto ko tuloy pumasok na para makita ang maganda niyang mukha.
"Yan din po ang huli niyong sinabi sakin nung isang araw,Miss Solenn. Papagalitan na po ako ni Sir kapag nalaman niyang pinayagan na naman kitang lumabas."
"Hays! Tell Dad that I'm here. Hindi naman siya bumibisita sakin. Hayaan mo na ako Lucianna. Kaya ko ang sarili ko!"
"P-pero Mis------"
Biglang bumukas ang pinto, Sumubsob ang mukha ko sa sahig. Aray! Sakit ng mukha ko.
"Oh my gosh! Dencio what are you doing here? Sabi ko sa labas ka lang diba!" Sapo-sapo ko pa ang aking mukha habang nakatingin sa kanya. Magkakabukol pa yata ako sa noo. Ayan! Nagagawa sa mga chismosong kagaya ko. Tss.
"You are 10 minutes late,Solenn. What did you expect? I'm tired of waiting. Hindi ako sanay na maghintay!" Sakit talaga ng mukha ko. Nanigas ako nung hawakan niya ang mukha ko. Napaiwas ako ng tingin. Hinampos ang pisngi ko.
"Namula tuloy ang mukha mo! Bakit kasi nasa tapat ng pintuan ang mukha mo? Nakikinig ka sa pinag-uusapan namin,noh?" Mas iniwas ko ang tingin sa kanya. Tama kasi ang paratang niya sakin. Nakikinig nga ako sa pinag-uusapan nila. Bakit kasi siya nandito? May sakit ba siya?
"Lucianna,hingi ka ng cold compress sa nurse. Kailangan mawala ang pamumula ng mukha ng lalaking to." Tarantang umalis si Lucianna. Yaya niya ba yon?
Ginaya niya ako sa hospital bed. Pinaupo niya ako doon. Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto niya. Malaki ang kwarto niya. Private room yata ito. May mini kitchen sa tabi ng bintana. Mayroon ding couch malapit sa hospital bed niya. May tv din. Para ka narin nasa bahay kung titingnan mo ang mga gamit dito. Dito ba talaga siya nakatira?
"Bakit ka nandito?" Curious kong tanong. Nahinto siya sa kanyang ginagawa. Nakita ko pa ang paglunok niya bago bumaling sakin ng nakangiti.
"Kailangan mo na akong ipakilala sa pamilya mo,Dencio. Lagyan lang natin ng cold compress ang pisngi mo bago tayo umalis." Binabago niya ang usapan. Bakit ayaw niyang sagutin ang tanong ko? Ano ba talagang sakit niya?
Dumating si Lucianna na may dalang cold compress. Kinuha agad iyon ni Solenn para ilapat sa pisngi ko. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Ang haba ng pilikmata. Matangos ang ilong. Pero maputla ang labi. Maputla din balat niya. Siguro nga may sakit siya. Ayaw niya lang sabihin sakin. Tumikhim siya. Napatulala pala ako sa mukha niyang maganda.
"Tara na!" Asik niya sabay hila ng kamay ko papalabas ng room niya. Pipigilan pa sana siya ni Lucianna kaya ako na ang gumawa ng paraan para payagan siya.
"I'll take her here,Lucianna. May pupuntahan lang kami. Trust me." I said and wink at her. Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Napangiwi ako. Mali yata ang ginawa kong pagkindat sa kanya. Sinuntok ako sa tagiliran ni Solenn. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Mga galawan mo! Pati matanda,nagagawa mong akitin!" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Iniinsulto ba niya ako? Akala ba niya papatol ako sa matandang katulad ni Lucianna? Over my hunk body! Tss.
"Nang-aasar ka ba? Hindi nalang kaya kita ipakilala kay Dad?" Biglang umamo ang mukha niya. Pinikit-pikit pa niya ang kanyang mga mata. Nagpapacute ba siya? Sabi nang marupok ako!
"Joke lang! Tara sa kotse mo!" Poprotesta pa sana ako kaso bigla na siyang tumakbo. Kaya tumakbo na din ako para mahabol siya. Takte! Ngayon ko lang ginawa ang tumakbo para lang maabutan ang isang babae. Napahawak ako sa batok ng wala sa oras. This is not me. Delmor,what's wrong with you,huh?
Muntik pa kaming pagalitan ng guard dahil sa ginawa naming pagtakbong dalawa. Tumatawa siya ng humarap sa akin. Napaatras akong bigla. Bakit nagslow motion ang galaw niya? Takte! May diperensya na kaya ang mata ko?
"Oh? Bakit natigilan ka? Umeepekto na ba ang karisma ko sayo?" Pang-aasar pa niya. Tumikhim ako. Tumayo ng derecho. Tska tiningnan siya ng derecho sa mata. Siya naman ngayon ang napaatras. Ngumisi ako.
"Oh? Bakit napaatras ka? Umeepekto na ba ang karisma ko sayo?" Panggagaya ko pa. Inirapan niya ako. Humagalpak ako ng tawa. Lumapit sa kanya para akbayan siya. Naramdaman ko ang pagkagulat sa kanyang sistema. Pero nakabawi din agad.
"Nasaan ba ang sasakyan mo dito?" Tanong niya. Sabay palinga-linga para makita ang sasakyan ko. Ngumisi ulit ako. Inaya siyang maglakad sa katabing kotse. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng kotse ng pigilan ko siya.
"Baka pagalitan ka ng may-ari niyan,Solenn. Hindi yan ang dala ko. Halika!" Hinawakan ko ang balikat niya para ipakita ang big bike. Nanlaki ang mga mata niya. Tumingin sakin na hindi makapaniwala.
"Ito ang sasakyan mo?!" Histerya niyang tanong. Sasagot na sana ako nung bigla siyang tumalon para akbayan ako. Kitang-kita ang maputi niyang ngipin habang nakangiti sakin.
"Astig! This is my first time to ride that! Thanks to you." Napalayo akong bigla sa kanya nung halikan niya bigla ang pisngi ko. Takte! Naramdaman ko ang pag-init ng mukha at leeg ko. Sabi ng marupok ako!
Binigay ko sa kanya ang helmet. Dalawa talaga ng dinala ko dahil kasama ko siya. Ito rin ang unang pagkakataon na sasakay ulit sa isang big bike. Huli kong sakay ay nung high school pa ako. Pinagbawalan ako ni Dad na sumakay dito dahil muntik na akong maaksidente.
Ako ang unang sumakay. Hinawakan ko ang kamay niya para makasakay ng maayos. Ang init ng palad niya. Ang lambot. Halatang walang ginagawa sa kanila.
"What are you doing?" Naiilang na tanong ko. Yumakap nalang siyang bigla sa akin. Tapos mahigpit pa. Ang kulit talaga niya. Sabi ng marupok ako!
"Hug you,of course! Ano bang akala mo?" Hindi ko na siya pinansin. Sinimulan ko ng maniubrahin ang motor. Mas lalong humigpit ang yakap niya nung pinaandar ko na. Siniksik niya ang katawan sa likod ko. Halos mamula ang mukha at leeg ko dahil sa ginagawa niya. Grabe siya! Walang alam. Manhid. Sabi ng marupok ako!
"Bilisan mo pa ang takbo,Dencio! Nakakaenjoy palang sumakay sa ganitong klaseng sasakyan!" Sigaw niya. Mabuti siya nag-eenjoy,samantalang ako - Hindi. Nararamdaman ko kasi ang dibdib niya sa likod ko. Grabe naman kasi siyang makayakap.
Nanumbalik ang lakas ko nung huminto na kami sa labas ng subdivision. Binigay ko lang id pass ko para makapasok sa loob. Ilang bahay lang ang pagitan sa bahay namin. Kaya ilang sandali lang,nasa tapat na kami ng gate ng bahay.
Inalalayan ko ulit siyang bumaba. Inayos pa niya ang puting dress na suot niya. Napapansin ko lang,kulay puti lagi ang suot-suot niyang damit. White ba ang paborito niyang kulay? Binigay niya sakin ang helmet. Nauna siyang pumindot sa doorbell. Nakangiti siyang lumingon sa akin. Napaatras na naman ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng kaba sa isang babae.
Ilang beses pa niyang pinindot ang doorbell bago may magbukas nito. Si Manang Miring. Kumunot ang noo niya. Tumigin sakin na may pagtatanong sa mga mata. Labag man sa loob ko,inakbayan ko si Solenn para ipakilala.
"Manang Miring si Solenn po,Girlfriend ko." Naramdaman ko ang pagkagulat ni Solenn. Hinigpitan ko ang hawak sa balikat niya. Tumango-tango naman si Manang.
"Pasok na kayo,hijo. Kanina ka pa hinihintay ng Daddy mo." Tumango ako. Ginaya sa loob si Solenn. Huminto siya. Mabuti nalang nauna nang pumasok si Manang. Baka mahalata niyang nagpapanggap lang kami.
"Gusto ko na yatang magback-out,Dencio. Kinakabahan kasi ako. Ganito pala ang feeling ng Meet-The-Parents? Nakakaba pala talaga." Honest na sabi niya. Inalis ko ang pagkakaakbay sa kanya. Inabot ko ang kamay niya para mahawakan siya. Tumingala siya sakin dahil sa ginawa. Nginitian ko siya.
"Ikaw ang kauna-unahang ipapakilala ko kay Dad. Sa lahat ng naka-fling ko,ni isa sa kanila,wala akong pinakilala. Maswerte ka Miss Soliman. Kaya huwag kang kabahan. Nandito lang ako." Hindi nakaiwas saking mga mata ang lihim niyang pagngiti. Ang maputla niyang pisngi,biglang namula. Kinikilig ba siya?
Pagpasok palang namin sa loob ng bahay,bumungad agad samin ang nakahalukipkip na si Dad. Nakataas ang kilay niya nung tumingin sa akin. Lumunok ako. Hinigpitan ang hawak sa kamay ni Solenn na nanginginig na dahil sa kaba.
"Sabi ni Manang Miring,may girlfriend ka na? Siya ba?" Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Natetense na siya dahil sa awra ni Dad. Tumikhim ako.
"Yes,dad. She is my girlfriend. Kaya pwede po bang huwag mo siyang takutin. Nanginginig na siya dahil sa kaba!" Sermon ko sa sarili kong ama. Humagalpak siya ng tawa. Tumingin sakin si Solenn. Nginitian ko siya.
"Oh! I am sorry,hija. Nakakatakot ba talaga ako? By the way,call me Tito Denver. What is your name?" Bumuntong hininga siya. Pinapakalma yat ang sarili. Ngumiti siya ng malapad. Inalis ang pagkakahawak sa akin para makipagkamay kay Dad.
"Solenn Mean Soliman po,Tito." Malumanay niyang pakilala. Tumango-tango si Dad.
"Nice to meet you,Hija. Mabuti naman at may pinakilala na siyang girlfriend sakin. Aakalain ko pa sanang bakla ang anak ko!" Nanlaki ang mga mata ko. Sinamaan ng tingin ang ama ko. Tinakpan ni Solenn ang bibig niya para hindi marinig ang pagtawa. Ako ngayon ang pinagkakaisahan nila. Tss.
Iniwan ko silang dalawa. Nauna na akong pumunta sa dining area. May nakahanda nang lunch para sa amin. Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. Bigla niya akong niyakap galing sa likod.
"Our first agreement is succeed. Thank you for introducing me to your dad." May pahid na pangingilig ang boses niya. Hinarap ko siya. Bigla niyang tinakpan ang mga mukha. Umiiyak ba siya?
Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Si dad lang talaga ang madaldal sa aming tatlo.
"Ano palang business niyo,hija?" Hininto niya ang pagsubo sa tanong ni dad. Kahit kelan talaga! Istorbo siya sa mga kumakain.
"Wala na po kaming negosyo,Tito. Naubos na po lahat dahil sa family problem." Nahinto ko din ang aking kinakain dahil sa sagot niya. Wala na silang negosyo? Nasaan na kaya ang mga magulang niya?
"Family problem? Hmm. What is it,hija? Maybe Delmor can help you." Umiling-iling siya. Uminom bigla ng tubig.
"No need,Tito. Dencio is enough. Hindi ko kailangan ng pera niya. His presence is enough too. I want him by my side." Pakiramdam ko,namula ang pisngi ko. Nahihiya tuloy akong tumingin sa kanya. Bakit sa pagkakasabi niya,parang mahal niya ako? Pinilig ko ang aking ulo. Delmor,Ano ba yang mga iniisip mo?
Nasa isa kaming park malapit sa hospital na tinutuluyan niya. Umuwi din kami pagkatapos naming kumain. Ayaw pa daw niyang umuwi kaya tumambay muna kami dito sa park. She's so quiet when we get back here. May bumabagabag ba sa kanya? Ano yon? Bakit ayaw niyang sabihin sakin?
"Hindi ko nakita ang Mommy mo sa bahay niyo,Nasaan siya?" Natauhan ako sa pag-iisip ng tanungin niya yan. Ngumiti ako ng mapait.
"My mother passed away when i was 7 years old. She had a heart disease. Hindi niya agad sinabi kay Daddy na may sakit pala siya sa puso. Nalaman lang namin nung patay na siya." Malungkot kong salaysay. Tinapik-tapik niya ang likod ko. Bumaling ako sa kanya. Kitang-kita ko ang pamumuo ng luha niya sa kanyang mga mata.
"Sorry for your loss,Dencio. Are you okay now?" Nahihimigan ko ang awa sa boses niya. Ngitian ko siya.
"Bata pa ako noon nung namatay siya. Siguro okay na ako ngayon. Pero ayokong makakita o makaranas ulit na may mang-iiwan sakin. Masakit sa dibdib. Mahirap makamove on." Bulalas ko. Naiwan sa likod ko ang mainit niyang palad. Pinalis niya ang luhang lumandas sa pisngi niya. Bigla siyang sumandal sa balikat ko.
"Bata palang ako,pinagkakait na sakin lahat. Lahat-lahat. Bawal akong maglaro sa labas. Bawal akong makipagkaibigan kung kani-kanino. Bawal akong pumasok sa eklusibong school. Bata palang ako,Inalis na nila ang aking kalayaan. Siguro ito talaga ang nakatadhana sakin. Tinanggap ko nalang." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Kaya ba nagpakadesperada na siya sa ginawa niyang agreement? Para maramdaman niya ngayon ang kalayaan?
"Home schooled ako. Hindi ko alam kung may natutunan ba ako sa pag-aaral lang sa bahay. Gusto kong magkaroon ng kaibigan. Makaramdam ng kilig sa isang lalaki. Makaramdam kung anong feeling ng may crush. Kaya nung makita kita sa parking lot ng Mall,napag-isipan ko agad na gumawa ng agreement. Yung mafufulfill ang mga pangarap na hindi ko matupad-tupad."
"Salamat sayo,Dencio. Thank you for fulfill my dreams." Yan ang huli niyang sinabi bago makatulog sa balikat ko. Napangiti ako.
This is our Agreement.....
1. Introduced me to your family. ✔️