~02~ Beginning

5 years later...

"HONEY are you ready for tomorrow?" Nakangiting tanong ni Fatima. Her adopted mother, George's wife.

Naggagabihan sila ng mga sandaling iyon.

"Yes mum, handang-handa na ako. I'm so excited." Masayang sagot niya. Pero sa loob-loob ay gusto niyang tumakbo sa kwarto at magkulong.

"That's great! College is all about having fun, right love?" Segunda naman ng daddy George niya.

"Of course. 'Wag puro aral ang atupagin mo Kara. Enjoy your life habang bata ka pa, dahil minsan ka lang magiging bata."

"I know mum." Nginitian niya ito at ipinagpatuloy ang pagkain.

Bukas ang unang araw niya bilang college student. Kung siya lang ang papipiliin ay mas gusto niya pang mag-self study na lang sa bahay. She had enough of mingling with other students na walang ginagawa kundi ang awayin siya. Hindi niya alam kung bakit pero sadyang lapitin talaga siya ng gulo. Naka-ilang lipat din siya ng school noong highschool dahil lagi siyang napapaaway. Wala rin siyang naging kaibigan. Mas okay pa nga siya sa ganoong set-up, mag-isa, magagawa niya ang kahit ano mang gusto niya na hindi iniisip ang damdamin ng ibang tao.

Sinulyapan niya ang mga magulang na masayang naguusap tungkol sa bagong business deal na naisara ni George kahapon.

Simula ng dumating siya sa buhay ng mga Goldman ay malaki ang ipinagbago ng buhay niya.

Hinding-hindi niya malilimutan ang unang araw na iniuwi siya ni George sa bahay nito at kung gaano kasaya si Fatima ng una silang magkita. Medyo naiyak pa nga ito ng mga sandaling iyon dahil hindi nito inakalang balang araw ay magkakaroon ito ng anak. Hindi man sa dugo ay nagdulot pa rin iyon ng kasiyahan dito.

Noong una ay medyo nahirapan talaga siyang mag-adjust. It wasn't as easy as she thought it would be. Lahat ay bago para sa kanya. Ang magkaroon ng bagong pamilya na hindi niya kadugo ay naging challenge para sa kanya. Isa pa, masyadong mabait ang mag-asawa sa kanya kaya she felt skeptical at the same time.

George was a billionaire. He owned several chains of hotels and banks around the world. Hindi niya alam kung paano nito iyon nagawa. All that she knew was that her adopted father was a powerful man. No one dared to question him, except her and Fatima of course.

Her mum, Fatima was a different story. Isa itong artist, a painter to be exact pero iniwan nito ang propesiyong iyon ng magpakasal ito kay George. Nang mabuntis ito ay sobrang tuwa ng mag-asawa. Pero agad din iyong napalitan ng lungkot dahil namatay ang bata limang minuto pagkatapos nitong maipanganak dahil sa infection sa baga.

Dahil doon ay na-stress ng sobra si Fatima na kamuntikan ng ikamatay nito pero hindi iyon hinyaan ni George na mangyari. Ginawa nito ang lahat para tulungan na makapag-move on ang asawa. Sinubukan nila muling magka-anak pero nadiskubre nila na may stage four cancer sa matres si Fatima. Kinailangan itong operahan para tangalin ang matres nito at dahil doon ay tuluyan na itong nawalan ng pag-asang magkaroon ng anak. Pero may ibang plano si George at iyon nga ay pag-ampon sa kanya.

Walang araw na lumipas na hindi nagpapasalamat sa kanya si Fatima sa pagdating niya sa buhay ng mga ito. Dahil doon ay nawala ang pag-aalinlangan niya sa kabaitan na ipinakita ng mga ito. Minsan kasi mahirap magtiwala sa mga estrangherong mababait dahil ang iba sa kanila minsan ay may hidden agenda. As her late father Wendell Steel always told her when he was still alive, 'Trust no stranger' at talagang tumatak iyon sa utak hanggang ngayon.

Sa nakalipas na limang taon, ginawa niya ang lahat para maging perpektong anak sa mga mag-asawang Goldman. Natutunan niya ring mahalin ang mga ito na parang tunay na mga magulang.

They also loved her like their own daughter. Hindi siya pinabayaan ng mga ito. Lagi silang may family bonding tuwing weekends kapag walang trabaho si George. Dahil doon ay unti-unti niya muling naramdam ang magkaroon ng pamilya. May bonus pa dahil meron na siyang mommy na matatawag, isang mapagmahal at super caring na ina.

Isa sa mga naging bonding nilang mag-ama ay ang target shooting. Tinuruan siya nitong humawak at gumamit ng baril. Nag-hire din ito ng judo master para turuan siya ng karate at self-defence.

Samantalang ang mommy naman niya ang naging bonding nila ay ang pagbutinting sa mga computer. Fatima was really strict kapag tinuturuan siya nito. Bawal magkamali kundi ay ipapaulit sa kanya ang lahat mula sa simula kaya naman natuto na siyang makinig ng mabuti dito. Minsan sa sobrang boring ng itinuturo nito ay nakatulog siya at bilang parusa, pina-recite sa kanya ang lahat ng mga computer parts at functions. Ilang beses siyang nagkamali kaya nasermonan tuloy siya ng todo.

"Mum, bakit ba kasi kailangan ko pang pag-aralan ang tungkol sa mga computer na 'to? I know how it works naman." Nakangusong tanong niya dito habang binabasa ang isang makapal na libro tungkol sa computers.

"You have to. Believe me, one day magagamit mo din ang lahat ng mga natutunan mo." Sagot ni Fatima habang hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop na nasa harapan nito.

Sinilip niya kung ano ang ginagawa nito. She was busy typing some codes.

Isa pang itinuro sa kanya ni Fatima ay ang tamang paggamit at paghawak ng self defence knife. It was quite fun actually. Mas nag-enjoy siya doon kaysa sa computer. Ilang beses siyang natamaan ni Fatima sa balikat dahil hindi siya agad nakakaiwas. Ang sakit niyon, mahapdi, pero hindi siya tumigil hanggang sa hindi siya nakaganti dito. Ang brutal bang pakinggan? 'Yon kasi ang laging ipinapaala sa kanya ng mga magulang na kapag nasaktan siya, kailangan niyang lumaban kahit na anong mangyari o kung sino man ito. Lalo na kapag ang buhay na niya ang nakataya.

Napalingon si Kara sa may pinto ng kwarto niya ng bumukas iyon. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi niya ng makita si George na nakadungaw sa may pintuan.

"Hey sweetheart." Bati nito.

"Dad, pasok ka." Iniwan niya ang ginagawa sa laptop at lumapit sa ama. Naupo sila sa may sofa.

"Will you be ok tomorrow?" Tanong nito saka humugot ng isang stick ng sigarilyo.

"Dad!" Saway niya.

"What?" Natatawang tanong nito saka sinindihan ang sigarilyo para asarin pa siya lalo.

"Ugh! Not here." Tumayo siya saka ito hinila palabas ng balcony. "Ayan, dito ka manigarilyo. Pano na lang kung pumasok si mum at maamoy niya 'yang sigarilyo sa-." Napahinto siya sa kung ano pa mang sasabihin dahil nagtaas ng isang kilay si George.

Napahugot siya ng malalim na hininga. Maging siya ay natuto na ring manigarilyo. That was the time when she was still on the process of accepting her new life. She learned that cigarette could help reduce stress kaya sinubukan niya iyon. Nagustuhan niya pero naninigarilyo lang siya kapag stress.

Isang gabi ay nahuli siya ni George na naninigarilyo dito sa balcony ng kwarto niya pero hindi siya sinita nito sa halip ay kinonsinte pa siya nito. Binilhan pa siya nito ng dalawang pack ng mamahahaling sigarilyo na pangbabae. Hindi iyon alam ni Fatima dahil against ito sa mga ganitong habits. It was their secret.

Tumingala siya sa madilim na kalangitang puno ng mga bituin. Isang maliwanag na bituin ang nakaagaw ng pansin niya.

Sabi nila ang mga bituin daw sa kalangitan ay ang espiritu ng mga taong yumao.

"Kapag nalulungkot ka. Tumingin ka lang sa langit at hanapin mo ang pinakamaliwanag na bituin. And think of me. I will always be up there watching over you." Nakangiting sabi ng daddy Wendell niya isang gabi habang nakatanaw sila sa kalangitan.

Hindi niya alam na iyon na pala ang huling gabi na magkakasama sila ng ganoon. Kung darati-rati kapag naaalala niya ito ay hindi niya mapigilang maiyak, ngayon ay hindi na dahil tinanggap na niya ng tuluyan ang pagkawala nito. Naroon pa rin ang mumunting kirot sa tuwing maaalala niya ito at ang naguumigting na kagustuhan niyang maipaghiganti ito sa taong pumatay dito.

Nilingon niya si George. Nakatingala din ito sa kalangitan. Malaki ang utang na loob niya dito dahil kundi dito ay malamang na nasa bahay ampunan pa rin siya hanggang ngayon or worse hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya kung sakaling hindi ito dumating.

"Isn't it a lovely night?" Basag ni George sa katahimikan. He slowly exhaled the stream of smoke out of his mouth.

"Indeed." Ibinalik niya ang tingin sa kalangitan.

"Savour this moment while it lasts. Tomorrow this beauty might be gone."

Lumipad ang tingin niya kay George. "Nagiging makata ka yata ngayon dad?" Natatawang komento niya.

He chuckled. Pinatay nito ang sigarilyo sa may ashtray na nasa ibabaw ng maliit na glass table. Namulsa ito at tumingin sa kanya. Biglang naging seryoso ang mukha nito.

"Don't forget everything I've told you. Be careful who you trust and avoid this family as much as you can. Understood?"

"I do. Pero bakit ba kasi sa parehong school niyo pa ako eni-enroll?" Humalukipkip siya.

"Sinong may kasalanan?" Nakataas ang isang kilay na tanong nito.

Bumuntong-hininga siya sabay amin. "Ako."

"Your mum and I inquired to other schools. Pero ang Hilton Spring University lang ang kaisa-isang school na tumanggap sayo."

Napakamot siya ng ulo. Marami siyang bad records noong highschool kaya nahirapan ang mga magulang niyang humanap ng college school na tatanggap sa kanya.

Kaya kailangan niyang magtiis ng apat na taon sa eskwelahan kung saan din naga-aral ang mga anak ng family rival ng kanyang ama sa negosyo.

"Sabi ko naman kasi dito na lang ako sa bahay. Mag-self study o mag-hire na lang ng private tutor." Pangangatwiran niya.

"No. You should go out and have fun. Live your life."

"Lumalabas naman ako e." Sumandal siya sa may railing.

Humalukipkip ang daddy niya at tinitigan siya. "To what? Buy books and lock yourself inside your room after?"

Hindi siya umimik. Totoo naman kasi ang sinabi nito. Mas gugustuhin pa niyang magkulong at magbasa na lang sa kwarto niya kaysa makihalubilo sa ibang tao.

Sa tuwing may gaganapin na party sa bahay nila ay kulang na lang hilalin siya ng mga magulang palabas ng kwarto niya. She hated the type of people her parents mingled with. Naiintindihan naman niya na karamihan sa mga iyon ay business associates ng daddy niya. But hell, their daughters were all spoiled, brainless, idiots na walang ginawa kundi magpalakihan ng mga alahas na suot at mag-brag kung ilan ang bahay at kotse meron ang mga ito. Gosh, wala siyang oras na makipag-usap sa mga taong ganoon. Palibhasa kasi ka-edad niya ang mga ito kaya wala siyang magawa kundi ang makihalubilo at makinig sa mga walang kwentang bagay na sinasabi ng mga ito.

Marahil ay napansin ng magulang na wala talaga siyang interest sa mga ganoong events kaya madalas ay hindi na siya isinasama ng mga ito. Minsan ay siya na lang ang nagkukusang sumama sa mga ito kapag nabo-bored siya sa bahay para magsisisi lang sa huli kung bakit siya sumama kapag nandoon na sa venue. Dahil ilang beses siyang nasabihan na 'Amazona' o 'Black Sheep' ng malaman ng mga ito na lagi siyang nasasabak sa gulo habang nag-aaral. Minsan nga ay nate-tempt na siyang patunayan sa mga anak mayaman na mga iyon kung ano ang kaya niyang gawin sa mga ito.

Kaya ng isang beses na umattend sila ng mga magulang sa isang party ay nagkainitan sila ng isang babaeng ka-edad niya. Pinatid siya nito sa hindi malamang kadahilanan at sumubsob siya sa may carpeted floor. Mabilis siyang tumayo at malakas na itinulak ito sa pader dahilan para manlaki ang mga mata nito sa takot. Mabuti na lamang at mabilis silang nalapitan ni George dahil kundi ay siguradong basag ang mala-hipong pagmumukha nito.

"I love reading books you know." She pouted saka nilaro-laro ng mga daliri ang laylayan ng loose t-shirt na suot niya.

"Alam ko at hindi kita pipigilan sa gusto mong gawin. Ang akin lang naman ay subukan mong makihalubilo sa mga tao. Make some friends." Sabi nito sabay kibit ng balikat.

"You're not serious? Ako makikipag-kaibigan?" Natawa siya. "Baka hindi pa ako nakakalapit don sa tao ay tumatakbo na siya palayo."

"Ngumiti ka kasi. 'Wag kang laging nakasimangot at nakakunot ang noo."

"Dad, stop pushing me okay? I will go to college. Study hard. Graduate and help you out sa business natin." May himig ng dismissal sa boses niya.

Humugot ito ng malalim na hininga. "Suit yourself sweetheart. Basta 'wag mong kakalimutan ang lahat ng bilin ko sayo." Paalala uli nito.

"Dad, hindi mo na kailangan pang ipaalala uli sa 'kin ang lahat okay? I clearly remember everything." Nag-inat siya. "About this family, I promise to stay away from them." Dagdag niya saka muling tumingala sa kalangitan.

"Good." Lumapit si George sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Goodnight, princess." He whispered bago pumasok ng kwarto niya at lumabas ng pinto.

Sumunod siya dito at binalikan ang ginagawa sa laptop bago dumating ang daddy niya.

Napamura siya ng mahina ng makitang na-blocked ang ip address na ginagamit niya para i-hack ang isang file storage ng isang pribadong kompanya.

"Damn Lamprouge Corporation." Inis na tiniklop niya ang laptop saka tinungo ang kama.

Matutulog na nga lang siya dahil maaga pa siya bukas.