~03~ Bully

"GOOD morning, miss." Nakangiting bati ni Alice ng makita siya nito saka siya pinagbuksan ng pinto ng kotse.

"Morning." Balik bati niya at mabilis na naupo sa may passenger seat.

Alice was her driver and bodyguard simula ng kinukopkop siya ni George at Fatima. Sabi niya ay hindi niya kailangan ng babysitter o bodyguard but her parents insisted kaya sa halip na makipagtalo dahil alam niyang hindi naman siya mananalo sa mga ito ay hindi na siya umangal pa.

Sinulyapan niya si Alice sa may rearview mirror. Alice was in her mid-thirties. Matagal na itong naninilbihan sa pamilya ng Goldman may mga twenty years na din sabi ng daddy niya.

Sa loob ng limang taon na nakilala niya ito ay hindi pa sila nag-usap tungkol sa personal nitong buhay. Kalimitan ay puro trabaho lang ang napag-uusapan nila. Ang sabi ng daddy niya ay may amesia si Alice kaya wala itong maalala sa nakalipas na labing pitong taon ng buhay nito. Meron ding mga oras na kapag nag-aaway sila ng mga magulang o may mga bagay na hindi sila napapagkasunduan ay laging nadoon si Alice para kausapin siya at bigyan ng mga words of wisdom nito.

Wala naman sigurong masama kung kamustahin niya ito kung may naaalala na ba ito kahit konti lang.

"Alice." Tawag niya.

Sabi nito ay iyon ang itawag niya dito. Ayaw nitong magpatawag sa kahit anong pangalan, 'Alice' was enough. Noong una, medyo naiilang siya kasi nakasanayan na niyang tawaging 'Ate' o 'Ante' ang mga babaeng mas matanda sa kanya as a sign of respect na din. Pero kalaunan ay nasanay na din siya dahil lagi siyang kinokorek ni Alice kapag tinatawag niya itong Ate Alice.

"Yes miss?" Tanong nito mula sa harapan saka saglit siyang sinulyapan sa may rearview mirror bago nito ibinalik ang tingin sa daan.

"This might sound personal, pero curious lang kasi ako kung may naaalala ka na ba kahit konti tungkol sa nakaraan mo." Nahihiyang sagot niya.

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Alice saka umiling. "I was involved in a car accident almost eightheen years ago at dahil doon ay nagka-amesia ako." She paused for a moment. "Wala akong naaalala na kahit ano. Kung may pamilya ba ko o wala. Ang sabi kasi sa 'kin ni Mr. Goldman noong panahon na nakita nila ako sa may labas ng Gold Bank ay naglayas daw ako dahil sinasaktan ako ng mga magulang ko. I also don't want to have any communication with them after that."

"I'm so sorry, Alice." Puno ng sinseredad na sabi niya. "It must be so hard." Dagdag niya.

She chuckled. "I would rather forget everything than remember all of it."

Nakuha niyon ang buong atensiyon niya. Bakit naman nito nasabi iyon? Magsasalita pa sana siya pero naunahan siya ni Alice.

"We're here miss." Umibis ito ng kotse para pagbuksan siya ng pinto.

Agad naman siyang bumaba.

"Call me if you need anything." Hindi na siya hinintay ni Alice na sumagot.

Pinagmasdan niya ang kotse nitong papalayo hanggang sa mawala iyon sa paningin niya.

Hanggang sa makapasok sa gate ng school ay hindi pa rin niya makalimutan ang sinabi ni Alice. Bakit mas gugustuhin pa nitong kalimutan na lang ang mga nakaraan kaysa maalala ang lahat? Hindi ba talaga naging maganda ang buhay nito habang lumalaki? It really frustrated her kapag may mga ganitong bagay na hindi niya masagot.

Nangangati tuloy siyang tawagan si Alice para pabalikin sa school at mag-demand ng mga kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa isipan niya. Pero wala siyang karapatan na manghimasok sa buhay nito di ba? Sino ba siya? Alice worked for her family for a long time. Alam niyang pamilya na rin ang turing ng mga magulang niya dito. Kahit naman siya. She didn't see Alice as an ordinary employee, she was more than that. Naputol siya sa pagiisip ng makarinig ng galit na boses ng isang lalaki.

"What the fuck is this?!"

Napalingon siya sa apat na lalaking nasa may school ground. Everyone stopped on their track including her.

"Di ba sabi ko sayo ayoko nito!" Galit na sabi no'ng lalaking matangkad na nakasuot ng all black na akala mo ay namatayan.

"Pasensiya na Tob. Iyan lang kasi ang nakayanan ng budget ko ngayon. Hayaan mo sa susunod mas masarap pa diyan ang bibilhin ko." Sagot no'ng lalaki na chubby na nanginginig ang buong katawan sa takot.

"You're so stupid!" Sabi no'ng tinawag na Tob saka nito ibinuhos 'yong orange juice na nasa tumbler sa may ulo ni chubby boy.

Dahil doon ay nag-init ang ulo niya. Bullies! She hated bullies! Without any second thought ay sinugod niya si Tob at malakas na sinampal sa pisngi. Sa lakas ng pagkakasampal niya ay kamuntikan na itong sumubsob sa school ground mabuti na lang at nasalo ito ng dalawa nitong chaperon. Lahat ng naroon ay nagulat dahil sa ginawa siya. No one dared to move or say something. Parang nag-freeze ang buong paligid.

She gritted her teeth habang pinapanood itong unti-unting lumingon sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nito. Bakat na bakat ang kamay niya sa maputi nitong pisngi.

"Okay ka lang ba Tob?" Nag-aalalang tanong ng isa nitong chaperon.

"Who the hell do you think you are?!" Halos namamaos ang boses ni Tob sa galit dahil sa ginawa niyang pagsampal dito.

She smirked and slowly walked towards him. Everyone started to whisper to each other but she couldn't understand what they were saying dahil ang buong atensiyon niya ay nasa apat na lalaking nasa harapan niya ng mga sandaling iyon.

Inilapit niya ang mukha dito. She coldy looked at him in the eyes. Napaatras ito ng konti.

"Scared?" She mocked, raising one of her eyebrows.

Sunod-sunod ang ginawa nitong paglunok. She was starting to enjoy this. She felt satisfied kapag nakikita niyang natatakot sa kanya ang isang tao. Lalong-lalo na kapag nakakaganti siya sa mga bully na kagaya ni Tob.

"Scared? Bakit sino ka ba?" Sabi ni Tob ng makabawi bago siya sinorpresa ng isang suntok na agad naman niyang naiwasan.

"Try harder brat." Nakangising sabi niya saka ito sinutok ng malakas sa panga.

Bumagsak ito at agad na nawalan ng malay. Mabilis itong dinaluhan ng dalawang kasama nito. Sinulyapan niya si chubby boy. He looked more scared now. Kinindatan niya ito pero agad itong kumaripas ng takbo palayo sa kanya.

"Eh? Ipinagtanggol ko lang naman siya di ba? Why did he run away?" Kausap niya sa sarili. Iiling iling na pinulot niya ang bagpack na walang habas niyang inihagis kanina sa may damuhan bago niya sinampal si Tob. "Tsk. What a loser."Bulong niya ng mapulot ang bag. Nilingon niya si Tob at ang dalawang kasama nito na kitang-kita ang takot sa mga mukha habang nakatingin sa kanya. Tumalikod na siya.

She was about to walk away from the scene para pumunta sa unang klase niya ng isang lalaki ang humarang sa daraanan niya.

"I cannot believe this, Ms. Goldman. Unang araw ng pasukan meron ka na kaagad napasukang gulo." Nakakunot ang noo ni Sir Matt, ang principal ng Hilton Spring University habang palakad-lakad sa may likuran ng desk nito.

She rolled her eyes while tapping her fingers on his desk.

"Stop that." Saway no'ng lalaking humarang sa kanya kanina at nagdala dito sa principal's office.

She ignored him and continued tapping on the table. It was more entertaining than listening to the principal's sermon about her behaviour.

Wala namang bago. Noong unang araw din nang pasukan ng highschool siya ay sa principal's office din ang naging bagsak niya. Isang babae ang sinuntok niya sa mukha at dumugo ang ilong nito. Masyado kasing matabil ang dila nito kaya hindi siya nakapagtimpi. Hindi na sana niya ito papatulan kaso sinagad nito ang pasensiya niya. Naulit pa iyon ng ilang beses. Lahat ng bumabangga sa kanya, kundi napupunta sa school clinic ay tumatakbo sa takot.

Katulad na lang ngayon, Tob was in need of medical attention dahil nawalan ito ng malay.

"Miss Goldman, stop it right now." Mahinahong saway ulit sa kanya no'ng lalaki.

She looked at him blanky and continued tapping the table even louder this time. Umangat ang gilid ng labi niya ng makita itong pumikit ng mariin para pigilan ang inis nito.

"Ms. Goldman nakikinig ka ba sa 'kin?" Untag sa kanya ni Sir Matt.

"Yes Sir." Tinaasan niya ng isang kilay ang lalaki saka tumingin sa principal na ngayon ay nakakatitig sa kanya.

"Go to your class now and please behave, understood? If you do not comply with our rules here and misbehave again, we'll have to do something about it."

Tumayo na siya. "Sir if you think I'm misbehaving, I'm not. Ginawa ko lang kung ano sa tingin ko ang tama. I hate bullies. Kaya hindi ko maipapangako na hindi na mauulit pa ang nangyari." Sabi niya sa kauna-unahang pagkakataon simula ng dumating siya sa opisina nito saka nagmamadaling lumabas bago pa man makapagsalita ang principal.

"What do you think you're thinking, Goldman?"

Sumunod pala sa kanya ang lalaki. Sino ba ito? Huminto siya sa paglalakad at saka ito hinarap. Humalukipkip siya.

"What do you want now?" Walang ganang tanong niya.

"You're so rude sa principal natin. Hindi ka man lang nag-sorry." Sabi nito.

"Bakit ako hihingi ng sorry? Siya ba 'yong sinuntok ko at nawalan ng malay?" Sarkastikong tanong niya.

"That is not my poi--."

"Lucas kanina ka pa namin hinahanap. Akala ko ba magmi-meeting tayo bago magsimula ang klase?" Singit ng isang babae. Napasinghap ito ng makita siya saka nagtago sa likuran ni Lucas.

Marahil ay kumalat na sa buong school ang nangyari kanina kaya natakot ang babae ng makita siya nito.

Good.

"Hindi pa tayo tapos." Sabi ni Lucas sa kanya bago naglakad palayo. Nagmamadali namang sumunod dito ang babae.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago nagtungo sa unang klase niya. Halos lahat ng madaanan niyang estudyante ay nakatingin sa kanya. She sensed most of them were afraid of her and it made her feel superior. This way, she knew no one would dare to mess with her.

"NEXT!"

Walang gana na tumayo si Kara at nagtungo sa harapan ng klase para magpakilala.

"I'm Kara. Warning, I'm not friendly so you better stay away from me kung ayaw niyong mapunta sa clinic ng wala sa oras." She said coldy saka bumalik sa upuan niya.

Napasinghap naman ang mga kaklase niya maging ang teacher nila.

Tumikhim ang teacher nila ng ilang beses ng makabawi. "Nice meeting you everyone. I'm Ms. Amber and I will be your English teacher for the whole semester." Nakangiting sabi nito.

Pinili niyang umupo sa may pinakalikod. Wala siyang katabi, which was good dahil may privacy siya.

"Great, so everyone is here...except for...Mr. Skyler Lamprouge." Sabi ni Ms. Amber habang iniisa-isa ang mga pangalan sa attendance sheet nito.

Isinandal niya ang likod sa may upuan. Paano niya iiwasan ang Lamprouge's kung kaklase niya ang isa sa mga ito? Lumipat na lang kaya siya ng school? Pero saan naman? Sa ibang bansa?

No way!

"OHHHH MY GOD! Is that for real ma'am?" Kinikilig na sabi no'ng babaeng nasa harapan na sobrang kapal ng make-up.

"Gulat ba kayo?" Mukhang pati ang teacher nila ay kinikilig din.

"Hindi naman masyado ma'am pero balita-balita kasi dati na dito siya mag-aaral dati. Totoo nga." Segunda naman ng isa pang babae na katabi nito.

"Gosh! Dalawa ng Lamprouge ang masisilayan natin araw-araw!" Sabi pa no'ng isa na parang hihimatayin sa kilig.

Maya-maya pa ay isang lalaki ang pumasok sa loob ng classroom at halos mabingi siya sa lakas ng tilian ng mga babaeng kaklase niya. Tiningnan niya ang bagong dating. No wonder na biglang nag-wild ang mga classmate niya dahil super hot nito. 'Yong tipong kahit tagatak na ang pawis nito sa noo ay ang bango pa rin nitong tingnan. Hindi naman siya fan ng mga gwapong lalaki. But this one was an exception.

She knew she should stop mentally praising this guy's physical appearance and she had to remind herself where the Lamprouge stands in her life - a family rival and nothing else.

Isa pa hindi ang tipo nito ang magugustuhan niya. Ang gusto niya sa isang lalaki ay simple lang at mabait. Ayaw niya sa masyadong magwapo kasi pakiramdam niya ay marami siyang kaagaw dito at malaki ang tiyansa na magloko ito. Hindi naman maiiwasan iyon. Lalo na sa panahon ngayon, marami na ang hindi tapat sa kasintahan.

"Good morning ma'am, classmates." Nakangiting bati ni Skyler. Lalo nanamang umugong ang hiyawan.

"Shhhh, quite class. Hayaan muna nating magpakilala si Skyler." Nakangiting tinanguan ni Ms. Amber si Skyler.

"No need na baby boy." Malapad ang ngiting sabi no'ng babae sa harapan. 'Yong makapal ang make-up.

Tumawa naman si Skyler. "Hi, I'm Skyler Lamprouge at your service. Please take care of me." Nakangiting pakilala naman nito.

What the hell was wrong with these people dahil kulang na lang ay himatayin ang mga ito sa sobrang kilig na nararamdaman. Gwapo lang naman si Skyler ah.

"Pwede ka ng maupo Skyler, kahit saan na bakante." Singit ni Ms. Amber sa tilian.

Lahat ng mga babae na madaanan ni Skyler ay nakangiti dito at ngumingiti naman ito pabalik.

She rolled her eyes.

"Hi, may I?" Tukoy ni Skyler sa bakanteng upuang nasa tabi niya.

Napa-angat siya ng tingin dito bago iginala ang tingin sa loob ng classroom. Everyone was looking at her, waiting for her to answer. Ibinalik niya ang tingin kay Skyler na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin.

"No." She coldly responded at itinuon ang tingin sa harapan ng classroom.

Sa gulat niya ay hindi ito natinag. Skyler sat beside her and that was the start of her nightmare dahil wala itong ginawa kundi ang kausapin siya buong klase.

NAGMAMADALING lumabas si Kara ng classroom para magtungo sa susunod niyang klase pero dumaan muna siya sandali ng banyo.

Pagkapasok niya sa may cubicle ay bumukas ang pinto at dalawang babae ang pumasok.

"Akala ko ba hindi na dito mag-aaral si Skyler?"

Hanggang dito ba naman ay ito pa rin ang topic ng mga ito.

"Akala ko nga rin e." Sabi naman no'ng isa.

"Ano ng gagawin natin ngayon? Hindi tayo pwedeng kumilos ng basta-basta. We have to be careful."

Napahinto siya sa pagpindot ng flush dahil sa sinabi ng isa sa mga ito.

"I know. We need to talk to him."

Maya-maya pa ay lumabas na ang mga ito. Lumabas na rin siya mula sa pinagtataguang cubicle. Nagmamadaling lumabas siya ng banyo para thabulin kung sino ang mga iyon pero madami ng estudyante ang nasa labas. Kaya tumuloy na lang siya sa susunod niyang klase.

Ilang beses niyang sinulyapan si Skyler na seryosong nakikinig sa Math teacher nila. What were those two women in the bathroom on about? Bakit kailangan nilang mag-ingat dahil dito nag-aaral si Skyler? Sabihin niya kaya dito ang mga narinig niya? Pero pakialam niya ba di ba?

"Alam ko kung ano ang iniisip mo." Nakangiting sabi ni Skyler.

Agad siyang nag-iwas ng tingin ng lumingon ito sa kanya. Darn. Hindi niya namalayan na nakatitig pala siya dito. Saka bakit ba ang hilig-hilig nitong ngumiti?

"Wala akong pakialam." Masungit niyang sagot.

Nangalumbaba si Skyler saka siya tinitigan. "Bakit ba ang sungit mo?" Tanong nito.

Humarap siya dito at dahil doon ay kamuntikan na niya itong mahalikan sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Dahil sa gulat ay naitulak niya ito ng malakas dahilan para bumagsak ito sa sahig.

"Ouch!" Daing nito habang hawak ang kaliwang braso. Namimilipit ito sa sakit.

"Kara! In principal's office now!" Galit na sabi ng Math teacher nila at agad na tumawag ng medical team.