~ 04 ~ His Eyes

NILARO-laro ni Kara ang straw ng fruitshake habang naghihintay sa mga magulang. Nasa cafeteria siya ng school ng mga sandaling iyon at nasa may principal office naman sila George at Fatima. Her parents asked her to stay outside habang nakikipag-usap ang mga ito kay Sir Matt. Noong una ay ayaw pumayag ng principal dahil kailangan daw siya doon. But her dad was so persistent kaya wala itong nagawa.

What she did today were major offenses kaya pinatawag na ni Sir Matt ang mga magulang niya dahil dalawang beses na iyong nangyari. Una, si Tob, nawalan ito ng malay ng dahil sa lakas ng suntok niya dito. As she always said, she hated bullies. Pangalawa, si Skyler, hindi naman niya iyon sinasadya. Nagulat kasi siya ng pagharap niya dito ay kamuntikan na niya itong mahalikan sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Kaya instinctively ay itinulak niya ito palayo. Pero masyadong malakas ang pagkakatulak niya dito kaya nawalan ito ng balanse at bumagsak sa sahig. Sinalo ng kaliwang braso nito ang impact at buong bigat nito kaya hindi na siya magtataka kung nabalian ito ng braso.

Tiningnan niya ang suot na relo, ala una na ng hapon. Halos may dalawang oras na sa principal office ang magulang niya. What took them so long? Hindi naman siya pumatay ng tao para abutin ang mga ito ng ganoon katagal.

"Hey."

Umangat ang tingin niya sa taong tumawag sa kanya. It was Skyler. Naka-cast na ang kaliwang braso nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya. Pinanood niya itong humila ng upuang nasa harapan niya saka pabagsak na naupo.

"Is that your way of saying sorry for this?" Itinaas nito ang kaliwang braso na naka-cast.

"Aksidente ang nangyari. Isa pa kasalan mo din naman."

Tumaas ang kilay nito. "Ako pa talaga ang may kasalan? Ako na nga itong nabalian ng buto." Iiling-iling na sabi nito.

"You deserve it." Sumipsip siya sa may fruitshake.

"Seriously? You're such a badass you know." Ngumisi ito. Isang masamang tingin naman ang ibinigay niya dito. "Anyway, I'm here to make sure na ok ka lang. Mukha namang di ka pa nababalatan ng buhay ni Sir Matt." Nakangiti na ito. 'Yong ngiting friendly. Warm, happy and wide.

What was wrong with this guy? Bakit ba lagi na lang itong nakangiti kahit na nabalian na ito ng braso?

"Why do you care? Dapat nasa bahay ka na niyo. Hindi pagala-gala dito sa campus."

Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. Sa katunayan niyan ay lalo pang lumapad iyon.

"Did I hear a hint of care in your voice?" Napalitan ng mapaglarong ngiti ang kaninang friendly smile nito.

Ipinatong niya ang magkabilang braso sa mesa saka ito tinitigan sa mga mata.

"Care? No. Baka nagha-hallucinate ka lang." Tumawa siya ng nakakaloko.

Tumawa din naman si Skyler.

"Kara." Napalingon siya ng marinig ang boses ni George. Agad siyang tumayo at lumapit sa mga ito.

"Bakit ang tagal niyo dad, mum?" Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa mga magulang.

"Honey, you have to behave next time otherwise the school will kick you out, okay?" Sabi ni George saka siya inakbayan.

Napabuntong-hininga siya ng malalim. "I'm sorry."

"It's okay honey, alam naman naming na wala kang masamang intention sa ginawa mo. But if you can control yourself next time, please do." Sabi naman ni Fatima at hinalakin siya sa noo.

"I promise." Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa mga ito.

"Shall we go home then?" Tanong ng daddy niya.

"Oh wait lang. 'Yong bag ko." Kumawala siya sa pagkaka-akbay ni George.

"Aalis ka na?" Tanong ni Skyler.

Nakalimutan niyang nadoon pa pala ito. Sandali niya itong sinulyapan. Wala na ang ngiti sa labi nito at parang nag-iba na rin ang awra nito.

"Yeah." Tipid niyang sagot saka mabilis na inilagay sa bag ang librong binabasa niya kanina na hindi rin niya natapos.

"Lamprouge."

Sabay silang napatingin ni Skyler sa daddy niya ng banggitin nito ang apelyido ng lalaki.

"Mr. Goldman." Halos pabulong na tawag ni Skyler kay George.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalaki. Tumayo si Skyler, towering her. Bigla siyang nakaramdam ng panliliit. Hindi dahil sa tangkad nito, kundi dahil sa awra na inilalabas ng katawan nito. It was quite scary and dangerous.

"It's been a long time. Kamusta na ang magulang mo?" Tanong ng daddy niya. His tone was different. It was stern and unfriendly.

Doon niya lang naalala ang sinabi ni George na dapat niyang iwasan ang mga Lamprouge. Napakagat labi siya.

"They're doing great." Walang kaemo-emosyong sagot ni Skyler.

She felt a wave of tension building up between the two of them.

"Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ng anak ko." Sabi ni George sabay akbay sa kanya.

She felt he was being overprotective towards her na para bang may gagawing masama sa kanya si Skyler.

"Hindi ko alam na si Kara pala ang anak mo." Skyler answered bitterly na nagpasingkit sa mata ni George pero saglit lang iyon at agad ding nawala.

"Yes. Kara Goldman, my beautiful daughter." Puno ng pagmamalaking sabi ni George.

Maganda ba siya? Bakit hindi siya aware?

"I see." Skyler smirked habang patango-tango na tila sumasangayon ito sa sinabi ng daddy niya. Lumipat ang tingin ni Skyler sa kanya. Tinitigan siya nito na tila ba kinakabisado ang mukha niya. "No wonder she has a strong will like her dad." Puno ng kahulugang dagdag pa nito.

"Ikamusta mo na lang ako sa mga magulang mo. Especially to your brother. Tell them, I would love to take them out for dinner one evening." Sabi ni George saka siya hinila palabas ng cafeteria.

Sumunod naman sa kanila si Fatima.

Hindi niya alam na ganoon pala katindi ang tension sa pagitan ng mga Goldman at Lamprouge.

Wala silang imikan hanggang makarating sa bahay. Agad ding umalis ang daddy niya dahil may mga meetings pa daw ito na kailangang puntahan. Ganoon din ang mommy niya. Kaya laking pasasalamat niya dahil hindi siya kinompronta ng mga ito tungkol kay Skyler pagdating sa bahay.

SECOND day of school.

Ginawa ni Kara ang lahat ng pag-iwas para hindi na muling mapasabak sa gulo. Kahit papano ay nagawa naman niya.

Napahugot siya ng malalim na hininga ng makita si Skyler na nakangiting papalapit sa kanya.

"Morning, princess." Bati nito saka naupo sa tabi niya na para bang walang nangyari kahapon.

Hindi niya ito inimik hanggang sa dumating ang teacher nila at nagsimulang magturo.

Kagabi ng makauwi ang mga magulang, akala niya ay nakaligtas na siya mula sa mga ito pero hindi pala. Pagkatapos nilang maggabihan ay nasermunan siya ng daddy niya tungkol sa pakikipagkaibigan niya kay Skyler. Ipinaliwanag naman niya ang totoong nangyari sa mga ito. Isa pa, hindi naman siya nakikipagkaibgan kay Skyler. Sa katunayan nga niyan ay pilit niya itong itinutulak palayo sa kanya. Sadyang matigas lang talaga ang ulo nito.

"So, Kara anong type mo sa lalaki?" Out of the blue ay tanong ni Skyler.

Break time nila ng mga sandaling iyon at sinabayan siya nitong kumain.

Kanina pagkatapos ng klase ay sinugurado niyang hindi siya nito masusudan pero sa kasamaang palad ay nandito ito ngayon sa harapan niya. She had enough of him for today. Kailangan na rin niyang layuan ito dahil siguradong magagalit nanaman ang daddy niya kapag nalaman nitong nakikipag-usap pa rin siya Skyler pagkatapos siya nitong pangaralan ng bongga kagabi.

"Will you leave me alone?" Inis na sabi siya.

"Malulungkot ka at ayokong mangyari 'yon." Ngumiti nanaman ito.

She closed her eyes tightly saka bumuntong hininga para kalmahin ang sarili.

"Alam mo, hindi kita kailangan okay? I'm happy here all by myself. Saka sakit ka lang ulo e."

"Then, let me make you feel that you need me." Sa halip ay sabi ni Skyler.

Anong bang pinagsasabi nito?

"You know what? Mas maa-appreciate ko kung simula ngayon ay lalayuan mo na ako. Bakit hindi ka na lang doon sa mga babaeng nagkakadarapa sayo? Mas may mapapala ka sa kanila kesa sa 'kin." Nagsawsaw siya ng fries sa may ketchup.

"Hindi ko sila type." Sagot nito at tinitigan siya.

"Really? Sa pagkakaalam ko pati ang napakaganda at seksing secretary ng student council ay may gusto sayo."

Tumaas ang isang kilay ni Skyler. "Talaga? Sa pagkakatanda ko hindi ako ang gusto no'n, kundi si Trigger."

Napahinto siya sa pagsubo ng fries at seryosong tiningnan si Skyper. "Sino si Trigger?" Bagaman alam na niya kung sino ang tinutukoy nito.

"My older brother. Nag-aaral din siya dito sa HSU. Bakit?"

"Nothing." Tumayo na siya. "I have to go." Isinubo niya ang fries saka dinampot ang mga gamit. She had a research to do.

"Kara, wait lang saan ka pupunta?" Tumayo na din si Skyler para sana sundan siya kaso agad itong dinumog ng mga babaeng kanina pa nag-aantay sa pag-alis niya.

"Karaaaaaaa!" Tawag uli sa kanya ni Skyler pero hindi niya ito pinansin.

SUMILIP muna si Kara kung may tao sa may loob ng library bago siya pumasok. May mangilan-ngilang estyudante ang nandoon. Pero ng makita siyang pumasok ay agad na lumabas ang mga ito kaya solong-solo niya ang buong lugar.

May kalahating oras pa siya bago magsimula ang susunod niyang klase. Umupo siya sa may pinakatagong mesa ng library. Nilabas niya ang laptop at hinacked ang HSU database para hanapin ang biodata ni Trigger Lamprouge. Salamat sa computer lesson ng mommy niya dahil hindi nga ito nagkamali na magagamit niya ang mga natutunan balang araw.

She qucikly copied every single data about him. Wala na siyang oras para isa-isahing basahin ang tungkol dito kaya sa bahay na lang niya iyon gagawin. Isinara na niya ang laptop at inilagay sa bag.

Tumayo na siya para pumunta sa susunod niyang klase pero napahinto siya ng makita si Trigger papasok ng library.

"Holy shit!" Hindi niya napigilang mapamura ng makita ito ng personal for the very first time.

Nakita na niya ng ilang beses sa litrato ang magkapatid na Lamprouge.

Walang sinabi ang kagwapuhan ni Skyler kay Trigger. Para itong lumabas galing sa isang action movie. He was ruggedly handsome from head to toe. Kung si Skyler ay mala-anghel ang itsura, si Trigger naman ay bad boy ang dating. May kasama itong dalawang lalaki. Naupo ang mga ito sa isang mesa na nasa pinakasulok ng library.

They all looked dead serious and gorgeous at the same time.

Dahil may pagka-chismosa siya ay nagpanggap siyang may hinahanap na libro sa isang bookshelf na malapit sa kinauupuan ng mga ito para makinig sa pinag-uusapan ng mga ito.

She couldn't even stand there for one minute without throwing glances at the God's masterpiece in front of her.

"Are you done cleaning the mess?" Trigger asked in a stern voice.

"Yes boss." Nakangiting sagot no'ng lalaking may pagka-chinito.

"I don't want this to happen again. Understood?" Si Trigger uli.

"Yes boss." Sagot naman no'ng lalaking naka-suot ng eyeglass.

Sa kauusod niya para lalong makalapit ng husto sa mga ito ay bumangga siya sa isang lalaki. Nag-angat siya ng tingin para tingnan kung sino ito.

"Skyler?"

"Kara?"

They said in unison.

"What are you doing here?" Sabay uli na tanong nila sa isa't isa.

Nilingon niya ang direksiyon nila Trigger. Nakatingin na ang mga ito sa kanilang dalawa ni Skyler. Biglang nagrigodon ang puso ng magtama ang mga nila. His cold, emotionless, emerald eyes froze her big, warm, brown eyes.

"M-may h-hinahanap akong libro." Bigla siyang nautal saka nag-iwas ang mga mata kay Trigger.

God, he made her tremble with those tantalizing eyes of him. Muli niya ibinalik ang tingin sa bookshelf at dumampot ng isang libro.

Nangunot naman ang noo ni Skyler. "That book is for graduating students." Turo nito sa librong hawak niya.

Tiningnan niya iyon. He was right. Gusto niyang sipain ang sarili. Kailangan niyang mag-isip ng palusot. Kundi baka balatan siya ni Trigger ng buhay sa sama ng tingin na ipinupukol nito sa kanya.

"Pakialam mo ba? Advance akong mag-isip." Inirapan niya ito.

Nahalata kaya ni Trigger na nakikinig siya sa usapan ng mga ito?

"Skyler anong oras na?" Ma-awtoridad na tanong ni Trigger.

Sabay silang napalingon dito.

"Sorry kuya dinumog kasi ako ng--."

"Mga chicks." Singit no'ng lalaking chinito. "Iba talaga ang appeal nating mga gwapo." Dagdag pa nito.

"Who is she?" Sa halip ay tanong ni Trigger. Ignoring what the chinito guy and Skyler said.

Mabilis naman siyang hinila ni Skyler palapit dito at inakbayan. "This is Kara." Pakilala nito sa kanya sa tatlong lalaki. "Kara, this is Trigger my big bro, and our friends, Shin and Leonard."

"Hi Ms. Kara, nice meeting you." Nakangiting sabi ni Shin na nagpawala sa mga mata nito. Ang cute lang.

"Same here." Kinindatan naman siya ni Leonard.

"Now leave." Trigger said in a dismissive tone.

Eh?

Siya ba ang sinasabihan nitong umalis na? Sino 'to para paalisin siya? Ito ba ang nagmamay-ari ng library? Ng school?

"Excuse me?" Wala sa loob na tanong niya.

"Is your friend deaf, Sky?" Baling ni Trigger sa kapatid.

She laughed sarcastically. "Hindi ako bingi Trigger! Isa pa, sino ka para paalisin ako? Ikaw ba ang may-ari ng school? Nitong library?" Inis na bulyaw niya dito.

Halatang nagulat sila Skyler, Shin at Leonard sa ginawa niyang pagsigaw kay Trigger. Hindi niya pinansin ang mga ito. Nanatili siyang nakatitig sa gwapong mukha ni Trigger. Naghihintay sa magiging reaction nito. She saw how his body stiffened for a second pero agad din iyong nawala.

"I own a lot of things, Kara and I bet that pretty little head of yours won't be able to imagine it." Tumayo na ito saka tiningnan nito ang suot na relo. "I have to go. See you guys tonight. I won't tolerate lateness this time." Dagdag pa nito bago tuluyang naglakad palabas ng library.

Naikuyom niya ang mga kamay. Trigger was so rude! How dare him talked and turned his back like that to her?

Sinusumpa niyang may araw din ito sa kanya.