TRIGGER tossed the coin in the air and grabbed it quickly.
"Heads or tails?" Tanong niya kay Shin.
They played flip a coin while on their way to Mr. Dela Verde's house to kill time. He threw a huge party and ivited every mafia group around the area. Marami na rin itong naging atraso sa grupo niya kaya ito na ang tamang oras para magbayad ito.
"Heads." Puno ng kompansiyang sagot ni Shin.
Ibinuka niya ang kamay. It was a tails. "Better luck next time." Ibinulsa niya ang coin.
"Arghhh." Shin grunted.
"We're here boss." Imporma ni Leonard at inihinto ang kotse sa may tapat ng isang malaking bahay.
Agad silang sinalubong ng isang butler at pinagbuksan ng pinto. Leonard tossed the car key to the butler.
He adjusted his tie saka mabilis na umibis ng kotse.
"It's showtime." Nakangising sabi ni Shin sa tabi niya.
The three of them went inside the house. As expected, they were greeted by a large banquet hall filled with people. Men and women wore the best dresses and suites they could afford paired with sparkling jewerlies.
Mabilis na hinanap ng mga mata niya ang target nila. Wala siya sa mood na makipag-sosyalan sa mga taong naroon. He wanted to leave the place as soon as possible.
"Wala pa siya."
Nilingon niya ang nagsalita. It was Skyler. Nangunot ang noo niya ng makitang nakasuot ito ng green na wig. Pinauna niya ito kanina para i-update sila sa mga nangyayari dito sa party.
"What happened to you bro?" Natatawang tanong ni Shin dito maging si Leonard ay hindi na rin napigilan ang mapangbuhalit ng tawa dahil sa itsura ng kapatid niya.
Iniikot ni Skyler ang tingin sa loob na para bang may hinahanap. Agad nitong tinanggal ang suot na wig saka hinagis sa sahig.
"May bata kasi na umiiyak kanina. Sa sobrang dami ng tao nahiwalay siya sa magulang. Ang weird nga dahil 'yong bata ang may suot ng green wig." Tumikhim ito bago nagpatuloy. "Naawa ako kasi hindi siya tumigil sa kaiiyak kaya ginawa ko ang lahat para lang mapatahan siya. Kahit na nagmukha akong clown ng mga limang minuto hanggang sa dumating 'yong magulang niya." Mahabang sagot nito saka muling iniikot ang tingin sa paligid.
"Ang bait talaga ng bunso namin." Marahang sinuntok ito ni Leonard sa braso.
"Dapat laging ganyan ang suot mo para lagi kitang nalalamangan sa kagwapuhan." Natatawang sabi naman ni Shin.
"Kahit na basahan pa ang isuot ko Shin, masisinag ka pa rin sa kagwapuhan ko." Inakbayan nito si Shin.
"Will the two of you shut up?" Naiirta na siya sa mga ito. "We're here to work. Hindi pag-usapan kung sino ang gwapo sa inyong dalawa."
"Oo na. Alam naman naming na walang papantay sa kakisigan mo bossing." Ang daldal talaga nitong singkit na 'to.
Isang masamang tingin ang ipinukol niya dito dahilan para manahimik ito.
"You know what to do." Sabi niya saka humiwalay sa grupo.
Kumuha siya ng isang baso ng wine sa dumaang waiter at nagsimulang makihalubilo sa mga taong naroon habang naghihintay sa target nila. Every single person there was involved in the underground businesses. They could be allied or enemy. Who knew?
"Lamprouge."
Napahigpit ang hawak niya sa baso ng marinig ang boses na kailanman ay hinding-hindi niya malilimutan. Slowly, he turned around to meet his eyes. Ang mga mata nito na kakulay ng sa kanya. Isn't it ironic to have the same eye colour as the person you hate the most?
"I didn't expect you to be here tonight, Goldman." Pormal niyang sabi ng humarap dito.
"Neither do I." He lifted his wine glass saka inisang inuman ang laman niyon.
"I heard you want to have dinner with me and my parents one evening." Itinaas niya sa bibig ang baso saka marahang ininom ang wine habang hindi inaalis ang tingin dito.
Tumawa naman si George. "Of course, I do. For the old-time sake."
"Old time sake? Meron nga ba?" He said sarcastically.
Nawala ang ngiti sa labi ni George. He looked at him coldly.
"Don't you dare talk to me like that boy. Kung wala ako ay wala ngayon ang karangyaang tinatamasa ng pamilya mo." He said in a very low dangerous voice.
He chuckled. Inubos niya ang natitirang wine sa baso. "That was in the past, Goldman. I already paid whatever my dad owed you kaya wala na kaming utang sayo. Kahit utang na loob after what you've done to my family." Puno ng diin ang bawat salitang lumabas sa bibig niya.
Inilapit ni George ang mukha sa kanya. "Now we're talking. Watch your mouth boy dahil hindi mo alam kung ano ang naghihintay sayo." He warned bago naglakad palayo.
"Boss dumating na si Mr. Dela Verde." Sabi ni Shin mula sa earpiece na nasa tainga niya.
"Good. Let's make this quick." He replied quietly saka nagtungo sa may likuran ng bahay.
"SINO kayo? Pakawalan niyo ako!" Puno ng takot ang boses ni Mr. Dela Verde.
Pagkatapos nila itong dakipin kanina ay dinala nila ito sa warehouse na pagmamay-ari ni Trigger.
Ikinasa ni Shin ang hawak nitong Colt 45. Lalo namang pinagpawisan ang lalaki.
"Maawa kayo. May pamilya ako at mga anak. Parang awa niyo na." Kulang na lang ay lumuhod ito sa harapan nila.
Tinanggal ni Leonard ang panyong nakatakip sa mga mata ni Mr. Dela Verde. It took him few seconds para i-adjust ang paningin. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito ng makita siya.
He was sitting on a wooden chair in front of him. He blew the smoke of his cigar in the air habang hindi inaalis ang mga mata dito.
Sinubukan ni Mr. Dela Verde na makawala mula sa pagkakatali nito sa upuan.
"That's useless. Mapapagod ka lang." Sabi ni Skyler sabay kagat sa hawak nitong bar ng tsokolate.
"Why are you doing this Trigger?" Pinilit nitong lagyan ng galit ang boses pero mas nangibabaw ang takot nito.
He crossed his arms and legs bago nagsalita. "We had an agreement right? Y---."
"Yes! Pero sinira mo 'yon!" Malakas na sagot ni Mr. Dela Verde bago pa man niya matapos ang iba pang sasabihin.
"Baka ibig mong saibihin ikaw ang sumira. You crossed the wrong mafia, Mr. Dela verde and every violation in our rules cost a lot at alam mo 'yan." Sabi niya habang pinagmamasdan itong hindi mapakali kung ano ang gagawin ng mga sandaling iyon.
"I told you. I will pay you as soon as I have the money!" Pangangatwiran nito.
"I don't care about the money Mr. Dela Verde. What I care is how dare you to double cross us. At talagang sa isang baguhang mafia ka pa nakipagkasundo para ipapatay kami. I warned you from the very first start na ayoko sa lahat ay mga traydor na katulad mo. Dahil talagang may kalalagyan ka sa 'kin." Tumayo siya at inihagis sa sahig ang sigarilyo.
Napalunok ng ilang beses si Mr. Dela Verde habang nakatingala sa kanya.
"Hindi mo ako binigyan ng panahon para makapag-ipon ng ibabayad ko sayo." He reasoned out again.
"You fucking signed the contract, right? So, it is not up to me to adjust whether when you can pay your debt or not!" He really pissed him off now.
Ang mga rason nito ay puro walang kabuluhan. Mr. Dela Verde came to him and borrowed millions of dollars months ago. Pinagbigyan niya ito. Pero ng oras na para singilin ito ay nakipagkasundo ito sa isang baguhang mafia at sinubukan siyang ipapatay. They sent assasins in the Hilton Spring University to kill him but they failed dahil agad niyang natunugan ang binabalak ng mga ito. Nahuli nila ang isa sa mga ito at itinuro nga si Mr. Dela Verde ang may pakana ng lahat.
Ang traydor na katulad nito ay walang karapatan na mabuhay sa mundong ito kaya hindi na siya nagdalawang isip. He shot him in the forehead.
"Fucking son of a bitch." He murmured. "Clean this up and make sure all his assets will be transferred in my account tomorrow morning." He said before leaving the place.
He was a gallant man but when he was backstabbed. He was ruthless.
"GOOD morning Sir." Bati ng gwardiya kay Trigger pagkababa niya ng kotse.
Pumasok siya sa loob ng isang mataas na building na siya mismo ang may-ari. This was the place where he ran all his legal businesses; the others he ran from a separate, secluded place.
Lahat ng madaan niyang empleyado ay binabati siya pero wala siyang sinasagot sa mga ito.
"Good morning Sir. Here are your schedule for to-." He raised his hand to stop his secretary from talking.
Mabilis siyang pumasok ng private elevator ng bumukas iyon. Sumunod naman si Miko sa kanya hanggang sa makarating siya sa loob ng opisina.
"What are the agendas for today?" Tanong niya ng makaupo at tiningnan ang mga documents na pending for approval na nasa ibabaw ng mesa.
Inisa-isa ni Miko ang schedule niya ngayong araw. Sabado ngayon kaya wala siyang pasok sa school. Marami siyang oras para gugulin sa pagpapatakbo ng kanyang mga negosyo.
Sino nga ba siya bilang isang Trigger Lamprouge na kinakatakutan ng karamihan? He was a self-made billionaire and one of the youngest in the world. At the young age of fifteen he strived to have his own fame and success even though his parents are multi-millionaires. Hindi siya umasa sa mga ito o kanino man.
Noong lumalaki sila ni Skyler ay bihira nilang makasama ang mga magulang dahil laging nasa business trip ang mga ito. Sa tuwing umuuwi naman sila Sandra at William ay hindi din nagtatagal ang mga ito. Ang pinakamatagal na yata nilang nakasama ang mga ito ay tatlong buwan sa loob ng isang taon. Sa loob ng mga panahong iyon kahit kailan ay hindi niya naramdamang parte siya ng pamilya dahil lagi iyong ipinaparamdam iyon sa kanya ni William.
Kapag umuuwi ang mga ito ay laging niyayakap at nginingitian ni William si Skyler pero pagdating sa kanya ay lagi itong nakakunot noo. He never felt a fatherly embraced since he was kid. Pakiramdam niya ng mga panahong iyon ay hindi siya tunay na anak nito kaya ganoon na lamang ang pakikitungo nito sa kanya. But his mom, Sandra managed to erase that thought inside his head. Tanging ito lamang at si Skyler ang nagpaparamdan sa kanya na parte siya ng pamilya ng mga ito.
He did everything to please his dad. Iniisip niya baka kaya malamig ang pakikitungo nito sa kanya ay dahil mahina ang tingin nito sa kanya. Tahimik lang kasi siya at mas gusto niya ang laging nag-iisa. Hindi katulad ni Skyler na napaka-bibo. Para patunayan sa ama na hindi siya mahina katulad ng iniisip nito ay tumigil siya sa pag-aaral. Nagtrabaho siya sa iba't-ibang lugar para makaipon ng pera at nagtayo ng sariling negosyo sa edad na labing lima. His mother Sandra was so upset. She said he was throwing his future dahil sa ginagawa niya.
He proved to his parents that every sacrificed he did was all worth it. Hindi pa umabot ng isang taon ay lumago ang negosyo niya. That was the time when Lamprouge Corporation was born. Lahat na yata ng mga negosyo ay pinasok niya. Mula sa restaurants, hotels, life insurance, casino at marami pang iba.
Akala niya pagkatapos ng lahat ng sakripisiyong ginawa niya ay magbabago na ang tingin sa kanya ni William. To his disappointment ay lalo lang siya nitong kinagalitan. William told him to shut down the Lamprouge Corporation. Hindi niya daw iyon kailangan dahil meron naman silang sariling mga negosyo. Hindi siya pumayag. Marami siyang isinakripisyo para maitayo ang kompanyang iyon. That was the time he thought it was enough. Ginawa na niya ang lahat para patunayan ang sarili dito. He can't spend his life pleasing his dad.
Kasabay ng paglago ng kanyang negosyo ay ang mga death threats sa kanyang pamilya. Isang araw ng pauwi na sila galing sa isang birthday party ay isang grupo ng mga armadong lalaki ang umambush sa kanila sa daan. Mabuti na lang at lagi silang may dalang baril ni Skyler. Napatay nila ang ilan sa mga ito pero ang iba ay nakatakas. Nabaril ang ina niyang si Sandra na muntikan ng bumawi sa buhay nito. Sa galit ay pina-imbistigahan niya ang nangyari at lumabas na ang Golden Organization ang may pakana ng pag-ambushed sa kanila.
Pagkatapos ng nangyaring insidente sa kanila ay binuo niya ang Rouge Circle kasama si Skyler para protektahan ang pamilya nila at maghiganti sa grupo ni George dahil hindi lang isang beses nitong tinangkang patayin ang mga magulang niya.
Ang Golden Organization ay isang mafia group na pinamumunuan ni George Goldman. Ito ang pinakamalakas na mafia group sa buong mundo noon pero hindi na ngayon dahil ang Rouge Circle na ang pumalit dito. His group was the most feared mafia group in the world. Kaya lalong nag-init ang dugo sa kanya ni George. Ilang beses nitong sinabutahe ang mga business deals niya. And he did the same way too. Kaya pagdating sa legal at underground businesses ay numero uno silang magkatunggali.
"Is that all?" Tanong niya habang abala sa pagpirma ng mga documents.
"Yes, Sir."
"Get out then." He dismissed.
"Y-yes Sir." Mabilis na lumabas ng opisina niya si Miko.
Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa ng isang business deal ng tumunog ang telepono sa tabi niya.
"Yes?" He answered in a hurry tone.
"Sir nandito na po si Ms. Scott. Papasukin ko na po ba siya?" Tanong ni Miko.
"Yes." Maikling sagot niya saka ibinababa ang telepono. Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa binabasa.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. He could hear Fiona's heels clicking into the marble floor.
"Heya boss." Masiglang bati nito ng makalapit sa mesa niya.
Fiona was his private investigator/spy. Miyembro din ito ng Rouge Circle.
"What time is it?" Tanong niya saka binitiwan ang mga papeles sa mesa.
He looked at her with his emotionless eyes.
"Ahmmm...let me check boss." Sagot nito saka tiningnan ang suot na relo. "10:30 na boss. Nagugutom ka na ba?"
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Agad naman itong nagseryoso.
"You're late." Sumandal siya sa may recliner chair niya saka humalukipkip.
"Sorry na boss. Traffic e." Naka-pout na sagot ni Fiona sabay abot ng isang folder sa kanya.
"Do you have any other reason beside of that shitty traffic?" Binuklat niya ang folder.
Inisa-isa niya ang mga babaeng nandoon. All of them looked stupid. Wala siyang nagustuhan sa mga ito. Hanggang sa makarating siya sa pinaka-huling pahina. Nakuha ng litrato ng babae ang buong atensiyon niya.
He stared at her big, innocent, beautiful, brown eyes. The same pair of eyes that took his breath away the first time he laid his eyes on her. Nagtangis ang mga bagang niya habang binabasa ang profile nito. He couldn't believed this. The first woman who caught his attention was the adopted daughter of his family rival.
Galit na tiningnan niya si Fiona. Napalunok naman ito ng ilang beses. "Are you fucking serious about this one?" Itinuro niya ang litrato ni Kara Goldman.
Tumikhim ito ng ilang beses bago ngumiti. "Of course boss." Masiglang sagot nito.
He gave her a knowing look. Mabilis na naupo si Fiona sa may upuang nasa harapan ng mesa niya saka nagpaliwanag.
"Boss, kaya siya napili kong perfect candidate for your date sa auction dahil mapapabilis ang plano mong paghihiganti sa mga Goldman."
Inutusan niya si Fiona na maghanap ng babaeng pwede niyang isama sa isang pinakamalaking antique roadshow na gaganapin sa London, England, five months from now. Ang mga gamit na io-auction ay mga old and rare collection of paintings, jewelries, figurines at kung ano-ano pa. At gusto niyang mapasakanya ang lahat ng mga iyon.
"Fiona, at this very moment I can send the best sniper in the world to put a bullet in George Goldman's head without any trace. Hindi ko kailangan ng anak niya." Itinapon niya sa basurahan ang folder.
Tumayo siya at nagsindi ng sigarilyo saka tumanaw sa may labas ng tinted glass wall ng opisina niya. Kayang-kaya niyang patayin si George anumang oras niya gustuhin. Pero hindi niya ginawa because it would ruin the fun at tanging ang Golden lang ang may kakayahang pantayan ang Rouge Circle. Kaya kung tatapusin niya ng maaga si George, it would bore him to death fighting with the other weak mafia groups.
"Pero boss may plano akong naisip. Here me out first bago ka mag-react." Sabi ni Fiona.
He nodded as a sign for her to continue. Halos magsa-siyam na taon na rin niyang kilala si Fiona kaya malaki ang tiwala niya dito.
"So, this is my plan." Nakangiting umpisa nito.