"WHAT?! Anong sagot ni bossing? OO o HINDI?" Kulang na lang ay idikit ni Shin ang mukha nito kay Fiona habang nag-uusap ang mga ito.
"Bakit hindi si boss ang tanungin mo?" Nakangising sagot ni Fiona. Lumipad ang tingin nito kay Trigger na abala sa binabasang mga documents.
He was really workaholic lalo na ngayong graduating student siya ng HSU at maraming kailangang asikasuhin sa school at maging sa kompanya niya. Mahirap pagsabayin pero kinakaya niya.
"Baka magalit e." Bulong ni Shin pero sinadya yata nitong lakasan ang boses dahil narinig niya iyon.
"Paano ba manligaw ang isang Lamprouge?" Tanong ni Leonard na nagpa-angat ng tingin niya sa mga ito.
Nagkunwari namang may ibang pinag-uusapan ang mga ito.
"I never agreed to anything." Walang ganang sabi niya.
"So walang ligawang magaganap?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Shin.
Tiningnan niya ito ng masama.
"Sabi ko nga wala." Kakamot-kamot ng ulong sabi nito.
Habang nakikinig siya kay Fiona kahapon ay hindi siya makapaniwala sa plano nito. Fiona suggested plan was he court Kara, make her fall in love with him and break up with her afterwards. He was looking for a date for the auction not a bloody girlfriend. Ngali-ngaling sipain niya ito palabas ng opisina niya dahil sa mga pinagsasabi nito.
Pero hindi naman niya maikakaila na may punto si Fiona sa planong iyon. Alam niyang masasaktan ng sobra si George kapag sinaktan niya ang anak nito emotionally. Pero hangga't maaari ay ayaw niyang idamany si Kara sa gulo nila ni George. She was just an innocent girl adopted by an evil mafia boss.
Isa pang tanong na gumugulo sa isip niya ay kung alam kaya ni Kara na ang umampon dito ay isang miyembro ng mafia?
Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa binabasang business proposal pero hindi niya makuhang ituon ang buong atensyion doon dahil ang laman ng isip niya ay si Kara.
He couldn't help but to make a light chuckle habang inaalala ang mga nangyari sa loob ng school library when Kara tried to get closer and listen to their conversation but she was too careless for her own good. Akala nito ay hindi niya nahalata ang ikinikilos nito. He knew what she was up to and let her come close to where they were sitting. Medyo na-curious din siya ng makita ito. There was something in her that intruiged him, something mysterious and familiar and he was tempted to uncover them.
Hindi rin nakawala sa paningin niya ang mga matatalas na tinging ibinabato nito sa direksiyon niya.
DALAWANG linggo na ang nakakalipas simula ng pumasok si Kara sa Hilton Spring University. So far ay hindi na naulit ang mga nangyari noong first day ng school. Kaya medyo na-relax na rin ang mga estudyante kapag nakikita siya.
Niyakap niya ang mga librong hawak saka humugot ng malalim na hininga. Maybe she could make some friends now? Iniikot niya ang mga mata sa isiping iyon. As if anyone would want to be friends with her after what happened the minute she stepped in the school ground. Dahil kung meron man, sana noong first week pa lang ay may kumausap na sa kanya maliban kay Skyler at wala siyang balak na makipag-kaibigan dito o ano pa man. Kahit na gaano pa nito ipagsiksikan ang sarili sa kanya.
Speaking of him. Hinanap ng mga mata niya ang lalaki. Maaga ito kung pumasok and he never failed to greet her 'good morning' everyday. Pero ngayon ay hindi niya ito makita.
Napakunot siya ng noo. What was wrong with her? Bakit niya ito hinahanap? Saka pakialaman niya ba dito. Mas magiging masaya pa nga siya kung lalayuan na siya nito dahil wala itong ginawa kundi ang kulitin siya buong araw.
Napahinto siya sa paglalakad ng makita si Trigger na naglalakad papunta sa direksiyon niya. Halos lahat ng mga babaeng madaanan nito ay parang naghuhugis puso ang mga mata. Well, hindi niya masisisi ang mga ito. Kahit naman siya ay medyo nakakaramdam ng kilig kapag nakikita ito. What the! Saan nanggaling ang realisasiyong iyon? Speaking of Trigger, ang tagal niya itong hindi nakita. Nasa isang school lang naman sila pero bihira niya itong makita. Ito pa lang ang pangalawang beses na nagtagpo ang mga landas nila. Noong una ay sa may library kung saan iniwan siya nitong nagpupuyos sa inis.
Kung pisikal na anyo lang ang pagbabasehan ay si Trigger na yata ang pinakagwapong nilalang na nakilala niya. Hindi lang iyon, base sa research na ginawa niya tungkol dito noong nakaraang linggo na medyo nagpalula sa kanya, Trigger Lamprouge was one of the youngest, self-made multi-billionaire in the world. He had all the luxuries in life she could think of. Ano pa ba ang mahihiling nito. Ang mga babaeng na-link dito karamihan ay mga celebrity at heiress's ng mga mayayamang kompanya. Wala rin itong naging seryosong girlfriend. Typical sa mga lalaking katulad nito na paasa na pagkatapos makuha ang gusto ay iiwan na nito ang babae.
Masyado naman yata siyang harsh sa pagju-judge dito. Hindi niya ito masyadong kilala. Ang tanging alam niya lang ay family rival ito ng mga Goldman.
Huminto si Trigger sa harapan niya. Namulsa ito saka siya tinitigan. Ang gwapo talaga nito lalo na sa malapitan. Matangkad din ito, idagdag pa ang well-built nitong katawan na para bang walang araw na hindi ito dumadaan sa gym.
Tumikhim ito na nagpabalik sa katinuan ng pag-iisip niya.
"Ano?" Mataray na tanong niya ng mahanap ang sariling boses. She had to stop admiring him dahil nawawala na siya sa tamang huwisyo.
"You're blocking my way." He answered in a bored tone with his poker face.
Tinaasan niya ito ng isang kilay. "You don't own the school, right? Pwede namang sa may gilid ka dumaan di ba? Ang luwang ng school ground Trigger." Sarkastikong saad niya.
Naningkit ang mga mata ni Trigger. Ang mga mata nitong kakulay ng kay daddy George niya. But Trigger's lovely emerald eyes were cold and emotionless.
"Get out of my way will you?" May bahid ng inis na ang boses nito.
"Paano kung ayoko?" Hamon niya.
"Wala akong ibang choice kundi ang itulak ka." Bago pa man siya makasagot ay ginawa nga nito ang sinabi.
Muntikan na siyang sumubsob sa damuhan dahil sa lakas ng pagkakatulak nito sa kanya.
"What the fuck!" Inis na umayos siya ng tayo at inihanda ang sarili para gantihan ito.
"Cussing is so unlady like. Hindi bagay sa magandang babaeng katulad mo."
Napahinto siya sa paglalakad ng marinig ang nagsalita. Isang lalaki ang prenteng nakaupo sa may wooden bench na nasa gilid. Kanina pa ba ito naroon? Bakit hindi niya ito napansin agad?
"I admire you." Nakangiting dagdag pa nito saka tumayo at lumapit sa kanya. "I'm Simeon Luciano." Inilahad nito ang kamay sa kanya pero hindi niya iyon tinanggap. Sa halip ay tinitigan lang niya ito.
"Nice to meet you." Natatawang sabi nito saka binawi ang kamay. Namulsa ito pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
Hindi maganda ang kutob niya dito. "Sino ka? Hindi ka nag-aaral dito. Tama ba?" Puna niya dahil naka-civilian ito.
"I already introduced myself, sweetheart." Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nito.
"What do you want from me?" Seryosong tanong niya.
"I want us to talk about something." Makahulugang sagot nito.
May ideya na siya kung ano ang gusto nitong pag-usapan nila dahil hindi ito ang unang beses na may lumapit sa kanya na estranghero at ganoon din ang sinabi. Matagal-tagal na din simula ng makapag-banat siya ng mga buto-buto.
Napangisi siya saka tumango at nagpatiunang naglakad patungo sa HSU forest. Sumunod naman sa kanya si Simeon. Pagdating nila sa pinakatagong bahagi ng gubat ay agad niya itong pinaliparan ng malakas na suntok sa mukha. Gumewang ito dahil sa hindi inaasahang atake niya. Simeon tried to lunged her pero agad siyang nakaiwas. She gave him a hard punch and kicks. Napasandal ito sa isang puno. She really thanked the judo master na nagturo sa kanya ng mga moves kung paano umiwas at umatake sa kalaban.
"Sinong nagpadala sayo dito?" She growled panting.
"Hindi mo na kelangan pang malaman dahil mamatay ka rin naman." Tumawa ito ng mala-demonyo saka binunot ang baril na nakatago sa jacket nito at itinutok sa kanya. "Any last words?"
"So, daring aren't we?" Nakangising sabi niya. Saka dahan dahang inabot ang halter na nasa bewang niya. "Paano ka nakapasok dito?" Tanong niya para abalahin ito habang hinihugot ang pocket knife na lagi niyang dala-dala kahit saan man siya magpunta.
"Connections." Sagot ni Simeon habang naglalakad ng marahan palapit sa kanya.
"I see."
Huminto si Simeon ilang dipa ang layo mula sa kanya. Ibinaba nito ang baril na hawak at itinutok iyon sa tapat ng puso ng niya. Ngumisi ito bago inilapit ang daliri sa gatilyo ng baril. Humigpit ang hawak niya sa may pocket knife bago iyon mabilis na ibinato sa kamay nitong may hawak ng baril.
Nabitiwan nito ang baril. "Shit!" Sunod-sunod itong napamura. Hinawakan nito ang kanang kamay kung saan bumaon ang kutsilyo niya. Nanlilisik ang mga matang tiningnan siya nito.
"Bitch!" He spitted.
Nginisian niya ito bago mabilis na nilapitan at sinipa ng malakas sa tiyan. Nawalan ito ng balanse at bumagsak sa damuhan. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon para pulutin ang baril. Nanginginig ang mga kamay na itinutok niya iyon dito. Tumunog ang school bell hudyat na magsisimula na ang mga klase.
"Shit." Mahinang bulong niya. Siguradong male-late siya nito kapag hindi pa niya tinapos si Simeon.
Tumayo ito at isinusunod niya ang baril na hawak sa bawat kilos nito.
"Ano pang hinihintay mo? Shoot me!" Galit na sigaw ni Simeon.
Hindi pa siya nakakapatay ng tao. Kung sakali man ay si Simeon ang kauna-unahan at hindi siya handa para gawin iyon. Pero alam niyang wala siyang ibang pagpipilian. She had to kill or be killed.
She was about to pull the trigger pero bigla na lang bumagsak ang lalaki sa damuhan. She saw a knife buried in the nape of his neck. Agad siyang naalerto at matamang pinakiramdam ang buong paligid. Dahan-dahan siyang lumapit kay Simeon para siguraduhing patay na ito. She knelt down and pressed her fingers to his neck but found no pulse. Tiningnan niya ang kutsilyong nakabaon sa batok nito. Isa lang iyong ordinaryong kutsilyo na mabibili kahit saan. Pero kung sino man ang nagbaon niyon kay Simeon ay hindi isang ordinaryong tao.
Tumayo na siya at inayos ang sarili para humabol sa unang klase ngayong umaga. Inihagis niya sa may rumaragasang ilog ang baril saka patakbong nilisan ang lugar.
Pouring with sweat and out of breath, she grabbed the doorknob of the classroom where her first class was underway. Darn, sana ay papasukin pa rin siya ng teacher nila. She slowly turned the knob. Yes! Hindi iyon naka-lock. Bubuksan na sana niya ang pinto ng maunahan siya ni Ms. Amber.
"You're late." Walang kangiti-ngiting sabi nito ng mapagbuksan siya.
"I'm sorry ma'am. May emergency kasi e." Pagdadahilan niya.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nangunot ang noo nito ng makita ang itsura. "Bakit ganyan ang itsura mo?"
Tiningnan niya ang uniform na suot. Kung kanina ay puting-puti ang uniform niya, ngayon ay may bahid na iyon ng putik. Ganoon din ang palda niyang kulay blue na hanggang tuhod ang haba. Her black shoes was also muddy.
"Nadapa po kasi ako habang tumatakbo para makahabol sa klase." She lied.
Tumaas ang isang kilay nito. "Saan ka ba galing at puro ka putik?"
"Ahhhhh...sa...sa bukid po namin. Dumaan ako do'n sandali para kausapin si dad." Napakagat labi siya.
Tinitigan siya ni Ms. Amber na tila tinatantiya kung nagsasabi ba siya ng totoo. Bumuntong hininga ito bago nagsalita. "Okay. Pagbibigyan kita ngayon, Kara. Pero sa susunod na ma-late ka pa uli ay hindi na kita papapasukin sa klase ko. Naiintindihan mo ba?"
Nakahinga siya ng maluwag. "Yes ma'am." Sagot niya.
Pumasok na siya. Nakakunot ang mga kaklase niya ng makita siya ng mga ito sa ganoong ayos. Naabutan niya si Skyler sa may upuan nito kausap si Trinity na nakaupo naman sa upuan niya. Huminto siya sa tapat ng mga ito. Nawala ang ngiti ni Trinity ng makita siya. Si Skyler naman ay napatayo ng makita ang itsura niya.
"Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong nito habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Wala kang paki." Sagot niya habang nanatili ang tingin kay Trinity na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis sa upuan niya.
"Okay ka lang ba?" Tanong uli ni Skyler. Ignoring the annoyance in her voice.
"Aalis ka ng kusa o kakaladkarin kita?" Banta niya kay Trinity.
"Hmp!" Agad naman itong tumayo saka kekendeng-kending na bumalik sa upuan nito.
"Bitch." She muttered under her breath. Pasalampak siyang naupo.
"Kara." Tawag sa kanya ni Skyler pero hindi niya ito pinansin. Wala siya sa mood na makipag-usap dito.
Maya-maya pa ay nagsimula ng magturo si Ms. Amber pero wala doon ang atensiyon siya kundi na kay Simeon. Hindi iyon ang unang beses na may nangtangka sa buhay niya. Simula ng ampunin siya ni George ay naranasan niya ang mga bagay na kailanman ay hindi niya inaasahang mangyayari sa kanya.
Halos hindi na niya mabilang sa mga darili ang mga taong nagtangka sa buhay niya. Pero lahat ng iyon ay nalagpasan niya dahil laging nandiyan ang mga magulang niya at si Alice para protektahan siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na inatake siya sa loob mismo ng school at nag-iisa lang siya. Masyado ng nagiging desperado ang kalaban ng daddy niya dahil maliwanag pa lang ay umaatake na ang mga ito.
Napahigpit ang hawak niya sa ballpen habang inaalala ang mga nangyari. Napamura siya ng mahina. Nakalimutan niya na baka may makakita sa walang buhay na si Simeon. Hindi naman siya ang pumatay dito pero siya ang huling kasama nito. Kaya siya pa rin ang magiging number one suspect. Kinuha niya ang cellphone sa may bag para i-text ang daddy niya at sabihin dito ang mga nangyari.
Sa tuwing may umaatake sa kanyang kalaban ay laging napapatay ng mga magulang niya o kaya ni Alice ang mga ito. Pagkatapos niyon ay may mga lalaking naka-itim ang dumarating para linisin ang krimen. Hindi niya alam kung saan dinadala ng mga lalaking iyon ang mga walang buhay na katawan ng mga kalaban nila. At wala siyang balak na alamin ang bagay na iyon. Ang kailangan niya ngayong gawin ay itext ang daddy niya para ipalinis ang lugar.
"Kara nakikinig ka ba sa 'kin?" Untag sa kanya ni Skyler.
"Ano ba?" Nakasimangot na hinarap niya ito.
"I'm worried about you." Puno ng pag-aalala ang boses nito.
Nag-iwas siya ng tingin. "There's nothing to worry about." Bulong niya at tumanaw sa labas ng bintana ng classroom. Hindi siya sanay na may ibang tao na nag-aalala sa kanya maliban kay Alice at sa mga magulang.
Nakita niya si Trigger, Shin at Leonard na naglalakad. Hindi niya maiwasang pagmasadan si Trigger. Ibang-iba ito kumpara sa kapatid nito. Kung si Skyler ay laging nakangiti at masayahin kabaligataran naman nito si Trigger na laging nakasimangot at parang pasan ang buong mundo.
Nakalimutan na niyang i-text ang daddy niya tungkol sa mga nangyari habang sinusundan ng tingin si Trigger.
BREAKTIME na pero wala pa ring nabalitaan si Kara na may nakakita sa walang buhay na katawan ni Simeon. That was so weird dahil tuwing umaga kapag nagsimula na ang lahat ng klase ay may mga nagpa-patrol sa HSU forest para tingnan kung may mga estudyanteng nakatambay doon. Marami kasi sa mga ito ang nagka-cutting class at nagpapalipas ng oras sa gubat.
"Hi. Pwede bang dito ako umupo sa tabi mo?"
Kamuntikan na siyang mapatalon sa gulat. Naptingala siya sa babaeng nagsalita. Kaklase niya ito sa Science at History subject pero nakalimutan niya ang pangalan nito. She really had a terrible memory when it comes to remembering names.
"Sure." Maikli niyang sagot saka muling binalikan ang pagkain.
"Sorry, nagulat ba kita?" Tanong nito ng makaupo.
Umiling siya bilang sagot. Nanatili siyang tahimik at inabala ang sarili sa pagkain. Ganoon din naman ang babae.
"I'm Starr by the way." Basag nito sa katahimikan.
Isang tipid na ngiti lang ang isinagot niya dito. Hindi na siya nag-abala pang ipakilala ang sarili dahil alam niyang kilala na siya nito. Sino ba naman ang hindi after what happened in the every first day of school semester. Tahimik uli.
Tumayo na siya ng maubos ang pagkain.
"Tapos ka na? Sabay na tayo." Sabi ni Starr. Tumayo na din ito.
Hindi siya umimiik.
Why did Starr suddenly talking to me? She wondered.
"Kara gusto ko sanang makipagkaibigan sayo." Maya-maya ay sabi ni Starr habang naglalakad sila papuntang Science room. That answered her question.
"Why?" She asked emotionless.
Sa gilid ng mga mata ay nakita niya ang ginawa nitong pagyakap sa mga librong bitbit. Si Starr ang kahuli-hulihang tao na alam niyang makikipagkaibigan sa kanya. She was too innocent and timid kumpara sa kanya. Ito ang tipo ng taong hinding-hindi mananakit ng kahit sino. Kahit na siguro langgam ay hindi nito kayang saktan.
"Walang dahilan. I just like you as a person. You're strong and I admire you for that."
She stopped on her track saka ito hinarap. Ang mga sinabi nito ay tumagos sa pagkatao niya. Walang ibang tao ang nagsabi sa kanya ng mga katagang iyon maliban sa kanyang mga magulang. Noong elementary siya ay meron siyang mga naging kaibigan pero nakipagkaibigan lang pala ang mga ito sa kanya dahil mayaman ang pamilya niya. All they wanted from her was her money. Dahil ang totoong tingin ng mga ito sa kanya ay loser at mahina.
Her high school life was a different story. Ilang beses siyang nagpalipat-lipat ng school dahil lagi siyang napapaaway. Hanggang makapagtapos siya ay wala siyang naging kaibigan. Kaya naman inaasahan na niyang makakapagtapos siya ng college na walang kaibigan. Until now.