~07~ Clumsy

"NALINIS niyo ba?" Tanong ni Trigger sa kausap sa telepono.

"Yes boss. All cleared." Sagot ng lalaki.

"Good." Pagkasabi niyon ay pinatay na niya ang tawag.

"What's that cleaning thing about boss?" Tanong ni Leonard ng makapasok sa library.

Ibinaba nito sa mesa ang mga dalang libro saka humila ng upuan pero bago pa man ito makaupo ay naunahan na ito ni Shin.

"Thank you, bro. You're such a gentleman talaga. Papisil nga diyan." Malanding sabi ni Shin saka akmang hahawakan sa braso si Leonard pero mabilis itong nakaiwas.

"Bakla ka talaga noh?" Iiling-iling na sabi ni Leonard.

"Hello guys. Sorry I'm late again." Natatawang sabi ng kapapasok lang na si Skyler.

"Sanay na kami." Sabi ni Shin sabay kindat sa kapatid niya.

"Umiiral nanaman yang kabaklaan mo."

"Masyado akong gwapo para maging bakla sayang ang lahi." Tinaasan pa ni Shin ang boses.

Tumawa naman si Skyler. "'Yan ang mga nagiging bakla sa panahong ito. 'Yong ubod ng gwapo na katulad mo."

"Anong nangyari kanina bossing?" Tanong ni Leonard sa kanya.

Huminto naman sa paga-asaran sila Shin at Skyler at tumingin sa kanya.

Ilang araw niyang pinag-isipan ang mga sinabi ni Fiona. Ang ligawan si Kara, make her fall in love in to him and break her heart afterwards. Maraming risk sa planong iyon. She might rejected him hindi pa man siya nakakapanligaw.

Fuck! It's sound disgusting.

Never in his life na nanligaw siya ng babae. Women offered themselves to him. Ito ang mga nagkakadarapa para sa atensiyon niya. Kaya naman ang ligawan si Kara ay pag-aaksaya lang ng panahon para sa kanya. Isa pa, kaya niyang maghiganti kay George na hindi ginagamit ang anak nito.

Kaya kagabi rin ay kinalimutan na rin niya ang planong iyon ni Fiona. Besides courting a woman was not his cup of tea.

"This is what happened." Simula niya.

Flashback:

Kaninang umaga habang naglalakad siya sa may school ground papunta ng cafeteria para bumili sana ng kape ay nasalubong niya si Kara. Hindi niya maintindihan pero namalayan na lang niya ang sarili na huminto sa harapan nito.

"Ano?" Mataray na tanong ni Kara sa kanya.

"You're blocking my way." He answered in a bored tone which was so stupid dahil ang luwang ng school ground.

But it would be more stupid kung aaminin niyang hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya huminto sa harapan nito.

Tinaasan siya nito ng isang kilay. "You don't own the school, right? Pwede namang sa may gilid ka dumaan di ba? Ang luwang ng school ground, Trigger." She said in a sarcastic tone.

Naningkit ang mga mata niya. She did really have a sharp tongue. No wonder na lagi itong napapa-away.

"Get out of my way, will you?" May bahid ng inis ang boses niya. But deep inside he was enjoying this moment, especially annoying her.

"Paano kung ayoko?" May paghahamon sa boses na tanong nito.

"Wala akong ibang choice kundi ang itulak ka." Bago pa man ito makasagot ay ginawa niya nga ang sinabi.

Malakas ang ginawa niyang pagtulak dito dahilan para kamuntikan itong sumubsob sa damuhan. He didn't dare to look back. He smirked. Pero agad ding nawala iyon ng mapansin niya ang isang lalaking naka-civilian. Nakaupo ito sa may isang wooden bench na malapit kay Kara. He was watching her intently. Kailan pa naging weak ang security ng school nila? Hindi maganda ang kutob niya dito.

"What the fuck!" Narinig niyang sabi ni Kara.

"Cussing is so unlady like. Hindi bagay sa magandang babaeng katulad mo." Narinig niyang sabi no'ng lalaki. Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang lumapit ang lalaki kay Kara.

He stopped in his tracks and pretended to look at the bulletin board na nadaan niya. He listened to their conversation.

"I want us to talk about something." Makahulugang sabi nung lalaking nagpakilalang Simeon Luciano.

He mentally noted his name para ipaimbistiga kay Fiona kung kanino ito nagtatrabaho.

Ngumisi naman si Kara saka tumango at nagpatiunang naglakad. Tahimik niyang sinundan ang mga ito hanggang sa makarating sila sa may tagong lugar ng HSU forest kung saan ginaganap ang mga camping activities ng school.

Nakita niya kung paano makipaglaban si Kara. He didn't expect that from her. She moved like a pro but she was going to make a big mistake. Kaya bago pa man nito maiputok ang baril ay inihagis niya ang hawak na kutsilyo kay Simeon. Bumaon iyon sa batok nito na agad nitong ikinamatay.

He was not concern about Kara kaya niya 'yon ginawa. Wala siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa babae. Well, maybe he did care a bit but what he cared the most was the peaceful atmosphere of the school. Sa nangyari ngayong umaga ay hindi malabong pasukin ng mga kalaban nila ang school para patayin siya at iyon ang kahuli-hulihang bagay na gusto niyang mangyari. Dahil maraming inosenteng tao ang madadamay.

"Kaya pala ganoon ang itsura ni Kara ng pumasok siya sa English class namin kanina." Nangungunot ang noo na sabi ni Skyler pagkatapos niyang magkwento.

"Simula ngayon ay kailangan na nating maging alerto sa lahat ng oras. This might be just the beginning." Sabi niya at ikinuyom niya ang mga kamay.

"GOOD afternoon, miss." Nakangiting bati ni Alice ng sunduin siya nito ng uwian pero agad na nawala ang ngiti nito ng makita ang itsura niya. Wala kasi siyang dalang extrang uniform kaya hindi siya nakapagpalit. Bumalik ang tingin nito sa mukha niya sa nagtatanong na mga mata.

"Nadapa ako." Sagot siya habang sinusubukang salubungin ang mga mata nito.

"I will tell Mr. Goldman about this." Sabi nito saka mabilis na idinial ang number ng daddy niya. Alam ni Alice na nagsisinungaling siya dahil malinaw pa sa sikat ng araw na hindi siya nadapa.

"Wait! Sasabihin ko na sayo ang mga nangyari." Pigil niya dito bago pa nito mapindot ang call button.

Ibinulsa ni Alice ang cellphone nito saka siya pinagbuksan ng pinto.

Habang nasa daan ay ikinweto niya dito ang mga nangyari kaninang umaga. Ang pagtulak sa kanya ni Trigger. Ang pakikipagbuno niya kay Simeon at ang pagkamatay nito at ang pakikipagkaibigan sa kanya ni Starr Len.

"Bakit hindi mo ako tinawagan o ang daddy mo?" Seryosong tanong nito pagkatapos niyang magkwento.

"Wala na kasi akong oras dahil nag-ring na 'yong school bell."

"Hindi mo ba nakita kahit anino man lang?" Tukoy nito sa taong pumatay kay Simeon.

Umiling siya. "Masyadong tago 'yong lugar na pinagdalhan ko kay Simeon at sigurado akong walang nakasunod sa 'min ng dinala ko siya doon."

Sinulyapan siya ni Alice mula sa rearview mirror. "Whoever that person was, hindi siya isang ordinaryong estyudante lang. Next time 'wag kang makikipagusap sa taong hindi mo kilala. I know you can defend yourself, but when you face a worse situation than today, you might find yourself, at best, in jail or worse, dead."

Tumanaw siya sa labas ng bintana. May punto lahat ang sinabi ni Alice. Kung halimbawa mang ipinutok niya ang baril kahit na alam niya sa sariling ginawa lang niya iyon para protektahan ang sarili pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi siya makulong. Lalo na at walang makakapagpatunay sa mga totoong nangyari.

"Alice pwe-."

"I'm sorry miss, pero hindi ko magagawa ang gusto mo." Putol nito sa sasabihin niya.

"Ayoko lang kasing mag-alala nanaman sila mum at dad sa 'kin." Malungkot na sabi niya habang nakatanaw sa labas ng binta.

"Lalo silang mag-aalala kapag hindi mo sinabi sa kanila ang tangkang pagpatay sayo ngayong araw."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Why these people kept pestering her family, especially her? Simula ng maging parte siya ng pamilya ng mga Goldman ay walang oras na hindi siya nakakatanggap ng death threats. She was aware na maraming kakompetensiya ang daddy niya pagdating sa negosyo. But they were getting out of hand. Isa pang bagay na napansin niya sa mga nagtatangka sa buhay nila ay hindi lang purely business ang motibo ng mga ito kundi meron pang mas malalim na dahilan.

"Alice bakit ba ang daming nagtatangka sa buhay namin? Feeling ko kasi hindi sapat na rason ang negosyo lang e parang may mas malalim pang dahilan." Hindi niya napigilang itanong dito.

Tiningnan siya ni Alice mula sa rearview mirror. "One day miss, malalaman mo rin ang lahat. All you have to do now is try your best to stay alive until that day comes."

AS Kara's expected, kinabukasan paglabas niya ng bahay para pumasok sa school ay tatlong lalaking nakasuot ng black suit ang naabutan niya sa may garahe. Sabay-sabay na binati siya ng mga ito ng magandang umaga.

Alam niyang ito ang magiging resulta pagkatapos niyang sabihin sa daddy niya ang mga nangyari sa school kagabi. Medyo nagiging over protective na sa kanya si George nitong mga nakaraang linggo simula ng pumasok siya sa HSU.

"Kara, darling." Here he comes.

She plastered a smile although she really wanted to tell him na hindi niya kailangan ng dagdag na mga bodyguards. Alice was enough but knowing George, hindi siya mananalo dito.

"Dad, I'm going to school now." Sabi niya saka humalik sa pisngi nito.

"Have you meet these three gents here?" Sinulyapan nito ang tatlong lalaki.

Umiling siya.

"Come here gents." Iminwestra ni George na lumapit ang mga ito dito. Agad namang tumalima ang tatlong lalaki. "You already know my daughter Kara, right?" Sabay-sabay na tumango ang mga ito.

Nilingon siya ng daddy niya. "Kara, these gents here are Uno, Dos and Tres." Pakilala ni George sa mga ito sa kanya.

Gusto niyang matawa. Wala bang maisip na magandang pangalan ang mga magulang nila at Uno, Dos at Tres at iyon ang ipinangalan sa mga ito?

"It's their code name miss." Bulong sa kanya ni Alice ng mapansin ang tawang pinipigilan niya.

"Bakit may ganoon pa?" Nangingiting tanong niya habang pinipigilan ang sariling matawa. Ang babaw din ng kaligayahan niya minsan.

"Identity protection." Sagot ng daddy niya.

"Ahhhh." Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon.

"Anyway, you have to go now baka ma-late ka pa sa school. I'll see you later, sweetheart." Sabi ng daddy niya saka siya ginawaran ng halik sa ulo.

"See yah."

Habang nasa biyahe ay panay ang sulyap niya kotseng nasa likuran nila ni Alice kung saan nakasunod sila Uno, Dos at Tres. Ang weird sa pakiramdam na magkaroon ng mga sariling bodyguard dahil maliban kay Alice ay hindi pa siya pinabantayan ni George kahit kanino. Mabuti na lang at nasa business conference sa Brazil ang mommy niya. Kundi magigisa talaga siya ng bongga kagabi.

"Thanks, Alice." Nakangiting sabi niya ng pagbuksan siya nito ng pinto. Nilingon niya ang kotse nila Uno. Bumaba na ang mga ito at lumpit sa kanya.

"Miss Kara, ihahatid ka na namin sa loob." Nakangiting sabi ni Uno.

Napakunot noo siya. "Anong ibig mong sabihin?"

Nilingon ni Uno si Alice sandali bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Ang sabi ni Boss G ay bantayan ka namin twenty four seven."

"Lalong-lalo na kapag nasa labas ka." Dagdag ni Tres.

"Alice ano 'to? Don't tell me hanggang sa loob ng campus susundan ako ng tatlong 'to." Baling niya sa babae.

"Yes miss, that's an order from your father." Seryosong sagot nito.

"Are you kidding me!" Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang tatlong lalaki. Nakangiti lang amg mga ito sa kanya.

"I'm afraid we're not, miss."

She opened her mouth to say something but no words came out. Isinara niya iyon saka napakamot ng ulo. Ano na lang ang sasabihin ng mga estudyante ng HSU kapag nakita ng mga itong may kasama siyang mga bodyguard sa loob ng campus? Nakilala siya dahil sa pagiging badass niya. Tapos ngayon papasok siya school ng may tatlong bodyguard? Gosh, that was so humiliating. She had to get away from them. Bago pa man niya mapag-isipan ang gagawin ay kumaripas siya ng takbo papasok ng gate.

"Miss sandali lang." Tawag sa kanya ni Alice pero hindi niya ito pinansin.

Mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo ng makitang humabol ang mga ito sa kanya. Panay ang tingin niya sa likuran kaya hindi niya namalayang malapit na siyang bumangga sa isang estudyante.

"Trigger I baked some cookies for you."

Trigger? Cookies?

Dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo niya ay hindi siya kaagad nakapagpreno at malakas siyang bumangga kay Trigger. Nawalan ito ng balanse at agad na yumakap ang mga braso nito sa kanya. Protecting her from the impact as he fell down with her on top of him on the concrete floor. Mariing naipikit niya ang mga mata.

"Fuck!" Impit na daing ni Trigger.

Napamulat siya ng mga mata. Sumalubong sa kanya ang lukot na mukha ni Trigger. Nakapikit ng mariin ang mga mata nito at medyo malalim na din ang paghinga nito.

"Miss are you ok?" Nag-aalalang tanong ni Alice ng makalapit sa kanila. Kasunod nito sina Uno, Dos at Tres.

Mabilis ang ginawa niyang pagtayo. Ganito 'yong mga tagpong romantic sa movie. Magkakabanggan si boy at si girl, tapos sasaluhin ni boy si girl then, magkakatitigan sila. Pero iba ang nangayari sa kanila nila Trigger dahil hindi naging romantic ang ending kundi disaster.

Lumuhod siya sa tabi ng binata ng subukan nitong tumayo pero napahiga uli ito. Sunod-sunod itong napamura ng mahina.

"Ohhh my gosh!"

Sinulyapan niya ang ang babaeng nagsalita. Si Penelope Bath, ang maganda at seksing secretary ng student council. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin kay Trigger.

Ibinalik niya ang tingin sa lalaki. "Shit. I'm really sorry Trigger." Hindi niya alam kung saan ito hahawakan ng mga sandaling iyon.

Lumuhod na din si Penelope. "Babe, are you okay?" Puno ng pag-aalala ang boses.

Babe? Tiningnan niya uli ito.

Trigger grunted in pain kaya bumalik ang tingin niya dito. He was sweating a lot. Mukhang napuruhan niya yata ito.

"What is happening here?" Tanong ng bagong dating.

"Oh, thank God you're here Lucas! Si Trigger, mukhang nabalian yata ng buto dahil sa pagkakabagsak niya dahil kay Kara." Naiiyak na sumbong ni Penelope dito.

She rolled her eyes.

"Ikaw nanaman?" Isang masamang tingin ang ipinukol ni Lucas sa kanya.

Itinaas niya ang isang kamay para pigilan si Alice ng makitang humakbang ito palapit kay Lucas.

"I can handle this. Tatawagan ko na lang kayo kapag may emergency." She

dismissed in a stern voice.

"Okay, miss." Sagot ni Alice bago binalingan sila Uno, Dos at Tres. Sabay-sabay na umalis ang mga ito.

Maya-maya pa ay dumating na ang medical team ng school para dalhin sa pinakamalapit na hospital si Trigger.

Sa pangatlong pagkakataon ay nasa loob siya ng principal's office pero hindi rin siya nagtanggal doon. Maraming estudyante ang witness at iisa lang ang sinasabi ng mga ito na aksidente lang talaga ang nangyari at hindi niya iyon sinasadya. Laking pasasalamat niya sa mga ito dahil kung hindi nagsalita ang mga ito ay hindi niya alam kung ano na ang mangyayari sa kanya ng mga sandaling iyon.

Hindi na din pumasok ng araw na iyon si Trigger. Ayon kay Skyler ay kailangan nitong magpahinga sa bahay sa loob ng isang linggo dahil medyo malala ang naging damage sa lower back nito.

Nagi-guilty tuloy siya ng sobra. Panay ang ikot niya sa kama dahil hindi siya makatulog.

"Arrrghhhh!" Inis na bumangon siya at ginulo ang buhok. "Bakit ba ako nagi-guilty? Aksidente ang nangyari di ba?" Tumayo siya at natungo sa banyo.

Kinuha niya ng bathrobe at isinuot iyon. Niyakap niya ang sarili ng makarating sa may balcony ng kwarto niya. Tumanaw siya sa madilim na kalangitan. Wala siyang makitang bituin. Mukhang uulan pa yata.

Napakunot ang noo niya ng tumunog ang cellphone niya. It was almost midnight. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganoong oras. Tiningnan niya ang caller ID, si Skyler. Ano nanaman kaya ang kailangan nito.

"Yes?" Sagot niya.

"Come with me. Nandito ako ngayon sa may labas ng gate niyo." Sabi nito.

Sumilip siya sa may bintana. She saw him waving his phone.

"Gabi na Skyler. I'm tired." Tinatamad na humiga siya sa kama.

"I need your help. Ayaw kumain ni kuya and he keep refusing to take his medicines."

Damn that hard-headed guy.

"Five minutes. I'll be right there." Pinatay na niya ang tawag saka mabilis na kinuha ang jacket at sapatos.

Maingat niyang binuksan ang pinto ng kwarto saka sumilip sa may hallway bago tuluyang lumabas.

She tip toed, not making any noise because her dad was a light sleeper. Konting ingay lang ay gising na ito kaagad. Nakahinga siya nang maluwag ng makalabas ng bahay na wala siyang nagigising na kahit sino. Ngayon ang problema niya ay kung paano siya makakalabas sa gate. Masyadong sensitive ang gate nila at may mga alarm na nakakabit doon. Kapag ganitong oras ay naka-set ang alarm niyon to alert the people inside the house kung may lumabas man o pumasok. Kaya sa halip na dumaan sa may gate ay umakyat na lang siya sa puno na may sangang pwede niyang tawirin papunta sa kabilang bahagi ng bakod.

Agad namang lumapit si Skyler ng makita siya nito. Itinaas nito ang dalawang kamay para saluhin siya.

"Jump." Utos nito.

"No way. I can do it on my own." Tanggi niya habang isinusuot ang sapatos.

"Fine." Nakahalukipkip na pinanood siya ni Skyler.

Inihanda niya ang sarili sa pagtalon. Hindi naman kataasan ang sangang tinatapakan niya mula sa sementadong kalsada. Ikinapit niya ang mga kamay sa may sanga saka lumambitin bago bumitaw. She landed smoothly on the ground. Pinagpag niya ang mga kamay.

"Alam ko na ngayon kung saan ka pinaglihi." Natatawang sabi ni Skyler habang naglalakad sila patungo sa kotse nitong naka-park sa di kalayuan.

"'Wag mo ng ituloy kung ayaw mong ikaw ang sumunod sa kuya mo." Banta niya.

"Remember, ako ang nauna sa kanyang nabalian ng buto." Kinindatan siya nito.

Namula siya ng maalala ang nangyari noong unang araw ng pasukan.

Tumawa naman si Skyler.