HUMINTO ang kotse ni Skyler sa tapat ng isang mataas na gate na automatic na bumukas at isang malaking bahay ang bumungad kay Kara. Simple lang ang disenyo ng bahay. Hindi katulad ng sa kanila na nagsusumigaw kung gaano kayaman ang pamilya nila.
Sumunod siya kay Skyler ng lumabas ito ng kotse at kumatok sa pinto. Isang matandang babae ang nagbukas niyon.
"Kamusta na po si kuya?" Agad na tanong ni Skyler dito.
"Ganoon pa rin hijo. Ayaw niya pa ring kumain at uminum ng gamot niya." Niluwangan nito ang pagkakabukas ng pinto para makapasok sila.
"Tumawag po ba ulit si mom?"
"Oo. Hinahanap ka at kinakamusta si Trigger. Mukhang nag-aalala ng sobra si Sandra. Pero sabi ko huwag siyang mag-aalala dahil hindi naman natin pinabayaan si Trigger." Sagot ng matanda.
"Ganoon po ba. Tatawagan ko na lang siya mamaya. Magpahinga na po kayo. Kami na po ang bahala kay kuya."
"Kami?" Nagtatakang tanong ng matanda.
Hindi siya nito nakita dahil nasa likuran siya ni Skyler.
"Opo." Hinila siya ni Skyler sa tabi nito. "Nanay Tess, si Kara, kaibigan ko po. Kara si Nanay Tess, tagapangasiwa sa bahay ni kuya." Pakilala nito sa kanila sa isa't isa.
Nilingon niya si Skyler dahil may salita itong ginamit na nagpapantig sa mga tainga niya. Kaibigan, kailan pa niya ito naging kaibigan? Bakit hindi siya na-inform? Gusto sana niyang ikorek si Skyler pero naunahan siyang magsalita ni Nanay Tess.
"Nice meeting you hija." Nakangiting sabi nito.
Nginitian niya rin ito. "Same here po, Nanay Tess."
"Meron pa ba kayong kailangan Sky?" Baling nito sa lalaki.
"Wala na po Nanay Tess. Magpahinga na po kayo."
Tumango ito bago nagpaalam sa kanila.
Pagkaalis nito ay hinila siya ni Skyler paakyat ng second floor. Huminto sila tapat ng sa isang pinto. Kumatok muna ito.
"How many times do I have to say na ayokong kumain!" Galit na sabi ni Trigger mula sa loob.
Napatalon siya dahil sa lakas ng boses.
"I'm coming in." Sa halip ay sabi ni Skyler.
"Go away! I'm busy!"
"'Wag na lang kaya. He sounds so irritated. Baka masapak ko lang siya kapag hindi ako nakapagtimpi." Akma na siyang tatalikod pero agad siyang nahawakan ni Skyler sa kamay.
"Wait. Please I need you okay? Just this one." Nagsusumamo ang boses nito.
"Sky, alam mo namang hindi kami pumipirmi sa isang lugar ni Trigger na hindi nagkakainitan ang ulo di ba?" Dapat hindi na siya sumama dito baka hindi niya mapigilan ang sarili at may magawa nanaman siyang hindi maganda kay Trigger.
"That's nonsense. Alam nating pareho na aksidente ang nangyari kay kuya."
"Baka lalo lang mag-rebelde ang kuya mo kapag nakita niya ako."
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "I doubt that. Napansin ko simula ng makilala ka ni kuya parang may nag---."
Sabay silang napalingon ni Skyler sa pinto ng bumukas iyon.
"Sinong kausap mo?" Kunot noong tanong ni Trigger. Lalong sumama ang timpla ng mukha nito ng makita siya. "What is she doing here?"
Muntik ng malaglag ang panga niya sa nakita. Wala itong suot na pang-itaas kaya naman kitang-kita niya ang well-toned na katawan nito. Hell, he was so sexy.
"Para tulungan ako sayo dahil napaka-hard headed mo." Sagot ni Skyler saka pumasok sa kwarto.
Leaving her and Trigger alone.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Nakatingin lang sila ni Trigger sa isa't isa. Pinagsiklop niya ang mga kamay sa likuran. She felt awkward looking at Trigger who was standing half naked in front of her and it seemed like he didn't care kung pagpiyestahan man ng mga mata niya ang hubad nitong katawan. Wala naman siyang mabasa na kahit anong emosiyon sa mga mata nito. Bakit ba ang galing nitong magtago ng tunay na nararamdaman?
"Kuya ano 'to?" Tanong ni Skyler sa kapatid mula sa loob. May hawak-hawak itong mga papel.
Tinalikuran na siya Trigger at pumasok sa loob. "I need to work." Balewalang sagot nito saka bumalik sa harapan ng laptop nito.
Naipikit niya ang mga mata. Once na pumasok siya loob ay wala na 'yong atrasan. Her heart started to hammer against her chest sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan. Slowly she closed the door behind her. Naglakad siya palapit sa magkapatid na nagtatalo.
"Give it back to me, Skyler. I'm warning you!" Trigger's face was fuming with anger.
"You have to rest! 'Yon ang sabi ng doctor." Inis na balik ni Skyler dito.
Kinuha niya ang mga papel na nasa kamay ni Skyler at walang sabing pinunit ang mga iyon. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ng mga ito. Nag-aapoy sa galit ang mga matang tiningnan siya ni Trigger samantalang si Skyler naman tila aliw na aliw habang pinagmamasdan siya.
"You! What the fuck have you done?!" Trigger pointed his finger at her.
Okay...Pakiramdan niya ay para siyang nasusunog sa tingin na ipinupukol sa kanya ni Trigger. His eyes were on fire and it was getting hot in here.
"Ang tigas kasi ng ulo mo. Paano ka gagaling kaagad kung hindi ka kakain at iinom ng gamot mo? Sabagay ikaw naman ang mahihirapan hindi kami." Tumingala siya at lakas loob na sinalubong ang mga mata nitong nag-aapoy sa galit.
Nag-tagisan sila ng tingin. Nunka na magpapatalo siya. Alam niyang nasa tama siyang posisiyon. Kung hindi lang talaga nakiusap sa kanya si Skyler ay hindi siya pupunta dito kahit na nagi-guilty siya sa nangyari dito. Kung hindi sana niya tinakbuhan sila Alice ng araw na 'yon ay hindi mangyayari ang lahat ng ito.
Nagtangis ang mga bagang ni Trigger habang nakatitig sa mga mata niya. His face was void of any emotions now kaya hindi niya alam iniisip nito ng mga sandaling iyon.
Trigger's emerald eyes was so beautiful. It was complimented with thick and long eyelashes na lalong nag-enhance sa kulay ng mga mata nito. Hindi siya magsasawang titigan ang mga iyon buong araw.
"Kuya." Pumagitna si Skyler sa kanila. Marahil ay nararamdam nito ang namumuong tension sa pagitan nilang dalawa. "Please, have a rest para gumaling ka agad." Mahinahong patuloy nito.
Tumaas baba ang dibdib ni Trigger. His eyes were still on her. "Take her home now or I will do it myself and swear...fuck." Tumalikod na ito saka pumasok sa isang pinto.
Pareho silang napatalon ni Skyler sa gulat sa lakas ng pagkakasara ng pinto.
"He was such a pain." Naihilamos niya ang isang kamay sa mukha.
"I'm sorry about that." Napakamot ng ulo si Skyler.
Tiningnan niya ito. "Dapat hindi na talaga ako nagpunta dito. Tingnan mo nagalit lang si Trigger." Tumingin siya sa pintong pinasukan nito.
"How about some tea?" Sa halip ay tanong ni Skyler.
Tumango siya. Lumabas na sila ng kwarto at nagtungo sa kusina.
"Kasalanan ko 'tong lahat e." Nakakalumbabang sabi niya habang nakatanaw sa labas ng bintana.
Skyler was brewing tea.
"Aksidente ang nangyari Kara. Kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo." Sabi ni Skyler habang nagsasalin ng tsaa sa dalawang tasa. "Here, have some tea." Inilapag nito ang isang tasa ng chamomile tea sa harapan niya.
"Thanks." She smelled the tea first bago siya humigop.
Hmmm. Gustong-gusto niya talaga ang tsaa. It really soothed her nerves. Pagkaubos niya niyon ay inihatid na rin siya ni Skyler pauwi.
SABADO dahil walang pasok ay napagdesisyonan ni Kara na bisitahin si Trigger para kamustahin ang kalagayan nito. Tatlong araw na rin ang nakakalipas simula ng huli niya itong makita. Lagi naman niyang tinatanong ang kalagayan nito kapag nagkikita sila ni Skyler sa school. Medyo maayos na daw ang pakiramdam ni Trigger kahit papaano. Sadyang pasaway nga lang pagdating sa pagkain at pag-inom ng gamot. Ganoon pa man ay gusto pa rin niya itong makita. Hanggang ngayon kasi ay dala-dala pa rin niya ang guilt. Hindi niya alam kung kailan ba siya makaka-move on. Kahit ilang beses niyang ipaalala sa sarili na aksidente lang ang lahat ng nangyari.
Napagisip-isip niya rin kagabi na dapat siguro ay mag-sorry siya dito kasi kung hindi dahil sa kanya ay hindi ito magkakaganoon. Meron ding parte ng pagkatao niya ang gusto itong makita sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan.
Paano nga pala siya makakalabas ng bahay ngayong hinigpitan siya ng mga magulang sa paglabas ng hindi kasama sila Uno, Dos, Tres at Alice? At siguradong hindi siya papayagan kapag nalaman ng mga ito kung saan siya pupunta. Kailangan niyang mag-isip ng idadahilan.
She started pacing inside her room. Gusto niyang makita si Trigger at alamin ang kalagayan nito. Hindi siya mapapakali ngayong araw kapag hindi niya ito nakita.
Napatingin siya sa cellphone na nasa ibabaw ng kama ng tumunog iyon. Tiningnan niya kung sino ang nagtext, si Starr.
Hi fret, have a good weekend. See you on Monday x
Isang idea ang pumasok sa isip niya.
Fret, can you do me a favour? She texted back.
Send!
Mabilis siyang nagbihis at lumabas ng kwarto. Naabutan niya ang mga magulang sa sala. May bisita ang mga ito.
"Kara." Tawag sa kanya ni George.
"Yes dad?" Tanong niya ng makalapit sa mga ito. Pinasadahan niya ng tingin ang dalawang lalaking kausap ng mommy niya.
"Saan ka pupunta?" Tanong nito.
"Kila Starr."
"Who is that?" Kunot-noong tanong ng daddy niya.
"My new friend." Sagot niya saka muling sinulyapan ang mga bisita nila.
Nakatingin na sa kanya ang mga ito sa kanya. Ganoon din si Fatima. Dumako ang tingin niya sa lalaking mukhang nasa mga early twenties ang edad. Familiar ang mukha nito. Hindi niya lang maalala kung saan niya ito nakita.
"I see. By the way, I want you to meet my business partner, Raymond Scarf and his son, Tom." Pakilala ni George sa kanya sa mga ito.
"Hello Ms. Kara, nice to meet you." Tumayo si Raymond at inilahad ang kamay sa kanya.
Tinanggap niya ang kamay nito. "Same here, Mr. Scarf."
"Hey there beauty." Bago pa man siya makapag-react ay hinalikan siya ni Tom sa pisngi.
Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ito. He gave her a flirting smile.
"I have to go." Nilingon niya ang mga magulang. Nakangiti lang ang mga ito. Nangunot ang noo niya dahil mukhang nage-enjoy pa ang mga ito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Tom.
Iiling-iling na tinalikuran niya ang mga ito.
"Take care sweetie!" Habol ng daddy niya.
She waved at them without turning her back.
Paglabas niya ay nakita niya si Alice sa labas kausap si Uno.
"Let's go Alice." Sabi niya ng dumaan sa harapan ng mga ito.
Sumund naman ito sa kanya. "Saan lakad natin, miss?" Tanong nito at in-unlock ang kotse.
Hindi na niya hinintay pang pagbuksan siya nito ng pinto. "Kila Starr." Sagot niya ng makaupo sa may passenger seat. Kailangan niyang mag-ingat sa pagsagot kay Alice dahil alam nito kung nagsasabi siya ng totoo at hindi.
Ngumit namani ito at hindi na nagtanong pa bago pinaandar ang kotse. Nakahinga siya ng maluwag.
Malayo pa lang ay natanaw na niya si Starr na naghihintay sa labas ng gate. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi nito ng makita siya. Ito na rin ang nagbukas ng pinto para sa kanya.
"Hi fret. Welcome to our humble home." Masiglang sabi nito ng makalabas siya ng kotse.
Ito ang kauna-unahang pumunta siya sa bahay ng kaibigan.
Baba na sana si Alice pero mabilis niya itong pinigilan.
"Pwede ka ng umuwi. Ihahatid ako ng driver nila Starr mamaya pauwi." Sabi niya habang nakasilip sa may bukas na pinto ng kotse.
"Pero, miss---."
"See you later!" Hinila niya si Starr papasok ng bahay nito bago pa siya man siya mapigilan ni Alice.
"'San ba ang lakad mo at kailangan mo pang takasan si Alice?" Natatawang tanong ni Starr ng makapasok sila sa loob.
"Kila Trigger." Sagot niya. Nang marinig ang kotse ni Alice umandar paalis ay hinarap niya si Starr. "Salamat ha, I owe you this one." Nginitian niya ito.
Habang tumatagal ay lalong gumagaan ang loob niya kay Starr. She felt like their souls were meant to be friends. Bibihira siyang makaramdam ng ganoon sa taong kakikilala pa lang niya.
"No worries fret. Kamusta na pala si Trigger?"
Napabuntong hininga siya. "Okay naman na daw siya sabi ni Skyler pero gusto ko pa rin siyang makita."
Inakbayan siya nito saka iginiya sa may garahe kung nasaan ang kotse nito.
"He'll be fine. Mas malakas pa yata 'yon sa kalabaw." Natatawang sabi ni Starr saka binuksan ang passenger door ng kotse.
Nakaupo na sa may driver seat ang driver ni Starr.
"I really hope so. Hanggang ngayon kasi nagi-guilty pa rin ako. Kundi dahil sa akin ay hindi mababalian ng likod si Trigger." Sumakay na siya at naupo sa may passenger seat.
Humawak sa pinto si Starr. "Don't worry too much fret. Your boyfriend will be fine."
Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Boyfriend ka diyan!"
Tumawa ito. "Crush na lang pala?"
"Starr!"
"Aba, fret 'wag ka ngang pa-virgin diyan. Alam kong crush mo si Trigger."
Naningkit ang mga mata niya. "Nakainom ka ba fret? Aware ka ba sa mga pinagsasabi mo? Wala akong gusto kay Trigger, okay?"
"Bulag lang ang hindi magkakagusto sa kanya fret." Ngumisi ito. "Halos magkadarapa na nga 'yong mga babae sa HSU sa kanya e."
She rolled her eyes. "Hindi ako. Oo, gwapo siya pero hindi ko siya type. He's a pain in the ass and I hate him. I really hate him." Humalukipkip siya.
Tumaas ang isang kilay ni Starr. "Kung hate mo siya bakit sobra kang aligaga na makita siya?"
"Dahil nagi-guilty ako."
"Guilty o concern?"
Hindi siya nakaimik.
"You should see your face in the mirror fret." Kinindatan siya nito bago isinara ang pinto.
Ibinaba niya ang bintana. "Hindi ako concern kay Trigger."
"'Wag mo sa 'king sabihin 'yan fret dahil ibang Kara ang nakikita ko sa tuwing nakikita mo siya."
Umiling siya. "I don't like him and I never will."
Starr didn't say anything. Ngumiti lang ito sa kanya.
"Thanks fret. See you on Monday." Nginitian niya ito.
Starr saluted.
Nagpagisipan niyang ipagluto si Trigger para naman kahit papano ay mabawasan ang guilt na nararamdaman niya. Kaya dumaan muna sila sa supermarket upang mamili ng mga sangkap para sa lulutuin niyang sopas. Isa sa mga paborito niyang pagkain.
Noong gabing dinalaw niya si Trigger ay mukha itong walang iniindang sakit pero alam niyang nagtitiis lang ito. She caught him winching few times habang nakikipagtalo kay Skyler. Men, bakit ba masyado silang ma-pride? Ayaw na ayaw nilang nakikita silang nasasaktan o nahihirapan.
"Maraming salamat po sa paghatid." Magalang na sabi niya sa driver bago bumaba.
"Walang anuman." Nakangiting sagot nito bago pinaandar ang sasakyan.
Dala-dala ang mga pinamili ay lumapit siya sa may gate. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago pinindot ang doorbell. Nakailang pindot siya bago may sumagot.
"Hello there Ms. Kara!"
Kilala niya ang boses na iyon. Bumukas ang gate at ang nakangiting mukha ni Shin ang bumungad sa kanya.
"Andiyan ba si Trigger?" Tanong niya dito.
"Yes. Pero hindi siya tumatanggap ng bisita ngayon."
"Good." Bago pa man siya mapigilan ni Shin ay mabilis siyang pumasok diretso sa loob ng bahay.
"Ms. Kara sandali lang!" Habol sa kanya ni Shin.
Hindi niya ito pinansin. Tinungo niya ang kusina at ipinatong sa mesa ang plastic bag na bitbit.
"Ms. Kara, I'm sorry but you have to leave." Sabi ni Shin ng makapasok ito ng kusina.
"Says who?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya.
"Si boss." Kakamot-kamot ng ulong sagot nito.
"Sabihin mo sa kanya hindi ako aalis hangga't 'di ko siya nakikitang kumain at uminom ng gamot niya." Matigas niyang sabi saka inilabas ang mga pinamili mula sa plastic.
"Anong kaguluhan ang 'to?" Hihikab-hikab na tanong ni Leonard pagpasok ng kusina. Nang makita siya ay biglang nawala ang antok nito. Nagmamadaling lumapit ito sa kanya. "Bakit ka nandito?" Halos pabulong na tanong nito sa kanya saka lumingon sa may pintuan ng kusina.
Inis na inalapag niya ang plastic na may lamang manok sa may mesa. "Ano bang problema niyo kung nandito ako?" Nakapamewang na hinarap niya ang dalawa.
"Pinagbilinan kasi kami ni bossing na 'wag kang papasukin kung sakali mang pumunta ka ulit dito." Sagot ni Leonard.
"Asan ba siya?" Nagmartsa siya palabas ng kusina para puntahan si Trigger sa kwarto nito ng bumangga siya sa isang matigas na dibdib.
"Wooaaah, easy." Nakangiting sabi ni Skyler ng makita siya. Hinawakan siya nito magkabilang balikat para balansehin.
Mabilis siyang kumawala mula sa pagkakahawak nito at nagtuloy sa may hagdan. Hindi pa man siya nakakatapak sa unang baitang ay naramdaman niyang may humawak sa braso niya. Nilingon niya ni Skyler. Umiling ito. Nakuha naman niya ang gusto nitong sabihin.
"Fine." She breathe out saka hinila ang braso mula sa pagkakahawak nito.
Bumalik siya sa kusina. Sumunod naman si Skyler.
"Wow. Anong lulutuin mo?" Tanong nito ng makita ang mga pinamili niya sa mesa. Nandoon pa rin sila Shin at Leonard.
"Sopas." Maikli niyang sagot saka inumpisahang ihanda ang mga rekado ng lulutuin niya.
Pagkatapos ng isa't kalahating oras ay natapos na din siyang nagluto. Napangiti siya ng matikman ang sopas. Perfect! Tinawag niya si Skyler para dalhan ng sopas si Trigger sa kwarto nito.
"Patikimin ng luto mo." Sabi ni Shin habang nakatingin sa may kaldero. Biglang kumulo ang tiyan nito.
Napangisi siya. "Ayoko dahil pinapaalis mo ako kanina."
Shin pouted. "Sorry na."
"Tsk. Fine, help yourself."
"Thanks Ms. Kara. You're such a sweetheart!"
Bago pa man siya makasagot ay inatake na ni Shin at Leonard 'yong kaldero ng sopas.