~ 09 ~ Distraction

NAG-ANGGAT ng tingin si Trigger mula sa ginagawa ng makarinig ng ilang katok mula sa labas ng kwarto niya. Sino nanaman kaya ang istorbo na 'yon?

"Come in!" He instructed.

Pumasok naman si Skyler, may bitbit itong tray.

"I don't want to eat anything." Sabi niya bago pa man nito mailapag sa mesa ang dalang tray.

"Really? Ipinagluto pa naman kita ng paborito mong pagkain." Sabi ni Skyler saka inilapag ang tray sa mesa niya.

Tiningnan niya ang laman ng tray. His stomach rumbled at the sight of his favourite food. Lalo na at hindi pa siya kumakain simula kagabi.

"Ayaw mo pa rin?" Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Skyler. "Last bowl na 'to dahil nilalantakan na no'ng dalawa 'yong natitira sa kusina." Dagdag pa nito.

Isang masamang tingin ang ipinukol niya kay Skyler.

"Sinong nagluto nito?" May paghihinalang tanong niya dahil day off ngayon ni Nanay Tess at walang alam sa pagluluto ang kapatid. Ganoon din sila Shin at Leonard.

"Isang concerned citizen."

"Skyler." He said in a warning tone.

"Si Kara." Pag-amin nito.

"Di ba ang sabi ko 'wag na 'wag niyong papasukin ang babeng 'yon sa pamamahay ko?" Padabog na tumayo siya dahilan para lalong sumakit ang likod niya. "Fuck." Napakapit siya sa mesa.

Agad namang siyang nilapitan ni Skyler. "Easy kuya." Iginiya siya nito sa may kama.

Nahiga siya. Damn, this back pain was killing him.

Kasalan itong lahat ni Kara. If she was only looking in front of her that day. He wouldn't be confined in his room for a week. He felt useless. Hindi siya makapagtrabaho ng maayos. May mga importanteng meeting siya ngayong weekend na kailangang puntahan pero hindi siya pinayagan ng doctor. Idagdag pa ang kapatid niya na bantay sarado kaya hindi siya makalabas ng bahay. He was not allowed to do any work. Sadyang matigas lang talaga ang ulo niya dahil nagtatrabaho pa rin siya, not physically but mentally.

"Kunin ko lang sa kusina 'yong pain reliever. I will be right back." Sabi ni Skyler saka nagmamadaling lumabas ng kwarto niya.

Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa may night stand para i-text si Miko na ito na muna ang bahala sa mga meeting niya ngayong weekend.

"What took you so long?" Tanong niya kay Skyler ng bumukas ang pinto habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa cellphone. Hindi ito sumagot kaya nag-angat siya tingin. Napaupo siya sa kama ng wala sa oras ng makita si Kara. Napahugot siya ng marahas na hininga ng lalong sumakit ang likod niya.

"Nandito ako para siguraduhing kumain ka at uminom ng gamot mo sa tamang oras." Sabi nito habang binubuksan ang bote ng gamot. "Here, drink this." Iniabot nito sa kanya ang dalawang capsule ng pain reliever medicine saka isang basong tubig.

Tiningnan niya lang ang mga iyon.

"Please, Trigger."

Umangat ang tingin niya sa mukha ni Kara. Ngumiti ito ng tipid. His eyes travelled down to her full, red lips. Kumibot ang labi nito. He wondered what her lips would felt or taste like. Suddenly he felt an urge to... kiss her.

"Trigger?"

He like the sound of his name on her lips.

Tumikhim si Kara. "Stop staring."

Hindi niya namalayang nakatitig na pala siya dito. Mabilis niyang kinuha sa kamay nito ang gamot at baso saka ininom 'yon. Sinundan niya ng tingin si Kara ng maglakad ito patungo sa may mesa para kunin ang tray na dala ni Skyler kanina.

Naupo ito sa may gilid ng kama at saka inumpisahang haluin ang sopas.

"It's getting cold. You should eat this now habang mainit pa." Sabi nito saka akmang susubuan siya ng pigilan niya ito.

"I can feed myself." Kinuha niya ang tray mula nito.

Nagsimula na siyang kumain. This was the best sopas he had so far. Natalo nito ang ipinagmamalaking sopas ni Nanay Tess. Napahinto siya sa pagsubo ng mapansing nakatitig sa kanya si Kara.

"I'm really sorry, Trigger." Bulong nito.

Ibinaba niya ang kutsara sa may tray. "You should be."

"I know. Please forgive me." May pagsusumamo ang boses nito.

Why was she acting like this suddenly, vulnerable? Hindi ito ang Kara na kilala niya. The Kara he knew was feisty.

"Let me take care of you hanggang sa gumaling ka. Pagkatapos no'n ay sisiguraduhin kong hindi na uli magtatagpo ang mga landas natin."

Bakit parang hindi niya gusto ang tunog ng mga sinasabi ni Kara? Lalong-lalo na ang gagawin nitong pag-iwas sa kanya. What was wrong wih him? Simula ng makilala niya ito ay hindi na siya makapag function ng maayos. She kept invading his mind and he knew he had to get away from it.

"Hindi kita kailangan. Skyler can take care of me." Ibinigay niya ang tray dito saka humiga. "You can leave now. Gusto ko ng magpahinga." Tumalikod siya dito.

"I understand." Malungkot na bulong nito. Naramdaman niya ang paggalaw ng kama.

Pinakiramdaman niya ang bawat kilos nito hanggang sa marinig niya ang marahang pagbukas sara ng pintuan.

TINUPAD nga ni Kara ang sinabi nito na lalayuan na siya nito noong huling araw bumisita ito sa bahay niya.

Ilang araw na ang nakakalipas ng muli siyang pumasok sa school at kahit anino ni Kara ay hindi na niya nakikita.

"Ang bongga naman ng birthday invitation ni Kara."

Narinig niyang sabi ng isang babae pagpasok niya sa cafeteria ng school kasama sila Shin at Leonard.

"Patingin nga ako." Sabi naman no'ng isa.

Girls started to scream and gave him a flirty smile. Naupo sila ni Leonard sa mesang nakalaan para sa kanila na nasa may pinakatahimik na bahagi ng cafeteria.

Si Shin naman ay bumili ng snacks nila.

"Trigger! How are you?" Nakangiting bati ni Penelope ng makita siya. Agad itong naupo sa tabi niya.

Hindi niya ito pinansin. Inabala niya ang sarili sa pagkain.

"Hi Pen." Shin smiled at her sweetly.

Hindi naman ito pinansin ni Penelope. "Kamusta na ang likod mo?" Tanong nito at pasimpleng idinikit ang braso sa kanya.

"Fine." Maikling sagot niya habang pinaglalaruan ng tinidor ang spaghetti.

"May gusto sana akong itanong sayo." Penelope tucked in the loose strands of her hair in the ear bago nagpatuloy. "Can you be my date sa birthday ni dad this coming Saturday?" Nilagyan pa nito ng lambing ang boses.

"No." Tipid niyang sagot.

"Aww. Why naman?" She asked disappointed.

Nilingon niya ito. "It's none of your business. Can you leave me alone? Gusto kong kumain ng tahimik." He answered irritably.

Para naman itong maiiyak. He muttered under his breath saka tumayo at lumabas ng cafeteria. Wala siyang oras para sa drama ng babaeng ito.

"Boss, 'san ka pupunta?" Habol sa kanya ni Leonard.

"I want to be left alone." Sagot niya habang patuloy sa paglalakad.

"Okay. See you later then."

Hindi siya umimik. He decided to have a walk in the HSU forest to clear his head. Nitong mga nakaraang araw ay hindi siya makapag-concentrate sa lahat ng ginagawa niya. He also felt irritated all the time which was unsual and he had no idea why.

Inis na sinipa niya ang batong nadaanan. Tumama iyon sa may isang puno. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa may tabing ilog. Humiga siya sa may damuhan at ipinikit ang mga mata.

Full of self-confidence, hard work and determination, he made his name known around the world. He was a perfectionist and fearless. To survive in the mafia world he made rules for himself. Number one was never ever commit to a relationship because it will lead to love, and love is a dangerous word in his world. It was a symbol for weakness. He loved his family of course and was willing to risk everything to protect them but being in love with someone is different. It will cost him his sanity and life.

Alam ng mga magulang niya ang tungkol sa mafia organization na kinabibilangan nila ni Skyler. Noong una ay sinubukan nilang itago sa mga ito ang tungkol sa bagay na iyon pero isang gabi habang nag-gagabihan ay nadulas si Skyler. Kaya wala siyang nagawa kundi ang aminin sa mga ito ng tuluyan ang tungkol sa Rouge Circle.

William was not surprised about it. Hindi na siya nagtaka dahil alam niyang may mga ka-business deal itong mga mafia noon pa man bago niya binuo ang Rouge Circle. Si Sandra naman ay napuno ng pag-aalala para sa kaligtasan nila ni Skyler.

Nag-flash sa utak niya ang mukha ni Kara. Aware kaya ito kung gaano kadelikado ang buhay nito? Because being the daughter of a mafia boss made her the number one target of George's enemies. Napamulat siya at pinagmasdan ang asul na kalangitan. Walang araw na lumipas na hindi niya ito naiisip kahit gaano siya kaabala. Napabuga siya ng hangin, si Kara ang kauna-unahang babaeng umukopa ng ganito sa isip niya.

He should stop thinking about her for now. Dapat ang iniisip niya ay kung paano uunahan ang Golden sa shipment ng armouries na darating next week. Inis na bumangon siya at naupo saka ginulo ang buhok. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng school sa buong Pilipinas ay dito pa talaga sa HSU nag-enroll si Kara. Tumayo na siya. Maybe all he needed was a distraction to occupy his mind para makalimutan si Kara.

Right, but he already did every distraction he knew and none of it worked. There was one more left, to bed a woman. That might work.

Inayos na niya ang sarili para bumalik sa campus nang makarinig ng dalawang babaeng nag-uusap palapit sa kinatatayuan niya.

Speaking of the she devil.

Pagkarinig sa boses ni Kara ay nakalimutan na niya ang planong bumalik sa campus para maghanap ng distraction. May mga nagtataasang damo sa pagitan nila. Sapat para hindi siya makita ng mga ito.

"May napili ka na bang escort para sa debut mo?" Tanong ng kasamang babae ni Kara.

Kung hindi siya nagkakamali ay ito 'yong bagong kaibigan ng dalaga. Hindi niya lang maalala ang pangalan nito. So, she was turning eigtheen then?

Still a baby.

"Meron. Pero sila mum at dad ang pumili." Narinig niyang sagot ni Kara.

"Kilala mo?"

"Yeah. I met him few times."

Napakunot ang noo niya. Sino kaya ang tinutukoy nito? Does he knew him? Tangina, pakialam niya ba kung sino ang bastardong 'yon.

"Kilala ko ba?" Tanong uli no'ng babaeng kausap nito.

"Siguro? Anak ng business partner ni daddy. His name is Tom Scarf." Walang ganang sagot ni Kara.

Tom Scarf? Who the hell was that guy? Ang pangit ng apelyido nito. Siguro kasing pangit ng mukha nito.

"Tom Scarf ba kamo?" Lumakas bigla 'yong boses ng babae.

"Oo. Bakit?" Tumatawang tanong ni Kara.

She laughed. Iyon ang unang pagkakataon na narinig niya itong tumawa. Damn, why it sounded so good in his ears?

"Ohhhh my goshhhhhhh! Fret, make sure na i-arrage mo ako ng sayaw sa kanya sa debut mo or else itatakwil kita." Kinikilig na sabi uli ng babae.

"Iyong-iyo siya sa gabing iyon. Kaya 'wag kang mag-alala."

"'Yan ang gusto ko sayo e."

He had enough listening in their conversation. Whoever this Tom Scarf ay hindi niya gusto ang pangalan nito.

"Tch." Namulsa siya bago naglakad pabalik ng campus.

Itutuloy na lang niya ang planong maghanap ng distraction. Nakita niya si Penelope na papunta sa may water refilling station. Si Penelope ay third year student at ang secretary ng student council. She was pretty and sexy. Maraming lalaki ang nagkaka-gusto dito at alam niyang siya lang ang hinihintay nito kaya hanggang ngayon ay wala pa rin itong boyfriend dahil head over the heels ang gusto nito sa kanya.

Huminto siya sa haparan nito.

Agad na sumilay ang ngiti sa labi nito ng makita siya. "Trigger. H-hi."

He reminded himself he needed a distraction. Hinawakan niya si Penelope sa kamay at hinila papasok sa isang bakanteng classroom. Agad niya itong hinalikan sa labi pagkapasok.

Para naman itong ipinako sa kinatatayuan ng maglapat ang mga labi nila.

"Kiss me back." Mariing utos niya dito saka ito muling hinalikan.

Agad namang pumaikot ang mga braso nito sa leeg niya at tinugon ang halik niya. Hinawakan niya ito sa mga hita at iniangat mula sa sahig. Ipinaikot nito ang legs sa bewang niya. Umupo siya sa isang upuan na naroon habang dinadaman ang buong katawan ni Penelope.

Napahinto siya sa paghalik dito ng muling mag-flash sa utak niya ang mukha ni Kara, looking at him with her big brown eyes.

"What's wrong babe?" Takang tanong ni Penelope. Her cheeks flushed and her lips were swollen from their torrid kiss.

Bilang sagot ay muli niya itong hinalikan. Damn it. He really needed this distraction. Isang taon na rin simula ng huli siyang makatikim ng luto ng Diyos. Siguro naman isang gabi lang ang kailangan niya para bumalik sa katinuan ang pag-iisip niya.

"Come to my house tonight." He whispered huskily in her ear causing her to purr in his arms like a kitten.

Napahawak ito sa kwelyo ng uniform niya. "Are you asking me to sleep with you?"

"Yes."

Ngumiti ito. "You know I've been waiting for this moment to co--."

Pinisil niya ng mariin ang hita nito. "No fucking attachment Pen. Just purely sex."

Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito. Ginulo niya ang buhok. Alam niyang may ibang inaasahan sa kanya si Penelope at hindi niya iyon maibibigay dito. He should've just call someone who only wanted his money not his fucking heart dahil wala siya noon.

.

"I'm sorry. I can't give you what you want." Tatayo na sana siya pero mabilis siyang hinawakan ni Penelope sa magkabilang balikat.

"That's better than nothing." Mahinang sabi nito.

This was why he built thick, high walls around him when it came to love. People forget to think rationally, especially women, when their emotions take over them. Alam ni Penelope na hindi niya maibibigay ang gusto nito pero willing pa rin itong gawin ang gusto niya. Love made her stupid and weak.

"Suit yourself." Hinalikan niya ito ng magaspang sa labi.

Their hands caressing each others body.

"Baaabe." Hinihingal na sabi Penelope ng maghiwalay sandali ang mga labi nila. Bumaba ang labi niya sa leeg nito. "Trigger, babe. Kiss me more." Napapaos na dagdag pa nito.

Pumipisil-pisil ang mga kamay niya sa pang-upo nito ng bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang liwanag sa loob.

Napahinto siya sa ginagawa at dahan-dahang nagmulat ng mga mata. Dumako ang tingin niya sa may pinto. His eyes landed on her beautiful, big, brown eyes.

Kara froze as she stood in the doorway looking at them in shock.