"MAY napili ka na bang escort para sa debut mo?" Tanong ni Starr kay Kara.
Naglalakad sila ngayon ng kaibigan papunta sa may tabing ilog. Breaktime nila ng mga sandaling iyon kaya sa halip na makipagsiksikan sa mga estudyante sa cafeteria ay napagdesisyonan nilang dito na lang magpalipas ng oras. May baon din naman si Starr na sandwich. Isa pa ay iniiwasan niyang magkrus uli ang landas nila ni Trigger dahil nangako siyang gagawin niya ang lahat ng paraan para iwasan ito. So far effective naman dahil halos magi-isang linggo na rin silang hindi nagkikita.
"Meron. Pero sila mum at dad ang pumili." Sagot niya bago kumagat sa sandwhich na binigay sa kanya ng kaibigan.
"Kilala mo?"
Naupo siya sa isang malaking batong nakausli sa may damuhan saka pinagmasdan ang mahinang agos ng ilog.
"Yeah. I met him few times." Sagot niya at inalala si Tom.
Simula ng magkakilala sila ni Tom ay napapadalas na ang pagdalaw nito sa kanya sa bahay. Lagi itong may dalang mga bulaklak at chocolates.
"Kilala ko ba?" Naupo si Starr sa tabi niya.
"Siguro? Anak ng business partner ni daddy. His name is Tom Scarf." Sagot niya saka kumagat uli sa sandwhich.
"Tom Scarf ba kamo?" Nanlaki ang mga mata ni Starr.
Natawa naman siya sa itsura nito. "Oo. Bakit?"
"Ohhhh my goshhhhhhh! Fret, make sure na i-arrage mo ako ng sayaw sa kanya sa debut mo or else itatakwil kita." Parang highschool lang kung makatili itong si Starr.
Kaya pala pamilyar ang mukha ni Tom noong una niya itong nakita dahil isa pala itong sikat na artista. Nalaman niya iyon mismo dito dahil tinanong niya kung ano ang trabaho nito ng minsang dumalaw ito sa bahay nila. Nagulat pa nga ito na hindi niya ito kilala. Hindi kasi siya mahilig manoond sa tv at sumagap ng mga balita sa social media kaya napagii-iwanan siya ng panahon. She prefered to spend most of her free time reading books rather than stalking celebrities or waste her time in other nonsense stuff.
Tatanggi sana siya ng malaman na ito ang napili ng mga magulang na maging escort niya sa debut niya ngayong darating na Sabado. Gusto sana niya si Skyler pero agad na bumagsak ang mga balikat niya ng maalalang mortal na magkatunggali pala ang Goldman at Lamprouge.
Sa mga nakalipas na linggo ay naging malapit ang loob niya kila Skyler, Shin at Leonard. They've been really nice to her kahit na alam ng mga ito na ayaw sa kanya ni Trigger.
"Iyong-iyo siya sa gabing iyon. Kaya 'wag kang mag-alala." Kinindatan niya ang kaibigan.
"'Yan ang gusto ko sayo e." Niyakap siya nito.
Ginantihan niya ang yakap nito.
"Paano nga pala sila Skyler? Invited din ba sila?" Tanong ni Starr ng maghiwalay sila.
"Hindi ko alam. Masyado kasing komplikado ang sitwasiyon." Nakaramdam siya ng lungkot.
Hinawakan ni Starr ang kamay niya. "How complicated ba?"
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sumagot. "Hindi kasi maganda ang naging relasyon ng daddy ko sa pamilya nila Skyler. Gustuhin ko mang imbitihan sila ay hindi pwede. Kasi siguradong magkakagulo kapag nakita sila ni daddy."
"'Yan ba ang rason kaya mo iniiwasan si Trigger nitong mga nakaraang araw? Alam mo bang hinanap ka niya noong nakaraan sa 'kin."
"Talaga? Bakit daw?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Wala siyang sinabi e."
"Nasaan ako ng araw na iyon?" Tanong niya uli.
Tumaas ang isang kilay ni Starr. Isang nanunudiyong ngiti ang sumilay sa labi nito. "Why you're so bothered na hinahanap ka niya?"
"Hindi ah." Nag-iwas siya ng tingin dito.
Inilapit ni Starr ang mukha sa kanya. "Talaga?"
Inirapan niya ito. "Hindi ko siya type." She said defensively sabay tayo.
"Hay naku fret tigilan mo ako. Alam kong may gusto ka kay Trigger. Aminin mo man o hindi sa 'kin." Natatawang tumayo na rin ito.
"Whatever." She rolled her eyes. Lalo namang natawa si Starr.
Bumalik na sila ni Starr sa may campus. Kailangan na din nilang maghiwalay dahil magkaiba sila ng susunod na klase. Business manangement ang kursong kinukuha niya samantalang si Starr naman ay Hotel and Restaurant Management. Merong tatlong subject na kung saan sila magka-klase, dalawa sa umaga at isa sa hapon.
"See you later, fret." Nakangiting paalam ng kaibigan.
Kinawayan niya ito. Habang naglalakad ay napaisip siya sa sinabi ni Starr na may gusto siya kay Trigger. Paano siya magkakagusto dito e unang pagkikita pa lang nila ay hindi maganda ang iniwan nitong impresiyon sa kanya? Isa pa, hindi ang tipo ni Trigger ang magugustuhan niya. Kung physical appearance lang ang pagbabasehan ay wala siyang masasabi kay Trigger dahil talagang tinitilian ito ng babae. Kahit naman siya ay humahanga din sa gwapong mukha nito lalong-lalo na sa magagandang mga mata nito. Pero hindi sapat ang panlabas na anyo nito para magkagusto siya dito. She would rather stay single than have a boyfriend like Trigger who was cold as Antartica, emotionless and arrogant.
Kinuha niya sa bag ang lagayan ng tubig. Pakiramdam niya ay natuyuan siya ng lalamunan at utak sa kaiisip kay Trigger. Napahinto siya ng makitang wala ng laman ang tumbler. Mabibigat ang mga hakbang na tinungo niya ang water refilling station sa loob ng campus. May sampung minuto pa siyang natitira bago magsisimula ang susunod niyang klase. Nang mapuno ang dalang tumbler ay naglakad na siya papunta ng classroom. Napahinto siya sa tapat ng pinto ng isang bakanteng classroom ng makarinig ng ungol ng isang babae.
"Baaabe." Hinihingal na sabi nung babae.
Kilala niya ang boses nito. What the hell? Ano nanaman kayang kababalaghan ang ginagawa nitong si Penelope? Out of curiosity ay hinawakan niya ang door knob at saka dahan-dahang iniikot iyon. Hindi iyon nakalock kaya binuksan niya ang pinto at sumilip sa loob. Medyo madilim dahil patay lahat ng ilaw at nakababa ang mga curtain blinds.
"Trigger, babe. Kiss me more." Napapaos na sabi ni Penelope.
Hindi na niya napigilang buksan ng tuluyan ang pinto ng marinig ang pangalan ng lalaki. Nanlalaki ang mga matang naipako siya sa kinatatayuan. She saw Penelope straddling Trigger na nakaupo sa isang upuan ng mga sandaling iyon. They were making out. Bumaba ang mga mata sa kamay ni Trigger na pumipisil sa pang-upo ni Penelope.
Napahinto sa ginagawa si Trigger ng tuluyang pumasok ang liwanag sa loob ng kwarto. Slowly, he opened his eyes. Nagtama ang mga mata nila. Napalunok siya. Lumingon naman sa direksiyon niya si Penelope. Ngumisi ito. Seriously? Hindi man lang ito tinablahan ng hiya dahil nahuli niyang may ginagawang milagro ang mga ito.
Bakit pakiramdam niya ay parang may tumusok na kutsilyo sa dibdib niya at gusto niyang manapak ng tao ng mga sandaling iyon? Napahigpit ang hawak niya sa tumbler at doorknob habang nakatingin sa mga ito. Muling bumalik ang mga mata niya kay Trigger. Nakatingin pa rin ito sa kanya. His face was blank of any emotions.
Hinawakan ni Trigger si Penelope sa bewang para alalayang tumayo.
"You shouldn't be here you know? Masyado ka pang bata para makakita ng mga ganitong bagay." Nakangising sabi ni Penelope habang inaayos ang nagulong buhok.
Sasagot sana siya ng mag-ring ang bell.
"Let's go, Pen." Namulsa si Trigger at lumabas ng kwarto. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin ng dumaan ito sa harapan niya.
"Enjoy your day, Kara." Nakangiting sabi ni Penelope ng dumaan ito sa harapan niya.
Sinundan niya ng tingin ang mga ito. Kumapit sa braso ni Trigger si Penelope saka hinilig ang ulo dito.
Nang makabawi sa pagkabigla ay lakad takbo ang ginawa niya papunta sa susunod niyang klase. Hanggang sa matapos ang buong araw ay walang naging ibang laman ang isip niya kundi ang mga nakita sa loob ng bakanteng kwarto.
"MUM gusto ko simpleng dress lang." Sabi ni Kara habang iniisa-isa ang mga nakahanger na mga dress sa isang clothing store.
"Honey, it's your birthday. You can wear whatever you want." Nakangiting sabi ni Fatima.
Dahil half day lang ang pasok niya sa school ngayong araw ay nagpunta sila sa mall ng mommy niya para bumili ng white flowery dress na isusuot niya sa 18th birthday niya ngayong darating na Sabado. She was having a bohemian beach themed party. At dahil hindi kasi siya mahilig sa mga bonggang party ay isang simpleng selebrasiyon lang ang magaganap.
Naisip niya ding pagsuotin ng makukulay na maskara ang mga bisita. Sa ganoong paraan ay hindi makikilala ng mga magulang niya sila Skyler, Shin at Leonard. They were her friends afterall. Noog una ay wala talaga siyang balak na makipagkaibigan kahit na kanino. Tanggap na niyang na makakapagtapos siya ng kolehiyo na walang kaibigan. But she was wrong. Skyler was so persistent and charming that she couldn't resist him kahit na lang beses niya itong ipagtulukan palayo ay hindi ito natinag.
Idagdag pa si Shin na ubod ng kulit katulad ni Skyler at si Leonard na neutral lang ang ugali. Sa paglipas ng mga araw ay hindi niya namalayang napalapit na ang loob niya sa mga ito. Alam niyang magagalit ng husto ang daddy niya kapag nalaman nitong nakikipagkaibigan siya kila Skyler. Bahala na, basta ang importante ay hindi na siya mag-iisa ngayon sa kolehiyo. She had Starr, Skyler, Shin, Leonard and maybe, just maybe, Trigger.
Sumagi rin sa kanyang isipan na imbitahan si Trigger pero baka may iba itong lakad dahil narinig niyang birthday din ng daddy ni Penelope ngayong Sabado at inimbitahan nito ang binata. Well, it wouldn't hurt kung imbitihan pa rin niya si Trigger di ba? It was up to him kung pupunta ito o hindi.
Muling pumasok sa isip niya ang mainit na tagpo sa pagitan nila Penelope at Trigger noong nakaraang araw. Agad niyang iwinaksi sa utak ang eksenang iyon dahil pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa hindi niya maipaliwanag na emosiyon.
Pagkatapos nilang mag-shopping ng mommy niya ay kumain muna sila sa isang Italian restaurant na malapit lang sa mall.
"Mum, excited na ako sa birthday ko." Hindi mawala-wala ang ngiti niya habang papasok sila ni Fatima sa restaurant.
"Ako rin. You really grown up so well, Kara." Maluha-luhang sabi ni Fatima.
Kumapit siya braso nito at humilig sa balikat nito. "Salamat sa walang sawang pag-intindi niyo sa 'kin ni daddy kahit na medyo pasaway ako kung minsan."
"You'll always welcome, honey. Salamat din at dumating ka sa buhay namin. You made this old woman happy." Fatima gently stroked her hand na nakahawak sa braso nito.
"Ohhh mum, I love you so much." She gave her a peck on the cheek.
Habang binabasa ni Fatima ang menu ay hindi niya mapigilang pagmasdan ito. Masarap pala sa pakiramdam ang magkaroon ng inang matatawag dahil lumaki siya na tanging ang late father niyang si Wendell ang nagaruga sa kanya. It made her life complete.
Isang businessman si Wendell Steel. May mga resort itong pagmamay-ari kaya maginhawa ang buhay nila. She was a spoiled brat but not the point na naisipan niyang marebelde dahil hindi naman mahigpit ang daddy niya sa kanya. She could do anything she wanted as long na makakabuti iyon para sa kanya. Kaya nang mamatay ito ay sobra siyang nasaktan. The life she knew was all gone in a bink of an eye. Hindi niya alam kung paano ipagpapatuloy ang nakagisnang buhay nang mawala ito. She have no one dahil maging si Merla ay kinailangan siyang iwan para sa ikabubuti niya. Mahigit isang taon din siyang nanatili sa bahay ampunan bago siya kinupkop ng mag-asawang Goldman.
Speaking of her late father. Kailangan niyang tawagan si Rebel, ang private investigator na inupahan niya para imbistigahan ang pagkamatay ng ama. Naka-schedule silang magkita next week. Alam niyang limang taon na ang lumipas pero hindi pa rin siya titigil hangga't hindi nabibigyan ng hustisiya ang pagkamatay nito. Kahit na abutin pa siya ng habang-buhay.
"Kara, okay ka lang ba?"
"Hmmm?" Hindi niya namalayang napalalim pala ang pag-iisip niya.
"You're pacing out. Is there something bothering you?" Nag-aalalalang tanong ni Fatima.
Umiling siya saka ngumiti. "Nothing mum. May napili ka ng kainin?" Pag-iiba niya ng usapan bago pinasadahan ng tingin ang menu.
She fancied pasta today kaya umorder siya ng Spagetti Bolognese. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam muna siya sandali para magtungo sa banyo. Isang babaeng may kausap sa cellphone ang naabutan niya sa loob pagkapasok. Hindi maipinta ang mukha nito. Humina ang boses nito ng makita siya.
"Paano 'yon nangyari? 'Di ba kabilin-bilinan ni boss na matiyagan niyo siya ng maigi?"
She rolled her eyes. Wala na bang ihihina pa ang boses nito? Dahil rinig na rinig niya pa rin ng malinaw ang mga sinasabi nito.
"I can't go there right now, okay? Kasama ko ngayon si Mr. Lamprouge."
Napahinto siya sa pag pindot ng flush dahil sa binanggit nitong pangalan. Inilapit niya ang tainga sa may pinto ng cubicle na kinaroroonan niya.
"I'll call you later."
She heard the faucet turned on and off. Tapos ang pagbukas sara ng pinto. Mabilis niyang in-flash ang inidoro.
Kung hindi siya nagkakamali ay si Trigger ang binanggit ng babae. Paglabas ng banyo ay pasimple niyang iginala ang tingin sa paligid para hanapin ang babae. Hindi nga siya nagkamali ng makita kung sino ang kasama nito.
Seryosong-seryoso ang mukha ni Trigger habang nakikinig sa mga sinasabi ng babae. Nangunot ang noo nito. He pinched the bridge of his nose. May sinabi ito sa babae bago tumayo. Naglakad ito papunta sa direksiyon ng banyo kung nasaan siya nakatayo.
"Shit." Bulong niya.
Tumalikod na siya saka nagsimulang maglakad pabalik sa inuokopa nilang mesa ng mommy niya para iwasan ito.
"Are you following me?"
Napahinto siya ng marinig ang boses ni Trigger mula sa likuran niya. Dahan-dahan siyang humarap dito. He was looking at her intently.
"Bakit naman kita susundan?" Mataray na balik tanong niya dito saka humalukipkip.
"I don't know. Maybe you like me?" Kibit balikat na sagot nito.
Pakiramdam niya nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. Where the hell did he get the impression that she like him?
"Bakit naman ako magkakagusto sayo? You're not even my type." Dipensa niya.
Hindi naman talaga niya ito type. Ang tipo niyang lalaki ay iyong mabait at laging nakangiti. Hindi katulad ni Trigger na seryoso at laging walang emosiyon ang mukha. Pero ang lintik na puso niya bakit iba ang isinisigaw?
"You're lying."
Nalaglag ang panga niya. "Wow ha, lie detector ka ba para malaman mo kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi?" Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito.
"There's only one way to find out."
Hinawakan siya nito sa kamay niya at hinila papasok ng men's toilet. She suddenly felt a volt of electricity rushed into her viens when their skin touch. Binitiwan nito ang kamay niya ng makapasok. He locked the door behind him.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Ilang beses siyang napalunok habang nakatingin dito. Napaatras siya ng dahan-dahang lumapit si Trigger sa kanya.
"What the hell do you think your doing?" Kunyaring galit na tanong niya dito.
"What do you think?" Inisang hakbang nito ang distansiya sa pagitan nila.
Napasandal siya sa pader. Her heart was beating abnormally now like in a matter of seconds' ay lalabas na iyon mula sa rib cage niya. Trigger looked down in her eyes, then, down to her slightly parted red lips.
"I can sue you. Alam mo ba 'yon? This is harrasment!"
Itinukod ni Trigger ang mga kamay sa magkabilang bahagi ng ulo niya. Now she was trap. Dahan-dahan nitong ibinaba ang mukha sa kanya. Oh my gosh! What was happening? Hindi ito tama. She had to push him away. Pero bakit parang nawalan siya ng lakas na gawin iyon. Instead of pushing him away, she found herself closing her eyes tightly ng maramdaman ang init ng hininga ni Trigger na pumapaypay sa mukha niya. Ilang segundo na siyang nakapikit pero walang labi na dumampi sa kanya.
Akala niya ba ay hahalikan siya nito? She felt him rest his forehead against hers.
"Do you have any idea how much you affected me? You're making me crazy." He whispered softly.
Napamulat siya ng mga mata. Trigger smiled at her for the very first time that made her heart leap. Agad niya itong hinawakan sa magkabilang braso ng bumuway ito bago nawalan ng malay.
"Trigger!" Sinubukan niya itong saluhin pero masyado itong mabigat kaya sumama siya ng bumagsak ito sa sahig.
Agad siyang bumangon at lumabas ng banyo para tumawag ng tulong.
"Anong nangyari?" Puno ng pag-aalala ang boses ng mommy niya ng lapitan siya nito.
Tiningnan niya ang mesa kung nasaan nakaupo sila Trigger at ang babae kanina. Wala na ang babae doon. Damn. Who knew what she put in his food na naging dahilan kung bakit ito nawalan ng malay.
"Si Trigger mum, nawalan ng malay." Halos hindi siya mapakali habang hinihintay ang medical team na nasa loob ng banyo para kunin si Trigger at dalhin sa ospital.
"Trigger? You mean Trigger Lamprouge?" Gulat na tanong ng mommy niya.
Tumango naman siya at agad na nilapitan ang stretcher na pinaglagyan sa binata ng makitang palabas na ang mga ito ng banyo.
"Okay lang po ba siya?" Puno ng pag-aalalang tanong niya sa isang medical team habang hindi inaalis ang tingin sa binata na walang malay.
"He's fine. He was drug. Pero kailangan pa rin siyang i-run down for a test para masigurong iyon lang ang naging dahilan kung bakit siya nawalan ng malay." Sagot ng isang paramedic.
Sumunod siya sa mga ito. But she was stop by her mum.
"Kara, saan ka pupunta?"
"Trigger needs me mum." Bakit feeling niya ay maiiyak siya ng mga sandaling iyon sa sobrang pag-aalala kay Trigger.
"No." Medyo tumaas na ang boses ni Fatima. "He's an enemy Kara! For godsake." Her mother was starting to freak out.
Hinawakan niya ang mga kamay nito. "Mum I know! But please calm down okay? I know Trigger won't hurt me. Kilala ko siya." Pag-aasure niya dito.
Hindi naman talaga niya kilala ng maigi si Trigger pero kahit na ganoon ay may tiwala siya dito na hinding-hindi siya nito sasaktan, physically.
"Kara alam mo ba kung ano ang sinasabi mo?"
Medyo nagkakagulo na loob ng restaurant dahil sa mga nangyayari at wala siyang oras para makipagtalo sa mommy niya ngayon.
"Trigger is special to me, mum. Hindi ko siya pwedeng iwan na lang ng basta!" Medyo tumaas na din ang boses niya. It shocked both of them.
"You like him?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Napakagat labi siya sa realisasiyong iyon. Hindi siya mag-aalala ng ganito kung hindi importante sa kanya si Trigger. Damn that asshole, he managed to penetrate into her heart ng hindi niya namamalayan.
Nilingon niya ang ambulansiya kung saan ipinapasok ng mga paramedics si Trigger.
"Kara please, stay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng daddy mo kapag nalaman niyang may pagtingin ka kay Trigger." Fatima warned in a concern voice.
"Mum, please can you keep this a secret from him?" She begged.
"I can't Kara. I'm sorry. Masyadong sensitibo ang bagay na ito para itago sa daddy mo."
Nilingon niya uli yung ambulansiya. Papasakay na ang mga paramedics.
"I'm sorry, mum but I have to go. I love you." Kinintalan niya ito ng halik sa noo bago tumakbo patungo sa kinaroroonan ng ambulansiya.
Sumakay siya doon at hinawakan ang kamay ni Trigger.
"You will be fine soon. I promise." She whispered and kissed the back of his hand.
Hanggang sa makarating sa hospital ay hindi niya binitiwan ang kamay nito.