SATURDAY was Kara's big day!
Umaga pa lang ay nasa may resort na sila na pagmamay-ari ng mga magulang kung saan gaganapin ang birthday niya. They were having a dinner party.
Buong araw ay hindi sila magkandaugaga ng mommy niya sa pagche-check kung kompleto na ba ang lahat ng mga kakailanganin para sa party mamayang gabi.
Pagsapit ng alas siyete ng gabi ay lumabas na siya ng kwarto. Nasa may sala na ang mga magulang niya.
"You look so stunning honey." Nakangiting sabi ni Fatima ng makalapit siya sa mga ito.
"Kanino pa ba magmamana kundi sa 'kin." Sabi ni George sabay akbay sa kanya.
"Bolero ka talaga dad." Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito.
"Diyan ako nakuha ng daddy mo. Sa pagiging bolero niya." Hinila siya ni Fatima palayo kay George para ilagay sa ulo niya ang flower crown na ginawa nito.
Tumawa naman si George. "I love you, darling." Hinalikan nito sa pisngi ang mommy niya.
Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga magulang. George and Fatima had been together for twenty years. Sana balang araw ay makatagpo rin siya ng pagmamahal na katulad ng mga ito.
"There, perfect!" Nakangiting pinagmasdan siya ni Fatima pagkatapos nitong maisuot sa kanya ang flower crown.
Inilugay lang niya ang buhok na hanggang balikat ang haba.
"Thanks, mum. The best ka talaga." Niyakap niya ito. Yumakap ito sa kanya ganoon din si George. She looked at them lovingly and smiled sweetly. "I love you both so much."
"We love you too, honey." Sabay na sabi ng mga ito. "Happy 18th birthday our daughter."
Hindi siya magsasawang pakinggan ng paulit-ulit kapag tinatawag siyang anak ng mga ito. Hindi rin siya magsasawang iparamdam kung gaano niya kamahal ang mga ito.
Pagkatapos ng madrama nilang engkwentro sa sala ay lumabas na sila ng cottage at nagtungo sa may dalampasigan kung saan gaganapin ang party. Everything was made perfectly! May iba't ibang kulay ng mga laterns ang nakapalibot sa lugar. May mesa ding napapalibutan ng mga unan na magsisilbing upuan ng mga bisita. Sa kanan ay may isang wooden panel kung saan nakalagay ang pangalan niya gamit ang makukulay na mga bulaklak. Isang maliit naman na wooden bench seat na may tatlong cushion na denekorasiyonsan ng mga bulaklak ang nasa harapan ng wooden panel kung saan siya mauupo mamaya.
Lalong lumapad ang ngiti niya ng makita ang photo booth.
Maya-maya pa nagsimula na ang party. Everyone was having a good time. Tinupad niya din ang pangako niya kay Starr na makakasayaw nito si Tom. Tumayo siya sa may isang gilid habang pinapanood na nagsasayaw sina Starr at Tom. Starr was blushing so hard.
"Happy birthday miss."
Nilingon niya si Alice. "Aww, thanks Alice." She smiled at her saka kinuha mula dito ang isang maliit na box.
"It's not much pero sana magustuhan mo."
"Of course, I will. Thanks." Niyakap niya ito.
Hindi niya maintindihan pero sa tuwing niyayakap niya si Alice. It felt so right and comfortable like it was the normal thing to do. Si Alice ang naging pangalawang ina niya simula ng kinukopkop siya ng mga Goldman. She was there for her for the past five years to protect and comfort her.
Nagkwentuhan sila sandali bago ito nagpaalam para kausapin sila Uno, Dos at Tres to double the security. Maraming tao ang dumating kaysa sa inaasahan nila kaya kailangang maghigpit ng security. There was a high chance something bad would happen sa mga ganitong pagkakataon.
"Fret! Oh my ghaaaad!" Tumitili na lumapit sa kanya si Starr.
Natawa naman siya sa itsura nito. "Hindi na kita tatanungin kung nag-enjoy ka."
"Sobra fret! Sobra akong nag-enjoy." Kumapit ito sa braso niya. Saka nilingon si Tom na nakikipag-usap sa daddy niya. "Ang gwapo niya talaga sa personal! Goshhhh!"
Hindi niya alam na ultimate celebrity crush pala ng kanyang bestfriend si Tom. Nalaman niya lang iyon noong araw na tinanong siya nito kung sino ang magiging debut escort niya.
Niyugyog siya ni Starr ng lumingon at kumaway si Tom sa kanila. Starr waved back at him while she nodded at him in response.
"Fret pa-picture tayo dali!" Hinila niya ito papunta sa may photo booth.
Kung ano-anong ginawa nilang pose. May normal, wacky at abnormal.
"Shet ganda ko pa rin kahit na naka-wacky fret!" Ipnakita sa kanya ni Starr ang hawak nitong litrato nila.
Kinuha naman niya iyon saka pinagmsadan. "GGSS fret?"
Kumot ang noo nito. Halatang hindi nakuha ang ibig niyang sabihin. "GGSS? Ano 'yon?"
Ngumisi siya. "Gandang-ganda sa sarili."
Ngumuso ito. "Maganda naman talaga ako e."
Inakbayan niya ito. "Siyempre naman fret pero mas maganda pa rin ako sayo."
Yumakap ang braso nito sa bewang niya. "Of course! Sayo ako nagmana. Wait lang fret. Kailangan kong magpunta ng banyo." Sabi nito saka tumakbo papasok ng cottage.
Naiwan siya sa labas. Habang naghihintay sa kaibigan ay pinagmasdan niya ang mga bisita na masayang nag-uusap at may mga hawak na bote at baso ng alak. Nilingon niya ang pinto ng cottage na pinasukan ng kaibigan may mangilan-ngilang taong lumalabas masok doon. Dumako ang tingin niya sa may photo booth. Mamaya pag-dumating sila Skyler ay yayain niya ang mga itong magpa-picture.
Halos lahat ng dumadaan sa gawi niya ay binabati siya. Karamihan sa mga ito ay hindi niya kilala. Marahil ay ang daddy at mommy niya ang nag-imbita sa mga ito. They had complemented how beautiful she was and that they were enjoying the party.
Wala pa rin sila Skyler. Nasaan na kaya ang mga ito? Kanina pa siya nangangating i-text ito para alamin kung makakpunta ba ang mga ito o hindi.
"Looking for us?"
Nilingon niya ang nakangiting si Skyler. Kasama nito sila Shin at Leonard. Nginitian niya ang mga ito. They were all wearing half mask like the other guests.
"Happy birthday princess." Skyler leaned down and gave her a kiss on the cheek.
"Thanks." She smiled widely.
"Happy birthday Miss Kara." Lumapit sa kanya si Shin para halikan siya sa pisngi pero agad na itinulak ni Skyler ang mukha nito palayo sa kanya.
Natawa naman siya.
"Happy birthday Miss Kara." Casual na bati ni Leonard. Not attempting to come closer to her.
"May I dance this beautiful debutante tonight?" Skyler asked in a gentleman way.
"Of course." Nakangiting tinanggap niya ang kamay nito.
Iginiya siya ni Skyler sa may gitna ng dance floor. Isang sweet music ang pumailanlang sa ere.
"Great party." Komento nito habang iginagala ang tingin sa paligid.
"Thanks. Nasaan nga pala si Trigger? Kila Penelope?"
Nangunot ang noo ni Skyler sa tanong niya. "Bakit pupunta si kuya kila Pen?"
She bit the inside of her cheek. "Di ba birthday din ng daddy ni Penelope ngayon?"
"Oo pero hindi nagpunta si kuya."
Nagdiwang ang puso niya sa narining. "San pala siya ngayon?"
"Nasa bahay niya." Iniikot siya ni Skyler.
Humawak siya sa mga balikat nito. "Hindi ba siya pupunta dito?"
Humigpit ang pagkakahawak ni Skyler sa bewang niya. "Inimbitahan mo ba siya?"
Umiling siya. Hindi niya inimbitahan si Trigger dahil nagdadalawang isip siya baka kasi may iba na itong plano at ayaw niyang umasa sa huli.
Ginulo ni Skyler ang buhok niya. "Nandito naman ako kaya 'wag ka ng malungkot."
Ngumiti siya. "Bakit naman ako malulungkot?"
Nagkibit-balikat lang ito bilang sagot.
Pagkatapos ng kanta ay hinawakan niya si Skyler sa kamay at hinila papunta sa photo booth.
"Shin, Leonard tara pa-picture tayo!" Aya niya sa mga ito ng madaanan.
"Baka mabasag 'yong camera sa kagwapuhan ko." Nakangising sagot ni Shin.
She rolled her eyes. Kahit kailangan talaga ang hangin nito pagdating sa kagandahang lalaki nito.
"Whatever Shin."
Sinabayan siya nito sa paglalakad. "Gwapo naman talaga ako 'di ba Miss Kara?"
Nginitian niya it. "Oo na. Gwapo ka na."
Lalong lumapad ang ngiti nito. "Oh ano kayong dalawa ngayon? Gwapo daw ako." Pagmamayabang nito kay Skyler at Leonard.
"Mas gwapo pa yata 'yong pwet ng kaldero namin sa bahay." Nakangising pang-aasar dito ni Skyler.
Ngumuso so Shin. "Bakit ba kasi hindi mo na lang tanggapin sa sarili mong gwapo talaga ako?"
Bago pa man makasagot si Skyler ay narating na nila ang photo booth. Itinulak niya ang tatlong lalaki papasok sa loob. Tumayo siya sa pagitan nila Skyler at Leonard.
"Ready?" Tanong ng photographer.
"Naman." Sagot ni si Shin saka pinasadahan ng mga daliri ang buhok nito bago ngumiti ng malapad.
"Okay, say cheese!"
Ngumiti silang lahat.
"Isa pa!" Sabi ni Skyler bago siya binuhat.
"What the hell is happening here?"
Kasabay ng pag-flash ng camera ay napalingon silang lahat sa bagong dating na si Trigger. Nakakunot noo ito habang nakatingin sa kanya.
"Putcha para tayong mga batang nahuli na may ginagawang kalokohan dito." Natatawang sabi ni Shin habang tiningnan ang litrato kung saan dumating si Trigger.
Pare-pareho silang nanlalaki ang mga mata habang nakatingin kay Trigger na nakakunot-noo.
"Bakit ba kasi basta-basta ka na lang sumusulpot? Ang pangit tuloy ng kuha sa 'min." Nakasimangot na tiningnan niya si Trigger.
"Is that how you welcome a guest?" Nakahalukipkip na sabi nito.
"Panira ka e." Sa halip ay sabi niya.
"Fine. Let's get a nice one then." Hinawakan siya nito sa kamay at hinila pabalik sa photo booth.
Sumunod naman sila Skyler sa kanila.
"Get in." Utos nito ng makitang nanatili lang siya sa labas.
"Pasok na Kara para makapagpa-picture na tayo." Itinulak siya ni Skyler papasok.
Muntikan na siyang sumubsob mabuti na lang at agad siyang nahawakan ni Trigger sa mga balikat para ibalanse. Naitukod niya ang mga palad sa dibdib nito.
"Are you okay?" Tanong nito.
Tumango siya ng marahan na hindi pa rin nag-aangat ng tingin dito.
"Get out." He said in a stern a voice.
Napa-angat siya ng tingin dito. Nakatingin ito sa likuran niya. Lumingon siya kila Skyler.
"Hindi kami kasama?" Tanong ni Skyler.
"No."
Bumitaw siya kay Trigger at binigyan ng tingin si Skyler na 'wag siya nitong iwan. Ngayon pa lang bumilis na ang pintig ng puso niya sa isiping maiiwan silang dalawa ni Trigger sa loob ng maliit na photo box. Pero ngumiti lang si Skyler bago sila tinalikuran.
Nahigit niya ang hininga ng akbayan siya ni Trigger.
"Relax." Pinisil nito ang balikat niya.
Paano siya marerelax kung ganito kalapit sa kanya si Trigger at amoy na amoy niya ang musky scent nito?
"Say cheese!" Sabi uli no'ng photographer.
Ngumiti siya ng tipid. Hindi na siya nagabala pang tingnan si Trigger kung ano ang ekspresiyon na nakapaskil sa mukha nito.
Iniabot sa kanya no'ng photographer 'yong picture. She felt a sudden déjà vu habang pinagmamasdan ang litrato. Nakangiti siya, si Trigger naman ay nakatingin lang sa kanya.
"Not bad."
Napalingon siya kay Trigger. Nahigit niya ang hininga ng makita kung gaano kalapait ang mukha nila sa isa't isa. Nakayuko ito habang nakatingin sa litratong hawak niya.
Lumingon ito sa kanya. Gahibla na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Agad na lumayo si Trigger ng may tumikhim mula sa likuran nila.
"Patingin ng picture." Kinuha ni Shin 'yong litrato mula sa kanya. Pinaglipa-lipat nito ang mga mata sa litrato at sa kanilang dalawa ni Trigger. "Boss bagay kayo ni Miss Kara." Nakangiting komento nito at iniabot sa kanya ang litrato.
Bakit ba ang vocal nitong si Shin. Pakiramdam niya ay nangamatis ang mukha niya dahil sa sinabi nito.
"I'm not asking your opinion Shin Ferrer." Masungit na sabi ni Trigger dito saka inagaw 'yong litrato at inilagay iyon sa may front pocket ng puting polo shirt nito.
Maya-maya pa isang sweet na kanta ang pumailanlang.
"Dance with me." Trigger said in his signature poker face. Inilahad nito ang isang kamay.
Nag-aalangan siyang makipag-sayaw dito. Tumaas ang isang kilay nito na tila naghahamon na para bang magkaaway sila. Bakit ba ito ganito? Napalunok siya. Nunka na magpapatalo siya dito kaya tinanggap niya ang kamay nito.
Para lang magsisi dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang katawan niya sa sobrang kaba na nararamdaman. Bakit ganito? Noong una silang nagkakilala nito ay hindi siya nakaramdam ng ganito. Pero bakit nagyon? Anong nangyari? Ganito ba talaga ang pakiramdan kapag may gusto isang tao? Parang nagbubuhol ang mga bituka niya, nanlalamig ang mga kamay niya at walang tigil sa pagrigudon ang puso niya.
Iginiya siya ni Trigger sa may gitna ng dance floor. Nahigit niya ang hininga ng kabigin siya ni Trigger palapit dito. Pumaikot ang mga braso nito sa bewang niya. Ang mga kamay naman niya ay umakyat sa malapad nitong balikat.
"Happy birthday Kara." Walang kangiti-ngiting bati nito.
She smiled at him. Nanatili namang seryoso ang mukha nito.
"Thanks."
"You look so stunning tonight by the way."
"Do I?" Tiningala niya ito. His expression changed suddenly.
His face softened. "You always do." Masuyo nitong sabi at lalo siya nitong hinapit palapit dito.
Pakiramdam niya ay nag-init ang mukha. Gosh. Trigger never failed to make her blush.
"Salamat at nakapunta ka." She whisphered softly.
"I'm not going to miss this special day." Yumuko si Trigger at hinanap ang mga mata niya.
His beautiful emerald eyes greeted her. They were warm and soft. Hindi katulad dati ng una silang nagkita. It was so cold, emotionless and sharp.
"Ang ganda talaga ng mga mata mo." Sabi niya habang nakakatitig sa mga mata nito.
He chuckled. "You think so? Ikaw rin. You have a lovely pair of big brown eyes. It suits you." Hinaplos ni Trigger ng marahan ang pisngi niya.
She smiled habang hindi pa rin inaalis ang tingin dito.
"Pansin ko lang. Bakit parang nagiging mabait ka na sa 'kin ngayon?" Sabi niya habang patuloy pa rin sila sa pagsasayaw.
"Do I?" Trigger asked. His thumb was now tracing her jawline and it gave a tingling sensation on her body.
"Yes." She breathed out and closed her eyes habang dinadama ang palad ni Trigger na humahaplos sa mukha at leeg niya. His fingers felt so good against her skin.
"I don't know how to answer that, bella." He said softly.
Dahan-dahan siyang napamulat ng mga mata. "Bella?"
"Beautiful in English." Sagot nito habang patuloy na humahaplos ang isang kamay sa leeg niya.
"Anong lenggwahe 'yon?"
"Italian."
Nanlaki ang mga mata niya. "Alam mong magsalita ng Italian?"
"Si. I can speak seven different languages."
She smiled in amusement. Lalo siyang hinapit ni Trigger palapit dito. Gahibla na ang layo ng katawan nila sa isa't isa. Nararamdan na niya ang init na nanggagaling mula sa katawan nito.
Nang matapos silang mag-sayaw ay naglakad-lakad muna sila sa tabing dagat para sumagap ng preskong hangin. She felt a bit suffocated sa dami ng tao sa party.
"Trigger, may tanong ako sayo."
"Yeah?"
Alam niyang wala siya sa lugar para tanungin kung ano ang namamagitan dito at kay Penelope. Pero dahil may gusto siya dito ay kakapalan na niya ang mukha niya. Kahit sino naman 'di ba? Kapag may gusto o crush ka sa isang tao lahat-lahat ng tungkol sa taong iyon ang gusto mong malaman.
Ang weird nga lang dahil hindi niya alam kung ano ba ang nagustuhan niya kay Trigger. Hindi naman kasi ito ang tipo niyang lalaki. All she knew was she couldn't get him out her head.
"Kayo ba ni...ni Penelope?" She held her breath.
Nilingon siya ni Trigger. "Who says?" Kunot noong tanong nito.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Alam niyang hindi nito makikita iyon dahil sa mask na suot niya. "Kasi ang sweet niyo sa isa't isa last week." She gave an emphasis sa salitang sweet.
"Is that so?"
Huminto siya at hinarap ito. "So, are you dating her?" Tanong niya uli. Hindi niya ito titigilan hangga't hindi niya nalalaman ang totoong score sa pagitan ng mga ito.
"Why are you asking me this?" Amused na tanong nito.
Inis na tumalikod siya at nagmartsa palayo dito dahil mukhang walang balak si Trigger na sagutin ang tanong niya. Isa pa, pakialam niya ba kung mag-on ang mga ito. He has his picked of a lady, almost anyone he pursues would fall for him anyway. Kaya labas na siya doon.
Kahit na may mumunting kirot siyang nararamdaman sa puso sa tuwing isipin na may ibang babae ng nagmamay-ari dito. Damn! Bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo ay ito pa ang nagustuhan niya? Andiyan naman si Skyler, mabait at masayang kasama. Siguro kailangan lang niyang iuntog ang sarili sa pader. Baka sakaling magising siya sa katotohanan.
"We're not." Maya-maya ay sabi ni Trigger.
Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ito. He was still standing where she left him.
"What?" Inis na tanong niya.
Humakbang ito palapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.
Bumaba ang mukha nito sa kanya para magpantay ang mga tingin nila. "I said. We're not dating or anything."
His face was so near.
"Okay?"
Kumunot ang noo nito. "Okay? 'Yon lang ang sasabihin mo? Okay?" Binitiwan siya nito.
It was her turn to scowl at him. "Anong gusto mong sabihin ko? Good? Great?"
Tumalikod ito. "You don't have to say anything." Pagkasabi niyon ay naglakad na ito.
Sinundan niya ito ng tingin. Damn him! Why he was making it difficult for her? Inis na sumunod siya dito.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila habang naglalakad sa dalampasigan.
"Kamusta ang parents mo?" She asked trying to make a conversation because the silence was making her uncomfortable.
"My parents, why a sudden interest?"
Nilinga niya ito. "Wala lang. We're friends, right? Normal lang sa magkaibigan na magkwentuhan ng tungkol sa personal nilang mga buhay nila." Casual na sagot niya.
"Friends huh?"
Nilingon niya si Trigger. "Of course, ano pala gusto mo? Enemies?" Sarcastic na sabi niya.
"Friends are fine with me." Sandali itong hindi umimik. Marahil ay pinag-iisipan ang mga susunod nitong sasabihin. "My parents are fine. We don't really see them that much dahil lagi silang out of the country. Kahit noong mga bata pa lang kami ni Skyler. Kung umuwi man sila ay sandali lang." He paused for a second bago nagpatuloy. "I'm more close to mom and Skyler."
Naupo sila sa may buhangin. Natatanaw niya ang liwanag na nanggagaling sa party mula kinaroronan nila. Tinanggal ni Trigger ang suot na mask. Ganoon din ang ginawa niya.
"And your dad?"
"We're not." Tipid nitong sagot.
"Bakit naman?" She was starting to get nosy here.
Tumingala si Trigger. She did the same. The moon was full and bright and the stars were sparkling like diamonds in the midnight sky.