TRIGGER was caught off guard when Kara asked him about his family. Hindi ito ang kauna-unahang babaeng nagtanong sa kanya ng tungkol sa bagay na iyon. Few of the women he dated in the past did pero agad niyang binabago ang usapan. He wanted to keep his life private.
Hindi niya alam kung bakit ng tanungin siya ni Kara ay hindi siya nagdalawang isip na magkwento dito. Bakit? Dahil kaibigan ang turing niya dito? Because he trusted her? Why he would trust the daughter of his enemy? Damn. It was confusing him but he still found himself telling her everything about him.
"I did everything to please my father but he never appreciated that even once." He paused a moment. "I don't know how it feels like to have a father dahil sa tuwing nakikita ako ni dad ay lagi siyang nakakunot noo. Pero pagdating kay Skyler ay lagi siyang may ngiti sa labi." Napabuntong-hininga siya. "Lagi niyang ipinaparamdam sa kapatid ko kung ganoo niya kamahal ito. I always asked myself why does he love Skyler more than me? 'Di ba pareho lang naman niya kaming anak? Is that how it should be? That's why I strive to be successful like my father." Patuloy niya.
Gusto niyang pigilan ang sarili sa pagkukwento kay Kara. But damn, he couldn't stop his mouth from talking and he hated to admit it but he felt good while talking to her. Gumagaan ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon.
Nilingon niya si Kara. She was looking at him intently. He could read sympathy and sadness in her eyes, was he affecting her that much?
"My mum never failed to show how much she cares and loves me. Sa kanya ako humuhugot ng lakas ng loob noong mga panahong nahihirapan ako. I was only a kid. Siguro mga ten years old ako noon ng magsimula akong magtrabaho at mag-ipon para sa business na alam kong magiging proud si daddy." Itinukod niya ang mga kamay sa buhangin saka tumanaw sa madilim na karagatan. "But you know what? Kahit anong gawin at hirap ang pinagdaanan ko para ma-achieved ang gusto ko sa buhay. It will never be enough. Na-realized ko 'yon dahil hindi nagbago ang tingin sa 'kin dad. He still ignored me na para bang hindi ako nage-exist sa mundong ito." Napangiti siya ng mapait saka nilingon ang dalaga.
Nang mga sandaling iyon ay wala na siyang pakialam if he looked vulnerable in front of her. He was so cautious of letting his guard down most of the time and for years he showed everyone how strong he was. No one saw this side of him except his mommy Sandra. Pero matagal na iyon. It was years ago. Ngayon nalang niya uli naramdan ang ganitong pakiramdam.
Funny to think about being cautious because he was there, in front of the daughter of his family's rival, blabbering about his life.
Nagulat siya ng biglang yumakap si Kara sa kanya.
"I'm sorry, Trigger. I can't imagine kung gaano kahirap para sayo ang mga nangyari. Life is so unfair talaga sometimes." She buried her face in the crook of his neck.
He smiled and wrapped his arms around her. When was the last time he was hugged like this? Five or eight years ago? His mom used to hug him a lot when he was a boy but not anymore. When they saw each other she'd hug him casually and lightly pat his back three times.
"Ituloy mo lang." Bulong nito habang naka-yakap pa rin sa kanya.
Naipikit niya ang mga mata ng tumama ang mainit nitong hininga sa balat niya. Did she knew what kind of effect she was giving him right then?
Nag-angat ito ng mukha. Damn! Her face was so near. His heart started to beat erratically habang nakatitig ito sa kanya.
"Trigger?" Nagtatanong ang mga mata nito.
He sighed deeply para pakalmahin ang sarili. Kara was not helping him here.
"I spent years of my life striving for success. Huminto ako sa pag-aaral. Nagalit si mommy noong una pero naintindihan naman niya kung bakit ko iyon ginawa." Patuloy niya.
"Do you hate Skyler for being the favorite son?" Tanong nito.
He chuckled. "I will never ever hate my brother, Kara. He's one of the reasons kung bakit ko naabot kung nasaan man ako ngayon." He proudly said.
She buried her face again in the crook of his neck. Darn. Why did she smell so good? He pulled her closer to him and rested his chin on top of her head. Nanatili sila sa ganoong posisyon ng mga limang minuto.
"Thank you for sharing your story with me." Sabi nito ng maghiwalay sila.
He smiled. "That's fine. Now it's your turn to tell me your story."
"Siyempre naman." Humilig ito sa balikat niya saka nagsimulang magkwento.
Nagsimula ito noong bata ito. Ang pagkamatay ng ama nito. Mga nangyari dito sa loob ng ampunan kung saan ito laging napapa-away. Ang pag-ampon nila George at Fatima dito at ang mga death threats na natatanggap nito.
"I didn't know you've been through a lot." Hindi makapaniwalang sabi niya ng matapos itong magkwento.
Akala niya ay isa lang itong spoiled brat dahil napakaangas nitong umasta. He didn't know what she've been through at such a young age.
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa labi ni Kara. "Don't judge the book by its cover sabi nga nila 'di ba." She winked at him.
He watched her stretch her arms and legs.
"Did you find any lead?" Tukoy niya sa pagkamatay ng daddy nito.
Umiling ito. "Wala pa. I'm still working on it."
"May I know your biological father's name?"
"Wendell Steel." Isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi nito ng banggitin ang pangalan ng ama.
He froze for a second. He knew a certain guy called Wendell Mayfair. Pero imposible namang ito ang ama ni Kara. Most of the people in the world share the same names ang he got rid of this guy years ago dahil isa itong spiya na pinadala ni George Goldman para mangalap ng mga impormasiyon tungkol sa mga galaw ng grupo niya.
"Kilala mo siya?" Curious na tanong ni Kara. Marahil ay napansin nito ang naging reaksiyon niya ng marinig ang pangalan ng ama nito.
Umiling siya. "No. I never heard his name before."
"Ah. Akala ko kilala mo siya."
Tumayo na siya. "We have to go back baka hinahanap ka nila." He offered his hand para tulungan itong tumayo na agad naman nitong tinanggap.
He pulled her up. Isinuot na niya ang mask ganoon din si Kara bago sila naglakad pabalik ng party.
SINALUBONG sila ni Tom. Base sa itsura nito ay lasing na ito. His cheeks were flushed and his eyes were blood shot. Gegewang-gewang na din ang lakad nito.
"Darling 'san ka galing? Kanina pa kita hinahanap." Nilapitan nito si Kara.
She wrinkled her nose ng maamoy ang pinaghalong alak at sigarilyo sa hininga nito.
"I had a walk." Sagot niya.
"With who? Him?" Itinuro nito si Trigger na nakatayo sa tabi niya.
"Yes. He's my friend." Sagot niya bago ito nilampasan. "Please excuse us."
"Wait. Hindi pa tayo tapos mag-usap." Hinawakan siya nito sa braso at hinila siya palapit dito.
Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ang paggalaw ng mga muscle ni Trigger sa panga. It seemed like he was controlling himself to avoid punching Tom in the face.
"Tom ano ba. Nasasaktan ako." Pinilit niyang hilahin ang braso mula dito. Pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak nito sa kanya.
"You're not going anywhere. Naiintidihan mo ba?"
"Let me go!" Naiinis na siya dito.
"The lady said, let her go." Seryosong sabi ni Trigger.
Tiningnan ito ng masama ni Tom. "Sino ka ba? Kara is my girl, okay? Kaya wala kang pakialam kung ano man ang gawin ko sa kanya."
"I'm not you girl asshole." Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. She tried to free her arm pero masyadong malakas si Tom.
"You're not giving me much of a choice here." Sabi ni Trigger sabay suntok sa mukha ni Tom.
Nabitiwan siya nito at bumagsak ito sa buhanginan.
"What the fuck?" Napahawak ito sa may pisnging sinuntok ni Trigger. Agad itong tumayo ng makabawi saka sinuntok si Trigger.
Hindi agad nakaiwas si Trigger dahil doon ay natanggal ang mask nito at nalaglag iyon sa may buhangin.
"Anong kaguluhan ito?"
Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa mga magulang. Wala ang mga mata nito sa kanya kundi na kay Trigger.
"What the fuck are you doing here Lamprouge?" Gulat na tanong ni George. May bahid ng galit ang boses nito.
The tension in the air was unmistakable.
"I was invited." Walang kaemo-emosyong sagot nito sa daddy niya.
Lumipat ang tingin ni George sa kanya. "Do you have any idea what are you doing Kara?" Kalmadong tanong nito pero alam niyang nagpipigil lang ito ng galit. Hindi siya umimik. "We talked about this a lot! Pero bakit sumuway ka pa rin." Tumaas na ang boses nito.
"That's enough, Goldman. I'm on my way out now anyway." Singit ni Trigger. Namulsa ito.
"I'm not talking to you!" Bumigay na ang daddy niya.
George's eyes were on fire habang nakakatitig kay Trigger but it seemed like it didn't bother Trigger. He still looked calm and collected.
"George not here." Mahinahong sabi ni Fatima. Iniikot nito ang tingin sa paligid dahil may mga bisita ng nakikiososyo kung ano ang nangyayari.
Pero hindi ito pinansin ng daddy niya. "You're throwing yourself into a dungeon full of lions." Sabi nito na hindi inaalis ang tingin kay Trigger.
Naningkit ang mga mata ng binata. "I'm well aware of that. I'm came here peacefully and I'm going to leave peacefully."
Her dad's hands clenched into fists. Halos mamuti ang kamao nito sa sobrang higpit ng pagkakatiklop.
"That's enough!" She batted in. "Birthday ko. It's my day! My fucking night! My life! I can invite anyone I want!" Inis na sabi niya bago tumakbo palayo sa mga ito.
She had enough of this. Bakit hindi na lang kasi tanggapin ng daddy niya na nandito si Trigger dahil inimbitahan niya ito. Why couldn't her dad act like a civilized man?
"Kara! Wait!" Narinig niyang tawag sa kanya ng daddy niya.
Hindi niya ito pinansin. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa mapagod siya. Napaluhod siya sa may buhanginan. Why couldn't her dad just let go his anger towards Trigger? Kahit ngayong gabi lang. Was his business more important than her happiness?
"Damn all of them."
Napatayo siya ng biglang may sunggab sa kanya mula sa likuran at tinakpan ang bibig niya ng isang panyo. She had barely time para makapag-react. Her reflex was to elbow her abductor pero bago pa man niya iyon nagawa ay dumilim na ang paligid niya.
SINUNDAN ni Trigger si Kara pero hindi niya ito makita.
"Kara!" He called.
No response.
Saan kaya ito nagpunta? She couldn't be that far. Dinukot niya sa bulsa ang cellphone at binuksan ang flashlight. He started to look around with the torch. Wala masyadong footprints sa buhangin dahil private beach iyon. Kaya magiging madali ang paghahanap niya kay Kara.
Nakuha ang atensiyon niya ng isang bahagi ng buhanginan kung saan may pagbubunong naganap. Suddenly, his heart started to race. Sinunandan niya ang mga bakas hanggang sa makarating siya sa madamong parte ng beach. Wala na ang footprints. He looked around with his torch. Wala naman siya nakitang kakaiba. Napakatahimik ng lugar.
Fuck! Hindi maganda ang pakiramdam niya dito. Kara was kidnap at sigurado siya doon. Kung sino? He had no idea.
Mabilis siyang bumalik sa may party. Masama pa rin ang tingin sa kanya George.
"Anything?" Salubong sa kanya ni Skyler. Hindi na nito ang suot ang mask.
Nilapitan niya si George. Nakatiim bagang ito habang pinagmamasdan siya.
"I think Kara is kidnap." Kalmado niyang imporma dito.
George nose flared in anger. "What did you say?" Bago pa man siya makahuma ay kinwelyuhan siya nito. "Ikaw ang pakana nitong lahat ano? You came here to distract us para makuha mo ang anak ko!"
"Wala akong kinalaman dito." Nag-init na din ang ulo niya. He had no right to acuse him dahil wala itong pruweba.
"This is all your fault! Gusto mo akong gantihan sa lahat ng ginawa ko sa pamilya mo? Hindi mo na kailangang pang idamay ang anak ko!" Isang malakas na suntok ang pinakawalan nito.
Bumagsak siya sa buhangin. He could taste blood in his mouth.
"Bastard!" Susugudin sana ulit siya ni George pero agad itong pinigilan ng tatlong lalaking naka black suit. "Let me go!" Pinilit nitong kumawala pero hindi ito binitiwan ng mga humahawak dito.
Ito na ang pagkakataon niya para pagbayarin ito sa lahat ng kasalanan nito sa pamilya niya. He should be thankful to the person who took Kara but fuck it, he was worried about her also. Naikuyom niya ang mga palad habang tumatayo.
"Okay ka lang?" Tanong ni Skyler ng makalapit ito sa kanya.
"Trigger Lamprouge! Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo kapag may nangyaring masama kay Kara!" Banta ni George.
"Kung ako ang may pakana ng lahat Goldman. Sa tingin mo, bakit nandito pa rin ako? I should be there torturing her right? But I'm here in fucking front of you with my group!" Hindi na niya napigilan ang sarili. Halo-halong emosiyon na ang nararamdan niya ng mga sandaling iyon.
The urged to kill him and the worriness he felt for Kara. Isang malakas na suntok ang pinakawalan niya. Napaatras si George kasama ang tatlong lalaking nakahawak dito.
Hinihingal na tinitigan niya ito sa mga mata. George and Trigger had the same emerald eyes while Skyler's were hazelnut. Ang sabi ng mommy niya ay nasa lahi daw nila ang ganoong kulay ng mga mata.
Humugot ng baril ang tatlong lalaki at itinutok sa kanya. Skyler, Shin and Leonard did the same. Itinutok naman ng mga ito ang baril sa tatlong lalaki.
"Enough!" Galit na pumagitna si Fatima, ang asawa ni George. "Ano? Wala na ba talaga kayong mga delikadesa? It's Kara's birthday for god's sake! And she's missing. Uunahin niyo pa ba ang mga pansarili niyong issue kaysa ang hanapin si Kara at pagbayarin ang taong may pakana ng lahat ng ito?" Nagpalipat-lipat ang tingin ni Fatima sa kanila ni George.
Walang nakaimik sa kanilang lahat. Tanging ang alon ng dagat at ang marahas na paghinga niya lang ang naririnig niya ng mga sandaling iyon.
"We're not done here Lamprouge." Pagkasabi niyon ay tumalikod na si George saka naglakad palayo.
Fatima signalled the guys to put their guns down. Agad namang tumalima ang mga ito. Tumingin sa kanya ang ginang.
"We need to talk." Sabi nito saka naglakad sa direksiyon na tinahak ni George.
Sumunod siya dito. Nang masigurong malayo na sila sa karamihan ay huminto si Fatima. Hinarap siya nito. Halo-halong emosiyon ang naglalaro sa mga mata nito.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Trigger. Our family has a bad history and we're both aware of that. Right now, I am talking to you as a mother not an enemy." She started.
Nanatili siyang tahimik.
Tumanaw sa may karagatan si Fatima. Niyakap nito ang sarili.
The moon reflected on the water, giving it a mysterious and breathtaking effect.
"Matagal na panahon na simula ng nawalan ako ng pag-asang magkakaroon kami ni George ng anak. Kaya ng dumating si Kara sa buhay naming, she made me complete again." Her voice cracked. "She brought happiness into our life and I'm so thankful dahil sa kanya ay naranasan kong maging isang ina." She smiled sadly.
Alam niya kung gaano kahirap sa kalooban nitong isipin kung ano ang mga posibleng mangyayari kay Kara. Kahit siya ay nag-aalala din para sa kapakanan nito. Who knew kung anong kagaguhan ang maisip ng kung sino mang dumakip sa dalaga. Nagtangis ang mga bagang niya sa isipin iyon.
"I know how much you mean to Kara."
Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.
"She likes you a lot. Alam mo ba 'yon?"
Gusto niyang mapangisi sa impormasiyong iyon. So, Kara lied to him when he asked her if she like him? Maraming babaeng nagkakagusto sa kanya. Walang bago. But hearing that from Kara's mother, he suddenly felt weak in the pit of his stomach.
"Nakita ko kung gaano ang pag-aalala niya sayo noong mawalan ka ng malay sa restaurant. Her dad warned her many times na layuan kayo pero matigas talaga ang ulo niya. She still did. Hindi naman ako tutol doon. I want her to have a normal teenage life like most of the girls at her age. At alam mo naman kung bakit."
"I know." He quickly agreed.
Being involved with the mafia was a very dangerous thing, especially being the daughter of the second strongest mafiosio in the world. Laging nakasunod kay Kara ang piligro kahit saan man ito magpunta.
"Does she know?" Tukoy niya kung alam ba ni Kara na isang mafia boss si George.
Umiling si Fatima.
Now it made sense. She was so innocent in their world but he knew sooner or later ay malalaman rin nito ang lahat. Pagdumating ang araw na iyon, tatanggapin pa rin kaya siya ni Kara? Would she still look at him the same way she did now? Isipin pa lang mga bagay na posibleng mangyari kapag nalaman nito ang tungkol sa pagiging involve niya sa mafia ay hindi niya alam kung ano ang gagawin.
"I am asking you now as a mother. Kapag may nabalitaan ka kung nasaan si Kara. Let me know." She pleaded.
"I'm going to send a search party."
"Thank you Trigger. I owe you this one." She smiled and left.
Kung sino man ang may kagagawan nito ay sinisigurado niyang magbabayad ng malaki.