~14~ You're Safe

DAHAN-dahang nagmulat ng mata si Kara. She felt so tired. Masakit din ang ulo niya. Iginala niya ang mga mata sa paligid. The place was empty and it looked like an abandoned warehouse. Where was she?

"Shit."

Agad siyang nag-panic ng hindi niya maigalaw ang mga kamay. She started screaming and kicking her legs para alisin ang tali sa paa niya pero it was useless dahil mahigpit ang pagkakatali sa kanya.

She also tried to pull her hands out. She looked around again. Walang tao maliban sa kanya. She was sitting on the chair in the middle of the room. Ano ng gagawin niya ngayon?

Napalingon siya sa may pinto ng bumukas 'yon. Dalawang lalaki ang pumasok. May bitbit na baril ang mga ito.

Nakaramdaman siya ng takot. Alam niya kung paano ipagtanggol ang sarili pero ng mga sandaling iyon ay wala siyang laban lalo na at nakatali siya. May mga armas ang mga ito at wala siya kahit ano. Kagabi ay hindi na siya nag-abala na ilagay sa holster ang pocket knife niya dahil pakiramdam niya ay ligtas siya dahil nadoon naman ang mga magulang niya, maging sila Alice, Uno, Dos at Tres.

Ito ang kauna-unahang naging successful ang pagdakip sa kanya dahil simula ng tumuntong siya sa poder ng mga Goldman ay hindi siya tinantanan ng mga kalaban ni George sa negosyo. She was always their number one target to get to him.

"Gising ka na pala. Nakatulog ka ba ng maayos?" Nakangising tanong ng isa sa mga ito.

Hindi siya sumagot. Tiningnan lang niya ang lalaking nagsalita.

"Baul tawagin mo na si boss. Sabihin mo gising na ang bisita natin." Utos nito sa kasama.

Bisita? Ganito ba ang pagtatrato sa isang bisita? Kinidnap? Tapos nakatali ang magkabilang kamay at mga paa? Asan ang hustisya?

Lumapit ito sa kanya. Ang pangit ni kuya. Goon na goon ang dating. Nakakaasiwa ang itsura.

Tiningnan siya niyo mula ulo hanggang paa. Doon lang niya naalala na suot pa rin niya ang puting dress at hapit na hapit iyon sa katawan niya. Emphasizing her small waist.

"Pwede na rin." Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi nito. Pinanindigan siya ng balahibo ng makuha ang ibig nitong sabihin.

"Fuck you!" Asik niya. Kainis, ang manyak.

"Palaban ka ha." Isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa pisngi niya.

Her head flew to the side and pain started to consume her. Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ito. Ito ang unang pagkaktaon na may sumampal sa kanya! Kahit ang late daddy niya na si Wendell at ang adopted parents niya ay hindi siya pinagbuhatan ng kamay.

"Hurt me again and you will regret it for the rest of your life." Mahina ngunit puno ng pagbabanta ang boses niya.

"Huwag mo akong takutin babae." Sasampalin pa sana uli siya nito ng may lalaking nagsalita sa likuran nito.

"Tama na 'yan Gado." Sabi ng bagong dating.

Sabay silang napalingon sa may pinto.

"Boss." Agad na lumapit si Gado sa lalaki. Tumayo ito sa likuran ng tinawag nitong 'boss'.

Naglakad ito palapit sa kanya. He stopped in front of her. Doon niya ito napagmasdan ng mabuti. Kundi siya nagkakamali ay mga nasa mid thirties na ang edad nito and he was quite a good-looking guy.

She couldn't help but to feel a bit intimidated. His aura was so striking and there was something about him that she couldn't explain.

Yumuko ito at at nagsalubong ang mga mata nila.

"Hmmmm beautiful. You look like your father." He said in very deep voice.

Nagtangis ang mga bagang niya. Sinubukan niya muling kumawala mula sa pagkakatali sa kanya.

"Ano bang kailangan niyo sa 'kin?" Matigas na sinalubong niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

He smiled dangerously.

KANINA pa palakad-lakad si Trigger habang nagiisip kung ano na ang nangyayari kay Kara ng mga sandaling iyon.

Nasa may basement sila ng isa sa mga building na pagmamay-ari niya. Pagkatapos nilang mag-usap ni Fatima kagabi ay dito na sila dumiresto nila Skyler. Tinawagan niya ang lahat ng mga tauhan niya sa buong mundo para mangalap ng mga impormasiyon sa pinagdalhan kay Kara. Hindi siya nakaksigurado kung saan dinala ng kalaban ang dalaga. Pwedeng nandito lang ito sa Pilipinas o sa ibang panig ng mundo. Mafia's could do anything they want, no limit.

Ang mga taong pinadala niya para magimbistiga ay walang nakuhang kahit anong lead. The CCTV footage from the previous night was hacked and deleted. None of what Kara wore last night was traceable. Kaya wala silang ideya kung saan ito dinala ng dumukot dito.

Halos may twenty-four hours na rin itong nawawala. Masyado ng matagal at sa bawat minutong dumaan ay lalo siyang kinakabahan. When Kara was kidnap, it scared the hell out of him. Maging siya ay nagulat sa realisasyong iyon. Never in his life na natakot siya para sa ibang tao, except for his own family.

Kara made him feel emotions he never felt before sa mga babaeng naging parte ng buhay niya. And hell, she was not even his fling or girlfriend para mag-alala siya ng sobra dito. She was the daughter of his enemy; he had to remind himself of that but he still couldn't stop himself from worrying about her safety. Pakiramdam niya ay hindi niya kakayanin kung sakali mang may mangyaring masama dito.

"What does this person want from Kara?" Tanong ni Skyler.

Maging ito ay hindi mapakali. Hindi niya ito masisisi. Kara and Skyler were close.

"They wanted to use her as bait." Sagot ni Leonard habang sinisipat ang hawak na baril.

May punto si Leonard. Pwedeng kalaban nila ang may gawa niyon o ang kalaban ni Goldman. He didn't know who was who. Sa nakalipas na mga oras ay wala pa siyang naririnig na balita mula kay Fatima. Nangako ito na babalitaan siya kapag may nalaman ito.

"Ano ng gagawin natin ngayon?" Tanong ni Shin.

"Wala tayong magagawa kundi ang maghintay." Ikinasa niya ang baril na hawak.

"Delivery!" Tawag ni Fiona mula sa labas.

Agad namang tumayo si Leonard para salubungin ito.

"Pizzaaaa!" Excited na sabi ni Shin ng makita ang tatlong kahong bitbit ni Leonard.

Doon niya lang naalala na hindi pa pala sila kumakain simula kaninang umaga.

"Anong nangyari?" Tanong ni Fiona habang tinatanggal ang jacket nito.

"May dumakip kay Kara." Sagot ni Shin habang binubuksan ang isang kahon ng pizza.

"Kara? 'Yong girlfriend ni bossing?"

Muntikan ng mabali ang leeg niya sa ginawang paglingon dito. "Where did you get that ridiculious idea?" Nangungunot ang noong tanong niya dito.

"Ah, hindi ba?" Painosenteng sagot ni Fiona saka nito nilingon si Shin. "Sabi kasi no'ng isa diyan in a relationship ka boss. So, I assumed na si Kara nga. Siya lang naman kasi 'yong babeng nakikita kong nakakasama mo bossing." Sagot nito saka naupo sa tabi ni Leonard.

Tiningnan niya ng masama si Shin. Nabitin sa ere ang pagsubo nito sa pizza. Sunod-sunod ang ginawa nitong paglunok.

Itinaas niya ang hawak na baril, aiming for his head. Nalaglag sa sahig ang hawak nitong pizza. Of course, he was not going to kill him. Tatakutin niya lang ito. Shin needed to learn how to keep his nose out of other person's business.

Sabay-sabay silang napalingon sa cellphone niyang nasa may mesa ng tumunog iyon. Agad niya iyong dimapot at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Unknown caller ang naka-register.

"Hello." The way he answered the call made everyone in the room flinched. It was stern, cold, strong and full of authority. Inilagay niya iyon sa loudspeaker.

"Hey there, Trigger. Pinaghintay ba kita ng matagal?"

Who was this guy again because his voice sound familiar? Sigurado siyang kilala niya ito. Nilingon siya si Fiona. May isinulat itong pangalan sa may pizza box.

Rostov Milan of Dragon Circle.

"What do you want from Kara?" Tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa pizza box kung saan nakasulat ang pangalan nito.

So, Rostov started to make a move.

Rostov Milan, ang grupo nitong Dragon Circle ang pangatlo sa pinakamalakas na mafia sa buong mundo. Una ang Rouge Circle, kung saan siya ang namumuno at pangalawa naman ang Golden Organization, na pinamumunuan ni George Goldman.

"I don't want anything from this bitch. Sayo ako may gusto." Sagot nito.

He chuckled. "Damn, I didn't know may dugong berde pala ang leader ng Dragon Circle."

Mahina namang natawa ang mga kasama niya.

"Gago! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Alam mo kung ano ang gusto ko sayo kapalit ng babaeng 'to."

Tama nga ang hinala ni Fiona kung ano ang dahilan ng pagbabalik ni Rostov ng Pilipinas. Gusto nitong kunin ang trono niya bilang pinakamalakas na mafia. Ilang beses siya nitong sinubukang patayin noon pero hindi ito nagtagumpay.

He was ready to hunt Rostov down because he was getting tired of his games. Pero nabalitaan na lang niya isang araw na lumipad ito patungong Italy at hindi na muling bumalik.

Now he was back again to steal his crown. Marahil ng pumunta ito ng Italy at nanatili ng matagal doon ay para pagplanuhan ng maigi ang mga gagawin nitong hakbang laban sa kanya.

"Are you serious?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" He asked sarcastically.

This guy was pissing him off.

"You have to fucking work for it son of a bitch!" He flicked his eyes around the room, making eye contact with his group to give signal to them to get ready. Leonard was on his laptop and now tracing the location of the call.

"What do you think I'm doing? Mamili ka, this bitch o ang hinihingi ko sayo? I can easily kill her right now, you know?" Banta nito.

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.

This was a cowardly thing for him to do. He was using Kara as bait to get to him. Why on earth he chose her anyway? Anong alam nito? Rostov was really testing his patience here.

"Trigger!"

Napahinto ang lahat sa ginagawa ng marinig ang boses ni Kara.

"Shut up!" Galit na sigaw ni Rostov kay Kara saka isang malakas na ingay ang umalingawngaw mula sa kabilang linya.

Did he just slapped her? Lalong umigting ang galit na nararamdam niya. How dare him to hurt her!

"Kara are you okay?" Walang kaemo-emosiyong tanong niya.

He tried to hide his emotions. He couldn't let Rostov know what he really felt about her. It would put both of them in the pit of danger.

"Trigger----shut up will you!"

"Rostov! I'm gonna kill you if you hurt her again!" He warned. "You're such a fucking coward. Bakit hindi ako harapin mo? Hindi mo na kailangan pang magdamay ng ibang tao."

"Darating din tayo diyan, Trigger. I still have more games prepared for you to play. And after that, I will face you and put a bullet in your shitty head. By the way, if you still want to see this bitch, I suggest you start making a move now. You only have two hours left before the bomb we planted beside her explodes. Can you hear that?"

Inilapit nito ang cellphone sa may bomba. He could hear a clock ticking.

"I will see you in hell, Rostov, kapag may nangyaring masama kay Kara. You will regret na nabuhay ka sa mundong ito!"

"Tiktok...tiktok..." Rostov laughed evily before ending the call. Nangigigil na ibinato niya ang cellphone sa dingding.

"Leonard, nakuha mo na ba ang location ng tawag?" Tanong niya habang isinusuot ang black leather jacket niya. He shoved two pistols in the pockets of his jacket and pushed another one into the waistband of his pants.

"Yes bossing." Iniharap nito sa kanya ang laptop.

"Good. Let's get going then."

He had to come up with a plan as soon as possible. Base sa nakita niyang lugar na pinagdalhan kay Kara ay isa 'yong abandonadong warehouse at may kalayuan sa kanila. Wala na silang sapat na oras para pagplanuhan ng maigi ang lahat. Kailangan na nilang magpunta sa lugar iyon dahil bawat segudong lumilipas ay napakahalaga. Hindi siya makakapayag na may mangyaring masama kay Kara. Not while he was still breathing.

"Shin ihanda mo na ang mga sasakyan."

"Yes boss!"

"Fiona call everyone! Sabihin mo sa kanila to meet us sa lugar na sasabihin sayo ni Leonard."

Sumaludo ito.

He sent a text to Fatima using his another phone para ipaalam dito na may lead na sila kung nasaan ang dalaga. Hindi na niya ibinigay pa ang ibang detalye dahil gahol na sila oras. He would explain everything to her later after they save Kara.

"READY?" Tanong ni Trigger sa mga kasama ng makarating sila sa lugar na pinagdalhan ni Rostov kay Kara.

They parked few meters away from the building. Tiningnan niya ang suot na relo. Fuck, they only have forthy five minutes left.

The place was so dark. They had to be careful. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa loob. Rostov was known for his dirty tricks in the mafia world and he was well aware of that. He was sure they would be ambush anytime soon.

"Here, wear this guys. Use this to communicate to each other." Inabutan sila ni Leonard ng tigisa-isang earpiece.

Isinara na ni Leonard ang pintuan ng van. Maiiwan ito sa loob to maneuvere all the CCTV's around the area.

Leonard also planted small night vision camera into his, Shin, Skyler and Fiona guns para makita nito ang mga nangyayari sa loob.

They walked silently into the darkness. He signaled his team to separate. Fiona's team went in the left side of the building and Shin's went into the right while he and Skyler went in the middle.

He stopped when he saw a flicker of light not far away from where they were standing. Tantiya niya ay isa iyon sa mga tauhan ni Rostov.

"Can't wait to have a smoke eh?" Natatawang komento ni Skyler.

He put a silencer in his desert eagle gun before aiming for the person's head. He shot the guy. Nakita niya ang anino nitong bumagsak sa lupa.

"Kuya." Mahinang tawag sa kanya ni Skyler.

Nilingon niya ito. He was pointing one o'clock. He saw shadows of three men walking in their direction. Marahil ay nakita ng mga ito ang pagbagsak ng isa sa mga kasamahan ng mga ito.

He and Skyler was about to shoot them nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril galing sa direksiyon ni Fiona.

"Fuck!"

They couldn't hide anymore. The enemy knew they were here. Tumakbo sila ng mabilis ni Skyler at binaril lahat ng makasalubong nilang kalaban.

Nagtago siya sa may gilid ng gate ganoon din si Skyler. Sumilip muna siya sa loob para tingnan kung may mga kalaban na naghihintay sa kanila sa may pinto. Nang masigurong wala ay sumipol siya na pwede na silang pumasok. Pagpasok pa lang nila sa loob ay sinalubong sila ng sunod-sunod na putok ng baril. Nagtago sila ni Skyler sa may likod ng pader.

"Shit!" Wala siyang makita. Napakadilim ng buong paligid.

Maya-maya pa ay huminto na ang putukan. He listened carefully. It was so silent. The only sound he could hear was his own ragged breathing.

Dahan-dahan siyang dumukot ng flashlight sa bulsa. He lit it fast ang throw it on the ground. Lumiwanag ang paligid. Tama nga ang hinala niya. Rostov group was waiting for them. Dahil sa biglang pagliwanag ay nasilaw ang mga ito. Ginamit niya ang pagkakataon na 'yon para paulanan ng bala ang mga ito. Tumakbo siya ng mabilis at nagtago sa likod ng isang pader.

"Hanapin mo na si Kara kuya! Ako na ang bahala dito!" Sigaw ni Skyler mula sa kabilang bahagi ng pader. Sunod-sunod ang ginawa nitong pagpapaputok. May tiwala siya dito kaya hindi na siya nag-dalawang isip na iwan ito.

He crept slowly down the hallway with his gun up, scanning ahead. In his peripheral vision he saw a flicker of light coming out from the room at the end of the hallway. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Kara was in there! Kahit na hindi niya pa nakikita ang loob alam niyang nandoon ang dalaga.

Tumingin muna sa likuran niya ng makalapit sa may pinto para siguraduhing walang kalaban na nakasunod sa kanya.

Napatigil siya sa pagbukas ng maramdang may taong papalapit sa kanya. Itinaas niya ang baril na hawak. He was about to pull the trigger ng magsalita ito.

"Don't shoot boss, si Shin 'to." Pakilala nito.

"Aish! Hurry up."

Binuksan niya ang pintuan at pumasok sa loob sa ng kwarto.

Relief rushed into his body when he saw her.

She was sitting on the chair. Nakatali ang mga kamay at paa nito. Agad siyang lumapit at tinanggal ang panyong nakatakip sa bibig nito.

"Trigger!" Paos na tawag nito sa kanya. She looked so scared.

"Fuck! Kara, I'm so sorry." Niyakap niya ito ng mahigpit. "Are you ok?" Nag-aalalang tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. May pasa ito sa mukha. Marahil ay dahil iyon sa pagsampal dito ni Rostov kanina.

Naikuyom niya ang mga kamay.

"Boss! Two minutes na lang bago sumabog ang bomba. Wala na tayong oras para lumabas ng building." Sabi ni Shin at agad na sumalampak sa harap ng bomba saka iyon binutinting.

"Do what you have to do." Utos niya habang tinatanggal ang mga tali sa kamay at paa ni Kara.

Sakto namang dumating si Skyler at Fiona.

Agad na lumapit si Skyler kay Kara at niyakap ang huli.

"Kara, ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Skyler dito.

"I-I'm fine." She stammered.

"Thank god! You must've been scared here." Sabi ni Skyler na hindi pa rin inaalis ang tingin dito.

For some reason ay bigla na lang umiyak si Kara.

Marahas na ipinikit niya ang mata at tumalikod. He couldn't bear the sight of her crying.

"Damn!" Lumapit siya kay Shin na abala sa pagbutingting ng mga wire.

"30 seconds! Shit!" Pagkakita sa oras na natitira ay namalayan na lang niya ang sarili na lumapit kay Kara at niyakap ito ng mahigpit.

"Trigger..." Sumisinghot-singhot na tawag nito sa kanya. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito.

"You're safe now." He murmured.

He felt her arms wrapped around him. Nanginginig ang buong katawan nito.

Halos hindi siya makahinga sa sobrang takot na nararamdamn ng mga sandaling iyon. Ang huling pagkakataon na natakot siya ng ganoon ay ng kamuntikang mamatay ang mommy niya dahil sa natamo nitong bala ng baril ng maambushed sila ten years ago.

Anong nangyayari sa kanya? Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagkakaganito pagdating kay Kara. He couldn't function properly when he didn't see her and he worries a lot for her safety.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. He hugged her even tighter. Maaring ito na ang huling pagkakataon na mayayakap niya ito. Malaki ang tiwala niya kay Shin na mapapatay nito ang bomba. Still, his emotions overpowered his judgement and he couldn't help but to tell her how he was feeling.

"Kara...your making me feel things I cou---."

"Wheeew! Tapos na!" Sigaw ni Shin na nagpaputol sa sasabihin niya sana kay Kara.

Dahan-dahan niyang binitiwan ang dalaga. Her eyes were tightly closed.

"Wow galing mo talaga 'tol." Sinuntok ito sa braso ni Skyler.

"Siyempre! Ako pa. Matalino na, gwapo pa." Nakangising puri ni Shin sa sarili.

"Ulol. Ang sabi ko lang magaling ka. Hindi gwapo."

Inakbayan nito si Skyler. "Inggit ka lang. Kasi mas gwapo ako sayo."

Ikinulong niya ang mukha ni Kara sa mga kamay. "Are you okay?" Puno ng pag-aalalang tanong niya dito.

She slowly opened her eyes. Agad itong nag-iwas ng tingin ng magsalubong ang mga mata nila.

"I-I'm fine. Thank you for saving me." Sagot nito sabay tayo.

Tumayo din siya at sinundan ito ng tingin.

"Si Kara nangangamatis ang mukha!" Napalingon siya kay Shin ng magsalita ito.

He looked at Kara again. Humarap ito sa kanya. Namumula nga ito. Mabilis niya itong nilapitan. Hinipo niya ang noo nito.

"Are you sick?"

Umiling ito.

"Sigurado ka?" Inilapit niya ang mukha dito.

Lalong namula ang mukha ni Kara.

"Kara! Are you ok? Damn it. Look at you! Your...your...face is so red!" Lalong nalukot ang mukha niya ng hindi ito sumagot.

Humugot muna siya ng malalim na hininga saka ito pinangko. Agad itong napahawak ng mahigpit sa magkabilang balikat niya.

"Hoy Trigger! Ibaba mo ako!" Nagpumiglas ito.

"Stop struggling if you don't want to fall." Hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.

"I will stop if you put me down!"

Inilayo niya ang tainga dito dahil kundi ay mababasag ang eardrums niya sa lakas ng boses nito. Hindi niya ito binitiwan kahit na ilang beses itong nagpumiglas hanggang sa makarating sila sa kotse.

Ibinaba niya ito saka binuksan ang passenger seat.

"Sakay." Utos niya dito.

Ngumuso naman ito sabay halukipkip.

He pinched the bridge of his nose. "What now?" Iritadong tanong niya.

"I'm sorry."

"Para saan?" Confused na tanong niya.

"About my dad's behaviour last night." Bulong ni Kara.

Hindi niya mapigilang mapangiti. "Nakidnap ka na at muntikang mamatay. 'Yan pa rin ang inaalala mo?" Inilapit niya ang mukha dito.

Agad namang nag-iwas ng tingin si Kara. Hinawakan niya ito sa baba at marahang iniharap sa kanya. Her eyes were looking on the ground.

"Look at me." He softly said.

Nag-angat naman ng tingin si Kara sa kanya. Their eyes met. Lumipat ang mga mata niya sa bahagyang nakaawang na labi nito.

"Trigger." She said out of breath.

"You really made me worry like a mad man there, baby." He huskily said tracing her lower lip with his thumb.

His heart started to beat abnormally. Slowly he bent his head. He had wanted to kiss her from the very first time he laid eyes on her.

"Boss. Yo!"

Naipikit niya ng mariin ang mga mata ng marinig ang boses ni Shin. Should he kill him now?

Kara giggled beside him.