~16~ Sneaky first date

PANAKA-naka ay palihim na pinagmamasdan ni Kara si Trigger habang nagmamaneho ito. Sobra an pasasalamat niya dito dahil kung hindi ito dumating, malamang ay patay na siya ng mga sandaling iyon.

Kanina ng magising ay sobrang takot ang naramdaman niya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Kung makakawala pa ba siya ng buhay o iyon na ang magiging katapusan niya.

"Stop doing that."

Takang tiningnan niya si Trigger. "Ang alin?"

Sinulyapan siya nito sandali bago ibinalik ang tingin sa daan. "Staring at me. Hindi ako makapag-concentrate sa pagmamaneho."

She chuckled. Humalukipkip siya at lalo itong pinakatitigan. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito.

"You should smile more." Sabi niya saka hinaplos ang pisngi nito na para bang normal lang iyon para sa kanya.

Lalo namang lumapad ang ngiti ni Trigger.

"Thank you talaga kung hindi kayo dumating. Baka kung ano na ang nangyari sa 'kin." Puno ng sensiridad na sabi niya.

"I will always be here for you, to protect you. I promise." Trigger swear. Kinuha nito ang kamay niya. He planted a kiss on her palm.

Nakaramdam siya ng init sa ginawa nito. Habang tumatagal ay unti-unti niyang nakikilala ang ibang bahagi ng pagkatao ni Trigger. Ang soft side nito.

Hindi iilang beses na pinagsabihan siya ni George na huwag makikipagkaibigan sa mga Lamprouge simula ng kinupkop siya nito. Lagi nitong sinasabi na matindi nitong karibal sa negosyo ang mga ito at ilang beses na nilang pinagtangkaan ang buhay ng mga magulang niya.

Kaya hindi niya maiwasang magalit kila Trigger noon dahil nga sa mga sinasabi ng daddy niya. Kaya ng pumasok siya sa Hilton Spring University at nalaman niya na doon din nag-aaral ang magkapatid ay todo sungit siya sa mga ito. Pero dahil sa masyadong persistent si Skyler na makipagkaibigan sa kanya ay hindi rin niya napanindigan ang pagsusungit dito. Idagdag pa si Trigger na kahit masungit, mayabang at parang may bayad ang ngiti ay nagawa pa ring pumasok sa puso niya ng hindi niya namamalayan.

Sa totoo lang habang tumatagal ay nagbabago ang tingin niya sa magkapatid. Mabait naman ang mga ito. Malayong-malayo sa masamang imahe na binuo ni George sa kanyang isipan.

Ang Trigger na nasa tabi niya ngayon ay halos hindi na mabura-bura ang ngiting nakaguhit sa labi nito.

"Saan mo gustong ihatid kita? You can stay in my house if you want." Tanong nito.

"Sa bahay na lang. Siguradong nag-aalala na sila mum at dad ng sobra."

Gusto niya rin naman sa bahay na muna ni Trigger tumuloy dahil alas dose na rin ng hatinggabi pero alam niyang sobrang nag-aalala na sa kanya ang mga magulang. Mas maiging magpakita muna siya sa mga ito. Isa pa, may issue siyang kailangang ayusin. Lalong-lalo na sa daddy niya. She really disappointed him big time.

"Sure." Sang-ayon ni Trigger saka binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

BEING a mafia boss was a big responsibility. It was quite a cool job of course. Kayang-kayang niyang gawin ang kahit ano mang gustuhin niya. He lived his life like a king. Pero meron pa ring mga down side ang ma-involved sa ganitong trabaho.

It was full of danger. Trigger lived his life to the fullest everyday. Hindi niya alam kung anong plano ang niluluto ng mga kalaban laban sa kaniya. Hindi rin niya alam kung aabutan pa ba siya ng bukas pero wala siyang pinagsisisihan na kahit isang segundo simula ng pinasok niya ang ganitong linya ng trabaho.

Time passed and he managed to build a thick wall around him. He made sure no one can ever get inside that might threaten his insanity.

He never commited in a relationship because there was a high chance to fall in love that would eventually weaken him. He changed women all the time, lalo na kapag alam niyang nai-inlove na sa kanya ang babae. He only wanted a casual fling to fill his need.

Pero ngayon lahat ng inhibisyon niya ay naglahong parang bula. He was willing to take a risk for Kara dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag may nangyaring masama dito. He couldn't afford to lose her not now ngayong nalaman niya kung gaano ito kaimportante sa kanya.

Nilingon niya ito mula sa kinauupan. Nakatanaw ito sa labas ng bintana.

Kanina habang sinusubukang patayin ni Shin ang bomba at thirty seconds na lang ang oras na natitira ay hindi na niya napigilan ang sariling yakapin si Kara. Sobrang bilis ng pagtibok ng kanyang puso sa bawat segundong lumilipas. Malaki ang tiyansa na baka iyon na ang huling mga sandali na mahahawakan niya ito.

Out of despiration, he started blabbering about how she made him feel emotions that were new to him. Mabuti na lang at sumingit si Shin dahil kundi ay hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap sa dalaga. Hindi naman niya ikinakahiya ang tunay na nararamdaman para dito. Nag-aalangan lang siya dahil masyado pang maaga para sa bagay na iyon. He had to gather all his thoughts first to make sure what he really feel for her.

Pero ang tanong, matatanggap ba siya ni Kara kapag nalaman nitong kabilang siya sa mafia? Alam niyang hindi nito alam ang tungkol sa involvement ni George sa mafia. Pero kapag nalaman nito ang side na iyon ng pagkatao niya ay malaki ang posibilidad na kamuhian siya nito. Lalong-lalo na ang tangka niyang pagpatay sa pamilya nito.

Huminto sila sa tapat ng isang mataas na gate. Hinawakan siya ni Kara sa braso ng akma siyang baba para pagbuksan ito ng pinto.

"Not now." Sabi nito habang nakatingin ng mataman sa kanya.

"Why?" Nangunot ang noong tanong niya dito.

"I need to calm my parents first especially my dad pagkatapos ng lahat ng mga nangyari. Sana maintindihan mo." Isang tipid na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.

Tumango naman siya. "I understand. I'll see you at school then." Kinintalan niya ito ng halik sa noo.

"Drive safely." Sandali siyang tinitigan ni Kara bago tuluyang lumabas ng kotse.

Sinugurado muna niyang nakapasok na ito ng bahay bago siya umalis.

Alam niyang simula ngayon ay magbabago na ang takbo ng buhay niya.

PAGKAPASOK ni Kara ng bahay ay sinalubong siya ni Fatima.

"Kara, oh my god. I'm so glad you're safe!" Niyakap siya nito ng mahigpit na ginantihan niya rin.

Sinipat siya ni Fatima mula ulo hanggang paa. Checking her kung may mga sugat ba siya maliban sa pasa niya sa pisngi. Nang masigurong okay lang siya ay niyakap uli siya nito.

"Sobra kaming nag-alala sayo ng daddy mo, alam mo ba 'yon?" Sabi nito habang nakayakap sa kanya.

"I'm sorry mum. Kasalan ko itong lahat." Sabi niya.

Tiningnan siya ni Fatima sa mga mata. "Wala kang kasalanan Kara. Kami dapat ang humingi ng tawad sayo dahil kundi sa 'min ay hindi mo mararanasan ang mga ganitong bagay." Nangilid ang luha sa mga mata nito.

"Oh mum. Please don't cry." Pati tuloy siya ay parang maiiyak na din.

"Kara?"

"Dad." Agad siyang lumapit at niyakap ito.

"I'm sorry anak." Bulong ng daddy niya.

Tiningala niya ito. "Don't. Sinuway ko kayo kaya ito ang nangyari sa 'kin." She rested her forehead on George's chest. Hinigpitan ni George ang yakap sa kanya.

Maya-maya ay iginiya siya ng mga ito sa may sofa. Sinenyasan ni George ang isa sa mga kasambahay na ikuha sila ng maiinom.

"Miss Kara!"

Napalingon siya sa may pinto ng marinig ang boses ni Alice. Hingal na hingal ito habang nakahawak sa may hamba ng pinto.

"Alice!" Tumayo siya at tumakbo dito. Niyakap niya ito ng mahigpit.

"I'm so glad you're safe. Sobra kaming nag-alala." Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.

"I'm safe and sound. Kaya makakahinga ka ng maluwag." Nakangiting tinapik-tapik niya ang likod nito.

"I think this is the right time for you to know everything, Kara." Sabi ni George.

Everyone eyes diverted in his direction.

"DAD, I think sumosobra na ang mga kalaban mo sa negosyo. This is way too much! They almost killed me! At mukhang hindi na tungkol sa negosyo lang ang pinaghuhugutan nila. There's more. Isa pa bakit ang tinawagan nila ay si Trigger at hindi kayo? I don't understand." Galit na sabi niya habang palakad-lakad sa harapan ng mga ito.

Merong gustong sabihin ang daddy niya pero pinigilan niya muna ito. By the sound of it ay mukhang importante iyon. And it might take all her energy kaya inunahan niya muna ito. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

Si Alice, Uno, Dos at Tres ay nadoon din.

"I know. Kaya makinig ka ng mabuti sa lahat ng sasabihin ko. And try to understand kung bakit namin inilim ito sayo." He said in desperate voice.

Tumango naman siya saka umupo sa tabi ng mommy niya. Hinawakan ni Fatima ang mga kamay niya.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong paligid.

George inhaled deeply bago nagsalita. "I'm a mafia boss."

Parang isang malakas na timed bomb ang sumabog sa pandinig niya. Napalunok siya kasabay ang pagtindig ng mga balahibo niya sa katawan.

"This is a joke right?" She laughed trying to ease the tension na unti-unting namumuo.

Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Fatima sa mga kamay niya. Tiningnan niya ito.

"No Kara." Umiiling na sagot nito.

"But how? Why? When?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Mahabang story anak. But please try to understand that we don't want to drag you in our dangerous world in the first place." Her dad's eyes were looking at her, seeking for her understanding.

"But you did!" Napatayo siya.

Hindi niya alam kung paano siya magre-react ng mga sandaling iyon. She felt betrayed, hurt and scared at the same time. Knowing that her nice and lovable father was a mafia. A bloody mafia who wouldn't think twice to kill someone. Unti-unting nag-sink in sa kanya ang lahat. Kaya pala ganoon na lang kadali para sa mga magulang niya ang pumatay ng tao para protektahan siya. Hindi lang pala talaga tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan dito. Kaya naman pala ganoon na lang kapersistent ang mga kalaban ng daddy niya para makuha siya. They wanted to use her as the leverage laban kay George!

Noong inampon siya ng mag-asawang Goldman at bigyan pangalawang pagkakataon para sa isang kompletong pamilya, siya na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo. Marami siyang pangarap na gustong tuparin habang namumuhay ng matiwasay. Pero mukhang ang tahimik na buhay na pinapangarap niya ay malabo ng mangyari. Dahil kailan man ay hindi magkakaroon ng katahimikan ang buhay ng pamilyang umampon sa kanya dahil sa mafia.

This was too much to handle for her. Lalo na dahil sa mga nangyari simula kagabi.

Mariing naipikit ni George ang mga mata. Alam nitong hindi magiging madali ang ipaliwanag sa kanya ang lahat.

"Alam naming na mahirap para sayo ang tanggapin ang katotohanan. Hindi namin gustong ilihim sayo ito. Pero wala kaming ibang pagpipilian. Masyado ka pang bata para maintindihan ang lahat kaya naghintay kami sa tamang pagkakataon para sabihin sayo ang lahat." Mahinahong sabi ni Fatima.

"Ito ba ang tamang pagkakataon na sinasabi mo mum? Ang muntikan na akong mamatay dahil sa mafia boss si dad? This is insane! I cannot believe this!" Inis na tumayo siya at nagmamadaling tinungo niya ang kwarto.

She couldn't talk to them right now. Hindi niya kaya. Masyadong mabigat ang sikretong nalaman niya. Mabuti na lang at medyo malawak ang pang-unawa niya. Siguro kung ibang tao ang nasa posisiyon niya ay baka hinimatay na takot. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa nalaman niya.

She thought, she was having the perfect life. Hindi pala. Her parents kept her in the dark for so long sa totoong pagkatao ng mga ito.

Pabagsak na humiga siya sa kama.

"Uggggh!" Inis na ipinadyak niya ang paa sa kama.

Nang sabihin ni George na isa itong mafia boss ay agad siyang nakaramdam ng takot. Pumasok din sa isipan niya na umalis na sa lugar na iyon. Pero saan naman siya pupunta kung sakali? May mga ari-arian ang daddy niyang si Wendell na iniwan sa kanya. Pero mag-iisa naman siya doon, and George could trace her easily with his connections. Siyempre hindi siya nito basta-basta pakakawalan lalo na ngayon at nalaman niya na isa itong mafia. Hindi niya alam kung anong kaya nitong gawin sa kanya.

Ang pagkakaalam niya sa mga mafia ay masasama ang mga ito at wanted sa lipunan. Karamihan sa mga ito ay nagtatago sa likod ng mga legal na negosyo.

Gosh! Dati nagbabasa lang siya ng mga novels tungkol sa mga mafia. Kung dati-rati ay katuwaan niyang imaginin ang sarili na isa siya sa mga tauhan na nasa libro ngayon ay ayaw na niyang isipin pa ang bagay na 'yon. Dahil sa nakalipas pala na limang taon ng buhay niya ay kabilang na siya sa mundo ng mga mafia sa totoong buhay.

Nahinto siya sa pag-iisip ng may kumatok sa pinto ng kwarto niya.

"I don't want to talk to anyone. Please leave!" Sigaw niya at ibinaon ang mukha sa unan.

"But we have to talk, miss." Malumanay na sabi ni Alice mula sa labas.

Napalingon siya sa pinto ng bumukas iyon. Pumasok si Alice. Naupo ito sa may paanan ng kama niya.

"Alam kong hindi madali para sayo ang tanggapin ang lahat pero ginawa lang iyon ng mga magulang mo para protektahan ka." Simula nito.

Hindi siya umimik kaya nagpatuloy si Alice.

"Matagal na akong naninilbihan sa mga Goldman. I've seen a lot. Everything. Your dad is a mafia boss, yes. Pero hindi niyon ibig sabihin ay masama siyang tao. He used his connections in the mafia world para magtayo ng mga negosyo. Marami siyang natulungang tao na magkaroon ng trabaho dahil sa mafia kahit na alam niyang ang buhay niya ang nakataya dito. That didn't stop him."

"Alam mo pala? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Akusa niya dito.

"I'm not in the right position to tell you that. Ang tanging maipapayo ko lang sayo ay bigyan mo ng pagkakataon ang magulang mo na makapagpaliwanag. Kung hindi mo talaga kayang tanggapin ang katotohanan. I'm sure maiintindihan ka nila. They might even give you the freedom to decide if you want to stay or leave." Tumayo si Alice at nilapitan siya.

She planted a kiss on her hair.

"You gave them the happiness they deserve. At alam kong mahal na mahal ka nila. Please, think about everything before you make any rush decisions."

Sinundan niya si Alice ng tingin hanggang sa makarating ito sa pinto.

"Pero bakit hindi si dad ang tinawagan no'ng kidnaper? Bakit si Trigger?" Tanong niya na nagpahinto sa pagbukas ni Alice ng pinto.

Humarap ito sa kanya. "Hindi ko alam."

"Involve din ba si Trigger sa mafia?" Halos pabulong na tanong niya.

"Hindi ako ang makakasagot sa mga tanong mong iyan miss. Only Trigger can. Have a good rest." Sabi ni Alice at tuluyan ng lumabas ng kwarto niya.

Alice never failed to amused her. She was indeed a wise and intelligent person. Alam nito kung ano ang mga tamang sasabihin para pagaanin ang loob niya.

Napabuntong hininga siya. Tama nga si Alice. Walang masamang intensiyon ang mga magulang sa ginawang paglilihim ng mga ito sa tunay na pagkatao ni George sa kanya. Gusto lang siyang protektahan ng mga ito. The more she didn't know about anything, the more she was safe. Pero ngayong umatake na ang mga kalaban ay wala ng ibang pagpipilian ang mga magulang kundi ang ipagtapat sa kanya ang katotohanan.

Paano kung kabilang din si Trigger sa mafia? Kaya ba niyang tanggapin ito kung sakali? Habang iniisip niya ang bagay na iyon ay unti-unti siyang nakakaramdam ng takot.

Maybe he was not. Trigger might be innocent. Isa pa, hindi naman siguro lahat ng kaalitan ng daddy George niya ay kabilang sa mafia. Pero kaya niya bang tanungin ang bagay na iyon kay Trigger?

Napasabunot siya sa buhok. NO! He was not involved in any of this because if he was ay matagal na iyong sinasabi sa kanya ng mga magulang. Pero 'di ba inilihim din sa kanya ng mga ito ang tungkol sa bagay na iyon?

"Whaaaaaaa! Magulo!" Ibinaon niya ang mukha sa unan.

It was up to her whether she accept this mafia thing or not. Wala na siyang magagawa dahil nandiyan na iyon bago pa man siya mailuwal sa mundong ito.

Alam niyang simula ngayong gabing ito ay magbabago na ang takbo ng buhay niya. Hindi na talaga matutupad ang pangarap niyang magkaroon ng matiwasay na buhay kasama ang pangalawang pamilya niya.

Hindi niya kayang malayo pa sa mga ito dahil sa paglipas ng panahon ay natutunan na niyang mahalin sila George at Fatima na parang tunay na mga magulang. Hindi niya kakayanin kung sakaling may mangyaring masama sa mga ito. Kaya nakapag-desisyon siyang manatili sa tabi ng mga ito kahit na anong mangyari.