~17~ First kill

IDINALA siya ni Trigger sa isang Italian restaurant. Habang kumakain ay nagkukwentuhan sila tungkol sa kanilang buhay. Pero hindi niya nabanggit dito ang involvement ng daddy George niya sa mafia. She wanted to keep that secret to anyone as long as she can.

She did a thorough researched about Trigger these past few days. Kung involve ba ito sa mafia pero wala siyang nakita na kahit anong impormasiyon na makakapagpatunay na involved nga ito. Karamihan sa mga nakalap niyang mga impormasiyong ay puro patungkol sa mga negosyo nito. Kaya isinantabi na lang niya ang hinalang kabilang din ito sa mafia.

"Ano nga pala 'yong gusto mong pag-usapan natin?" Tanong niya ng matapos silang kumain.

"I want to ask you something." Sagot nito at nagsindi ng sigarilyo.

Lumipat sila sa may smoking area ng restaurant pagkatapos kumain dahil gustong manigarilyo ni Trigger.

"Ano naman?" Sumimsim siya sa baso ng red wine.

Naka-isang bote na siya ng red wine simula ng dumating sila sa restaurant pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maramdam ang epekto ng alak sa katawan niya.

"Walang pasok sa Friday dahil holiday 'di ba? I want you to come to London with me." Sagot nito. He puffed the smoke out in the air.

"Huwhaaat? London? Seryoso ka? Lalabas na nga lang ng bahay hirap na hirap na akong magpaalam. Out of the country pa kaya?" Pinagloloko yata siya ni Trigger e.

Tumawa ito ng pagak. Inilapag nito ang hawak na baso ng brandy sa mesa. "Leave that to me." Kampanteng sabi nito.

"Ano ba kasi ang gagawin natin do'n?"

Pinatay nito ang sigarilyo sa may ash tray. "Well, there is this Antique Roadshow at may mga items doon na gusto kong bilhin." Nag-angat ito ng tingin sa kanya bago nagpatuloy. "And I like you to be my date in the ball."

"Bakit ako?"

Sumandal si Trigger sa kinauupuan habang pinagmamasdan siya ng mabuti. "I don't know. I just like the feeling of you near me." Sagot nito.

Ngumisi siya. "May gusto ka sa 'kin ano?" Tudyo niya dito.

Her heart was started beating earratically. Like any moment ay lalabas na 'yon ng rib cage niya dahil sa mga pinagsasabi ni Trigger. Kaya sinubukan niyang idaan sa biro ang nararamdaman ng mga sandaling 'yon.

"Maybe I do." Walang prenong sagot ni Trigger.

Napatayo naman siya dahil sa isinagot nito. Hindi iyon ang inaasahan niyang magiging sagot nito.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Trigger. Tumayo na din ito.

"Wala. Medyo naparami yata ang inom ko. Gusto ko na sanang umuwi." Pagdadahilan niya.

"Okay. I'll take you home." Sabi nito.

Hinawakan siya ni Trigger sa bewang. Napaigtad naman siya. Ilang beses na siya nitong hinahawakan ng ganoon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya masanay-sanay. Hanggang sa makalabas sila ng restaurant ay hindi siya nito binitiwan.

"Thanks for the dinner. Nag-enjoy ako." Sabi niya ng nasa labas na sila.

"I'm glad to hear that." Iginiya siya nito sa may parking lot kung nasaan ang kotse nito.

Pinagbuksan siya nito ng pinto.

"May tatawagan lang ako sandali." Sabi nito. Pagkapasok niya ay isinara na nito ang pinto.

Naglakad palayo si Trigger ng kotse. Pinagmasdan niya ito habang nakikipag-usap sa telepono.

Hindi niya inaasahan na aaminin ni Trigger na may gusto ito sa kanya kahit na alam nitong nagbibiro lang siya. Gosh! The feeling was mutual. She liked him, he liked her. Pero hindi sila pwede. Hindi niya kayang ilagay sa panganib ang buhay nito. Kung sana lang ay nagkakilala sila sa ibang pagkakataon. 'Yong normal ang buhay niya at walang panganib na laging nakasunod sa kanya. Idagdag pa na may hindi pagkakaunawan ang pamilya niya at ni Trigger. Baka lalo lang itong mapahamak. Gustuhin man niyang makasama ito ng higit pa sa isang kaibigan ay kailangan niyang tanggapin sa sarili na hindi iyon mangyayari dahil kailangan niyang mamili. Ang maging kasintahan ito pero alam niyang tutol sa kanila ang buong mundo at maaaring mailagay sa panganib ang buhay nito o ang makontentong maging kaibigan lang ito. At least kung manatili man silang magkaibigan kahit anong mangyari ay hindi ito mawawala sa tabi niya. Pero ang tanong, kaya niya bang makipagkaibigan lang dito kung alam niyang pareho silang may gusto sa isa't isa?

Pero nakakapagtaka rin kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa rin si Trigger kung matindi ang alitan sa pagitan nito at ng daddy niya? Alam ba nito na hindi basta-bastang tao ang binabangga nito? Her dad was a freaking mafia boss! Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na mafia boss ang daddy niya. Pakiramdam niya ay nanaginip lang siya. Siguro ay hindi pa umabot sa boiling point ang galit ng daddy niya dito para patayin ito.

Pinagmasdan niya si Trigger habang naglalakad ito pabalik ng kotse. The way he walked and held himself have an air of strong authority and power like her dad. Ipiniling niya ang ulo. She had to stop comparing these two gents.

"Sorry about that." Sabi nito ng makaupo sa may driver's seat.

"Work?" Hula niya.

"Yeah." Sagot nito saka pinaandar ang kotse.

Pagkalabas nila ng parking lot ay unti-unti na niyang nararamdaman ang epekto ng wine. Nilingon niya si Trigger. Nakakunot noo ito habang seryosong nagmamaneho.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

Nilingon siya nito. Agad na naglaho ang kunot sa noo nito. "Yes. May iniisip lang ako. You can sleep if you want. Gisingin na lang kita kapag malapit na tayo sa bahay niyo." He smiled but it didn't reach his eyes.

"Okay." Sabi niya.

Hindi na siya nag-abala pang tanungin kung ano ang gumugulo sa isip nito. She closed her eyes and drifted to slumber.

KANINA pa napapansin ni Trigger na panay ang sulyap sa kanila ng dalawang lalaki na nasa loob ng restaurant simula ng dumating sila ni Kara kaya ng matapos kumain ay niyaya niya ang dalaga na lumipat sa may smoking area dahil gusto niyang manigarilyo.

"Ano nga pala 'yong gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ni Kara.

"I want to ask you something." Sagot niya at nagsindi ng sigarilyo. He puffed the smoke up in the warm air.

"Ano naman?" Sumimsim si Kara sa red wine nito.

"Walang pasok sa Friday dahil holiday 'di ba? I want you to come to London with me." Sagot niya bago ininom ng diretso ang natitirang brandy na nasa basong hawak niya.

"Huwhaaat? London? Seryoso ka? Lalabas na nga lang ng bahay hirap na hirap na akong magpaalam. Out of the country pa kaya?" Hindi makapaniwalang sabi nito.

Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya ang isa sa mga lalaking nagmamasid ng palihim sa kanila na umupo 'di kalayuan sa kanila.

Tumawa siya ng pagak. Inilapag niya ang hawak na baso ng brandy sa mesa. "Leave that to me." Kalamdong sagot niya sa mga tanong ni Kara.

Naisip niyang gumawa ng isang raffle draw sa school. Ang mabubunot ay mananalo ng three nights and four days trip to London for free. Siya na ang bahala sa lahat ng mga gastusin. Pero ipapalabas niya na isang anonymous person ang sponsor ng trip. At sisiguraduhin niyang siya at si Kara ang mabubunot.

"Ano ba kasi ang gagawin natin do'n?"

Pinatay niya ang sigarilyo sa may ash tray. "Well, there is this Antique Roadshow at may mga items doon na gusto kong bilhin." Nag-angat siya ng tingin sa dito bago nagpatuloy. "And I like you to be my date in the ball."

"Bakit ako?" Takang tanong ni Kara.

Sumandal siya sa kinauupuan habang mataman itong pinagmamasdan. "I don't know. I just like the feeling of you near me." Sagot niya. He was not lying when he said that.

Ngumisi ito. "May gusto ka sa 'kin ano?" Tudyo nito.

"Maybe I do." Wala sa loob na amin niya dito.

Napatayo naman si Kara dahil sa isinagot niya. May nasabi ba siyang mali?

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya. Tumayo na din siya.

"Wala. Medyo naparami yata ang inom ko. Gusto ko na sanang umuwi." Pagdadahilan nito.

Hindi na siya nagtanong pa. "Okay. I'll take you home." Sabi niya.

Hinawakan niya ito sa bewang. Napaigtad naman ito. He smirked. She still couldn't get used of him holding her so close like that. Hanggang sa makalabas sila ng restaurant ay hindi niya ito binitiwan.

"Thanks for the dinner. Nag-enjoy ako." Sabi nito ng nasa labas na sila.

"I'm glad to hear that." Iginiya niya ito sa may parking lot kung nasaan ang kotse niya.

Pinagbuksan niya ito ng pinto.

"May tatawagan lang ako sandali." Sabi niya nang makapsok na ito ng kotse. Isinara niya ang pinto at nagmamadaling dinaial ang number ni Skyler.

Naglakad siya palayo ng konti sa kotse para hindi marinig ni Kara kung ano man ang pag-uusapan nila ni Skyler.

"Hey big bro, what's up?" Sagot nito mula sa kabilang linya.

"I need you and everyone to come here now." Bulong niya habang iginagala ang paningin sa paligid.

"'San?"

"Track us down and follow us as quick as you can. We have some unwanted company." Tukoy niya sa dalawang lalaki na nasa loob ng restaurant kanina.

Alam niyang hindi lang ang dalawang ito ang naghihintay sa kanila. Sigurado siyang may mga kasama ito. Kaya kailangan niya ng back up. He needed to make sure no harm would come to Kara.

"Leonard is working on it."

"Good." Pinatay na niya ang tawag.

Malalaking hakbang na tinungo niya ang kotse.

"Sorry about that." Sabi niya ng makaupo sa may driver's seat.

"Work?" Tanong ni Kara.

"Yeah." Maikli niyang sagot saka pinanadar ang kotse.

Napakunot noo siya habang nagmamaneho. Did Rostov sent his men again to kill him? Simula ng bumalik ito ng Pilipinas ay walang araw na hindi siya pinepeste ng mga tauhan nito.

"Okay ka lang?" Untag sa kanya ni Kara.

Nilingon niya ito. Agad na naglaho ang kunot sa mukha niya ng makita ang maamong mukha nito. "Yes. May iniisip lang ako. You can sleep if you want. Gisingin na lang kita kapag malapit na tayo sa bahay niyo." He smiled at her but it didn't reach his eyes.

"Okay."

She closed her eyes. Maya-maya pa ay narinig na niya ang mahinang hilik nito. Good she was asleep.

Tiningnan niya ang rearview mirror. Tama nga siya. They've been followed. Dalawang sasakyan ang nasa likuran nila.

Binilisan niya ang takbo ng kotse. Ganoon din ang ginawa ng mga ito. Napa-abante ang kotse niya ng banggain ng isa sa mga ito ang bumper ng kotse.

"Fuck!" Napamura siya ng malakas.

Nagising naman si Kara dahil sa lakas ng impact. "Anong nangyayari?" Tanong nito at tumingin sa may likuran.

"Some idiots are being unfriendly to us tonight." Sagot niya saka mabilis na kumanan sa may isang eskinita.

Napasigaw naman si Kara at mahigpit na napahawak sa may door knob.

"Oh my god! Ayoko pang mamatay Trigger!"

Nilingon niya ito. She looked scared.

"Damn it! I won't let that happen." He did multiple turns instead of going on the main road.

Nang masiguro niyang nailigaw na niya ang mga kalaban ay binagalan niya ng takbo ang kotse.

"Are you okay?" Tanong niya kay Kara.

Nilingon siya nito. "Yeah. I'm still breathing I guess." Panay ang tango nito.

"Good." He sighed in relief.

Pagkalipas ng limang minutong katahimikan ay isang kotseng mabilis ang takbo ang bumangga uli sa bumper ng kotse niya.

"Oh my god! Oh my god!" She screamed at the top of her lungs.

"Bastardo!" Mabilis na kinapa ng isa niyang kamay ang baril sa may ilalim ng upuan niya. Habang ang isa naman ay nasa may manibela. "Here take this." Iniabot niya kay Kara ang baril.

"Anong gagawin ko dito?"

"Use that para protektahan ang sarili mo." Sabi niya saka inilabas ang baril na nakaipit sa may pantalon niya.

"Bakit may dala kang mga baril?" Takang tanong ni Kara sa kanya.

"For protection, babe." Pinindot niya ang safety pin ng baril na hawak.

"Anong gusto nila sa 'tin? Why they are following us?" Tanong nito saka muling tumingin sa may likuran.

"I don't know." Sinulayapan niya ito. "Listen to me carefully. Ihihinto ko ang kotse and I want you to shoot anyone na lumapit sayo."

"What? Gusto mo akong pumatay? Are you out of your mind? I can't do that!"

"If you don't, you're going to die! Akala ko ba ayaw mo pang mamatay?" Wala siyang oras para makipagtalo dito.

"But-."

"No buts! Either you kill them or you will be the one who will die! Do you understand me?!" He shouted angrily.

Napaatras naman si Kara sa tono ng boses niya. Good.

Isang kotse ang nilampasan sila. Hinarangan nito ang daan kaya agad niyang tinapakan ang preno ng kotse.

"Damn it!" Tumingin siya sa may likuran para sana mag-reverse pero isa pang kotse ang nakaharang doon.

"Ano ng gagawin natin ngayon? Napapaligiran na nila tayo." Sabi ni Kara habang iniikot ang mga mata sa paligid.

Bumaba ang mga sakay ng kotse. He counted them. Anim. Ganito ba kahina ang tingin sa kanya ni Rostov?

They were pointing their guns at them.

"Trigger." Kara called his name. May bahid ng takot ang boses nito.

Hinawakan niya ang isang kamay nito. "We will be fine. Just cooperate with me."

Tumango ito.

"'Wag kayong gagalaw! Kundi mamatay kayo!" Sabi no'ng isang lalaki na nasa harapan nila.

Alam niyang kapag nagkamali sila ng galaw ay siguradong hindi magdadalawang isip ang mga ito na iputok ang mga baril na hawak.

Bumukas ang likurang pinto ng kotse.

"Labas!" Sabi ng dalawang lalaki at tinutukan sila ng baril ng makalapit sa kanila.

"Kara remember. I want you to---"

Hindi na niya naituloy ang iba pang sasabihin ng makarinig sila ng sunod-sunod na putok. Bumagsag ang dalawang lalaki sa semento.

"Yukoooo!" Hinawakan niya ang ulo ni Kara para payukuin ito ng makitang ipuputok sa kanila ng dalawang lalaking nasa harapan nila ang baril na hawak ng mga ito.

Naghintay siya ng ilang segundo pero wala siyang narinig na putok ng baril. Umangat ang ulo niya mula sa pagkakayuko at sumilip sa labas ng kotse. Natanaw niya ang bulto nila Skyler, Shin at Leonard sa di kalayuan. Maya-maya pa ay nakipagpalitan na ang mga ito ng putok sa mga kalaban.

"Kara listen to me. I want you to stay here. Kailangan kong lumabas para tulungan sila Skyler. If someone tries to harm, you use this." Hinawakan niya ang baril na hawak nito.

Sunod-sunod ang ginawa nitong pagtango.

"I will be back." He pressed a hard kiss on her forehead saka mabilis na lumabas ng kotse.

Agad siyang napayuko at sumandal sa may gilid ng kotse ng may bumaril sa kanya. Iniikot niya ang tingin sa paligid bago mabilis na lumipat sa may kabilang kotse.

"Gotcha!"

Napahinto siya sa pagtayo ng maramdman ang isang malamig na bagay na dumikit sa batok niya.

"'Wag kang gagalaw! Hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ang bungo mo!" Banta nito.

He looked around him. Wala siyang makita na kasama niya. Where the hell were they?

"Ibaba mo 'yang baril!" Utos nito at lalo pang idiniin ang dulo ng baril sa batok niya.

Dahan-dahan niyang inilapag sa semento ang baril.

"Tayo!"

Hindi siya sumunod dito.

"Sabi ko tayo!" Ulit nito na lalo pang ipinagdudulan ang baril sa kanya.

Fuck this guy! That was hurt.

Itanaas niya ang dalawang kamay at akmang tatayo ng umalingawngaw ang isang putok ng baril mula sa likuran niya. Agad siyang napalingon sa likuran at nakita niya ang dahan-dahang pagbagsak no'ng lalaking sa semento.

Mabilis niyang dinampot ang baril sa sahig at itinutok sa taong bumaril dito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Kara.

"Kara? Fuck!" Agad siyang tumakbo palapit dito.

Nanginginig ang mga kamay nitong may hawak ng baril habang nakatutok sa nangingisay na katawan ng lalaki. Lumipat sa kanya ang baril ng makita siya nitong papalapit dito.

"Kara it's me. Trigger." He said softly.

Shock and pain was written all over face.

"Trigger?" She murmured.

"Lower the gun now, baby." Itinaas niya ang dalawang kamay.

Dahan-dahan naman nitong ibinaba ang baril. Napaupo si Kara sa may sementadong kalsada. Napahawak ito sa ulo habang nakatitig sa lalaking binaril nito.

Lumuhod siya sa harapan nito. Ibinaba niya ang baril na hawak at niyakap ito.

"I killed him, Trigger." She said, shaking.

"Shhhh. If you did not killed him. He might kill us both." Alo niya dito.

"What did I do?" Umiiyak na ito.

Naipikit niya ng mariin ang mga mata. Alam niya kung ano ang nararamdaman nito ng mga sandaling iyon. Killing someone was not easy thing to do, especially the first one.

Binuhat niya si Kara na walang tigil sa pag-iyak.

"Kuya may nahuli kaming isang buhay." Imporma ni Skyler ng makalapit sa kanila.

"Bring him in the warehouse." Utos niya.

"Is that Kara?" Nag-aalalang tanong ni Skyler at agad itong lumapit sa kanila.

"She's in a delicate state now. I suggest you stay away for now." Sabi niya bago ipinasok sa loob ng kotse niya si Kara.

Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha nito habang nakatingin sa kawalan.

"What happened to her?" Tanong ni Skyler ng maisara niya ang pinto ng passenger's seat.

"She just had her first kill."