DAHAN-dahang nagmulat ng mga mata si Kara. Agad siyang napabalikwas ng bangon ng makitang wala siya sa kwarto niya.
"Good morning." Nakangiting bati ni Trigger na kalalabas lang ng banyo.
"Nasaan ako."
"Sa bahay ko." Sagot nito saka naglakad palapit sa kama.
Inilibot niya ang paningin sa paligid.
"How are you feeling?" Tanong ni Trigger. Umupo ito sa may gilid ng kama.
"Bakit ako nandito?" Sa halip ay tanong niya.
"You passed out last night. Kaya hindi na kita naiuwi sa inyo." Sagot nito.
Naglakbay ang isip niya sa mga nangyari kagabi. Simula ng sunduin siya ni Trigger para kumain sa labas. Nang ihahatid na siya ito pauwi at nakatulog siya habang nasa biyahe para lang magising dahil sa may bumangga ng kotseng sinasakyan nila. Hanggang sa naging intense na ang mga sumunod na pangyayari at ang pagbaril niya sa isang lalaki na muntikan ng pumatay kay Trigger.
Biglang bumigat ang pakiramdam niya ng maalala ang walang buhay na katawan ng lalaki. Hindi niya alam na ganito pala ang pakiramdam kapag pumatay ng tao. Naroon ang hindi maiiwasang guilt. Kahit na alam niyang ginawa niya iyon para protektahan si Trigger.
Hinawakan siya ni Trigger sa magkabilang balikat. "Kara, I want to say thank for saving me last night. Kundi mo 'yon ginawa. Baka malamig na akong--."
"No! Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sayo." Agad niya itong niyakap ng mahigpit.
She couldn't. Hindi niya alam kung kakayanin niya kapag may nangyaring hindi maganda dito kagabi. Marahil ang pagmamahal niya dito ang nagbigay ng lakas ng loob sa kanya para iputok ang baril na hawak.
Pagmamahal? Ganoon na ba kalalim ang nararamdaman niya para dito?
Kagabi ng tumigil ang putukan ay lumabas siya ng kotse para hanapin si Trigger dahil nag-aalala siya dito. Humupa na din ang takot na nararamdaman niya. Kaya ng makita niya itong nakaluhod sa may semento habang may baril na nakatutok dito ay hindi na siya nagdalawang isip na barilin ang lalaking nagtangkang pumatay dito.
"Kara." He whisphered her name.
Ipinikit niya ang mga mata.
"I'm still alive because of you. So, don't worry too much." He gently rubbed her back.
"It's just that...that..." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Her mind kept replaying the scene when she killed that guy.
"Shhhhhh. It's okay. The person you killed is not as innocent as you think and you did the right thing."
She knew he was trying to make her feel better. It was actually working. Lalong napahigpit ang yakap niya dito.
Sabay silang napapitlag ng sunod-sunod na malalakas na katok mula sa labas ng pinto ang umalingawngaw.
"Kuya ano na? Male-late na tayo sa school!" Sigaw ni Skyler mula sa labas.
"Shit!" Agad siyang kumalas mula sa pagkakayakap kay Trigger at napatalon siya pababa ng kama.
Mabilis na hinanap niya ang sapatos at bag. Napahinto siya ng mapansin na isang malaking grey t-shirt ang suot niya at hindi ang red dress na suot niya kagabi. Nilingon niya si Trigger.
He looked so amused while watching her.
"Ikaw ba ang nagpalit ng damit ko kagabi?" Seryosong tanong niya dito.
"Wala akong nakita." He smirked.
"Bastos!" Nilapitan niya ito saka pinaghahampas sa braso.
Trigger laughed. "Stop it. Wala naman talaga akong nakita." Ulit nito habang sinusubukan hulihin ang mga kamay niya. Lalo naman niyang nilakasan ang hampas dito.
"Bastos. Manyak!" Akusa niya dito.
Napahiga na sa kama si Trigger. She straddled him. Habang panay pa rin ang hampas dito.
"Wala talaga akong nakita dahil ni Nanay Tess ang nagbihis sayo."
Napahinto siya sa paghampas dito. Tiningnan niya ito sa mga mata kung nagsasabi ba ito ng totoo.
"Can you please get off me now?" Sabi nito saka bumaba ang mga mata sa may exposed niyang legs. Ilang beses itong napalunok.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang posisyon nila. Mabilis siyang umalis sa ibabaw nito saka bumaba ng kama.
Itinukod naman ni Trigger ang mga siko sa kama at tiningnan siya.
"Don't worry about your uniform. I asked your friend Starr to get your stuff in your house." Sinulyapan nito ang mesa kung nasaan ang isang paper bag at ang school bag niya.
Dinampot niya ang paper bag at nagtungo sa banyo. Inilock niya ang pinto.
Damn. This was going to be a hell of a day.
"HEY dad. Kamusta?" Sagot ni Kara ng makita ang caller ID ng tumatawag.
"Sabi ni Alice hindi ka daw umuwi kagabi? Anong nangyari? Are you okay?" Sunod-sunod na tanong nito.
Nilingon niya si Trigger na nagmamaneho papunta sila ngayon Hilton Spring University.
"I'm fine dad. Medyo napadami ako ng inom ng wine kagabi kaya kila Starr na ako natulog." Sagot niya habang nakatingin pa rin kay Trigger.
Nakita niya ang pagtaas ng isang kilay nito na tila kine-question ang sagot niya. Inirapan niya ito.
"Dapat tinawagan mo si Alice para sunduin ka. You know danger is lurking everywhere. Sa susunod 'wag mo ng uulitin 'yan dahil ako mismo ang susundo sayo kahit nasaan ka pa." Sermon nito.
"Yeah. Anyways dad malapit na ako sa school. I'll call you later. Love you." Mabilis niyang pinatay ang tawag bago pa man makapasalita ang daddy niya.
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Hindi naman nagtanong si Trigger. Marahil ay narinig nito ang lahat ng mga sinabi ng daddy niya sa lakas ng boses nito habang magkausap sila.
Pagdating sa school ay pinauna muna niya si Trigger na pumasok. Nagdahilan na lang siyang may dadaanan pa. Hindi naman ito nakipagtalo pa.
Nang masigurong wala na ito ay agad siyang nagtungo sa may building na katapat ng school nila. Malayo pa lang ay natanaw na niya si Alice at Uno na papasok.
"Alice!" Tawag niya dito.
Lumingon sa kanya ang dawala.
"Miss! Saan ka galing?" Agad na tanong ni Alice ng makalapit sa kanya.
"Kila Starr, 'di ba Uno?" Baling niya kay Uno.
Ngumiti naman ito.
"Nagpunta ako doon kagabi ng nalaman kong umalis ka ng bahay ng 'di nagpapaalam sa 'kin at ang sabi sa 'kin ng isa sa mga katulong nila Starr ay hindi ka naman daw nagpunta doon." Seryosong sabi ni Alice.
Paktay na. Napakagat siya ng labi.
"Alice, I'm sorry okay?" Sabi niya saka hinawakan ang mga kamay nito.
"Miss you can't lie to us like this. Alam mo bang ipinapahamak mo ang sarili mo?" Puno ng pag-aalala ang boses nito.
"I know." She admitted guilty. "I'm sorry. Gusto ko lang naman kasing maranasan uli kung paano maging normal na teenager. Hindi 'yong lagi na lang may nakasunod sa 'kin kahit saan ako magpunta." Pakiramdam niya ay maiiyak na siya ng mga sandaling iyon.
"Naiintidihan kita. Hindi mo naman kailangan magsinungaling sa 'min. Alam mo naman na papayagan kita kahit walang approval ng daddy mo basta kasama mo ako." Puno ng simpatiya na sabi ni Alice.
"Nakakasakal na kasi minsan e. Akala ko noong inampon ako nila daddy ay magiging normal ang takbo ng buhay ko. Pero hindi naman pala." Hindi na talaga niya napigilang maiyak.
Agad naman siyang kinabig ni Alice at niyakap. "I'm sorry if you were dragged into this life. 'Di ba sinabi ko sayo na kung ayaw mo ng manatili sa 'min pwede ka namang umalis. Maiintidihan naman ni Mr. Goldman at Ms. Fatima kung 'yon magiging desisiyon mo." Hinaplos nito ng marahan ang likod nya.
"Pero...hindi ko kayang mawala kayo." Lalo niyang hinigpitan ang yakap dito.
Her biological dad was killed and Merla have to let her go. Nawalan na siya ng pag-asang magkaroon ng normal na buhay simula ng dalhin siya sa bahay ampunan. Pero dumating si Mr. Goldman at muli nitong ipinaramdam sa kanya ang magkaroon ng panibagong pamilya. Hinding-hindi siya makakapayag na mawala pa ang mga ito kahit na buhay pa niya ang nakasalalay sa pananatili sa tabi ng pangalawa niyang pamilya.
She loved her family more than anything else in this world.
"FRET! Anong nangyari sayo?" Agad na tanong ni Starr ng makaupo siya sa tabi nito. Magka-klase sila ngayon sa Science.
"Nalasing ako kagabi." Sagot niya.
"Kasi nagulat ako ng tumawag sa 'kin si Trigger kaninang madaling araw para sabihing kuhanan kita ng uniform sa bahay niyo at ang mga gamit mo sa school."
"Salamat nga pala." Nginitian niya ito.
"You're always welcome." She smiled back. "Kwentuhan mo naman ako tungkol sa naging date niyo ni Trigger kagabi." Kinikilig na sabi nito.
Nagkwento siya dito simula sa sunduin siya ni Trigger. Kung saan siya nito dinala. Pero hindi niya sinabi dito ang iba pang mga nangyari dahil tiyak na mag-aalala nanaman ito ng sobra at siguradong tatadtarin pa siya nito ng mga tanong.
Napatingin siya mga palad. Muli niyang naalala ang lalaking binaril niya habang dahan-dahan itong bumagsak sa sementadong kalsada.
"Hoy, fret natulala ka na diyan." Untag sa kanya ni Starr.
Nilingon niya ito. "Huh? May sinasabi ka?" Confused na tanong niya.
"Sabi ko kayo na ba Trigger."
Mabuti na lang at wala siyang kinakain o iniinom ng mga sandaling iyon dahil kung hindi ay sapol ang mukha ni Starr.
"Saan mo naman nakuha ang ideyang 'yan?" Malakas na tanong niya dito dahilan para pagtinginan sila ng iba nilang mga kaklase.
"Chill fret. Nagtatanong lang naman ako."
Inirapan niya ito. "'Wag mo kasi akong binibigla ng ganoon."
Tumawa naman ito. "So?"
"Anong so?" Kunot-noong tanong niya.
"Kayo na ba?"
"No." Maiksi niyang sagot.
Laking pasalamat niya dahil dumating na ang Science teacher nila na si Mr. Watson bago pa man makapagsalita si Starr.
"May sorpresa nga pala ang school para sa lahat ng mga estyudante ng HSU." Nakangiting sabi ni Mr. Watson ng matapos itong magturo.
"Ano naman po 'yon?" Tanong ng kaklase nilang si Nerd.
"Isang anonymous person ang nag-sponsor ng trip for two to London for four days and three nights. All expenses paid." Ngiting-ngiting sagot ni Mr. Watson.
Malakas na naghiyawan ang mga kaklase niya.
"Kelan daw po ba?" Tanong uli ni Nerd.
"Well, this coming Friday na."
"What? Ang bilis naman. Ilan naman ang slot?" Tanong ng isang classmate nilang babae.
"Dalawa." Sagot ni Mr. Watson habang binabasa ang papel na hawak nito.
Speaking of London. Hindi pa pala niya nasasagot ang tanong ni Trigger kung gusto ba niyang sumama dito sa London para dumalo sa isang Antique Roadshow at maging date nito sa gaganaping ball.
"Sinong may mga passport dito?" Tanong ni Mr. Watson.
Agad na nagtaas ng kamay ang mga kaklase niya. Ganoon din si Starr. Kinalabit siya nito ng makitang hindi siya nagtataas ng kamay.
"May passport ka 'di ba?"
She sighed. Saka labag sa loob na nagtaas ng kamay. Hindi niya trip ang mga ganitong bagay. Mas gusto pa niyang sumakay sa private plane ng daddy niya kesa ang makipagsiksikan sa public airlines.
"Okay, lahat ng may passport. Pakisulat ang mga pangalan niyo sa one fourth paper at ihulog niyo dito sa may box." Sabi ni Mr. Watson saka ipinatong sa mesa ang isang cardboard box.
Si Starr na ang nagsulat ng mga pangalan nila at ito na rin naghulog dahil nakita nitong wala siyang balak sundin ang sinabi ni Mr. Watson.
Buong araw niyang hindi nakita si Trigger at Skyler. Saan nanaman kaya nagpunta ang mga ito? Kahit ng uwian na ay ni anino ng kahit isa sa mga ito ay hindi niya nakita. Maging sina Shin at Leonard ay wala din.
Pagkauwi niya ay agad siyang nagtungo sa kwarto para magpalit ng damit. Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame.
Hanggang ngayon ay marami pa ring mga tanong ang naglalaro sa isip niya dahil sa mga nangyari kagabi.
Anong gusto ng mga nagtangkang pumatay sa kanila kay Trigger? Kaaway ba ito ng binata sa negosyo? Isa pa, bakit parang normal na lang kila Skyler, Shin, Leonard at Trigger ang pumatay ng tao? At lahat ng mga ito ay professional pagdating sa pakikipaglaban at sa paggamit ng baril.
Gusto niya 'yong itanong kay Trigger pero hindi niya alam kung papano.
Inabot niya ang cellphone na nakapatong sa may night stand. Naupo siya ng makita ang date ngayon. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi niya.
"Happy birthday dad." Bati niya sa yumaong ama na si Wendell.
Bumaba siya ng kama para hanapin ang susi ng dati nilang bahay. Siguro ay ito na ang tamang oras para bumisita siya doon pagkalipas ng limang taon.
Binuksan niya ang lahat ng drawer na maaari niyang pagtaguan ng susi pero hindi niya makita ang mga iyon. Napaisip siya kung saan niya ba nailagay ang mga susi. Limang taon na kasi ang nakakaraan ng huli niyang makita ang mga susi kaya hindi na niya alam kung nasaan na iyon ngayon.
Isang inaalikabok na wooden box ang nakita niya sa may ilalim ng kama niya ng sumilip siya doon. Agad niya iyong kinuha at dinala sa may balcony para pagpagin. Nang masigurong wala ng alikabok ay pumasok na siya sa loob.
Ipinatong niya sa mesa ang wooden box. Binuksan niya iyon at tumambad sa kanya ang mga litrato nila ng late father niya.
Inisa-isa niya ang mga iyon. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang huling litrato nila ng daddy Wendell bago ito pumunta ng ibang bansa. Kung dati-rati kapag naaalala niya ang ama ay hindi niya mapigilang maging emosiyonal ngayon ay hindi na. Tinanggap na niya ng tuluyan sa sarili na wala na talaga ito at hindi na muli pang babalik. Minsan sa tuwing may mga kasiyahan ay ilang beses niyang hiniling na sana ay buhay pa ito at kasama niya. Lalo-lalong na noong 18th birthday niya. Hindi naman niya 'yon maiaalis sa sarili. But at least, she did all her best to move on and have a new life without him. Kahit na mahirap ay lumaban siya.
Nang matanggal niya lahat ng mga nasa ibabaw ng wooden box ay tumambad sa kanya ang mga susi. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang mga iyon. Naalala niya ang mga araw at gabi kung saan siya sobrang masaya sa tuwing uuwi ang daddy niya pagkalipas ng isang linggo o higit pa. Lagi niyang hinihintay ang pagdating nito sa may pinto ng bahay nila. She missed him a lot when he was away dahil si Merla lang ang kasama niya sa bahay at ilang mga security guard. Everytime her late father came home she always jumped into his arms and hugged him tightly.
Napahugot siya ng malalim na hininga. Ibabalik na sana niya ang mga pictures ng makita ang velvet box na binigay sa kanya ni Wendell noong huling gabing umuwi ito.
Binuksan niya iyon. Nadoon pa rin ang susi na sabi nitong gamitin niya lang kapag nag-eighteen years old na siya. Tinanggal niya ang bedding ng box. Sa ilalim niyon ay may isang maliit na papel ang nakatupi. Kinuha niya iyon at binasa.
Isang address ang nakasulat doon at pangalan ng isang painting. Ano kaya ang nasa loob ng pintuang iyon at kailangan pa niyang maghintay ng ilang taon para buksan iyon? Well, there was only one way to find out.
KINABUKASAN pagkatapos ng school ay nagpasama si Kara kay Alice sa address na nakasulat sa may papel na nakita niya sa loob ng velvet box kagabi.
"Ano bang meron diyan sa address na 'yan at hindi ka makapaghintay na puntahan kapag wala ka ng pasok, miss?" Tanong ni Alice habang nagmamaneho.
"Hindi ko alam. No'ng binigay kasi sa 'kin ni daddy Wendell 'yong velvet box ang sabi niya lang ay gamitin ko ang susi kapag nag-eigtheen na ako." Sagot niya habang nakatanaw sa may labas ng bintana.
"Well, you must be excited." Sinulyapan siya sandali ni Alice mula sa rearview mirror.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi bilang sagot dito.
Pagkalipas ng thirty minutes ay huminto sila sa tapat ng isang maliit na bahay. Bumaba sila ni Alice. Iginala niya ang mga mata sa paligid. Wala masyadong bahay sa lugar na 'yon.
Pinagmasdan niya ang bahay. Mukhang wala namang nakatira doon dahil makapal at matataas na ang mga damo sa harapan. Nababakbak na rin ang pintura ng bahay at nangangalawang na din ang bakal na gate at bakod.
Lumapit siya sa may gate para buksan iyon ng pigilan siya ni Alice.
"Let me go first, miss. Hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa 'tin sa loob." Sabi ni Alice saka binuot ang baril nito at ikinasa iyon.
"Oh come on. Sino naman ang magtatangkang pumasok sa lagay ng bahay na 'yan?" Natatawang sabi niya saka tuluyang binuksan ang gate.
Sumunod naman sa kanya si Alice na panay pa rin ang tingin sa paligid.
Inilabas niya ang susi. Nanginginig na ipinasok niya iyon sa may susian. She sighed deeply bago niya iniikot ang susi. She heard a click sound. Slowly she turned the knob. Pakiramdam niya habang binubuksan niya ang pinto ng mga sandaling iyon ay bumagal ang takbo ng oras.
Isang sala na kompleto sa mga gamit ang tumambad sa kanya. Puno rin ng alikabok ang paligid. Napatakip siya ang ilong.
"Miss?" Tawag sa kanya ni Alice mula sa labas.
"I'm here." Sagot niya.
Pumasok ito at lumapit sa kanya.
Pinagmasdan niya ang loob ng bahay. Wala siyang nakita na kahit anong photo frame. Kanino bang bahay 'to? Sa daddy niya? Pero bakit naman ito titira doon e may sarili naman silang bahay?
Inisa-isa niya ang mga painting na nakasabit sa dingding para hanapin ang painting ng isang itim na kabayo na sinulat ni Wendell sa papel.
"There you are." Sambit niya ng makita ang hinahanap.
Binasa niya ang pangalan na nakasulat sa may painting. "Equus?" Tinanggal niya painting mula sa pagkakasabit.
Tumambad sa kanya ang isang vault na nakabaon sa may dingding.
"Bakit may vault diyan?" Tanong ni Alice.
"Hindi ko rin alam." Sagot niya habang pinagiisipan ang combination lock ng vault.
Ano naman kaya ang combination lock ng vault? Wala namang nakasulat sa papel. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa may painting at vault hanggang sa isang ideya ang pumasok sa isip niya. Sinubukan niya ang pangalan no'ng painting pero hindi mali. Napaisip siya, sinubukan naman niya ang salitang 'painting' and viola! Bumukas nga ang vault.
Isang itim na briefcase ang laman niyon. Kinuha niya iyon at inilapag sa mesa at binuksan.
Isa-isa niyang binasa ang mga documents na nasa loob ng briefcase. Karamihan sa mga iyon ay mga original business contracts, legalities at kung ano-ano pa. Napahinto siya sa pagbabasa ng makita ang isang brown folder na may nakalagay na 'Confidential'.
Pagbukas niya ay tumambad sa kanya ang picture ng daddy Wendell niya.
"Wendell Mayfair?" Basa siya sa pangalan na nakasulat doon.
She continued reading it. Natutop niya ang bibig. Hindi siya makapaniwala sa mga nababasa niya.
Ito ba ang dahilan kung bakit hindi masabi-sabi ng daddy niya ang dahilan kung bakit kailangan niyang maghintay na mag-eighteen siya bago niya gamitin ang susi?
Ipinikit niya ng mariin ang mga mata. Baka pagod lang siya kaya nagkaka-rumble-rumble ang mga salita habang binabasa. She slowly opened her eyes. At muling binasa ang mga nakasulat sa papel pero walang nagbago. Ganoon pa din.
Dahan-dahan niyang binitiwan ang folder. Napahawak siya ng mahigpit sa may mesa dahil pakiramdam niya ay tinakasan siya ng lakas dahil sa mga nabasa.
Her late father, Wendell Steel or Wendell Mayfair was the right-hand man of her adopted dad George Goldman in the mafia!
"Kara." Tawag sa kanya ni Alice.
Nilingon niya ito. Nakaluhod ito sa sahig habang mariing nakahawak sa ulo nito. Nagpanik siya ng makitang namimilipit ito sa sakit.
"Ahhhhhh!" Daing ni Alice.
"Alice!" Adrenaline rushed through her body. Mabilis niya itong nilapitan. "Anong nangayayari sayo?" Puno ng pag-aalalang tanong niya dito.
"My head is hurting so bad." Alice said in gritted teeth. Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa ulo.
Napahawak siya sa ulo dahil hindi niya alam kung saan ito hahawakan.
"Two faces flashing in my head pero hindi ko masyadong maaninag ang mga mukha nila." Sagot ni Alice.
Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Please tell me more kung ano pa ang nakikita mo." She urged.
"Isang...isang lalaki...nakangiti siya...at isang babae...nakangiti din siya sa...sa lalaki..."
"Bumabalik na ang mga alaala mo Alice!" Masayang sabi niya pero agad iyong nawala ng biglang mawalan ng malay si Alice.