~19~ Flesh and Blood

NAKAUPO sa may sofa si Kara habang pinagmamasdan ang natutulog na si Alice. Kanina nang pumunta sila sa may address na nakasulat sa iniwan ng daddy Wendell niya ay bigla na lang itong nawalan ng malay pagkatapos mag-flash ang ilang alaala nito. Sabi ng doctor ay maaaring may nag-trigger sa memory nito sa lugar na iyon. Pero bakit sa lugar na iyon? Marahil ay magkakilala sila Alice at Wendell. Hindi 'yon malabong mangyari kung dating kanang kamay ni George si Wendell sa Golden Organization na pinamumunuan ng una.

Lumipat ang tingin niyang sa black briefcase na nasa ibabaw ng mesa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kabilang sa mafia ang kanyang yumaong ama. Hindi 'yon ang inaasahan niyang makikita sa loob ng bahay.

"Miss Kara, kape?"

Hindi niya napansin na nakabalik na pala si Uno. She gave him a weak smile at tinggap ang kape na inaalok nito. Naupo si Uno sa may single sofa na nasa kaliwa niya. Isang mahabang katahimakan ang namayani sa kanila.

"Alice is really a though woman." Basag ni Uno sa katahimikan. Tiningnan nito si Alice.

Gayon din siya. "She's a superwoman." She smiled.

Tumawa naman ng mahina si Uno. "That's overrated." Sumimsim ito sa kape na hawak.

"Wala akong masyadong alam tungkol kay Alice gawa ng amesia niya. But we really get on well. Halos siya ang tumayong pangalawa kong ina."

Sumandal naman si Uno. Lumipat ang mga mata nito sa kanya. "Gusto mong kwentuhan kita tungkol sa kanya? Marami akong alam."

"Talaga?" Excited na anas niya. "Go on then." Sumandal siya saka humalukipkip at matamang tiningnan ito.

"Matagal na akong nagtatrabaho sa Golden Organization bago dumating si Alice. Nakita namin siya nila Boss G sa labas ng isa sa mga banko ng Golden. Gabi na noon at umuulan ng malakas dahil may bagyo. Alice was only twelve years old back then, she was shakingly sitting on the pavement and soaking wet. Agad siyang nilapitan ni Boss G at tinanong kung ano ang ginagawa niya doon pero hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa kawalan. Naawa si Boss G sa kanya kaya inuwi namin siya. It took a month bago namin siya nakausap." He paused for a second. Sinulyapan nito si Alice. "Doon namin napagalamanan na naglayas siya dahil binubogbog siya ng ina at step-dad niya. Ilang beses din siyang pinagtangkaang gahasain ng step-dad niya."

Nakaramdam siya ng matinding awa para kay Alice. Hindi niya alam na sobra-sobra ang pinagdaanan nito sa murang edad. Kaya pala noong tinanong niya ito kung gusto pa ba nitong maalala ang mga nakaraan ay mas pinili pa nitong wala na lang maalala.

"Pagkatapos niyo siyang makausap anong mga sumunod na nangyari?" Tanong niya.

"Boss G trained Alice how to fight to be one of us dahil nakita niyang may potential ito. Nang makuha ni bossing ang buong tiwala at loyalty ni Alice ay ipinagtapat niya dito ang tungkol sa mafia. Sinabi niya rin na gusto niya itong magtrabaho para sa kanya. Alice didn't say anything or question him. Until one day." Humigop sa kape niya si Uno bago nagpatuloy. "She fell in love at tinutulan 'yon ni Boss G." Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi nito.

"Why?" Kunot noong tanong niya.

"Dahil isa sa mga rules ni boss sa lahat ng miyembro ng Golden ay hindi kami pwedeng mainlove sa isa't isa."

"That's ridiculous. Hindi mo pwedeng turuan ang puso kung sino ang gusto nitong mahalin!" Inis na sabi niya.

Humugot ng malalim na hininga si Uno. "Kara, in our world, rules are rules and you can't question them kung ayaw mong may mangyaring hindi maganda sayo."

"What happened then? Did dad killed Alice lover?"

Uno chuckled. "Of course not! He's not that cruel."

"Ano pala? 'Wag mo kasi akong binibitin." Medyo tumaas na ang boses.

"Shhhhh! Ano ka ba. Magigising si Alice sa lakas ng boses." Saway nito at sinulyapan ang babae.

"She won't. She was sedated a while ago."

"Ayun nga, nagbunga ang pagmamahalan nila at nalaman 'yon ni Boss G. Noong manganganak na si Alice ay naaksidente siya. 'Yon ang naging dahilan kung bakit siya nagka-amesia." Patuloy ni Uno.

"Asan na 'yong bata? Kilala mo ba 'yong lalaki?"

"Wala kaming naging balita kung anong nangyari sa bata pagkatapos ng aksidente. Ang sabi ng doctor na nagpaanak kay Alice ay isang lalaki daw ang nagpakilalang ama ng baby ang nagpunta doon sa hospital and after that we didn't heard anything. Hindi na rin nag-abala pa si boss na ipahanap ang anak ni Alice. Sabi niya para na din daw iyon sa ikabubuti nilang mag-ina dahil may amesia nga si Alice. She might not want the baby. Stuff like that." Mahabang sagot ni Uno.

Nanatili siyang tahimik habang inaasorb ang mga nalamang impormasiyon tungkol kay Alice. Ang lahat ng mga napagdaanan niya simula ng mamatay ang ama ay walang-wala kumapara sa mga pinagdaanan ni Alice.

"Gusto mong ihatid na kita sa bahay, miss? Alas dose na, may pasok ka pa bukas sa school." Pag-iiba ni Uno ng usapan.

Umiling siya. "I need to see someone first." Sagot niya saka tinawagan ang number ni Rebel.

Ilang ring bago nito sinagot ang tawag.

"Hello?" Groggy ang boses na sagot nito.

Mukhang nagising niya yata ito.

"Rebel, It's me Kara. We need to talk."

"Ngayon na?"

"Yes. I'll text you the address." Sagot niya.

"Okay. I will be there in 30 minutes."

She ended the call. Tinext niya ang address kung saan sila magkikita.

"Miss Kara, sino si Rebel?" Tanong ni Uno ng mailagay niya sa bag cellphone.

"Someone I hired to do a job for me." Sagot niya.

"For?" Curious na tanong uli nito.

Nilingon niya ito. "None of your business."

"Alam mong hindi kita papayagan na umalis ng hindi ako kasama." Seryosong sabi nito. "Lalo na at ganitong alanganing oras." Dagdag pa nito.

"Importante 'tong pupuntahan ko, Uno. Please let me go alone this time okay?"

Umiling ito. "Last time na pinayagan kita ay pinagalitan ako ni Alice ng malaman niyang wala ka kila Starr dahil 'yon ang paalam mo sa 'min." Matigas na sabi nito.

She sighed. "I know. I'm sorry about that." She admitted guilty.

"You should be. Kaya kahit ano pang pangongosensiya ang gawin mo ay hindi na talaga kita papayagan dahil ulo ko na ang kapalit kapag may nangyaring masama sayo. Sayang naman ang lahi ko." Inirapan siya ni Uno.

She laughed. Gwapo naman talaga si Uno at totoong sayang ang lahi nito kung mamatay ito ng maaga.

"Diyan lang naman ako sa may coffee shop na pinagbilhan mo ng kape kanina. Saka tanaw na tanaw naman mula dito 'yong coffee shop." Sabi niya sabay silip sa may labas ng bintana.

Sumilip din si Uno. Kita naman kasi talaga doon sa kwarto ni Alice 'yong coffee shop.

Nilingon siya ni Uno. He smiled at her. Nginitian din naman niya ito.

"No." Maiksing sabi nito sabay taas ng mga paa sa coffee table.

"What? Come on!" Niyugyug niya ang binti nito. "Pretty please? Last na 'to promise." Nilagyan niya ng paawa effect ang boses.

Tinanggal ni Uno ang kamay niyang yumuyugyog sa binti nito. "Fine, Miss Kara. Go ahead pero thirty minutes lang at kapag hindi ka pa bumalik dito sa loob ng oras na 'yon ay susunduin na kita."

"Aww. Thanks a lot talaga Uno. I promise, I will be back before you know it." Dinampot niya ang bag at saka ang briefcase na nasa mesa.

"30 minutes! 30 Minutes!" Habol sa kanya ni Uno.

Kinawayan niya ito bago isinara ang pinto.

Pagdating niya sa coffee shop ay nadoon na si Rebel. Ang bilis naman nito? Akala niya ba thirty minutes pa bago ito dumating doon. May superpower yata ang lalaking ito.

"Kanina ka pa?" Tanong niya ng makaupo sa may harapan nito.

Nag-inat ito sabay hikab bago sumagot. "Nope. Kadarating ko lang."

"Sorry kung naistorbo ko ang tulog mo." Sabi niya at sinenyasan ang waitress na lumapit sa kanila.

Umorder muna sila ng kape at pandesal with butter and jam.

"You won't call me this late if it's not important." Sabi nito.

"Of course." Kinuha niya ang briefcase na nasa may sahig at ipinatong iyon sa mesa. Inilibot niya ang paningin sa paligid para i-check kung may CCTV sa paligid. Merong isa pero nasa may counter iyon. Inilabas niya ang brown folder saka iniabot kay Rebel.

"Nakita ko 'yan sa bahay na pinuntahan namin ni Alice kanina." Sabi niya.

Binuksan ni Rebel ang folder. Napatango-tango ito habang binabasa ang profile tungkol kay Wendell Mayfair. Isang malapad na ngiti ang pinakawalan nito ng matapos basahin ang mga nilalaman ng folder.

"So?" Inilapit niya ang mukha dito ng konti ng isara nito ang folder.

Ibinalik nito sa kanya ang folder. Kinuha niya iyon at mabilis na ibinalik sa loob ng briefcase.

"Are you also a member of that business?" Tukoy niya sa mafia.

Umiling ito. "Hindi dahil delikado."

"Delikado din naman ang trabaho mo ah."

Ipinatong nito ang mga kamay sa may batok. "Hindi ko 'yan itatanggi. I do business deals with mafia but not to the extent na sumali ako."

"So, kilala mo si daddy?"

"I do. I knew him well."

This conversation was getting interesting. "Are you friends?"

Ngumiti ito. "More than friends."

Tumango-tango siya. "Bakit ginusto ni daddy ang ganoong trabaho?" Tanong niya.

"He fell in love with someone that is involved in that world."

"Ibig mong sabihin kaya sumali si dad sa business na 'yan ay dahil sa isang babae? Wow ha. Siguradong na love at first sight si dad sa babaeng 'yon."

"Who knows? But I think it's time for you to know everything." Sabi ni Rebel na nagpakunot ng noo niya. Did he knew something she don't?

"What do you mean by that?"

Iginala nito ang mga mata sa loob ng coffee shop. May mangilan-ngilang customer ang nadoon. Karamihan sa mga ito ay nagtatrabaho sa ospital na katabi kung saan naka-confine ngayon si Alice. Ang ilan naman ay mukhang mga call agents.

"Let me re-introduce myself, I'm Rebel Mayfair and Wendell was my big brother." Nakangiting sabi ni Rebel.

Napatayo siya mula sa kinauupuan. Tumumba sa sahig ang upuan niya at lumikha iyon ng malakas na ingay. Shocked, iyon ang una niyang naramdaman sa sinabi nito.

"Please sit down." Tumayo ito at inayos ang natumba niyang upuan.

Mabilis naman siyang umupuo na hindi inaalis ang tingin dito.

"I thought---."

"I know." Putol nito sa kanya. "Your father and I were half siblings. I'm sorry kung inilihim ko sayo ang totoo. Hindi ko kasi alam na may anak pala si kuya dahil huli na ang lahat ng malaman ko ang tungkol sayo."

Napahawak siya sa sentido. Her head was starting to ache. Naipikit niya ng mariin ang mga mata.

"Okay ka lang?" Naga-alalang tanong nito.

Tumango siya. "Pwede bang umpisahan mo sa simula? Reb-I mean Tito Rebel." She smiled slightly.

He chuckled. "I don't like the sound of Tito. Pakiramdan ko bigla akong tumanda."

Ngumiti naman siya sa sinabi nito.

"Hindi ko alam na may anak pala si kuya dahil inilihim ka niya sa 'min." Halos pabulong nitong sabi. "Tumawag siya 'kin noong gabi bago siya namatay para makipagkita dahil may importante daw siyang sasabihin. Doon niya sinabi ang tungkol sayo. Nagiwan siya ng litrato niyong dalawa." Inilabas nito ang wallet at kinuha ang litrato. Inilapag nito iyon sa mesa.

Kuha iyon noong twelve years old siya. Napangiti siya ng makita kung gaano sila kasaya ng daddy niya ng mga panahong iyon.

"Sabi niya sa 'kin na kahit anong mangyari sa kanya ay 'wag na 'wag kitang pababayaan. He made me promised you know. Hindi ko alam na 'yon na pala ang huli naming pagkikita."

"Pero bakit hindi kita nakita no'ng burol ni daddy? Saka ang parents niyo nasaan?" Sunod-sunod niyang tanong dito.

Ngumiti ng malungkot si Rebel. "I was there. Hindi nga lang kita nilapitan. Magkaiba kami ng ama ni Kuya Dell. Anak si kuya sa unang asawa ni mama. Namatay ang unang asawa ni mama dahil sa cancer sa baga. Pagkalipas ng ilang taon ay muli siyang nag-asawa at ako ang naging bunga." Humigop ito ng kape bago nagpatuloy. "Kuya Dell left us dahil ayaw tanggapin ng mga magulang namin si Cassandra, ang babaeng minahal ng daddy mo dahil nalaman nilang kabilang ito sa mafia. Ang tingin nila kay Cassy ay isang mamatay tao dahil sa trabaho nito. Isa pa, masyadong konserbatibo ang pamilya natin. Isa rin 'yan sa mga rason kung bakit hindi kita kinuha ng mamatay si kuya dahil alam kong itatakwil ka nila mama at papa kapag nalaman nilang anak ka ni Cassy."

Ngayon ay unti-unti ng lumilinaw sa kanya ang lahat. Akala niya ay wala na talagang kamag-anak ang daddy niya pero meron pa pala. Masyado lang komplikado ang sitwasiyon kaya mas pinili ni Wendell na wala siyang makilalang mga kamag-anak.

"Na-nasaan na ngayon si Cassy? I mean si mommy."

"Hindi ko alam, Kara. Wala ring sinabi sa 'kin ang daddy mo. Sa tuwing tatanungin ko siya kung kamusta na si Cassy ay lagi niyang iniiba ang usapan."

Muling niyang tiningnan ang hawak na litrato. Nang mga sandaling iyon ay nagdadalawang isip na siya kung kilala ba talaga niya ang tunay na ama dahil sa mga sikretong itinago nito sa kanya. She was kept in the dark for eighteen years of her life.

Napalunok siya ng ilang beses para pigilan ang luhang namumuo sa kanyang mga mata.

"I'm sorry, Kara. Alam kong mahirap para sayong tanggapin ang lahat ng ito. Sana ay maintindihan mo na ginawa lang iyon ng daddy mo para protektahan ka." Hinawakan nito ang kamay niyang nakapatong sa mesa.

Something stirred up inside her dahil sa sinabi nito. Naikuyom niya ang kamay na hawak ni Rebel saka mabilis iyong inagaw mula dito.

"Fuck that!" Napalakas na ang boses niya. This time ay wala na siyang pakialam kung pagtinginan man sila ng mga tao sa loob. "Lahat kayo 'yan ang sinasabi sa 'kin. Ganyan ba kahina ang tingin niyong lahat sa 'kin? I was kept in the dark all my life! Alam mo ba kung gaano kasakit at kahirap para sa 'king tanggapin ang lahat ng 'to? Akala ko kilala ko si dad, pero ngayong nalaman ko na ang lahat naging estranghero na siya sa paningin ko. I thought, I knew him well but I don't." Napahawak siya sa bibig at unti-unti ng bumagsak ang luhang kanina niya pa pinipigalan.

Agad namang tumayo si Rebel para daluhan siya.

"Hands off pre." Narinig niya ang boses ni Uno pero hindi siya nag-abalang lingunin ito.

She felt exhausted and drained. Physically and emotionally.

"Who the hell are you?" Kunot-noong tanong ni Rebel dito.

Hindi ito pinansin ni Uno. "Miss Kara, okay ka lang ba?" Tanong nito ng makalapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito ng makita siyang umiiyak.

"Anong ginawa mo sa kanya?!" Galit na baling nito kay Rebel.

Agad niyang hinawakan ang kamay nito para pigilan sa akmang pagsugod kay Rebel.

"Please Uno! I'm so tired. Can you take me home now?" Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha.

Mabilis namang sumunod si Uno. Kinuha nito ang mga gamit niya at inalalayan siyang tumayo.

"Kara, I'm sorry for everything. If you need me. You know where to find me." Habol ni Rebel sa kanya.

She quickly looked at him bago tuluyang lumabas ng coffee shop.

Tinawagan ni Uno si Tres para palitan muna ito sa pagbabantay kay Alice sa hospital.

Habang nasa biyahe ay paulit-ulit na nagre-rewind sa isip niya ang mga sinabi ni Rebel hanggang sa makatulog siya ay iyon pa rin ang laman ng kanyang isipan.