"GOOD morning Miss Kara. Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Nakangiting bati sa kanya ni Uno ng pagbuksan siya nito ng pinto ng kotse.
"Morning. I think I did."
Panay ang hikab niya habang nasa biyahe. Si Uno muna ang maghahatid sundo sa kanya sa school dahil hindi pa pinapayagan ng doctor na makalabas si Alice at may mga test pa daw na kailangang gawin dito. Hindi naman nagtanong si Uno tungkol sa mga nangyari kagabi at kung bakit siya umiiyak. And she was thankful about that dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dito.
Hangga't maaari ay ayaw muna niyang ipaalam sa kahit na kanino ang mga nalaman niya. She wanted to analyze everything first.
"Hey, Uno."
"Yes, Miss Kara?"
"Tatambay ka ba uli sa may building?" Tanong niya sabay tingin sa building na katapat ng school nila.
"Ah, 'yon ba? Hindi muna sa ngayon kasi may mga pinapagawa si Boss G sa 'min ni Dos." Nakangiting sagot nito.
"Good." Nakahinga siya ng maluwag.
"Bakit mo nga pala natanong?"
"Wala lang. Ingat ka." Sagot niya at tinalikuran na ito.
Pagpasok pa lang niya ng gate ay agad siyang nilapitan ni Shin ng makita siya nito.
"Hi Ms. Kara. Kamusta?" Nakangiting tanong nito.
"Mabuti naman. Ikaw?" She smiled back at him.
"Heto, gwapo pa din." Sabay himas sa baba na sagot nito.
She rolled her eyes.
"Aminin mo na. Gwapo naman talaga ako 'di ba?" Sinuklay-suklay pa nito ang buhok gamit ang mga daliri.
Tiningnan niya ito. May ibubuga naman kasi talaga si Shin pero wala pa rin ito sa kalingkingan ni Trigger. Speaking of him. Dalawang araw na niya itong hindi nakikita. Hindi din ito nagtetext o tumawag man lang sa kanya para ipaalam kung buhay pa ba ito. She sighed. Nami-miss niya ito.
"Asan nga pala si Trigger? Dalawang araw ko na siyang hindi nakikita." Pag-iiba niya ng usapan.
"Miss mo na si bossing?" Isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa labi ni Shin.
Inihampas niya dito ang hawak na libro.
"Awww. Bakit ang brutal niyong lahat sa gwapong katulad ko?" Reklamo nito habang hinihimas ang brasong hinamapas niya.
""Wag kang OA. Hindi naman malakas ang pagkakahampas ko sayo."
Tumawa naman ito. "Di ka na mabiro." Siniko siya nito ng bahagya. Ginantihan naman niya ito.
Hanggang sa nauwi na sila sa kulitan ni Shin. Sa ganoong eksena sila naabutan ni Trigger na naglalakad kasama ang isang babae.
Agad na nawala ang ngiti niya ng makitang nakahawak sa braso ni Trigger ang babae. Agad namang tinanggal ni Trigger ang mga kamay no'ng babae ng makita siya at mabilis siyang nilapitan.
"Hey." Nakangiting bati nito at hinalikan siya sa pisngi.
"Nakita mo 'yon?" Narining niyang tanong ni Shin sa babaeng kasama ni Trigger.
"What?" Narinig naman niyang tanong no'ng babae sa iritadong boses.
"Ngumiti si bossing." Hindi pa rin makapaniwalang sagot ni Shin habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Trigger na para bang nakakita ito ng multo.
"Oh. Quit it Shin." Sabi no'ng babae saka lumapit sa kanila ni Trigger. Agad nitong ipinulupot ang braso kay Trigger. "Hey Tri why don't you introduce me to your friend?" She smiled at him sweetly.
Napahigpit ang hawak niya sa libro habang nakatingin sa kamay ng babae na nakahawak sa braso ni Trigger.
"Kara, this is Meadow a---."
"I'm his girlfriend." Putol nito sa sinabi ni Trigger. "Nice to meet you." Inilahad nito ang isang kamay sa kanya.
Tiningnan niya lang ang kamay nitong nakalahad. Bago nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya babae bago tinalikuran ang mga ito.
"Kara." Tawag sa kanya ni Trigger.
Hindi niya ito pinansin. Binilisan niya ang lakad. She wanted to get out from there as soon as possible. Dahil nag-iinit na ang sulok ng kanyang mga mata. Why all of these things were happening to her? Pagkatapos ng mga nalaman niya nitong mga nakaraang araw ay wala na siyang sapat na lakas for another blow. Especially from Trigger, whom she was in loved with.
Mabilis na pinahid niya ang luhang pumatak mula sa mga mata niya. Napahinto siya paglalakad ng may humarang sa daraanan niya.
"Hey, bakit ka umiiyak?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Skyler.
And there, she bursted out. Hindi na niya kinaya. Everything was too much for her to handle. She was strong to face her enemies but she was still a human who have limits at ng mga sandaling iyon ay bumigay na siya.
Agad siyang niyakap ni Skyler.
"Shhhh. I'm here, princess." Alo nito habang hinahaplos ng marahan ang likod niya.
HINDI kaagad nahabol ni Trigger si Kara dahil ayaw siyang bitiwan ni Meadow. Kailangan niya pa itong pagtaasan ng boses. Meadow was his last fling and that was a year ago. Kauuwi lang nito galing ng Australia dahil gusto daw siya nitong makita at ang pamilya niya. Nami-miss na din daw siya nito. Nakilala nito ng isang beses ang pamilya niya ng isama niya ito sa isang party kung saan host si William at Sandra. Pinutol din niya ang kung ano mang namamagitan sa kanila ng gabi ding iyon pagkatapos ng party dahil nilabag nito ang pinaka-imporanteng rule niya. She confessed that she loved him that night.
Napahinto siya sa paglalakad ng makita si Skyler na yakap-yakap si Kara. He felt sick watching his brother and Kara hugged. Pakiramadam niya ay may tumutusok na matulis na bagay sa dibdib niya. He wanted to pull them away from each other. He felt this feeling before. Noong mga panahon na bata pa lang sila ni Skyler at lagi itong niyayakap ng kanyang ama sa tuwing umuuwi ang mga ito galing abroad.
At alam niya kung ano ang tawag sa pakiramdam na iyon.
He was jealous!
Nikuyom niya ang mga kamay. Pinangako niya sa sarili na hinding-hindi na siya magseselos kay Skyler simula ng buuin nila ang Rouge Circle pero ngayon ay hindi niya alam kung mapapanindigan niya pa rin ang pangakong iyon.
Hindi man aminin sa kanya ni Skyler alam niyang may gusto ito kay Kara. The way he looked and smiled at her says it all.
Mabilis ang ginawa niyang pagtalikod ng humilay si Kara kay Skyler at naglakad palayo. He didn't want them to see him watching.
Sa classroom na siya dumiretso.
"Boss anong ginawaga ni Meadow dito sa school? Dito ba siya mag-aaral?" Tanong ni Shin sa kanya ng maupo siya sa tabi nito.
Hindi niya ito pinansin. Wala siya sa mood na makipag-usap kahit kanino. Marahil ay napansin iyon ni Shin kaya hindi na ito nangulit pa.
Iwinaksi niya sa isipan ang imahe ni Skyler at Kara na magkayap. May mas mga importante siyang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.
Halos dalawang araw silang walang pahinga ng grupo niya dahil panay ang pagpapadala ni Rostov ng mga tao para i-sabotage ang mga business deals niya nitong mga nakaraang araw. Nalaman din niyang ito ang nagpadala ng mga tao noong gabing kasama niya si Kara para dakipin siya at dalhin kay Rostov ayon sa lalaking nahuli nila Skyler. Tapos ay dumating pa itong si Meadow kahapon. Wala itong ginawa kundi ang sundan siya kahit saan man siya magpunta.
Ginulo niya ang buhok sa frustration.
Rostov really planned everything well and he was pissing him off. Ilang beses silang nakahuli ng tao nito pero kahit isa sa mga ito ay walang gustong magturo kung saan nagtatago ang lalaki.
"Hindi maganda ang timpla ni bossing ngayon ah." Narinig niyang sabi ni Leonard.
"Oo nga pero alam mo ba no'ng nakita niya si Kara kanina. Biglang umaliwalas ang mukha niya. He smiled at her. As in a genuine smile." Chismis naman ni Shin kay Leonard.
"Talaga? Gusto ko--."
Malakas na inihampas niya ang dalawang kamay sa mesa. Sabay-sabay na napatalon sa gulat ang lahat ng mga kaklase niya. Isang masamang tingin ang ipinukol niya kay Shin at Leonard. Wala pang isang segundo ay lumipat na ang mga ito ng upuan. Alam ng mga itong sagad na ang pasensiya kapag ganoon. And the last thing they wanted to do was add fuel to the fire dahil alam ng mga ito kung paano siya magalit.
BREAK TIME ng ianunsiyo ni Sir Matt ang mga maswerteng nabunot para sa trip for two sa London.
Tinatamad na inilapag ni Kara sa mesa ang tray na naglalaman ng snacks na binili niya para sa kanila ni Starr.
"Fret! Sana tayong dalawa ang mabunot ano." Excited na sabi nito ng makaupo siya.
Isang tipid na ngiti ang isinagot niya dito. Binuksan niya ang lata ng coke at ininom iyon.
"Bakit parang hindi ka yata masaya?" Takang tanong ni Starr habang pinagmamasdan siya.
"Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi." Sagot niya ng mailapag ang lata sa mesa.
Nangalumbaba naman si Starr. "Why? Pinuyat ka ba ni Trigger?" Tudyo nito.
Pagkabanggit sa pangalan ng lalaki ay lalong umasim ang mukha niya. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang sinabi no'ng Meadow na girlfriend ito ni Trigger. Hindi naman dinenay no'ng isa. So, she assumed na totoo nga. Bakit ganito parang maiiyak nanaman siya.
Buti na lang kanina ay nadoon si Skyler para pakalmahin siya. Nagawa nitong pangitiin siya habang nagkaklase sila kanina.
"May LQ kayo?" Tanong uli ni Starr ng hindi siya sumagot.
"Ayoko siyang pag-usapan, Starr." Seryosong sabi niya saka uli tinungga ang coke.
"Okay." Ngumiti naman ito. Alam nitong seryoso talaga siya kapag binaggit na niya ang pangalan nito.
"Good morning my lovely students." Simula ni Sir Matt. Lahat ay huminto sa ginagawa ng marining ang boses ng principal mula sa mga speaker na nagkalat sa buong campus.
"I'm here to announce kung sino ang mga maswerteng nabunot para sa trip for two to London this coming Friday to Tuesday. Walang daya ito ha. Kaya 'wag kayong magrereklamo kung hindi pangalan niyo ang nabunot ko." Sir Matt joked. "Okay, ahemmmm..."
She rolled her eyes. Hindi siya interesadong malaman kung sino man ang mga nabunot. Isa pa, alam niyang hindi siya isa sa mga iyon dahil malas siya sa mga ganitong bagay. Hindi niya alam kung may balat ba siya sa pwet o ano kasi kahit minsan ay hindi nabubunot ang pangalan niya sa mga raffle na sinalihan niya noon.
"Our first lucky student...is...drum roll...Ms. Kara Goldman. Congratulations!"
Muntik na niyang maibuga sa mukha ni Starr ang kasusubo niya lang na siomai.
"Ohhh my gosh!" Gulat na bulalas ni Starr. "Congarts fret!" Masayang hinawakan nito ang mga kamay niya.
Napilitan siyang ngumiti dahil nagsimula na siyang batiin ng mga tao sa loob ng cafeteria.
"Quite muna guys! Sino kaya 'yong isa? Sana ako." Pinagsiklop ni Starr ang mga kamay sabay pikit. Nanalangin na yata ito.
"And the last lucky one... is...drum roll...Mr. Trigger Lamprouge! Congratulations! Please, come to my office now Kara and Trigger if you're listening. Thank you."
Pagkasabi no'n ni Sir Matt ay namatay na ang speaker.
Everyone grunted. Maging si Starr. Siya naman ay biglang kinahaban. Anong nangyayari? Was this a coincidence or what?
"Fret ano na? Pumunta ka daw sa principal's office." Untag sa kanya ni Starr.
"No. Ayoko." Sabi niya saka muling binalikan ang naiwang pagkain.
"Are you coming or do you want me to carry you there?"
Pakiramdan niya ay tinakasan siya ng dugo ng marinig ang malamig na boses ni Trigger mula sa likuran niya. Dahan-dahan siyang lumingon dito. He looked dead serious and pissed? What the. Ito pa ngayon ang may ganang magalit?
Naaalala niya ang nangyari kanina ng umaga. Padabog siyang tumayo.
Napasinghap naman si Starr sa naging reaksiyon niya ng makita si Trigger.
"I'll see you later." Paalam niya sa kaibigan.
Mabilis siyang lumabas ng cafeteria. Sumunod naman sa kanya si Trigger. Wala silang imikan. Nasa likuran niya lang ito pero ramdam na ramdam niya na nakatitig ito sa kanya.
Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto ng office ni Sir Matt.
"Hello there my lucky students! Come in." Nakangiting anyaya nito ng sumilip siya sa loob.
Nakaupo ito sa may likuran ng desk nito. Naupo naman sila ni Trigger sa magkabilang upuan na nasa harapan ng mesa nito.
"Ayokong pumunta sa London." Agad niyang sabi bago pa man makapagsalita ang principal.
Nilingon niya si Trigger. Blangko ang mukha nito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata.
"Bakit naman Kara? This is your chance to explore the best city in the world!" Puno ng excitement na sabi ni Sir Matt.
"Family matters." Maikling sagot niya.
"I see. Ikaw ba Trigger?" Baling nito sa binata.
"I will go." Kibit-balikat na sagot nito. Saka siya tiningnan na tila naghahamon.
Muling bumaling sa kanya si Sir Matt. "Are you sure about this?" Tanong uli nito.
Trigger's emerald eyes were getting dark while staring at her. Ilang beses siyang napalunok. Damn this guy. He was making her uncomfortable.
"No." Wala sa loob na sagot niya saka nag-iwas ng tingin kay Trigger. Hindi na niya kaya pang tagalan ang titig nito dahil para siyang matutunaw.
"Okay? So, you're coming then?" Confused na tanong ni Sir Matt. "You have you make up your mind Kara dahil Wednesday na ngayon. Kung hindi ka sigu---."
"I'm coming Sir." Putol niya dito.
Isang satisfied na ngiti ang sumilay sa labi nito.
"Good. Let me brief both of you then sa magiging set up ng trip niyo." Sabi nito.
Halos labing minuto lang ang itinagal ng briefing na ginawa sa kanila ni Sir Matt tungkol sa iterinary nila. Hindi na din nila kailangan pang alalahanin ang visa dahil ang sponsor nila ang bahala sa lahat ng mga kakailanganin nila habang nasa London.
"Any questions?" Tanong nitong nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Umiling siya ganoon din si Trigger. "Okay then." Tumayo na ito at inihatid sila sa may pinto. "I hope both you will have a lovely trip." Nakangiting sabi nito.
"Thanks Sir." They said in unison.
Pagkalabas ay malalaking hakbang na tinungo niya ang direksiyon ng susunod niyang klase.
"Kara we need to talk." Habol sa kanya ni Trigger. Sinabayan siya nito sa paglalakad.
"Wala tayong dapat pag-usapan." She dismissed at lalong binilisan ang paglalakad.
"Yes we do!" Hinawakan siya ni Trigger sa braso para pigilan sa paglalakad.
Bago pa man siya makag-react ay hinila na siya nito papunta sa isang tagong lugar.
"Ano bang problema mo? Bitiwan mo nga ako." Inis na sabi niya habang pilit na inaalis ang kamay nitong nakawak sa kanya.
Binitiwan lang siya nito ng makarating sila may bukana ng HSU forest. Agad niyang hinimas ang braso. Medyo masakit iyon dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Trigger sa kanya.
Bigla namang lumambot ang mukha nito ng makita ang sakit sa mukha niya. Tinangka nitong hawakan siya pero mabilis siyang umiwas dito.
"I'm sorry kung nasaktan kita." Sinserong sabi nito habang pinapanood siya sa ginagawang pagmasahe sa braso.
"Ano ba kasing problema mo?" Inis na tanong niya.
Lumungkot ang mukha nito. "Please forgive me."
Unti-unti nanamang bumibigay ang puso niya. Hindi niya kayang makita itong malungkot. Damn it.
"It's okay." She softly said. Pagdating kay Trigger ay hindi niya talaga kayang magalit ng matagal.
"Are we good then?"
Hindi siya umimik.
"I guess not." He paused for a second. "Meadow and I had a past but I never considered her as my girlfriend." Paliwanag nito.
"So, anong merong kayo? Friends with benefits ganon?" Sarcastic na sabi niya.
Namulsa ito at saka siya tinitigan ng mataman. "I'm a man Kara and I have needs. I won't deny that we had sex in the length of time we're together pero hanggang doon lang iyon."
Nag-iwas siya ng tingin dito. Hindi niya kayang imaginin ang ginagawa ni Trigger at Meadow dati. Damn! She was too innocent in that field. Isa pa, wala pa rin siyang nagiging boyfriend kaya kahit sa halik ay inosente siya.
"Hindi mo kailangang magpaliwanag sa 'kin."
He smirked. "I think I do." Sabi nito saka dahan-dahang naglakad palapit sa kanya.
"You don't." Ulit niya.
"I do." He insisted.
Huminto ito sa haparan niya. He looked down out her dahil mas matangkad ito sa kanya. She looked up and their eyes met.
"You're jealous. Kaya kailangan kong magpaliwanag sayo dahil ayokong nagseselos ka." He softly caresses her cheeks.
She opened her mouth to say something but he shut her with his index finger on her lips. Nahigit niya ang hininga ng unti-unting bumaba ang ulo ni Trigger sa kanya.
Hahalikan ba siya nito? Nakagat niya ang ibabang labi sa isiping iyon. Nagpalipat-lipat ang mga mata ni Trigger sa labi at mga mata niya.
"You're making it hard for me to resist you by doing that, baby." He said huskily.
Lalong napadiin ang pagkagat niya sa ibabang labi. Trigger grunted. Alam niyang dahil sa ginawa ay lalo lang niyang ginatungan ang paghihirap nito para pigilan ang sariling halikan siya.
Gahibla na lang ang layo ng muka nila sa isa't-isa ng biglang tumunog ang bell. Hudyat na magsisimula na ang mga klase.
"I guess it's not meant to be." Natawa siya ng mahina ng makita ang inis na mukha ni Trigger.
"Yet." Dagdag nito at saka hinawakan ang kamay niya.
Naglakad sila sa may campus na magkahawak ang kamay.