"PAKIULIT mo nga ang sinabi mo, miss. Parang nabingi yata ako." Sabi ni Alice.
Nakalabas na ito ng hospital. Pero medyo sumasakit-sakit pa rin ang ulo nito kapag may mga flashback itong naaalala. Ang sabi ng doctor ay nasa remission stage si Alice kung saan unti-unti ng bumabalik ang mga alaala nito.
"Ang sabi ko, nabunot ako sa isang raffle, trip to London for four days and three nights. Bukas na ang alis ko." Ulit ni Kara saka kumagat sa pizza.
Nasa may sala sila ngayon kumakain ng pizza kasama si Uno at Dos. Si Tres ay wala dahil may iniutos ang daddy niya dito kahapon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik.
"Sinong kasama mo?" Tanong ni Alice habang ngumunguya.
"Isa sa mga senior ng HSU. Nakalimutan ko 'yong pangalan niya e." She lied.
Nunka na sasabihin niyang si Trigger ang kasama niya. Baka mabalatan siya ng buhay ni Alice ng wala sa oras.
"Babae o lalaki?" Tanong ni Dos.
"Lalaki." Sagot niya.
"Okay. I'm coming with you, miss." Sabi ni Alice.
Sunod-sunod siyang umiling. "No, you can't!" Inilapag niya sa may kahon ang hawak na pizza at hinarap ito.
Itinaas ni Alice ang isang kamay para pigilan siya sa kung ano mang excuse na sasabihin niya.
"Isasama mo ako o hindi ka pupunta." Puno ng pinalidad ang boses nito.
"Gusto kitang sumama siyempre pero inaalala ko lang kasi na baka mangyari uli sayo 'yong nangyari ng mga nakaraang araw." Tukoy niya sa mga reminisance nito.
"Don't worry about that. I can handle myself. Besides I never been to London before." Alice smiled widely.
She did the same but deep inside ay inihahanda na niya ang mga sasabihin at idadahilan kay Trigger kung bakit niya isasama si Alice.
Pagkatapos nilang kumain at nagtungo na siya sa kwarto para magempake dahil bukas na ang flight nila. Pagkatapos ay tinawagan niya si Trigger. Agad naman itong sumagot.
"Hey baby. You okay?"
Napangiti siya. These past weeks ay puro may endearment sa kanya si Trigger kapag nag-uusap sila.
"Hey. Okay lang naman ako. I just finished packing. Ikaw?" Naglakad siya papuntang balcony at tumanaw sa madilim na kalangitang puno ng mga bituin.
Gustong-gusto niya ang tumingin sa kalangitan lalo na kapag ganitong mga oras.
"Same here. Namiss na ako agad?"
She chuckled.
"Miss? Siguro?" Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang kilig na nararamdaman ng mga sandaling iyon.
To be honest hindi niya alam kung ano ang meron sa kanila ni Trigger. Basta ang alam niya ay higit pa sa pagiging kaibigan ang nararamdaman niya para dito and she knew he felt the same way too.
"I do miss you."
That took her breath away. Hindi talaga marunong pumreno sa pagsasalita si Trigger. Alam ba nito kung ano ang nagiging epekto ng bawat salitang binibitiwan nito sa kanya? He was making it hard for her to resist him. Konti na lang talaga ay siya na ang manliligaw dito.
"Are you still there, Kara?" Tanong nito na nagpabalik sa huwisyo niya.
"Oo. Sorry may iniisip lang ako. Tungkol nga pala sa flight natin bukas. Si Alice kasi nagpumilit na sumama. Kapag hindi ko naman siya sinama hindi niya ako papayagang umalis." Sagot niya saka kinagat ang isang dailiri habang naghihitay sa sabihin ni Trigger.
"That's fine. Wala naman tayong magagawa 'di ba? So yeah, I don't mind her tagging along with us."
"Really?" Hindi makapinawalang tanong niya.
"Yes." She could hear laughter in his voice.
"Good. So, I'll see you in the airport tomorrow?"
"Yes. Sleep well, darling." He murmured softly.
Napangiti siya. "I will. Ikaw rin." Hindi na niya hinintay ang sagot nito. She pressed the end call button at kinikilig na pumasok sa kwarto niya at humiga sa kama.
Kailangan niyang magpahinga ng maaga dahil alam niyang bukas ay may nagbabadiyang laban na kailangan niyang pigilan.
KINABUKASAN ay hindi nga nagkamali si Kara ng hinala. Pagkakita pa lang ni Alice kay Trigger na naghihintay sa labas ng passengers entrance sa loob ng airport ay agad siya nitong hinila palayo.
"Miss! Akala ko ba hindi mo kilala 'yong lalaking nanalo ng raffle?" Alice voice was full of accusation.
"Alam kong hindi ka papayag kapag sinabi ko sayong si Trigger ang lalaking nabunot kahit kasama pa kita." Dahilan niya.
"I'm glad you know that, miss. Let's go home, we're not going." Sabi nito saka siya tinalikuran.
"What?! Come on Alice. 'Wag ka namang ganyan oh." Habol niya dito.
Hinarap siya nito. She looked so annoyed. Naihilamos nito ang palad sa mukha. Ilang beses itong bumuntong hininga ng malalim para pakalmahin ang sarili.
"Miss, are out of your mind? Alam mo naman 'di ba na hindi maganda ang ugnayan ng mga Goldman at Lamprouge? You're putting yourself in a big trouble here." Hindi na maipinta ang mukha ni Alice.
"I know right? Pero nandito tayo para magsaya. Have fun! Hindi para isipin kung sino ang kakampi at kalaban." Nginitian niya ito.
"But mi---."
"Please Alice. I just want to enjoy myself kahit ngayon lang." She gave her a pleading look.
She could see Alice was softening.
Mariin nitong ipinkit ang mga mata. "I'm putting my neck on the line for you, alam ba 'yon?" Minasahe nito ang sentido.
"I know and you're the best! Thank you!" Niyakap niya ito.
"Your dad will be going to cut my head kapag nalaman niya 'to." Bulong nito.
"He won't unless you tell him." Sabi niya ng humiwalay dito.
"I freaking want to live longer, miss."
"You will, don't worry." Kinindatan niya ito. "Please be nice to Trigger. I know you're planning in your head right now the different ways to kill him." Pagkasabi noon ay nagmamadaling tinungo niya ang kinatatayuan ni Trigger.
Napangiti ito ng makita siya.
"Hi." She shyly said.
"Hey, baby." Yumuko si Trigger para sana halikan siya sa pisngi ng makita nito ang nakatayong si Alice sa likuran niya.
Napangisi ito saka umayos ng tayo. Namulsa ito.
"Well are you both ready?" Tanong nito.
"To kill you? Hell yeah." Sagot ni Alice.
"Alice!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata.
Hindi niya kasi alam kung seryoso ba 'to o nagbibiro lang. Either way hangga't maari ay ayaw niyang magpalitan ang mga ito ng bala sa harapan niya.
"I will be waiting." Segunda naman ni Trigger na may paghahamon ang boses.
"Trigger!" Saway niya. Isa pa ito e.
Tiningnan lang siya nito sandali saka nagpatiuna ng naglakad papasok ng passengers entrance.
Habang bini-brief sila ni Sir Matt noong isang araw ay nabanggit nito na sa isang private plane sila sasakay. Hindi na sila dumaan pa sa security at Immigration. Isang lalaking naka-black suit ang sumalubong sa kanila at iginiya sila sa isang kotse na nasa tarmac. Sa 'di kalayuan ay isang malaking eroplano ang naghihintay sa kanila.
"Good morning, sir, ma'am." Nakangiting bati sa kanila ng isang cabin crew na sumalubong sa kanila habang paakyat sila ng hagdan.
Pagkapasok sa loob ay hindi niya mapigilang mamangha. Dahil mukhang hotel ang loob ng eroplano. It was painted with gold and a touch of silver. Mayroon ding sofa, dining table at mini bar.
"Wow. Hindi ko inaasahan na ganito kayaman ang anonymous sponsor ng trip natin." Nakangiting sabi niya habang iniikot ang tingin sa paligid.
"I bet he is." Sang-ayon naman ni Alice.
Maging ito ay gandang-ganda din sa loob.
"Shall I lead you to your room?" Nakangiting tanong ng cabin crew.
"Room?" Nagkatinginan sila ni Alice.
Her dad owned several planes but nothing luxurious like this one.
"Yes, ma'am. This way, please."
Sumunod sila ni Alice dito. Napahinto siya ng maalala si Trigger. Nilingon niya ito sa likuran pero wala na ito sa may living/dining area.
Pagbukas ng pinto ay isang katamtamang laki ng kwarto ang bumungad sa kanila. May isang queen size bed sa gitna, flat screen tv at isang pinto na tingin niya ay ang comfort room.
"This will be your room for the entire journey. I hope you enjoy the flight." Nakangiting sabi uli ng babaeng cabin crew.
Binasa niya ang tag name nito. "Thank you, Caramel." She smiled at her.
"You're welcome. If you need anything. I will be outside." Binuksan na nito ang pinto.
"Caramel wait lang, si Trigger? Asan na siya?" Tanong niya.
"I guess he's in his room now, ma'am."
Tumango siya. Tuluyan ng lumabas si Caramel.
"Ahhhhh. This is so nice!" Alice jumped on the bed.
"Alice lalabas lang ako sandali. Nauuhaw ako." Paalam niya saka lumabas.
Paglabas niya ay naabutan niya si Caramel na kausap si Trigger sa may mini bar.
"Akala ko natakot ka ng sumakay sa eroplano e." Biro niya ng makalapit sa mga ito.
"Excuse me Sir Trigger, ma'am." Paalam ni Caramel.
"Iba talaga ang karisma mo." Umupo siya sa may stool sa tabi nito.
Hindi umimik si Trigger. Pinagmamasdan lang siya nito. Tinaasan niya ito ng isang kilay.
"Hi there, missy. What can I get you?" Tanong ng bartender. Hindi niya ito napansin.
"Water, no ice. Thanks." She smiled at him.
Maya-maya pa ay pinaghanda na sila ng captain pilot para sa pag-take off ng eroplano. Pagkatapos nilang kumain ng umahagan ay nagtungo na muna si Alice sa kwarto nila dahil pagod ito. Wala pa itong tulog simula kagabi dahil ng tumawag ang daddy niya ay nagmamadaling umalis ito ng bahay at umaga na ito nakauwi bago ang flight nila. Nang makitang tulog na ito ay lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa may sala ng eroplano.
Naupo siya sa may sofa. Itinaas niya ang paa sa may coffee table. Ipinikit niya ang mga mata. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa ganoong posisyon ng maramdamg may humahaplos sa buhok niya.
Napangiti siya ng mamulatan ang gwapong mukha ni Trigger na nakatitig sa kanya.
Huminto ito sa ginagawang paghaplos sa buhok niya. "Sorry. Naistorbo yata kita."
"Not really." Nag-inat siya.
"Anong iniisip mo?"
Humalukipkip siya saka iginala ang tingin sa paligid. "Kung sino ang sponsor ng trip natin." Sagot niya.
"Why?" Tanong nito at muling hinaplos ang buhok niya. Nakaka-relax sa pakiramdam ang ginagawa nito sa buhok niya.
"Kasi pinagamit pa niya sa 'tin 'tong napaka-sosyal na private airplane niya. Ang yaman siguro no'n sobra."
"Thanks." He said chuckling.
Sinulyapan niya ito. Nanlaki ang mga mata niya ng makuha ang ibig sabihin ng reaksiyon nito.
"No way!" Napaatras siya ng bahagya at hindi makapaniwalang tinitigan ito.
Tumaas ang isang kilay ni Trigger. "And why is that?"
"You own this plane? Don't tell me na ikaw din ang may pakana ng trip na 'to?" It was more of a statement than a question.
Sumandal si Trigger sa may sofa. Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa kanya. Mukhang aliw na aliw pa nga itong panoorin siyang gulat na gulat.
"Sabi ko naman sayo 'di ba na ako ng bahala para makasama ka sa 'kin sa London." He smiled. Kinuha nito ang kamay niya at nilaro-laro iyon.
"Ibig mong sabihin palabas lang ang lahat ng raffle achuchuchu na 'yon sa school?"
"Yes. Whatever that achuchuchu means."
Tumawa naman siya. "Well then, you planned it well Mr. Lamprouge."
"I know I did." Kinabig siya nito.
Sumubsob siya sa may dibdib nito. Ipinikit niya ang mga mata hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog siya.
"ANONG ibig sabihin nitoooooo!"
Napabangon si Kara ng wala sa oras sa lakas ng boses ni Alice dahil doon ay nalalag siya sa may sahig.
"Ouch!" Daing niya habang hinihimas ang pang-upo.
Maging si Trigger ay napabangon at napahugot ng baril nito.
"Where's the fucking enemy?!" Naalimpungatang tanong nito habang palipat-lipat ng direksiyon ang tutok ng hawak nitong baril.
"Miss Kara."
Doon lang niya napansin si Alice na umuusok na ang ilong sa galit habang nakatitig sa kanya. Lumipad ang tingin niya kay Trigger na mukhang kumalma na dahil wala na ang hawak nitong baril kanina. Biglang nag-init ang mukha niya ng maalala ang nangyari bago siya nakatulog kung saan siya niyakap ni Trigger.
Marahil ay naabutan sila ni Alice na magkayakap sa sofa habang natutulog.
"Miss Kara, anong ibig sabihin nito?" Alice asked again in a scary tone.
Binanggit na nito ang pangalan niya. Ibig niyon sabihin ay galit na talaga ito.
"Isn't it obvious? We're sleeping." Sarcastic na sagot ni Trigger dito.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko." Angil ni Alice dito.
Naningkit ang mga mata ni Trigger. Sumeryoso ang mukha nito. "Don't use that tone to me, Alice." He warned.
Nakita niya kung paano lumunok ng ilang beses si Alice.
"Doon ka sa kwarto matulog. Hindi kung saan saan ka natutulog." Hinila na siya nito papunta sa kwarto nila.
Nilingon niya si Trigger. Naglalakad na ito papunta sa may mini bar.
HANGGANG sa makalapag ang eroplanong sinasakyan nila sa Heathrow Airport ay wala silang naging imikang tatlo. Hindi inimiik ni Alice si Kara. Si Trigger naman ay hindi na niya nakita pagkatapos silang mahuli ni Alice na magkayakap sa sofa habang natutulog. Nakita niya lang ito ng ianunsiyo ng captain pilot na maghanda na sila sa paglapag ng eroplano. Ramdam na ramdam niya ang tensiyon sa pagitan nila Alice at Trigger habang pababa sila ng eroplano.
Isang Limousine ang naghihintay sa kanila sa may tarmac.
"Good evening, Mr. Lamprouge." Bati ng driver ng makalapit sila sa may kotse saka binuksan ang pinto.
Ilang oras din ang itinagal ng biyahe nila bago pumasok ang kotse sa isang mataas na gate. Isang malaking bahay na gawa mula sa mga red bricks ang bumungad sa kanila.
Inalalayan siya ni Trigger na bumaba. Hindi nito binitiwan ang kamay niya kahit na nanlilisik na ang mga mata ni Alice habang nakatingin sa magkahawak nilang kamay.
Hindi niya mapigilan ang sariling mamahanga kung gaano kaganda ang loob ng bahay. The floor was made of oak wood. Halatang alaga sa linis iyon dahil sa kintab na pwede niya gawing salamin. May isang malaking chandelier na nakasabit sa gitna ng bahay. Sa tingin niya halos karamihan ng mga gamit doon ay antigo.
"Kuya!" Salubong ni Skyler. He stopped in his mid track ng makita siya. "Kara? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong nito. Bumaba ang mga mata nito sa kamay nila ni Trigger na magkahawak.
Agad niyang binawi ang kamay mula dito pero lalo lang hinigpitan ni Trigger ang hawak sa kanya.
"Well, what a surprise." Nakangiting sabi ni Fiona ng makalapit sa kanila.
Isang beses pa lang niya itong nakita noong nakidnap siya.
Nawala ang ngiti sa labi nito. "Enemy!" Sigaw nito.
Sa bilis ng mga pangyayari ay bigla na lang may hawak na baril si Fiona. Nakatutok iyon sa likuran nila ni Trigger. Napalingon siya kay Alice. May hawak din itong baril na nakatutok din kay Fiona.
Agad siyang bumitiw kay Trigger at pumagitna sa mga ito.
"This is a misunderstanding Fiona! Alice is not here to cause trouble. She's with me." Sabi niya habang pinaglilipat-lipat ang tingin kay Alice at Fiona.
Pero hindi siya pinakinggan ng mga ito. Dahan-dahang lumapit si Fiona kay Alice habang nakatutok pa rin ang baril nito sa huli.
"Enough." Maawtoridad na sabi ni Trigger.
Agad namang sumunod si Fiona. Ibinaba nito ang mga baril pero masama pa rin ang tingin kay Alice.
"Alice." She gestured to her to put the gun down. Ginawa naman nito.
Great! She could feel now that this was going to be a hell of a trip.
KINABUKASAN ay hindi nga nagkamali si Kara dahil pagpasok niya ng kusina ay naabutan niya sila Alice at Fiona na may kanya-kanyang hawak na kutsilyo habang nakangisi sa isa't isa.
"Anong kaguluhan ito?" Nangungnot noong tanong niya ng makalapit sa mga ito.
"I'll explain it later miss, after I slit the thoat of this bitch." Sagot ni Alice habang matamang nakatitig kay Fiona.
Tumawa naman si Fiona ng nakakaloko. "Let see about that." Pagkasabi niyon ay intake nito si Alice.
Mabilis niyang hinugot ang baril at pinaputok iyon sa ere. Sabay na napahinto ang mga ito at tumingin sa kanya.
"Kapag hindi kayo tumigil ako mismo ang papatay sa inyong dalawa!" Galit na sabi niya at itinutok ang baril sa mga ito.
"What the fuck is happening here?!" Dumagundong ang boses ni Trigger sa loob ng kusina.
Napalingon siya kay Trigger na hindi maipinta ang mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang tatlo.
"Fiona, who told you to treat our guests like this?" Baling nito sa babae. Sasagot sana si Fiona pero inunahan na ito ni Trigger. "I don't want to hear any of your excuses. I don't want this to happen again. Understood?" Kalmado nang dagdag nito pero bawat salitang lumbas sa bibig nito ay puno ng diin.
"Yes boss." Sagot ni Fiona.
Bumaling sa kanya si Trigger. "Come with me." Sabi nito.
Hindi na nito hinintay ang isasagot niya dahil tumalikod na ito. Iniikot niya ang mga mata saka padabog na sumunod ito. Nagtaka siya dahil ang tinutumbok nilang direksiyon ay ang kwarto niya.
Binuksan ni Trigger ang pinto at saka pumasok. Tumambad sa kanya ang isang silver dress na nakapatong sa ibabaw ng kama. Kailan pa nagkaroon ng dress sa kwarto niya? Parang sampung minuto pa lang ang nakakalipas ng lumabas siya ah.
"The ball is tonight. I will pick you up at seven in the evening." Sabi ni Trigger.
"I see. Anong gagawin natin for the rest of the day then?"
"You can do anything you want. I have a business meeting in an hour." Sagot ni Trigger at tiningnan ang suot nitong relo.
Doon lang niya napansin na nakasuot ito ng black suit.
"Okay." Muli niyang tiningnan ang damit na nasa kama.
Napapitlag siya ng yakapin siya ni Trigger mula sa likuran.
"Hmmmm unless you have something in mind?" He asked huskily at hinalikan siya sa pisngi.
Nang makuha ang ibig nitong sabihin ay kumawala siya dito. Tumawa naman ito.
"See you later baby." Kinindatan siya nito bago lumabas ng kwarto niya.