**Alyson Paloma sent a message**
School na ba kayo?
*Pababa na ko ng tren*
*BADTRIP AKO SLIGHT*
*MMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM >,<*
Hinulog ko na muna ang telepono ko sa aking bulsa para 'di hassle. Walang tigil pa rin ang ulan at ang dilim pa rin talaga. At dahil nandito na ako, sana 'di maisipan ni mayor mag-suspend, ano po. Binuksan ko na ang aking payong at ito na nga ay maglalakad na.
"ACK!" Lumingon ako sa taong biglang umakbay sa akin. Grabe, nasakal naman ako sa ginawa niya!
"Good morning Oli, Shit!" Nagpasilay ng ngiti si Gianne. Natatawa akong iniusog siya sa gilid.
"Alam mo ng magsh-shit ako, eh noh?" Minsan nagugulat talaga ako dito kasi minsan tahimik lang siya, pero 'pag magsasalita, yung ibubulalas niya yung 'di mo ineexpect. It's either you'll find her cute o mapanira. There's no in between. Now, I find her cute.
"Kasi feeling ko nasaktan kita sa pag-akbay kaya inunahan na kita! Trademark mo 'yon, eh!" then she giggled.
I was about to say something when I saw Aly. Nandila muna ako sa kanya when she saw me bago ko hinablot ang kamay ni Gianne. "Takbuhan natin si Aly!"
I was about to pull Gianne with me but I suddenly slipped to the floor. Naihagis ko ang hawak-hawak kong payong sa 'di kalayuan.
Holy Shit! That's a pain in the ass! Now I'm soaking wet.
I heard Gianne's laugh behind me. I turned my back and Aly caught my attention. Paano ba naman, nakakaasar kaya na tinuturo niya ako habang tumatawa!
"Oli!! Ano ba plano mo?" Gianne asked between her laughs. Tumayo na ako at saka pinagpag ang basa kong palda. Nabasa rin medyas ko!
"I just wanted to run and make fun of Aly!" I know it was may fault though. Realizing that, makes me laugh at my own katangahan. I can't stop laughing while trying to explain myself. Bakit pa ba ako mag-eexplain? "Ang hirap maging Oli!" komento ko na lang.
"Guarl... Bumalik sayo..." Aly, while also laughing. Ewan ko ba dito bakit siya hinihingal habang tumatawa...
Lumingon ako sa payong ko. Kinuha ko na lang din kahit malakas pa rin ang ulan.
"Grabe Oli! Iba ka talaga!" Aly pointed out when I came back.
"Basa na rin naman daw siya. Why not enjoy the rain?" Gianne added. I pouted. Eh sino pa ba ang kukuha non, diba? Napatawa na lang din ako ng malakas kasabay nila.
Everyone's staring at us, but I didn't care much. All I know is that I am happy when I can make my friends laugh.
I opened my arms and tried to hug them. "Enjoy my hug instead!" They screamed and run away from me. So it turns out na ako ang tinakbuhan nila. Huminto sila don sa tawiran. Napailing na lang ako habang nakangiti. Bad trip mga 'yon!
Pinag-iisipan ko pa kung paano ako papasok ng klase. Paano kaya ako magpapatuyo?
I looked at my friends again. Gianne waved her phone. Sumenyas si Aly na tignan ko raw ang telepono ko. I fished out for my phone and opened the group chat.
**Kony Nivera sent a message**
GUYS SUSPENDED!!!!!!!!!!!
**Gianne Asamis sent a message**
UY PUMASOK KA KONY SAYANG PABAON SAYO UY!!!
I know I wished na sana 'wag na mag-suspend si mayor but I found out it can be problematic kung aalalahanin ko pa ang magpatuyo para makapasok. And I think this is more fun!
And so I inhale... "GUYS HAAAAAAAAAAAAAAAAAAPPY NEEEEEEEEEEEW YEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEAAAAAAAAR!!!!" I screamed as I run towards them. Tuluyan na akong naligo sa ulan.
As I reached them, they just welcome me with their smiles.
It was overwhelming.
Sometimes, you just gotta act as a kid though you are already in college. What's more after college is what we don't know. I'm turning 21 soon. Would it be still a happy birthday if getting older means you are becoming an adult? It'll be scary. I'm literally still a kid. I am technically a kid trying to be an adult. I'd rather enjoy.
I shivered because of the cold. Piniga ko pa ng isang beses ang palda ko bago ako tuluyang pumasok sa 7-eleven. Aly gave me a face towel from my bag. Pinalupot ko 'yon sa dulo ng aking buhok bago ako umupo sa harap nila. I blow the noodle soup they ordered for me.
"Masaya ka ba?" Aly asked. Gianne is busy putting the ketchup on her hotdog.
I giggled instead. "Asan na raw si Kony?" I asked while removing my socks.
"Hindi na pinapunta ni tita, eh."
"Ayy." Nilapag ko yung medyas ko sa aking tabi. Inabot ko yung tisyu saka ko pinunasan ang kanan kong paa. "Sayang naman."
"Akala ko nga uuwi na rin itong si Gianne dahil biglang suspended. Ang hassle kayang mag-commute."
"Akala ko rin, eh. Wala naman nasayang kasi puro tawa lang ata nagawa ko ngayon," sabi ni Gianne kay Aly na nagbubukas ng cheese rings.
I'm done wiping myself. Humigop na rin ako ng mainit na sabaw.
"Oli, ba't ka nga pala na-badtrip kanina?" Gianne.
"Oo nga, bakit?" Aly.
"Grabe naman yung badtrip. lol. I saw someone from our school. Crush ko sana kaso may girlfriend na." Joke ko lang yung may girlfriend na. Hindi ko nga alam pangalan, paano ko malalaman pati personal na buhay niya? Well, okay na 'yon kasi ayaw ko mapahiya. Matagal na nila sinasabing lumandi na ako para magkaroon ako ng boyfriend. Kaya ngayon namang sinubukan kong lumandi 'tas fail, baka pagtawanan lang nila ako. 'Tas wala talaga sa akin lumandi. Lumandi siguro ng parang kanina, yung medyo palihim. Mga ganun!
"Edi schoolmate din natin yung girlfriend niya?"
"Bakit? Ano gagawin mo Gianne?"
"Ano ka ba, Aly. Kung wala pala, edi may pag-asa pa 'tong friend natin!"
"Naisip mo 'yon Gianne?" She smirked at me. Naku, 'wag na lang. Rude naman 'yon, eh!
Sometimes, gusto ko rin naman talaga magka-boyfriend. Sometimes ayoko rin. Kasi naman 'pag hindi ako pamilyar sa tao, lalung-lalo na 'pag lalaki, ahhhhhh... awkward.
We've been here for an hour now. Bumili ulit si Aly ng mga chichirya. Gianne asked me to start a game because we are bored and we don't have anything else to do.
"Okay, you see this straw? Pupunuin natin ito ng cheese rings, tapos isusubo lahat. Kung sino mas maraming nasubo, iwas sa dare!"
"Is it a dare itself?" Gianne asked while laughing.
"Hindi 'yan!!! Dali na, game!" I filled the straw with cheese rings. "Watch and learn." Sinubo ko na yung straw. Nang alam ko ng malalim na rin ang pagkakasubo ko ay saka ko iniangat ang aking ulo. 'Di ko ine-expect na sasama pati yung takip nung baso. I felt a chill in my side. Napalingon ako sa entrance and saw there the same guy in the train, staring at me.
Naabutan ko siyang sobrang gwapo pa rin...
Lumingon ulit ako sa mga kaibigan ko at binalik sa baso yung takip. I ate the cheese rings I can have. Some fell on the floor.
Holy shit.
That's when it sink in na naabutan niya ko sa pinakamababoy kong sitwasyon.
I tried to laugh with my friends but I am well aware that he's just around.
Iniisip ko pa lang na sinisiraan niya na ako sa mga kaibigan niya, umiinit na ang pisngi ko sa kahihiyaan. Baka sabihin niyang chinansingan ko siya kanina which is partly true, pero tulog nga ako kunwari non. Alam niya bang nagtutulug-tulugan ako kaya biglaan na lang siyang tumayo?
Actually, ba't ako naiinis? It's my fault.
He is still rude, though.
"Wait, Yowell!"
Nagpantig ang tenga ko. Is his name Yowell?
Hindi ko na nilingon.
Sabi nila 'pag lumingon ka, sa kanya ka na raw.
Wala naman akong pakielam sa mga bastos ugali at kulang sa aruga.