Pinatay ko ang gripo. Inabot ang tuwalya. Tumingin sa salamin at nagpunas. Pagkauwi ko ay agad na akong naligo... Pero habang naliligo ako, naaalala ko yung mukha ni Yowell na parang nadidismaya sa kalokohan ko. Ah, why would I care though? That's the point, hindi naman niya ako kilala, eh ano naman paki niya sa straw na may cheese ring na subu-subo ko non?
Nagbihis na ako saka lumabas ng banyo. Tumalon ako sa kama at inabot ang telepono kong nagch-charge. Nanginginig kong tinipa ang mga letra sa search bar ng FB ang pangalan ni Yowell. Hindi sa nagi-stalk ako. I'm just curious, okay? Okay! Hindi ko naman alam ang apelyido niya, edi kung walang lumabas, edi wala. I tapped enter.
Tatlong pangalan ang lumabas under Yowell:
Kim Yowell
Yohann Welinson (Yowell)
Yowell Sanin
Inuna ko na muna ang una...
Kim Yowell
Kony Nivera is a friend
Works at Krusty Krab
Napatawa ako ng malakas sa display picture niya! Crop lang! Kawawa naman yung kasama niya sa picture! Kanino kayang balikat 'to???
Pero saglit... parang may kamukha siya...
Sino nga ba 'yon?
Kamukha niya yung kpop star idol sa EXO! Kamukhang-kamukha niya talaga! Sino ba 'yon? Teka, 'di ko maalala!
Kim?
Oo, Kim! Magkaapelyido pa sila!
Kim Jongin! Oo, Tama! Siya nga! Hala! Diba ito rin yung boyfriend ni Jennie ng Blackpink?
Grabe! Ang galing lang...
'Tas friend niya rin si Kony??? Oli shit! Bakit ganito? Sa Krusty Krab daw siya nagtatrabaho! HAHAHAHAHAH Magkaibigan nga siguro sila!? HAHAHAHA si kONY KASI MINSAN JEJE HAHAHAHAHA
Pero, 'di siya ang Yowell na hinahanap ko.
Yohann Welinson (Yowell)
Lives in St. Leonards, Australia
Gwapo na sana kaso naka-private. Mukhang artistahin at mayaman. Mukhang mahilig mag-football 'tas maraming kaibigan. Matalino, top one sa klase. Tapos, hindi nakakalimutang gumimik after. Habulin ng mga babae pero isa lang ang gusto niya. Kung man of few words siya sa iba, madaldal naman sa girlfriend niya. Pero, lahat yon ay impression ko lang o judgements ko mula sa display picture niya. HAHAHAHA
Not the Yowell I am looking for though.
Finally I clicked on the last Yowell
Yowell Sanin
65 Mutual Friends
This is still not him.
But at least, his account is not on private.
65 mutual friends
He is a friend of some of my classmates. Not a friend of my friends though. But one thing is for sure, same school kami nitong Yowell. In addition, baka siya pala yung lalaking tinawag ng ibang kasama nila kanina sa 7-eleven. Kaya baka kaibigan ni Yowell yung lalaking "'yon", at kung susubukan ko pang maghanap dito sa profile niya ay baka malaman ko na ang pangalan "niya."
Scroll...
Maybe I can find him from the list of friends of Yowell.
Scroll...
Maingat kong sinuri yung mga display picture na naglo-load.
Scroll...
There are no signs of eye smile, crinkled nose and bunny teeth.
Scroll...
I sighed.
Susuko na ba ako?
Malayo na ang narating ko... pano kung pagkatapos kong mag-scroll, mukha na pala niya ang susunod? Scroll lang naman gagawin ko?
HAHAHA
Joke sinong lolokohin ko, 2015 yung friends!!! ANG BAGAL PA NG NET BAKA ABUTIN AKO NG SIYAM-SIYAM DITO!
So, I gave up...
... sa list of friends.
HAH. Hindi naman private account niya. Malay ba natin kung may picture sila na kasama siya?
Scroll.
Arancini.
Scroll.
Fried rice.
Scroll.
Hala, puro pagkain naman 'to.
Scroll.
Mahilig siguro 'to magluto.
Scroll.
Mukha ring famous sa school kasi maraming nagc-comment. Pati mga classmates ko.
Pero bakit 'di ko siya kilala?
Scroll.
Teka, ibang tao na ata inii-stalk ko!!! Dead kid ba yung hinahanap ko!?
Scroll.
Linapit ko yung mukha ko sa aking screen. Teka... Nandito kaya yung lalaking 'yon?
Naduling ako sa kakatitig.
Sa aking pagkurap, hindi na ako sigurado sa itsura ng hinahanap ko.
Kulang pa ba ako sa paninitig sa kanya kanina?
Holy Shit! Siya ba itong naka-hoodie? Para kasing may hawig?
Ito ring naka-sumbrero na nakaupo?
Yung sa gitna? Ehh... cancel... baby face... 'di siya ito.
It's either itong naka-hoodie o itong nakaupo sa harap na may suot na sumbrero.
Hala, bakit kasi 'di ka sigurado eh ang tagal-tagal niyo ng nagkatitigan?
Makakalimutin ka na ba Olivia!?
Oli shiit. This is so frustrating. Wala man lang naka-tag. Err. Wala ring nag-comment dito. Puro like lang... at matagal na rin kasi itong pinost. Kaya siguro walang reacts at unti lang din likers kasi matagal na ngang post no? mmp. Paulit-ulit.
I checked who are the 3 likers:
Hani
YG Memedriguez
Iñaki Salonga
Yung Hani, 'rose' yung display picture. Malamang, 'di siya itong hinahanap ko. Yung YG naman meme na lalaking may shades. It's not Iñaki either.
ANO BAAAAAAAAA!!!
WALA KA BANG SOCIAL LIFE, IKAW KANG LALAKI KA????!
Nakarinig ako ng ingay mula sa bintana. Napatayo ako sa kama at tumapat doon. Hinawi ko ang kurtina saka nakita ang tatlo sa baba, throwing small rocks to my window.
"Bakit?"
"Gala tayo! Wala ng ulan!"
Napatakip ako ng tenga sa boses ni Kony. Kilala ko naman na siya pero bakit ganun, nagugulat pa rin ako sa lalim at lakas ng boses niya?
Saka ko lang napansin na tumigil na rin pala pati ang pag-ambon.
Aly smiled at me and Gianne waved her hands.
Tumakbo ako sa kwarto ni mama, "NANDIYANSILAGIANNE,BIKE-BIKELANGKAMI.IAMHOMEATSEVEN.LABYU!"
"Ano? Dahan-dahan, huwag kang mag-rap!"
"Labyu ma!" Tumakbo na ako palabas ng bahay at dali-daling binuksan ang gate at umangkas sa bisekleta ni Kony. Sa aming apat, kaming dalawa ni Aly ang 'di marunong mag-bike. Kay Gianne siya umangkas, saka kami lumarga.
"Buti pinayagan ka ni tita!"
"HAH! Wala si mama sa bahay ng umalis ako!"
"HAHAHA sira ka talaga!"
Bumilis ang pagpapatakbo nila Kony at Gianne. Sigaw naman ako ng sigaw sa kaba, habang si Gianne ay kawawa sa mga hampas ni Aly. Ewan ko ba, hindi pa ba kami sanay?
Malamig ang simoy ng hangin. Dala-dala ng hangin ang buhok ko habang dumadampi rin ang lamig sa aking batok.
Maluwag at 'di masyadong dinadaanan ng mga kotse ang papunta sa parke. Minsan madami rin kaming nakakasabayan na nagba-bike, at kung minsan ay kami-kami lang. Madalas naman ay dito sa amin ginaganap ang mga marathon dahil maraming puno ang nakapalibot at 'di rin kasi gaanong kainit dito.
Minsan lang ako maparito, napapadalas 'pag nagkakayayaan sila Gianne at Aly na pumunta sa amin ni Kony. Gianne is the furthest but Aly can ride a tricycle kasi siya ang malapit sa kanila. 'Pag nasaktuhan niyang papasok pa lang ang daddy ni Gianne sa trabaho, magpapahatid sila papunta kela Kony saka sila magba-bike papunta sa amin.
Napakapit ako ng mahigpit sa balikat ni Kony dahil pababa ang daan at ang bilis ng kanyang pagpapatakbo. Kaya kung anu-anong dasal ang napasaloob ko dahil alam ko ng sesemplang kami.
WOW.
Fortunately, it didn't happened.
Tawa naman si Kony. Parang timang, nawalan ako ng dibdib sa kaba!
Tinabi na nila ang mga bisikleta nila sa tabi. "San tayo?" tanong ko.
"Bili muna tayo japanese cake," yaya ni Kony.
"Sige, gusto ko rin!" nauna na si Gianne sa paglalakad. Hila-hila ako ni Kony dahil binabagalan ko ang paglalakad. The place still amuses me dahil sa lamig at sa pagka-berde ng mga puno. Tumawid kami sa isang bridge. I looked down at my own reflection through the lake's clear water. Probably, this gonna be my third favorite place.
"Pwede po painit nung cheese? Apat pong ganyan," sabi ni Kony.
"Oreo yung akin," si Aly.
Nakuha ko na yung akin.
Pasubo na ako ng may biglang nakatulak sa akin. Dumampi sa labi ko yung init ng kakainin ko. Napa-aray ako. "Yiie, si Kim." Nakaramdam ako na may nagkakapisikalan na sa likod ko kaya napalingon na ako.
The face looked familliar. He stopped when he saw me staring at him.
"Sorry. Ito kasi, 'yon," he pointed his friend.
"Uy, Yowell!" Napalingon naman ako kay Kony. "Puntahan mo si Abdul sa palengke at may utang ka pa raw!" Saka lang nag-sink in sa akin na siya pala yung isa sa mga Yowell na nakita ko kanina sa FB na kaibigan ni Kony. Ahhh...
"Huwag ka naman maingay Korina, nakakahiya!" Napatawa naman ako sa reaksyon niya. Pilit niya ng hinihila ang isa pang kasama.
"Korina ka diyan? Punta ka na 'don. Dali!"
"Mamaya na. Hinihintay pa namin sila matapos." Napalingon kami sa itinuro ng nguso niya. I saw a group of guys dancing.
I walked to them and it became clearer.
The music gets louder and my focus remained only at him.
The face become clearer.
The dance steps are cool. He does it very well. He smiles when the rhythm slows down and gets serious when he tries to make a hard hit. The thing is when he smiles, lumalabas na naman ang bunny teeth niya. Iaanggulo niya pa ang ulo at saka maninigkit ang mga mata niya na parang sinasabing, 'uh-oh, you lose..." The way how his nose even folds, adds a feeling na alam niyang siya ang panalo.
I felt my heart sunk.
Every breathe started to feel heavy.
He's the guy I've been looking for.
Napahawak ako sa kaliwa kong dibdib.
If this is the case, did he really won?