Unpredictable

"Ulam ko ay... Spam!!!!" maligaya kong sagot sa tanong ni Gianne.

Lunch break namin ngayon at naiwan kami dito ni Gianne dahil kami lagi yung may baon, habang yung dalawa naman ay bumibili ng kanilang kakainin.

Bakit ako nagbabaon?

Bukod sa tamad akong maglakad para bumili ay mas makatitipid pa ako. Pero minsan, gusto ko rin naman talagang bumili kaso nakapanghihinayang gumastos lalo na't kasi ang daming choices at ang ayaw ko sa lahat ay mamili ng kakainin and I might end up buying all.. but there's an exception.

"Hulaan ko yung ulam mo!" sabay turo ko sa baunan ni Gianne na 1/4 lang ng binabaon ko. lols.

"Ano?"

"Maling!"

"HAHAHA! Mali!"

"Ano ba 'yan?"

"Edi-"

"Bulaga!"

"OLI SHIT!"

Luh! Panira naman 'tong si Aly! Nawalan ako ng dibdib sa gulat! Sinamaan ko siya ng tingin habang nauupo siya sa tabi ko. Ang walang hiya, tumatawa na naman habang dinuduro ako... asar.

"H'wag ka nga! Putulin ko 'yang hintuturo mo, eh.. mmp!"

"Grabe, brutal!" komento ni Kony habang umupo rin sa kanang tabi ko.

"Pa'no naman kasi... Sana sinenyasan mo ko Gianne..."

"Sorry na Oli... That's the plan. HAHAHA"

Nakatalikod kasi ako mula sa pintuan. Yung pinto pa naman dito sa rooftop ay sliding door. Hindi tuloy nakakagawa ng ganung ingay 'pag dahan-dahang bubuksan.

Trivia: Sa amin itong rooftop. juk onli. Hindi naman sa inaangkin namin 'to pero kasi 'pag nakikita ng iba na nandito na kami, kusa na rin silang umaalis. Hindi ko alam kung bakit pero sabi ni Kony, dahil daw yon sa titig ko kaya natatakot sila. Pero 'di ako naniniwala. hahahaha

"Ito na yung kalamares mo," abot sa akin ni Kony... Here's the exception... because I have my eyes only in calamares. Kahit hindi na ako pumunta ng canteen mismo, alam ko ng ito ang gusto ko. Though, I still have the tendency na 'pag pumupunta akong canteen, matatakam ako sa iba... pero most likely, addition lang sa kalamares.

Yung pwesto namin ay paikot. Bali kung nasa likuran ko ang pinto, nasa kanan ko si Kony at nasa kaliwa ko Aly. Si Gianne naman ang nasa harapan ko. Nasa harapan ko rin yung pinakabalkonahe.

"Thanks friend...""Feeling ko uulan na naman," sambit ko pagkatingin ko sa madilim na ulap.

"Hala! Wala akong payong! Maliligo na naman sa ulan!" si Kony. Hindi kasi siya nagdadala ng payong kaya 'pag naabutan ng ulan sa labas, madalas siyang nagpapaulan. Sa kanya ata ako nagmana. Pero ang pinagkaiba namin, may payong akong kinakatamaran kong ilabas.

Pasubo na ako ng pagkain ko nang may maramdam akong likido na gumapang sa kanan kong paa.

"Ay sorry Oli!!!"

Napapikit na lang ako. Yung suka ng kalamares ko ay nasagi ni Kony...

"Sabi na, eh. Ramdam ko ng masasagi ni Kony," natatawang komento ni Gianne.

Kumuha ng tisyu si Kony saka dali-daling pinunasan itong medyas ko. "Sorry na Oli. I didn't mean to do it but I did it," sabi niya habang tumatawa.

huhuhuhuhuhuhuhu kreying inside

"Tanginamoka Kony! HAHAHAHA"

Hinubad ko na ang sapatos ko pati na rin ang medyas saka ko pinahanginan. "Excusez... Baka manuyo ang amoy."

"Baho!"

"Malamang! May suka!" ginagalit ako nito ni Gianne, eh. hahahahha

Inabutan naman ako ni Aly ng alcohol. "Ubusin ko na ba?"

"Go lang! HAHAHA" Dahil sa go signal niya, binasbasan ko na yung medyas ko. Lumingon-lingon ako kung saan ko pwede pahanginan itong medyas ko nang napagdesisyunan kong sa railings na lang 'to isampay... and that's what I did. Pagkabalik ko, yung sapatos ko naman ang pinaliguan ko ng alcohol.

"Hassle ah, Kony..."

"Sorry naaaaaaaaaaa!!! iloveyou."

"Yung i lab yu na may space o wala?"

"Wala! HAHAHAHAHA"

Minsan random din talaga ako. Hindi ba nakaka-curious na 'pag may jowa, yung i lab yu nila walang space???

*iloveyou...* text sa akin ni kuya kras sa tren...

*iloveyoutoo babe...* reply ko...

AHHH DELETE DELETE. CRINGE. HAHAHAHAHA

Paupo na ako sa pwesto ko nang biglang humangin ng malakas. Awtomatiko akong napatingin sa nakasampay kong medyas nang mas lumakas pa ang hangin... NA NAD YA BA??

Para akong nasa telenobela... "YUNG~" Matali-talisod kong tinahak ang malamig na semento, "MEDYAS~" Sa kalagitnaan pa'y humubad ang kaliwa kong sapatos, "KO~" Slow-mo kong napagmasdan ang pagkahulog ng medyas ko... Saka ko lang napagtanto na ang baba pala n'on ay ang university pool... oh noes... Literal akong napaluhod sa semento. OTL

Ang bilis ng mga pangyayari, ni hindi ako nakaabot...

Naramdaman ko ang mga kamay ng kaibigan ko sa aking likod. Tapik dito, tapik doon...

"Okay lang 'yan Oli... para kaming nakanood ng live action series!"

"Sinubukan ko namang may gawin pero 'di pa rin ba yon naging sapat???"

Lumakas ang mga tawa nila dahil sa reaksyon ko. Napatingin ako sa sarili ko... ang hirap maging Oli...

"Kony, peram ako sapatos. Kukunin ko 'yon!" determinado kong pahayag.

Hindi na siya nakatanggi... sinuot ko kaagad ang kanya at tinakbo ko ang daan pababa. This must be the adrenaline rush...

Nasa ground floor na ako at muli nagpatuloy sa pagtakbo... *ting*

... oo nga pala, may elevator kami....

Napailing na lang ako...

Bakit ba ang malas ko ngayong araw?

Nakalabas na ako ng AAD building at dumiretso patungo sa panibagong building. Wala kasing shortcut papunta sa university pool kaya kinakailangan ko pang umikot ng campus bago ako makarating doon.

Nauubusan na ako ng hininga... Ganito ba talaga 'yon kalayo??? Sino ba nag-design ng school na 'to at ang komplikado ng pagkakaayos?

Nagpahinga ako saglit saka muling nagpatuloy.

... unti na lang...

Isang liko ko na lang ay entrance na sa university pool. Nakikita ko na ang destinasyon ko mula dito sa labas ng bakod nang may makita akong sumulpot na pamilyar na mukha galing sa nakaharang na puno.

AGAD AKONG NAPAYUKO.

Tangina yung crush ko ba 'yon?

Tangina saan ako magtatago???

Aligaga akong naghanap ng pagtataguan nang madatnan ko yung lamesa sa 'di kalayuaan. Baka pwede ako magtago sa ilalim n'on... Nag-alangan pa ako dahil papalabas na rin siya ng bakuran pero tumakbo na rin ako d'on sa lamesa habang nakayuko.

Teka... ba't ba ako magtatago?

"Excuse me... your butt is blocking the way."

Who would have thought that I'll stop /frikin'/ midway while asking myself the need of hiding?

Akala ko... tumatakbo pa rin ako...

Napalunok ako ng malagkit at inipit sa aking tenga ang mga takas kong buhok saka tumayo ng maayos. "Hindi mo ba alam yung twerking?" HINDI KO PA RIN SIYA NILILINGON. BA'T BA!! SABI NAMAN NG MGA KAIBIGAN KO, NAKO-CONFUSE PA RIN SILA KUNG SAN ANG LIKOD KO...

"About the last time sa train... Sorry if umalis ako agad, I forgot that I have an urgent meeting that time sa varsity. Yung tumigil na yung tren, I saw a message from my teammate na galit na yung coach namin. When I checked the time, I was already late... I didn't think twice. I just run."

Nagharumentado ang dibdib ko. I felt butterflies in my stomach.

olishitolishitolishitolishitolishitolishit~

olishitolishitolishitolishitolishitolishit~

olishitolishitolishitolishitolishitolishit~

Sinong nagsabi na rude siya?

SINO?

I didn't asked!!!

Nag-explain lang siya!

Gusto niya rin ba ako?

"I understand..." sabi ko nang 'di pa rin siya nililingon. PAANO AKO HAHARAP KUNG NAG-IINIT ANG MUKHA KO...? dahil siguro sa pagtakbo ko kanina kaya sobrang init!!! Tagaktak pa ang pawis ko! Nakakahiya!!

"Good! Thank you!" masaya niyang sambit.

"Thank you! Good!"

"So, mauna na ako?"

"Sige, mauna na ako," saka ako naglakad paalis d'on nang nakayuko. Awkward...

"Wait! Are you okay?"

"Huh?" napahinto ako... "Are you okay?" tanong ko sa kanya.

Kinabahan ako nang narinig ko na papalapit ang kanyang mga yapak. Lalapit ba siya?

"Perhaps, this is yours...?"

"Ang alin?"

"Itong medyas?"

olishitolishitolishitolishitolishitolishit~

olishitolishitolishit~

"Anong medyas?"

"This one?" May sumulpot na pamilyar na disenyo ng medyas mula sa gilid ko.

Agad kong hinablot 'yon mula sa kanya...

Oli shit!!!

Bakit nasa kanya 'to???

Hindi ko napigilan ang aking sarili at inamoy 'tong medyas... Naghalo ang amoy ng alcohol at ng suka.

Nakakahiya!!!

Paano na lang, kababae kong tao pero napakababoy at burara ko pa???

"Teka, 'di sa akin 'to. Pero ilalagay ko na lang sa lost and found. Kilala mo naman ang mga elementary kids... Thank you!" napatakbo na lang ako... Sinabi ko naman sa kanya na hindi akin 'to, so 'di niya ako pagsususpetiyahan no?... Kung 'di, wala na akong mukhang maihaharap!!!

Nang makalayu-layo na ako saka ko lang naramdaman ang pananakit ng paa ko. Naglakad na lang ako nang paika-ika dahil masikip pala sa akin ang sapatos ni Kony.