Who are you?

"Tignan mo. HAHAHA" turo sa akin ni Gianne.

"Grabe ang pawis mo!" I know right, Aly. Active na active naman kasi nitong sweat glands ko!

Sumalampak ako sa tabi ni Kony dahil sa pagod. Wala na akong energy na pumasok sa next class namin. "HAHAHA basang sisiw ka na!" komento niya. Hindi naman ipagkakaila dahil sa itsura ko, eh. Walang lakas kong hinubad ang sapatos niya, "Sorry. Lumuwag ata Kony."

Minasahe ko ang mga paa ko. Ang hapdi nitong mga kalyo ko sa kanan kong paa dahil wala akong medyas kanina. Speaking of socks, I fished it out from my pocket saka ko muling inamoy... Hindi naman amoy mabaho talaga... hahahaha

Buti nga, 'di naman kasi siguro ito dumiretso sa university pool kanina kaya tuyo. Baka sa semento lang at naabutan ni... hanggang ngayon pa pala 'di ko pa rin siya kilala... mmm

Naramdaman ko muli ang pag-init ng aking mukha at pilit na tinatago ang mga ngiti sa aking labi.

His voice... It was somewhat hoarse, deep and attractive. Remembering his voice, his breath... it send shivers up my nape. Napahawak tuloy ako sa batok ko nang tumama sa aking ilong ang suot-suot kong wrist watch. Arayyy. "HALA! TIME NA PALA!"

Napatayo ako mula sa pagkakahiga nang maramdaman ko na naman ang pagod. "Cut tayo?"

Napanganga sila dahil sa pagyayaya ko. HAHAHA "Ngayon lang naman!"

"Guaaaarl, absent ako last time need ko bumawi ngayon... Sorry!" sabi ni Aly habang nililigpit niya ang kanyang gamit.

Napatingin naman ako kay Gianne pero ngumuso siya. "You know, Oli..." Oo nga pala, ninang niya yung professor namin ngayon. awwwwwwwwww

"Tara! Cut tayo! San ba?" masayang pagsang-ayon ni Kony!

"Tulog tayo sa learning center?" saka ko siya binigyan ng mademonyong ngiti.

She gave me thumbs up!

Sabay-sabay kaming apat na pumasok sa elevator. Nauna kaming dalawa ni Kony na bumaba dahil sa 2nd floor ang learning center. Sa ground floor bababa sila Gianne at Aly dahil kailangan pa nilang pumunta sa kabilang building para sa scheduled class namin ngayon.

"Grabe ang luwag na nga ng sapatos ko! HAHAHA Humuhubad na, oh!" komento ni Kony habang pinapakita niya sa akin ang pagdulas ng sapatos niya sa paa.

"Ba't kasi ang sikip ng sapatos mo? HAHAHA"

"Sapatos ko talaga kailangang mag-adjust?"

"ABA, OO??? HAHAHA" siya kaya nakasagi ng suka sa akin. Ilang lakad nga'y nand'on na kami sa LC.

"Wait lang, Oli... Mukhang kanina ka pa nahihirapang maglakad?"

"Oo nga, eh. Dumidikit sa sapatos ko yung mga kalyo ko sa paa. Ang hapdi."

"May band aid ako dito sa bag. Pasok muna tayo?"

Binuksan na namin ang pinto nang may nakasalubong kaming grupo ng mga kalalakihan. Napatabi kami sa gilid ni Kony nang mapansin kong kasama sa mga 'yon ang aking crush. Crush...? baduy... He's weaing a black hoodie at nakapaloob ang dalawa niyang kamay sa bulsa n'on. Yung mismong word na crush ang baduy!!! The word is not enough to describe my escalating feelings towards him. Yikes! ! !

Bago pa ako hilain ni Kony sa looban ay muli akong napalingon. Nanatili sa aking ilong ang amoy pulbo niyang pabango.

Tinipa na ni Kony ang kanyang student number sa kompyuter pati na rin ang akin. Expansion ng library ang learning center, pero mas cozy dito dahil may mga sofa and cushion and pwedeng makisaksak ng laptop 'pag na-lowbat. May corner din for snacks etc. and magandang area rin ito lalo na sa mga gumagawa ng thesis. Pero kung loloobin talaga ang kwartong 'to, kalahati ng mga estudyante'y natutulog sa pinakatagong pwesto. Kaya kinakailangan muna namin mag log-in para ma-monitor ng librarian kung sinu-sino kami dito sa loob... ganun ata 'yon. PERO PAANO NAMAN KASI, NATURAL NA NAPAKAKOMPORTABLE DITO. MALAMANG MATUTULOG KAMI, ABER!

Kung may log-in syempre may log-out.

Napatigil ako sa paglalakad at napabalik sa computer system. Nakita ko sa monitor ang pangalan ng mga estudyante na lumabas-pasok dito. Napangiti ako ng malaki at tinawag si Kony.

"Nasayo ba telepono mo?"

"Oo? Bakit?" habang nilalabas niya mula sa kanyang bulsa ang kanyang telepono ay agad ko 'yon hiniram sa kanya.

"Nasan ba ang iyo?" kuryosadong tanong ni Kony.

"Nasa bag. Tinatamad akong ilabas." Mabilis akong tumungo sa camera saka piniktyuran yung monitor.

"Bakit mo kinukuhaan 'yan?"

"Is-search ko sa FB yung mga pangalan."

"You'll be a creep, friend! HAHAHA"

Napalingon ako sa kanya at ibinalik ang kanyang telepono. "Gusto ko lang malaman yung name niya... mmm"

"Your crush?" Napatango ako. "I'll help you, Oli!"

I feel giddy as we walked towards an empty seat in the corner. I borrowed Kony's phone and connected it to the wifi. I checked the picture again and saw Yowell's name in the list.

"Dito tayo start, kay Yowell Sanin. Sa akin yung after, sa'yo yung before."

Tumango naman si Kony at saka namin inisa-isang sinearch sa FB ang mga pangalang nakalista 'don.

"Ito ba?" untag sa akin ni Kony at saka pinakita ang larawan.

"Public ba siya?" tanong ko.

"Hindi."

"Pahiram."

Bob Ken Do...

Nasa Timeline niya ako ngayon.

Nand'on ang nag-iisa niyang profile picture. Nakalagay din ang kaarawan niya, December 21, 1995.

Pumunta ako sa Overview ng About niya.

Kasama d'on ang birthday niya ulit at isang family member. May iilan na tao sa Sports niya at iilan din na Likes.

Private rin ang listahan ng mga kaibigan niya.

Wala man akong masyadong makita sa profile niya ay pakiramdam ko ay siya na nga ito.

Bumalik muli ako sa profile picture niya... He's not wearing his captivating eye smile and crinkled nose. But, he sure has those bunny teeth.

68 na tao ang pumuso, nag-wow at nag-like ng picture niya. May isa akong kaklaseng rumehistro na nag-react dito pero hindi kami close. Sa pagkakataon na 'to ay sigurado na akong siya ang hinahanap ko nang makita ko ang komento ni Yowell sa larawan na ito.

*bakasyonistang bakasyonista bobby!*

He even replied to Yowell's comment: 🌊🌊🌊🌊

Even some girls, probably his classmates, commented to his picture.

*galingan mo sa laban captain! swim swim ka lang diyan*

Bob: practicing really hard dory 🌊🌊🌊🌊

Tumaas naman ang kilay ko. Her name is not Dory! She is called Claire! Are they close to have called with a cringy nickname?

"I think he's the varsity captain of the swimming club." Napalingon ako kay Kony. Kaya pala nand'on siya kanina sa university pool at kaya pala! Kaya pala... it's because he's the varsity captain of the swimming club!

"Kony... isn't he so perfect?"

"Grabe Oli! Picture pa lang 'yan!"

"Earth to you!!! It's Bob Ken Do! It's Bobby!"

"Huh?"

"GURL, IT'S HARD TO EXPLAIN!"

She don't know him so it's even harder to explain! He's thoughtful! He lend me his shoulder when we were on the train. Kahit nag-inarte lang ako, hindi niya ako hinayang mauntog lang d'on sa harang. He's unpredictable! I didn't ask but he gave me explanation! Nag-explain siguro siya dahil naramdaman niyang naging rude siya sa akin dahil muntikan na akong masubsob sa sahig nung iniwan niya ako sa train. He's full of concern! He asked me if I was okay when he gave me my socks. I was okay that time, I don't know why he even asked me though. He can dance! He can swim! He is nice! He is friendly!

"I like him! I like Bobby!"

Kony immediately made a sshh sound. "Baka mahuli tayo ng librarian?" Was I loud? Agad akong napalingun-lingon sa paligid. There's no one around... napakunot ako ng noo. Teka... Bakit? Paano? Ano 'yung paang 'yon sa likod ng shelf?

"Ano 'yon, Kony?" Nagkatitigan kami at sabay kaming nagkibit-balikat.

Dahan-dahan akong lumapit d'on sa misteryosong paang 'yon at saka hinawakan ang kanyang paa. "Hoy."

Nakaramdam siya ng pagkabigla kaya natulak niya ako pahiga. "Oli shit..." nawalan ako ng hininga dahil sa pagkakadagan niya sa akin. Nagulat ako nang sinampal niya ako sa pisngi at saka siya napatayo.

Napaupo ako habang hawak-hawak ang aking pisngi saka sinamaan ng tingin ang lalaking nasa harapan ko ngayon. He just slapped me!?

Dali-daling napalapit sa akin si Kony.

Nanggagalaiti ko siyang tinanong, "Who are you?"