THE FIRST NIGHT

Unti -unti siya naglalakad papalapit sa babae ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan.

Na tila pamilyar ang boses nito.

"Aimee!"

"Aimee!"

"Aimee!"

.

.

"Aimeee! Kanina pa kita tinagawag, sino yung kinakawayan mo diyan?"

Si Marlon pala ang tumatawag sa kaniya.

Bigla lumingon si Aimee kay Marlon.

"Hinihintay na tayo ni Direk Carlo dun."

Dagdag pa nito.

Pagkalingon niya muli sa kanyang harapan ay naglaho na ang babae na nakatayo sa punong iyon.

Nagtungo na ang dalawa sa loob ng himpilan, ngunit nahahalata pa din sa mukha ni Aimee ang pagka gulat sa biglang paglaho ng babae.

Pagdating sa loob ay nagsi-upo na ang mga ito, at nag-umpisa muna manalangin na pinangunahan ni Kawani Susan Joaquin.

Matapos manalangin ay kumain na sila at nagpatuloy sa diskusyon.

"Ano ang nagpatulak sa inyo para piliin ang lugar na ito na gawing documenatry story sa inyong palabas?"

Pagtatanong ng Kapitan.

"Dahil nagpaalaman namin na may kamangha-mangha na misteryo na nababalot sa lugar na ito."

Sagot ni Direk Carlo.

Biglang tumawa si Kapitan sa sagot na narinig mula kay Direk Carlo.

"Bakit po kayo natawa?"

Pagtatanong ni Direk na may pag-ainlangan na nakakunot ang noo.

"Ahh....wala, natuwa lang ko sa sinabi mo, pero sabi nga raw puno nga ng misteryo itong islang ito, ngunit ni kahit isa ehhh ....parang wala naman,

Dahil normal naman ang pamumuhay ng mga tao dito. "

Ani ng Kapitan.

Napagsingitan naman ni Aimee ang tungkol sa Mental Hospital.

"Tanong ko lang po Kapitan, Paano nagsimula ang pagtatayo ng Hospital na iyon, gayon naman itong lugar na ito ay malayo sa bayan o alinmang syudad."

Pagtatanong ni Aimee.

"Sa totoo lang dati itong pagamutan ng mga sundalo noong panahon ng amerikano, dito tinayo ang hospital at dito dinadala ang mga sugatang sundalo o namatay para malayo sa giyera. "

Sagot ng Kapitan.

"Ngunit noong dekada 70 ginawa itong Mental Hospital dahil maraming mamamayan ng probinsya ang nagkaroon ng problema sa mentalidad.

Dagdag pa nito..

"Hanggang ngayon pa po ba ay nag-ooperate pa din ang hospital na ito?"

Dagdag na tanong ni Aimee.

"Oo....Dito na dinadala ang mga pasyente na hindi na binalikan ng kani-kanilang pamilya"

Sagot muli ng Kapitan.

Sumang-ayon naman si Aimee sa sagot ng Kapitan ngunit nakulangan siya sa sagot nito na tila parang may hindi binanggit o di kaya tinatago ang kapitan ukol doon.

Nagtanong din si Marlon sa Kapitan.

"Isa din kaya kami pumunta dito ay dahil napag alamanan namin na maraming nagpapakitang hindi maipaliwanag na entity tulad ng multo? Toto po ba iyon?

Napabungisngis lamang ang Kapitan sa tanong ni Marlon.

Matapos kumain ang lahat, ay agad naggayak ang grupo at nagpaalam sa ibang opisyales na naiwan sa himpilan.

Binigyan naman sila ni Kawani Susan ng kamoteng kahoy at isda na maaaring gawing hapunan ng mga ito.

Kasama si kawani Roy ay agad na pinuntahan ang bahay na pamamalagian ng grupo.

Halos mga ilang lakad lang ang layo ng bahay na pamamalagian sa himpilan kaya ayos na din yun sa grupo para kapag may kailangan at tanong sila ay madali sila makakapunta sa mga opisyales ng lugar.

Tumuloy na ang lahat sa bahay na pamamalagian nila.

May dalawang palapag ang bahay.

Sa labas ng bahay ay may balkonahe at sa loob ng unang palapag ay may malawak na sala,kusina at banyo at sa pangalawang palapag naman ay may apat na kwarto.

Tag iisang kawaro ang direktor at dalawang journalist, samantala ang tatlong staff ay sama-sama sa isang kwarto.

Presko ang hangin sa lugar na iyon napapalibutan ang bahay ng mga iba't ibang puno.

Kaya naman tuwang tuwa ang grupo sa lugar na pinatuluyan nila.

Sumapit na ang gabi at nagsisi-ingay na ang mga uwak at kuliglig sa buong lugar.

Pasado alas siyete na ng gabi napagdesisyunan ng grupo na mag bonfire sa labas ng bahay para di sila masyado mabagot

Sila Staff Ricky at Berting ang nagpaliyab ng apoy.

Nilabas naman ni Marlon ang gitara na nakasabit sa sala.

Sila Aimee at Louie ay naghanda ng iihawin nila tulad ng isda at kamoteng kahoy na bigay ng taga-himpilan

At si Direk naman ay kumuha ng unan at kumot at nilagay sa labas.

Pagktapos ihanda ang lahat ay inumpishaan na nila ito.

Habang nagkukwentuhan ang lahat

Pinatugtog na ni Marlon ang gitara.

At kinanta ang paborito niyang kanta na lagi niya inaawit sa kanyan ex na si Kaye.

Pagkatapos...

At sabay nagsipalakpakan ang lahat

"Magaling ka pala kumanta,biro mo di ka lang pwede maging journalist pwede ka din maging recording artist! Ipapasok kita sa ASAP!"

Sambit ni Direk Carlo na namangha kay Marlon.

" Maliit na bagay direk, actually direk inofferan nga ko ng taga-asap mag guest sa kanila kaso tinanggihan ko dahil mas gusto ko maging isang propesyonal at magaling na journalist"

Ani ni Marlon na bilib na bilib sa sarili.

"Kapal naman mukha mo! Hindi ka lang pala lokoloko noh mahangin ka pa! Hahahaha!"

Pangangasar ni Direk Carlo

"Pagpasensiyahan niyo na po Direk yang si Marlon, college pa nun kami ganyan na talaga yan, masanay na lang po kayo."

Padagdag ni Aimee.

At muli nagsitawanan ang lahat

At biglang nagsalita ulit itong si Marlon.

"Pero alam nyo guys favorite song ko din ito, kase ito lagi yung kinakanta ko kay Kaye noong kami pa."

Sabay nagbigay reaksyon ang grupo na kinaasar ng bahagya ni Marlon.

At biglang umagaw ng eksesna si Louie

"Mga sir at mam mukang tustado na yung isda at kamoteng kahoy." Kumain muna tayo

Pag-aaya ng staff na si Louie.

"Sige kukunin ko lang yung kanin za loob at kukuha na din ako ng plato at kutsara."

Sambit ni Berting.

Hinanda na ang pagkain na kakainin sa hapunan at sabay sabay sila kumain na may bakas na ngiti sa kani-kanilang mukha.

Pagkatapos ng masayang gabi na yun

Napagdesisyunan na ng lahat na matulog na.

Magpapasado na alas diyes na ng gabi ng matapos ang kanilang masayang ginagawa.

"Okay guys, need na natin matulog ng maaga dahil magbabanat na tayo bukas ng buto"

Pagpapayo ng Direktor

.

Niligpit na nila ang kanilang ginamit at kalat at tumungo na sa kani- kanilang kwarto.

Pagkapasok at paghiga ni Aimee hindi muna agad ito natulog tinext niya muna ang kanyang ina para sabihin na nasa Palawan siya.

Aimee's text to her Mom

-Mom nandito na kami sa Palawan and we will start our work tomorrow! Always take care po and see you soon. Iloveyou!

At sabay pindot ng send.

Habang ginagamit niya ang kanyang cellphone napansin niya na lumalakas ang hangin sa labas.

Sa lakas ng hangin na yun ay halos sumisipol na ito.

Makikita din na nagsisisayawan ang mga puno dahil sa lakas ng hampas ng hangin.

Agad niya sinarado ang bintana dahil nakabukas pala ito.

Ngunit nahirapan siya isara ito dahil medyo makalawang na din ang bintanang iyon.

Pinuwersa niya ang pagsara ng bintana

At sa pagsara nito ng malakas

Bumulagta sa kanya ang repleksyon ng babae na nakita niya kaninang umaga.

Halos napatili at napaatras siya sa gulat at takot.

At bigla naman naglaho na parang bula ang repleksyon na iyon.

Napatigil at hiningal ng bahagya sa nangyari itong si Aimee.

Sa kabilang kwarto naman habang natutulog itong si Marlon bigla siya naalimpungatan at nagising.

"Shit! Ang sakit ng tiyan ko! Urrgghhh!"

Pagrereklamo ni Marlon, na sabay hawak sa kanyang tiyan.

Agad tumungo si Marlon sa banyo upang magbawas ng dumi.

habang nasa loob siya ng banyo.

Maya't maya ay nakarinig siya bigla ng yapak sa labas ng banyo.

Yapak na isang tao dahil sa sobrang bigat ng bawat pagyapak nito sa sahig.

At bigla din....

Nakarinig din siya ng kaluskos ng kuko sa likod ng pader ng banyo.

Masakit ito sa tenga

Na halos kinairitable ni Marlon

Agad niyang tinakapan ang kanyang dalawang tenga.

Na siya naman kinatakot rin nito

At nagsalita siya bigla.

"Ai..ai ....Aimee? Aimee!? I..i..ikaw ba yan? Huwag ka manakot di yan nakakatuwa!"

Walang sumagot galing sa labas. Agad naman siya tumayo at nag ayos ng sarili at nilinis ang pinaggamitan.

Agad agad niya binuksan ang pinto at lumabas ngunit wala namang tao.

"Wooo! "

Pasambit ni Marlon na sabay punas sa kanyang noo dahil sa paglagatak ng pawis.

"Siguro guni-guni ko lang yun hayyy!"

Dagdag pa nito habang nakapamewang

Sa kabilang banda....

Tila nakatulala lamang sa sulok ng kama si Aimee

Iniisip pa din niya yung babae na nagpakita sa puno ng umaga at sa repleksyon ng bintana kanina.

Halo halo ang kanyang nararamdaman.

Sa kanyang pag iisip patuloy pa din ang paghampas ng malakas na hangin sa labas.

Halo halo din ang tanong sa kanyang isip matapos lahat ng pangyayari na iyon.

"Sino kaya yung babae na yun?"

"Ano kaya ang pinapahiwatig ng babae sa akin?"

"Parang nakakaramdam talaga ako ng kakaiba sa kaniya pero di ko alam kung bakit."