Goooooddd Mooooorrrniingggg!!
Pasigaw ni Direk Carlo na may halong ngiti at sabay unat ng kanyang katawan at humikab bago ito bumangon.
Agad lumabas ng kwarto si Direk Carlo.
At isa isa nya binuksan ang pinto ng tatlong kwarto.
"Guys gising naaaa!!!! It's 8am and it's time to wooorrrkkk!!!"
Pagising ni Direk habang binubuksan niya ang mga pinto ng kwarto.
Nagising na din si Aimee at bumangon sa kanyang kama, bago tumayo ay inayos niya muna ang kanyang sarili.
Nagsuklay at nag-tali ng buhok atsaka inayos ang higaan.
Si Marlon naman agad bumangon ngunit hindi niya niligpit ang kanyang higaan at dali dali bumaba para maghilamos at magmumog.
"Hiiiii Direeekkk!"
Pabati ni Marlon kay Direk na halos nilapit pa niya ang kanyang bibig sa mukha ng Direktor.
"Tang ina ka Marlon! Ang dugyot mo!"
Pasigaw na sambit ni Direk.
Agad duniretso si Marlon sa banyo na tumatawa sabay nag peace sign sa Direktor.
Nakita din ni Aimee ang nangyari kaya napatawa din ito ngunit pinigilan niya lang gamit ang pagtakpan ng kanyang bibig.
Hinanda na ni Direk Carlo ang almusal ng lahat.
Nagdasal muna sila bago latakan ang pagkain na nakahain sa mesa.
Matapos yaon ay isa isa nag-ayos ng sarili at gamit na gagamitan tulad ng work papers,camera at lapel.
At sabay sabay sila naggayak sa kanilang pupuntahan.
Tinungo nila ang purok uno kung saan doon ay maraming kabahayanan at tao na nakatira.
Sumakay ulit sila ng habal-habal makarating lang sa lugar na iyon.
Pagkarating nila sa lugar na iyon.
Nadatnan nila parang sa normal na bayan lang. Maraming tao, halos dikit dikit ang bahay yung iba gawa sa semento ang tahanan ang iba ay bahay kubo lamang.
Nag-ikot muna sila sa lugar at pinuntahan ang bahay ni Tatang Tacio.
Isa sa pinakamatandang residente sa Isla Domingo.
Isa siyang retiradong sundalo at isa sa mga tumulong magtayo ng Hospital noong panahon ng amerikano.
"Magandang Umaga po Tatang Tacio."
Pagbati na sabi ni Direk Carlo sabay nagmano ito.
At ganoon din ang iba.
"Kami nga po pala yung sinasabi ni Kapitan na pupunta po dito sa inyo para sa isang mahalagang interview."
Ani ng Direktor.
"Ahhh... kayo ba yun?...hmmm sige maupo muna kayo.
Pag aanyaya ng matanda.
"Piling! Piling! Maghanda ka ng mahahain natin sa ating bisita."
Pag-uutos ni Tatang Tacio sa kanyang may bahay na si Nanang Piling
Agad naman naghanda ang may bahay ng makakain para sa mga bisita.
Habang hinahanda niya ito
Ay siya naman ang pag-umpisa ng tatalakayin ng mga bisita at ng matanda.
Agad binuksan na ni Ricky ang camera at hinanda ni Direk Carlo ang working papers.
At inumpisahan na ng dalawang journalist ang pag-iinterview sa matanda.
~Interview
Aimee: Magandang umaga muli Tatang Tacio.
Ayon sa nakalap namin na impormasyon isa po pala kayo sa mga tumulong magtayo ng hospital noong panahon ng Hapon.
Tatang Tacio: Oo tama isa nga ko dun... Dahil simula pinanganak ako ay dito ako nakatira, isa ako sa mga namumuno sa islang ito noong panahon na iyon. Kaya nagpadesissyunan ko na iakyat sa mataas na opisyal na magtayo dito ng hospital para sa mga sundalong sugatan at sibilyan, para malayo sila sa peligro habang ginagamot sila.
Marlon: Paano po pala nagsimula na maging isang Mental Hospital ito.
Natahimik ang matanda ng ilang segundo.
Marlon: Tatang Tacio?( may pagtataka)
Aimee: Siguro iba na lang po ang itatanong namin sa inyo. Ahmmm.....(tinignan ang hawak na papel) ...sabi daw po maraming mga misteryo nakabalot sa lugar na ito tulad na lamang noong nangyari sa taong 1989 at marami din daw mga di kapani-paniwalang entity ang bumabalot dito. Gaano po ito katoo?
Maya't-maya pa ay biglang sinara ng matanda ang kanyang mga kamay ng madiin. Tila parang nagalit sa mga binatong tanong ng mga journalist.
Napansin naman ng may bahay ang nangyayari sa kanyang asawa kaya agad kinausap nito ang mga bisita.
"Pasensiya na ho mga ginoo at ginang mukang masama na po ata ang panlasa ni Tacio, pwede po ba sa susunod na lang po ituloy ito?"
Sambit ng matandang babae.
Walang nagawa ang mga ito kaya nilisan na lang ang tahanan at humingi ng paumanhin.
Tinignan naman ni Aimee ng may pag-alinlangan ang matanda, nakikita niya na hindi maganda ang reaksyon ng matanda ukol sa mga tanong na sinambit nila.
Tuluyan na nilisan ng grupo ang tahanan at umalis ang mga ito.
Habang naglalakad ang mga ito. Napapansin nila na parang may pinaghahandaan ang mga residente.
Yung iba nagsasabit ng banderitas, ang iba naman ay nagluluto ng kung ano-anong putahe at ang iba ay nagkakatay ng hayop tulad ng baboy,manok at kambing.
Mga ilang lakad ay...
Nakasalubong nila si Kawani Roy.
"Magandang umaga sa inyo, kamusta naman ang inyong pamamalagi dito?"
Tanong ng kawani.
"Maayos naman ho kaso nga lang yung inumpisahan na namin ang pagtalakay namin kay Tatang Tacio ay parang nagalit siya na hindi namin alam kung bakit."
Pagsagot ng direktor.
Tumawa muna ito at nagsalita ulit ang kawani.
"Ahhh... yun si Tatang pagpasensiyahan niyo na yun ganon talaga ang matanda lalo na't kapag dating sundalo nag-iiba ang panlasa, moodswing kumbaga."
Pabungisngis na sabi ng Kawani
"Sha nga pala kung mapapansin ninyo ay may piyestahan magaganap dito, sumama kayo at makisaya bukas maraming mga aliwan at kainan na sigurado ikakatuwa niyo."
Dagdag pa nito.
"Salamat sa imbitasyon pero susubukan namin po kung kaya ng aming oras."
Ani muli ng direktor.
sumang-ayon naman ang Kawani sa sagot ng direktor
Matapos yaon nagpaalam na ang kawani sa grupo at patuloy na umalis.
Habang naglalakad ang grupo patungo sa sakayan ng habal-habal. Napansin ni Aimee na parang may tumitingin sa kaniya, pagkalingat niya sa kabilang banda isang babae na sa edad 40.
Napansin niya na ang lagkit ng tingin sa kanya ng babaeng ito at parang kilala siya nito.
Walang ano'y-ano agad nilapitan ni Aimee ang matandang iyon.
"Ale may problema po ba?"
Tanong ni Aimee sa matanda.
Nagulat ng bahagya ang matanda at tinignan ulit mula ulo hanggang paa si Aimee na parang nanginig ang buong katawan sa paglapit sa kanya nito.
"Ale, kinakausap ko po kayo, may problema ho ba?"
Pagtanong muli ni Aimee na nagpupumilit sabay hinawakan niya ang kamay ng matanda.
Hindi pa din sumasagot ang matanda at patuloy pa din siya tinitignan nito.
Walang ano'y-anoy ay biglang binalikwas ng babae ang kamay ni Aimee at biglang umalis.
Hahabulin na sana ni Aimee ang babae ngunit inisip nya din na baka hindi pa iyon ang oras para makausap niya ang matanda.
Hiniling niya na sana magkita ulit sila nito at makapanayam niya.
Bumalik na si Aimee sa grupo
At isinawalang bahala niya na lamang muna ito.
Kinahapunan....
Habang naglalaro ng scrabble ang tatlong staff at si Marlon, napansin ni Direk na parang nakatulala at nakatigin sa labas ng bintana itong si Aimee.
Agad niya ito nilapitan para kausapin.
"Aimee? May Problema ka ba?"
Pagtatanong ni Direk Carlo na may halong pag-aalala.
Biglang bumalik sa katinuan si Aimee at bahagyang nagulat.
"Ahh.!..ehhh wala ho. Wala ho akong problema, bakit niyo po natanong Direk?"
Sagot ni Aimee habang inaayos ang kanyang sarili.
"Kanina pa kase kita napapansin na nakatulala diyan, parang ang lalim ng iniisip mo, iniisip mo pa rin ba yung nangyari kanina?"
Tanong muli ng direktor.
Napatigil muna si Aimee ng ilang segundo at di muna agad sinagot ang tanong.
"Ahhhmmmmm.... actually parang gayun na nga ho, sa totoo lang simula nung napunta tayo dito sa lugar na'to ay madami na akong nararamdaman na kakaiba na di ko lang maipaliwanag."
Pagpapaliwanag ni Aimee.
"Haysss,, normal lang yung nararamdaman mo, lalo na't first time pa lang natin nakapunta dito, ganyan din ang nararamdaman ko pero di ko na lang masyado pinapansin....atsaka yung kanina, hmmmm.... intindihin na lang natin yun dahil matanda na."
Ani ng Direktor habang nakangiti ito.
"Kaya cheer up lang Aimee!"
Dagdag pa nito na may pagtapik sa balikat ni Aimee.
Na siya naman kinangiti at kinaluwag ng damdamin ng journalist.
At hinayaan muli ng direktor si Aimee.
Habang busy ang iba sa ginagawa ay nang-istorbo ng panandalian ang direktor
"Guys! What happened earlier is fine, natural lang yun sa paggagawa ng documentary, atleast we have the hints how to figure out everything here and I have announcement.....hmmm... tomorrow we will going to the mental hospital to gather informations and unfold the stories beyond on that place... is that clear?"
Ani ng Direktor.
"Wait Direk eh paano yun eh hindi pa natin nakapanayam ng maayos si Tatang Tacio paano natin masisimulan ang pag gather ng infos doon?"
Pagtatanong ni Marlon na may pagalinlangan habang kumakamot sa ulo.
"That's why we need to go there, tsak! Doon makakakuha na tayo ng answers behind of our questions."
Sagot ng direktor na confident pa sa kanyang sinabi.
At sumang-ayon ang lahat sa desisyon na binigay ng direktor sa kanila.
.
.
.
.
.
~POV of the Woman who's looking to Aimee earlier.
"Hindi ko malilimutan ang nangyari karumal-dumal napagpatay sa aking kapatid, sariwa pa rin sa aking isipan ang nangyari sa kaniya.
Kailan kaya matatapos ang paghahari ng kasamaan sa lugar na ito.
Hanggang ngayon nakaukit pa din sa aking puso ang sakit, hindi ko man magawa hipaghiganti ang aking kapatid dahil sa takot ko na baka madamay din ang aking pamilya.
Ngunit kanina habang naglalakad ako sa kabahayanan ng purok uno, hindi ako makapaniwala sa aking nakita.... nandito siya! Nandito siya! Bakit siya nandito? Ano ang pakay ng kanyang pagpunta dito? Hindi ba siya natakot na baka may mangyaring masama sa kanya pati sa kasamahan niya.
Lalo bumabalik ang masakit kong nakaraan, kung ano man balak nila kailangan ko pigilan yun at kailangan ko sila paalisin sa lugar na ito hangga't di pa huli ang lahat."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Siya ay nagbalik ulit, paano kaya ulit siya makakaligtas?"