THE MENTAL HOSPITAL

~POV of Aimee

Mag-dadalawang araw na pala kami dito sa isla, Pero ni isa sa mga tanong namin hindi pa nasasagot.

Marami na ko nakikita at nararamdaman na kababalaghan at di pangkaraniwang na bagay.

Fuck! So weird!

Tama ba talaga tong desisyon ko na ituloy ito? Arghhhh! Hanggang ngayon ang bigat bigat pa din ng nararamdaman ko.

Kanina ng biglang naudlot ang interview dahil sa masamang reaksyon niya tinignan ko si Tatang Tacio parang nakita ko na siya dati hindi ko lang alam kung saan.

Napansin ko na nagalit nga siya lalo na yung tinanong ko about sa babaeng pinatay. Ayaw ko mangjudge pero di kaya isa siya sa may sala siya sa nangyari na iyon?

Isa pa yung matandang babae na wagas kung makatitig sakin, akala mo naman magkakilala kami na di lang nagkita ng ilang taon.

Why all of these things so strange!?

Ang hirap mag go in the flow buti pa tong puno sa labas nakikisabay lang sa hangin, ako di ko alam kung kailangan ko din ba sumabay sa mga nangyayari ngayon o hindi.

Sa aking pagkatulala buti na lang ginising ako sa katinuan ni direk nagtanong kung ayos lang ako, di ko masyado nilahad yung nararamdaman ko dahil natatakot akong mabigo ko siya.

Ayun na nga inanounce nya na pupunta na kami sa Mental Hospital.

Lalo naman ako kinabahan.

Damn! I still need to act as a professional!

-----

Lumipas ang araw na iyon at dumating na ang panibagong umaga.

Nagsitilaok muli ang mga tandang.

Nagbabadya na din ang sinag ng araw

Dumadampi na ang liwanag nito sa buong lugar ng isla Domingo.

Makikita na nagsisimula na ang kapistahan ni San Domingo.

Pista na pinagdidiriwang taon-taon ng mga tao sa lugar na iyon.

Sa kabilang banda...

Gising na ang grupo at hinahanda na nilang ang kani-kanilang sarili at gamit patungo sa kanilang pupuntahan. Ang mental hospital

" San Domingo Mental Health Center"

Ang pangalan ng hospital na iyon

Sakay ng habal-habal binaybay nila ang matarik na daanan patungo doon.

Tatlumpu't minuto ang inabot marating lang ang lugar na kanilang patutunghunan.

Matapos yaon ay narating na nga nila iyon.

"Wooo! Finally guys nandito na tayo!" Ani ng Direktor na may excitement.

Ang gusali ng hospital ay may limang palapag at mahaba.

Nangangalawang ang mga bintana at ang pintura ng pader ng gusali ay tila unti unti naglalaho, tanda na may kaluumaan na ang gusaling iyon.

Bago sila pumasok sa loob ng hospital

Nagbigay muna si Direk ng kani kanilang gagawin.

Habang nagpapaliwanag ang direktor, napansin ni Aimee sa ikatlong palapag sa dulong bintana ang isang lalaki.

Isang lalaki na nakatayo sa bintana na nakasuot ng hospital dress, kumakaway ito ngunit blangko ang emosyon ng mukha.

Nagtataka si Aimee kung siya ba ang kinakawayan nito, o baka wala naman dahil pasyente yun na may sakit sa pag-iisip.

Habang kinakausap ng direktor ang ibang kasamahan na nagbibigay ng instructions.

Patuloy pa din tinitignan ni Aimee ang lalaki sa bintana, ng maya't maya pa ay huminto sa pagkaway at binaba ang kamay.

Na siya naman pinagtaka ni Aimee.

Mga ilang saglit parang may kinukuha ang lalaki at unti-unti itinaas ng lalaki ang hawak nito.

.

.

.

.

Kutsilyo!

Kutsilyo ang hawak ng lalaking iyon na siya naman kinagulat ni Aimee.

Walang ano-ano'y ginilitan ng lalaki ang kanyang sariling leeg dahilan yun na sumirit ang dugo nito, halos naligo sa sarling dugo ang lalaki gayon din ang bintana.

Napasigaw ng malakas si Aimee sa nakita niya.

Halos humihiwalay na ang kanyang kaluluwa sa takot na kanyang naramdaman.

Nanginig din ang buong kalamnan niya hudyat na siya ay nagsuka.

Bakas pa din ang takot sa mukha ni Aimee na halos naiiyak dahil sa kagimbal-gimbal na pangyayari na nakita niya.

"Aimee! Aimee! Ano nangyayari sayo?!"

Sambit ng kanyang kasamahan na puno ng pag-aalala at dali dali ito pinuntahan at hinawakan ang kamay at balikat nito para hindi matuluyan matumba itong si Aimee.

Patuloy ang pag-iyak ni Aimee at hindi pa din sinasagot ang tanong sa kanya.

Ngunit pilit pa din inaaalam ng kanyang kasamahan kung ano ang dahilan.

Saka na lamang siya bigla nagsalita.

"Yung..yung lalaki sa bintana! Sa ikatlong palapg sa dulo! Gi..gi..ginilitan niya yung sarili niyaaa!

Sambit ni Aimee na tila nanginginig pa ang kanyang boses sa takot.

Tumingin sila sa ikatlong palapag sa bandang dulo.

Ngunit wala naman.

Walang lalaki at walang bakas ng dugo o anumang kagimbal-gimbal na ganap.

Agad naman tumawag ng nurse sila Direk at dinala muna sa loob ito para ipagpahinga at tignan ang kanyang kalagayan.

Lumipas ang tatlong oras

Unti-unti nagiging maayos ang kanyang kalagayan.

Na agad naman kinatuwa ng kanyang kasamahan

"Aimee kamusta na ang kalagayan mo?"

Tanong ng Direktor na patuloy pa din sa pag-aalala.

"Ayos na ko direk." Mahinahong sagot ni Aimee.

"Pagpasensiyahan niyo ko sa nangyari kanina dala lang siguro to ng stress kaya kung ano-ano na lang nakikita ko."

Dagdag pa niya.

"Ayos lang yun Aimee, naiintindihan ka namin, Basta if need mo ng tulong or kung may tanong ka don't hesitate to ask."

Ani muli ng direktor na biglang hinawakan ang balikat ng journalist.

"Tsaka Aimee avoid to stress yourself, dapat lagi ka lang chill, tigan mo ko kahit maraming problema sa buhay, chill lang! Pogi eh! Hahaha."

Pasingit ni Marlon na biglang natawa sa kanyang sinabi.

At nagsitawanan muli ang lahat.

Nagpasalamat si Aimee sa kanyang kasamahan sa paggaan ng kanyang kakooban.

"Okay guys laban na! Let's start our work!"

Pag-aaya ng direktor na may excitement at pagtayo sa kinauupuan.

Nilibot nila ang buong gusali.

Makikita na maraming pasyente.

Yung iba kinakausap ang sarili, yung iba naglalaro, nagsisigawan, nagtatawanan at ang iba tahimik lang o may sariling mundo.

May isang pasyente ang biglang pumukaw ng atensyon ni Aimee.

Isang babae nasa edad na sitenta

Tahimik lang sa sulok ng kwarto.

Pimagmamasdan niya lamang ito, nakaramdam siya ng kakaiba sa babaeng iyon.

Ng biglang...

Dumating ang pinaka may-ari ng hospital.

Si Dr. Miguel Faustino.

Si Dr. Miguel ay animnapu't taon na nagtarabaho sa Hospital bilang isang Doktor.

Isa siya sa mga tumulong sa mga sundalo noong hindi pa siya doktor.

Bakas na sa kanyang ang sobrang katandaan ngunit makikita na ito ay masigla pa.

"Maligayang pagdating sa inyo."

Pagbabati ng doktor na may sigla.

"Nakausap ko na si Kapitan tungkol sa inyong pakay, kaya naman agad ko kaya nilapitan para sabihin sa inyo na bukas ang hospital na ito sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa gusto niyo malaman."

Dagdag ng doktor.

"Maraming salamat Dok, kung napapayag namin kayo, alam namin po na hindi madali sa inyo ang maging bukas sa ganitong gawain, kaya nagpapasalamat kami."

Pagpapasalamat ng Direktor.

Agad naman pinatuloy ng doktor ang grupo sa opisina nito.

Pinaupo ng doktor ang mga bisita sa mahabang kutsyon, at sinimulan na ang pagpapanayam sa doktor.

~Interview

Aimee: Good Morning Dr. Miguel, Maraming salamat sa oras na binigay nyo para sa aming documentary.

Dr. Miguel: No Problem, like what Iv'e said earlier Im open in everything.

Aimee: Mabuti naman po, so lets start the interview.... paano po ba nagstart na maturn as a mental hospital po ito? Because we all know that naging isang public hospital siya since world war 2.

Dr. Miguel: noong 1975 nagkaroon ng mass murder sa Palawan almost 200 ang namatay so after that incident, maraming tao ang nagkaroon ng depression, anxiety, trauma and other mental illness so that's why the government start to turn the public hospital into mental hospital. Im the first doctor who assigned and manage this hospital for almost 40 years.

Marlon: Ito naman po ang aking tanong. Katulad nga po ng sinabi niyo kanina na almost 40 years na po kayo nagmamanage ng hospital na ito. bali balita daw po na may mga issue daw na bumabalot sa lugar na ito, like pag torture sa pasyente, pag suicide ng mga pasyente. Kaya tinaguriang Black Hospital daw ito simula yung pumutok ang balita noong 1989 sa isang babae na pinatay. Ito po ba ay may katotohanan?

Dr. Miguel: (biglang napatigil) hmmmmm.... isa yang malaking kasinungalingan marami lang talaga nanira sa amin dahil hindi nila tanggap na mas binibigyan kami ng pansin ng gobyerno kesa sa ibang hospital. At tungkol sa babaeng pinatay katulad ng sinabi ko dati siya ay isang kriminal.

~End of Interview

Matapos isagawa ang halos isang oras na panayam sa doktor ay umalis na ang grupo sa opisina nito, at humingi muli ng pagpapasalamat sa pagbigay sa kanilang oras para sa interview.

"Nagpalasalamat ulit kami Doc Miguel sa iyong oras." Pagpapasalamat ng direktor habang nakikipagshake hands sa doktor.

"Walang anuman direk." Pagpapasalamat din ng doktor na may kasamang pagngiti.

Matapos yaon ay pinahatid ng doktor ang grupo sa mga staff sa paglabas ng gusaling iyon.

Maya't maya pa ay biglang nakaramdam ng pag ihi si Ricky.

"Guys mukang naiihi ako" pagsambit ni ricky habang hawak ang kanyang pantog.

Bigla naman nagsalita ang staff ng hospital at itinuro kung saan ang banyo.

"Ay sir dun po sa kaliwa baba po kayo may malapit na cr po dun." Ani ng staff habang tinuturo ang kanyang sinasabing direksyon.

Agad naman dumiretso si Ricky sa sinasabi ng staff pagkaliwa nya at pagbaba ng hagdan

napansin niya na medyo madilim at napakatahimik ng lugar.

Agad niyang hinanap ang banyo at nakita niya nasa dulo pala ito ng hallway.

Pagkapasok yaon ay agad siya pumasok sa isang cubicle at umihi.

Sa kanyang pag-ihi maya't maya ay nakarinig siya ng yapak ng sapatos.

Biglang napatigil sa pag ihi si Ricky

At patuloy pa rin niya naririnig ang yapak na iyon.

Pagkabukas niya ng pinto ng cubicle

Nakita niya ang isang babae na nasa edad kwarenta na nakasuot ng damit pangdoktor, nakamask at nakasuot ng sapatos na takong.

Bigla siya nagulat sa kanyang nakita gayundin ang babae.

Paglingon ng babae sa kanya ay agad lumabas ng banyo ito.

Sinundan ni Ricky ang babae ngunit bigo niya ito naabutan at ito ay biglang nawala.

Maya't maya pa may biglang siyang nakarinig ng boses mula sa kanyang likuran.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Ricky at biglang nabalisa at nakaramdam ng takot.

Unti unti siya lumingon sa kanyang likuran.

Sa kanyang paglingon.....

Nakita niya....

ISANG BABAE NA NAKASUOT NG HOSPITAL DRESS NAWAKWAK ANG BIBIG AT HALOS LUMULUWA ANG MATA AT IMBES NA BINTI NG TAO ANG MERON ITO AY BINTI NG KABAYO!

JUSMIYO! TUMATAKBO PALAPIT SA KANYA ANG MALAHALIMAW NA ITSURA NG BABAE!

ANG BILIS NG TAKBO NITO!

DAHIL SA PAA NG KABAYO ANG MERON ITO.

Kumaripas ng takbo si Ricky at agad dumiretso sa hagdan.

Sa kanyang pag akyat sa hagdan

Ay bigla siyang naman natapilok.

Muli siya lumingon.

Tangina! Ang lapit niya na!!

Nakadungaw ito sa kanya at nakikita na takam na takam ang babaeng halimaw sa kaniya!

Tila tumaas ang balahibo ni Ricky at napatigil ng sandali dahil sa sobrang takot!

Biglang nahawakan ng babaeng halimaw ang paa ni Ricky!

Nilalabas ng halimaw na babae ang dila nito na halos dadampi na sa binti ni Ricky!

Napasigaw siya sa takot

Ngunit pinagsisipa sipa niya agad ito

At agad tumayo at tinuloy ang pag akyat sa hagdan

At tumakbo muli sa isang mahabang hallway.

"Shit! Naliligaw na ata ako!" ani ni Ricky habang hinahanap niya ang palabas.

naririnig niya na sumisigaw ang babaeng humahabol sa kanya.

Muli ito kumaripas ng takbo

lumiko sa kanan

at lumiko sa kaliwa

.

at kumanan ulit

hanggang sa nakita niya na nga ang pinto palabas.

Ngunit naririnig pa din niya nag sigaw ng babaeng iyon.

Ngunit patuloy pa din siya sa kanyang pagtakbo para maabutan ang pinto palabas.

"Ang tagal naman ni Ricky ano nangyari doon? Nakatulog na sa banyo?" Pag iinip na sabi ni Marlon.

Pagkatapos sabihin ni Marlon ang kanyang pagrereklamo

Napansin ni Aimee na parang may kakaibang nararamdaman ang staff ng hospital.

"Miss may problema ho ba? Pagtatanong ni Aimee na may pagalinlangan.

"Ahmmmm wala po." Sagot ng staff.

"Ahmmm mam sir diyan lang muna kayo saglit may kukuhanin lang po ko" ani muli ng staff habang umaalis palayo ito.

Bigla naman nagtaka ang grupo sa kilos ng staff na iyon.

Lumipas ang ilang minuto.

Dumating na din si Ricky.

Makikitang balisang balisa, hingal na hingal at pawis na pawis.

"Oh? Ricky anong nangyari sayo? Bakit balisang balisa ka? Pagtatanong ng direktor na may pag-aalala.

"Direk umalis na tayo dito! Hindi tayo ligtas dito!" Pagpupumilit ni Ricky na may paghingal sa kanyang pagsasalita.

"A-anong ibig mong sabihin? Tanong ni Aimee kay Ricky na may pagtataka.

"May-may....."

"May nakita kang multo yun ba ang gusto mong sabihin?"

Sambit ni Dr. Miguel na biglang sumulpot na may pagngiti kasama ang kanyang staff.

Nagulat si Ricky at nanlaki ang kanyang mata.

"Di talaga natin maiiwasan makakita ng multo lalo dito sa hospital, ngunit baka dala lamang yan ng pagod mo kaya ka nagkakaganyan."

Sambit muli ng Doktor na may pagngiti

"Ah.. pagpasensiyahan niyo na po siya dok, kung ano-ano din kase nakikita itong si Ricky." Pagpapaumanhin ni Direk Carlo.

"Naintindihan ko naman yun normal lang sa tao ang maguni guni."

Ani ng Doktor.

Muli humingi ng patawad si Direk at agad na umalis ng hospital na iyom habang inaalalay naman nila Louie at Berting itong si Ricky na tila balisang balisa pa din.

Sa pag-alis ng grupo.

Napalitan ng ngiti ng pagsimangot ang doktor.

"Nanganganib na buhay nila dito, unti unti na ata nila nalalaman ang tinatagong baho ng lugar na ito. Kung ako sa kanila huwag na nila ituloy yan. Dahil isa-isa lang sila mapapahamak."