THE FIESTA

"Happy Fiesta!"

Sigaw ni Kapitan Emmanuel habang nakatayo sa entablado habang hawak ang mikropono.

Maraming tao sa lugar na iyon para manood ng palabas na inihandog ng barangay.

Yung ibang tao naman ay pinagdiriwang ang fiesta sa kani-kanilang tahanan kasama ang kanilang pamilya.

May mga palaruan, parada at handaan

Napakasaya ng lugar na yun tuwing fiesta dahil lahat ng tao ay pinagdidiriwang ang kapistahan ng kanilang pingdedeboto na si Santo Domingo.

Si Santo Domingo o kilala bilang si Domingo Almaciga ay isang mabuting misyonero na namalagi sa isla noong taong 1666 kasama ang apat pang misyonero.

Siya ang mimong namuno sa kanilang paglalakbay sa isla na iyon.

Sila ay namahagi ng salita ng diyos, tumulong sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pamimigay ng simpleng donasyon tulad ng pagkain, damit at iba pa.

Dalawang linggo namalagi ang mga misyonero sa islang iyon.

Kaya naman tuwang tuwa ang mga mamamayan dahil sa ugali, tulong at inspirasyon na binigay nito.

Ngunit makalipas ang dalawang linggo ay namatay si Domingo Almaciga dahil pinatay ito ng Pinakapinuno ng isla.

Dahil nalaman ni Domingo ang baho ng pinuno, pinaglaban niya ang kanyang paniniwala at karapatan ng mamamayan.

Siya lamang ang nasawi at ang kanyang mga kasamahan ay nakatakas sa tulong ng mga mamamayan na nagmamalasakit sa kanila.

Pagbabalik.....

Habang pinagdidiriwang ng lugar ang kapistahan.

Sa kabilang banda ay matiwasay na nagpapahinga ang grupo

Ang iba natulog sa sobrang antok, ang iba naman ay nagliliwaliw lang sa labas ng bahay na kanilang tinutuluyan.

Mag papasado alas dos na ng hapon

Habang nakatambay si Direk Carlo na may hawak na sinding sigarilyo.

Napansin niya na may paparating at mukang tutungo ito sa kanila.

Ito ay si Kapitan Emmanuel at si Kagawad Danilo na nakasakay sa habal-habal

"Magandang Araw kapitan at kagawad"

Pagbati ng direktor at sabay tinapon ang kanyang hawak na nakasinding sigarilyo.

"Napadalaw po kayo ano po ang pakay ninyo?"

Dagdag ng direktor.

"Gusto sana namin kayo imbitahan sa aming simpleng piging na pagdadarausan sa aking tahanan mamayang alas sais ng gabi."

Pag-aaya ng kapitan.

Biglang napangiti ng bahagya ang direktor at agad sinangayunan ang imbitasyon ng kapitan sa kanila.

"Oho naman kapitan pupunta kami, bilang pasasalamat at pagtanggap niyo sa amin at isa pa gusto din namin kayo makasama lalo sa pistang pinagdidiriwang ninyo dito sa inyong lugar."

Pasang-ayon paliwanag ni Direk Carlo.

"Ayos lang ba iyon sa iyong mga kasamahan?

Pagtatanong ng Kapitan.

"Oo ayos lang sa kanila yun, ako na po bahala sa kanila at tiyak magugustuhan din naman nila yung imbistasyon na ibinigay nyo."

Sagot ng direktor na may paggalak.

"Kung ganoon, magkita na lang tayo mamaya sa aming tahanan susunduin kayo nila kagawad para hindi kayo maligaw patungo sa amin. Salamat"

Ani ng Kapitan na may pagngiti.

Sumapit na ang gabi

At pumasado na sa ala sais ang orasan

Habang nagaayos ang grupo para sa piging na kanilang pupuntahan.

Dumating na din ang susundo sa kanila na nakasakay sa isang makalumang van.

Agad agad na sumakay ang grupo sa van na sumundo sa kanila

Binaybay nila ang makitid na kalsada

Patungo sa bahay ng kapitan

Hindi pa sila nakakarating sa mismong pinagdadausan ng piging makikita na mukang marangya, masaya at elegante ang pagdidiriwang ng pista sa tahanan ng kapitan.

Pagkarating yaon

Makikita na maraming tao at maraming handa sa piging na iyon

Pagkapasok ng grupo sinalubong agad sila ng kapitan ng isang malaking yakap sa kanila.

"Mabuti naman dumating na kayo halina't pumasok na kayo sa loob at ipapakilala ko kayo sa aking mga bisita at para makakain na din kayo"

Pag aanyaya ng kapitan.

Pagkapasok nila sa loob

Pinakilala ng kapitan ang grupo sa mga bisita tulad ng gobernador ng probinsya, mga ibat ibang opisyales ng pamahalaan, mga kilalang mayaman na angkan at mga retiradong sundalo.

Naggalak ang grupo sa mainit na pagtanggap sa kanila.

Habang nagsisikain na ang lahat kasama ang grupo

Nagpaalam muna si Aimee upang magbanyo.

Tinuro sa kanya ng isang kasambahay ang patungo sa banyo.

Pagkapasok niya sa banyo

Makikita na malawak ito

May limang cubicle ito at ang tiles nito ay nagliliwanag sa sobrang kintab

Makikita din na malinis at napaka elgante ng banyong iyon.

Kaya medyo nagulat ng bahagya ang journalist sa nakita niyang istura ng banyo.

Pumasok si Aimee sa unang cubicle at doon umihi.

Pagkatapos niyang umihi ay nagayos muna to ng mukha sa harap ng salamin at lababo

Habang dinadampi niya ang labi nya gamit ang lipstick

Nakarinig siya na parang may bumbulong

Bulong na tila hindi maintindihan at nakakairita sa tenga

Napalingon siya bigla at tumingin kung saan saang ngunit tila siya lang naman ang tao sa loob na iyon.

Pagkaharap niya sa salamin

Biglang bumulagta sa kanya ang babaeng nakasuot ng bistida at naliligo sa sariling dugo!

Napahawak bigla ang babae sa leeg ni Aimee at nilapit ang bibig nito sa tenga ng jornalist.

At nagsalita.

"Lumayas kayo dito! Mamamatay kayong lahaaattt!!!!"

Napatakbo si Aimee sa sobrang takot at lumabas ng banyo

Habang tumatakbo si Aimee

nasanggi niya ang isang kasambahay na may hawak ng mga pinggan at nabasag ang mga ito.

Agad humingi ng patawad itong si Aimee

Ngunit bakas sa kanyang mukha ang takot na halos mamumutog na ang kanyang mga mata.

"Ayos lang po mam, ayos lang po ba kayo?"

Pag-aalalang tanong ng kasambahay.

Hindi makaamik ng bahagya si Aimee

"Hmmmm... ayos lang po ako, paumanhin po ulit."

Biglaang pagsalita ni Aimee

Biglang napasugod ang kanyang kasamahan at ang kapitan kasama ang iba

At agad inakay ni Marlon si Aimee.

"Ayos ka lang Aimee? Ano nangyari sayo?"

Pagaalalang tanong ni Marlon

"Wala...o- okay lang ako,bumalik na tayo doon."

Sagot ni Aimee habang balisang balisa dahil sa nangyari kanina

Agad inutusan ni Kapitan ang kasambahay na bigyan ng isang basong tubig si Aimee upang mahimasmasan.

Malalim na ang gabi

Habang nagpapahinga si Aimee at nakahiga sa mahabang kutsyon

Tinitigingin at hinakahawan naman ni Marlon itong si Aimee.

"Kamusta na ang lagay mo?

Tanong na may pag-alala ni Marlon

"Ayos lang ako Marlon.... salamat ha lagi ka nandiyan, haysss... partner talaga kita."

Sagot ni Aimee na may paglambing at pagngiti kay Marlon

"Wala yun, partner nga tayo diba...

Sambit ni Marlon na may pagpisil sa pisngi ni Aimee

"tsaka nga pala ano ba nangyari sayo kanina? Parang nakakita ka ng multo."

Dagdag na patanong ni Marlon na nagtataka.

Hindi muna sinagot ni Aimee ang tanong ni Marlon

"Ahmmm..... kanina kase sa banyo may nakita akong babae. Duguan siya tapos may sinabi siya sakin bago ako tumakbo palabas."

Biglang pagsagot ni Aimee, na tila bumabalik ang takot na nadarama.

"A-anong sinabi niya Aimee?"

Tanong ni Marlon tila natatakot na din.

At sinagot naman bigla ni Aimee na namumutog ulit ang mga mata.

"Lumayas daw tayo dito dahil mamamatay tayong lahat."

Habang masaya ang bisita sa piging ng gabing iyon.

Nagpaalaam muna si Ricky sa kasamahan at lumabas ito upang manigarilyo.

Tumungo siya sa likod bahay ng kapitan at doon nagyosi.

Mapapansin na madilim at masukal na gubat ang pumapaligid sa kanyang kapaligiran.

Habang nagyoyosi siya.

Nararamdaman niya ang lamig ng hangin at nakikita din niya na nagliliwanag ang bilog na buwan.

Ngunit isinawalang bahala niya lamang iyon

Mga ilang minuto.

Napansin niya na parang may tumitingin sa kanya.

Lumakas bigla ang tibok ng puso ni Ricky

Agad tumingin kung saan saan si Ricky.

Napaatras siya at bahagyang lilisanin ang lugar.

Ng biglang...

May bumungad at humampas ng kahoy sa kanyang likod.

Naitapon niya ang hawak niyang sigarilyo at napatumba.

Napasigaw si Ricky sa sakit ng hampas sa kanyang likod

Maya't maya isang yapak ang paparating sa kanya.

Isang lalaki na nakasuot na pormal na damit at nakamaskara.

Umupo ang misteryosong lalaki sa kanyang tabi.

At nagsalita

"Kamusta Ricky? Masyado bang masakit yung paghampas ko sayo?"

Tanong ng lalaki na tila sobrang laki ng boses.

Hindi sinagot ni Ricky ang tanong sa kanya ng lalaki.

Sumigaw lamang ito ng tulong.

"Walang makakarinig sayo. Kahit magsigaw sigaw ka ng tulong diyan, hindi ka nila tutulungan."

Patawang sagot ng lalaki.

"S-si-sino ka?! Bakit mo sa akin ginawa to?"

Tanong ni Ricky na tila naluluha na sa takot at sakit.

Hindi muna agad sinagot ng lalaki ang tanong niya

Nilapit ng lalaki ang mukha nito na nakatakip ng maskara sa mukha ni Ricky.

At biglang sumagot na may pananakot.

"Dahil dapat ka ng ligpitin!"

Pasado mag aalas diyes na ng gabi nagkayayaan na umalis ang grupo.

Ngunit napansin nila na tila wala si pa si Ricky.

"Nasaan na si Ricky? Bakit di pa siya bumabalik?

Tanong ni Direk Carlo na may pag-aalala.

"Diba sabi niya magyoyosi lang siya sa labas?

Sambit ni Louie

"Kaya nga eh, nakakapagtataka naman halos mag-iisang oras na siyang wala."

Maya't maya pa biglang dumating si Berting.

"Direk sabi daw ng tauhan ni Kapitan Emmanuel, nauna na daw siya umuwi sakay ng habal habal.

Sambit ni Berting na nagkukunot pa ng noo.

Nagulat sila sa balita na binigay ni Berting.

"Huh?! Loko loko yon! Iniwan ba naman tayo!"

Pagalit na sambit ng Direktor.

Maya't maya dumating ang kapitan sa kanila.

At nagtanong kung ano ang nagyari.

At sinabi ng direktor ang dahilan

Pagkatapos yaon

Nagpaalam na lamang ang grupo sa bisita at sa kapitan na sila ay aalis na.

Inakay naman ni Marlon habang tumatayo sa kutsyon itong si Aimee.

Habang inaakay ni Marlon ang kanyang partner.

Napansin ni Aimee ang mga litratong nakaframe na nakalagay sa mahabang estante.

At isang litrato ang biglang pumukaw sa kanya ng pansin

Pansin na tila nagulat siya at nanumbalik ang takot.

"Aimee, Anong meron?

Pagtatakang tanong ni Marlon.

"Yung-yung babae sa litrato!"

Sagot ni Aimee na nanginginig ang boses.

Tinignan naman ni Marlon kung saan nakatingin si Aimee.

"Huh? ....Bakit anong meron sa babae na yan? Mukang maganda naman, siguro asawa ni Kapitan yan."

Pabirong sambit ni Marlon

"Kase parang na-nakita ko na siya! Tama ako Nakita ko na siya!

Sambit muli ni Aimee na tila nanginginig pa din ang boses

"Huh? Saan at kelan?

Tanong ni Marlon na tila nahahawa na sa takot ni Aimee

At biglang sumagot muli si Aimee

Na kinagulat ng malala ni Marlon na halos takot na din ang naramdaman.

"SIYA YUNG BABAENG NAKITA KO KANINA SA BANYO!"