Who's that Girl

Pasimple kong sinundan ng tingin si Kensui. Mukhang naghahanap ng mauupuan. Sabi na nga bang concern din sakin ang mokong eh.

Walang pansinan pala huh!

"Sky dalhin na nga natin sa mental tong si Hailey!"

"Bakit?"

"Ngumingiti mag-isa eh!"

"H-huh hindi noh. May naalala lang ako!"

"Sus! Sabihin mo nandito lang si Kuyang Gwapo kaya ka nagkakaganyan!"

" O baka naman yung isa! Ehem nasaan ba? Sayang wala dito!"

"Ano bang sinasabi niyo diyan?"

"Sky may gunting kaba diyan ?"

"Bakit mo naman naitanong Cleo?"

"Gugupitin ko sana tong buhok ni Hailey, masyadong mahaba."

"Hoy Leoncio anong sinasabi mo diyan?"

Yun talaga ang real name ni Cleo. Panglolo di ba?

"Subukan mo lang gupitan tong buhok ko,kakalbuhin kita." Banta ko na siya namang ikinahagalpak ng tawa ng dalawa. Di ko sila maintindihan!

"Ano ka ba Hailey? Di yun ang ibig niyang sabihin?" pagpapakalma sakin ni Sky.

"Ano pa nga bang magagawa ko sayo, eh natural na ang pagiging slow mo."

"Ang cute-cute mo talaga Hailey. Sarap mong isako!"

At nagtawanan silang dalawa.

"Cleo ang sama mo!"

"Joke lang ito naman!"

Feeling ko pinagkakaisahan ako ng dalawang toh.

Nabaling ang atensyon ko kay Kensui na ngayon ay mag-isang nakaupo sa isang table. Wala ba siyang kasamang kumain?

"Tabihan mo beh, magthank you ka naman. Malay mo chance mo na toh diba!"

sabay sundot ni Cleo sa tagiliran ko. Sulsol talaga toh.

"Shhh! Ang ingay niyo!"suway ko sa kanila. Baka kasi marinig niya kami.

"Sige na kasi!"

Pero sa totoo lang nagdadalawang isip pa ako.

"Tatayo na yan! Lalapit na yan!" pang-uulit sakin nung dalawa.

Tatayo na sana ako kaya lang bakit agad-agad parang may tumusok sa dibdib ko. Ang sakit!

"Ano na Hailey?"

"Ay beh taken na pala si kuyang gwapo!" Tinuloy ko na lang yung pagkain ko at isiping di ko siya nakita ngayong araw. Pero di ko maiwasang isipin kung sino yung babaeng kasama niya.

Sino ba siya bakit parang close na close sila?

Kailan niya kaya ako ngingitian ng ganyan tapos kakausapin yung hindi galit?

Kailan ko kaya siya makakasabay kumain?

Bakit ko pa ba tinatanong ang bagay na to eh alam ko naman ang sagot at kailanman hinding-hindi yun mangyayari.

"Infairness beh ang ganda ng girlfriend!" Bulong sakin ni Cleo.

"Sinabi mo pa!"

"Balita ko nga, siya ata yung nanalo ng Ms. CSC last year. First time may nanalong half-British."

"Whoah! Really? O paano ba yan Hailey mukhang si Martino na lang talaga ang pag-asa mo."

Napasimangut na lang ako.

Sinasabi ba nilang di kami bagay ni Kensui?

"Bakit ba ayaw mo kay Martino? Mabait! Hindi boring kasama! Maaalalahanin! Ah ano pa mga ba? Ahmm.... mabait ulit. Di ba Sky?"

"Oo nga Hailey!"

Di ko alam kong kaibigan ko ba tong dalawang toh. Kung kani-kanino na lang ako nirereto.

"Bakit hindi na lang kayo, bakit ako na lang lagi--

"MYLABSSSSSS!"

Halos manlaglag ang panga ko nang makita ang humahangos na paparating.

Sinabing wag babanggiting ang pangalan nun eh. Tamo andyan na naman siya!