Hay! Sa wakas natapos na rin ang nakakapagod na araw!
"Mga beh una na ko huh!" Paalam samin ni Cleo.
"Ah sige bye!"- sabay wave namin ni Sky ng kamay.
"Ah Hailey mauna na ko sayo ha kailangan ko pa kasing magprepare para sa family dinner party namin sa bahay baka gusto mong sumama?"
"Naku Sky hindi na for family nga diba enjoy ka na lang!"
"Family na kita noh, we're friends!"sabay akbay nito sakin.
"Oo na sige! Sige! Ba-bye!"
"Ingat ka huh!"
Bilin niya sakin bago siya tuluyang naglaho sa paningin ko.
Biruin mo, nakasurvive ako ngayong araw na to, ng walang gasgas. Everything is perfect except nalang dun sa nasaksihan ko sa cafeteria.
>>_____<<
Medyo late na kami pinalabas kaya kailangan ko nang magmadali.
Kaya lang...
Aish! Wrong timing naman oh! Ngayon pa ako naihi!
Sigurado akong naisara na ni Sky yung classroom.
Paano ako magc- cr ngayon ayoko ngang abutan sa bus! Ang tanda -tanda ko na oh.
Wait lang pagkakaalam ko may public CR naman dito eh dun na lang.
Pagpasok ko, agad na akong pumasok sa isang cubicle.
Wushuuu! suc- cesss!
*Plasssshhhh*
BLAGG!!
Sandali parang may nalock na pinto!
Hindi naman yun dito diba?
Sandali nga buksan ko na nga yung pinto.
O___________O
Lagot na!
Di naman to nakalock kanina eh!
Nagloloko siguro tong pinto ?
Pero hindi toh magandang biro!
H- hala!
"Hellooooo! May tao ba diyan?"
"Tulong!"
"Nakalock yung pinto. Pabukas naman!"
" B- buksan niyo to pleaseeeeeee!"
Naramdaman ko na lang ang pamamasa ng pisngi ko.
Kasi naman,trippings na naman ba ito? Di na nakakatuwa!
Napasandal na lang ako sa pinto.
"Huk, buksan niyo to huk! Ano bang kasalanan ko?" At tuluyan na akong napahagulhol ng iyak. Pero kailangan kung magbakasakali kailangan makalabas ako rito. Nanginginig na kinuha ko ang cellphone sa bag ko para i-text si Kensui.
"Dapat lang! I don't like any baggage!"
Naalala ko na naman yung sinabi niya kahapon. Ayokong maging pabigat sa kanya, ayokong abalahin siya at higit sa lahat, ayokong magalit siya sakin.
Hindi! Hindi si Kensui! Si Manang na lang.
[Manang si Hailey po ito hindi po ako makauwi. Nakulong po ako sa CR dito sa school.]
Sending...
Sending failed
Lagot na, naalala ko di nga pala ako nakapagload. Paano na to?
May wifi kaya dito sa school?
Ang dami ng wifi connections. Tamang -tama.
#humanapkangwifimo
#afgjhkkk
#Guidanceoffice
#Library
Atbp...
Bakit ganun lahat may password?
Oy may lumabas.
Free Wifi
Yey connected agad!
Machachat ko na nito sina Bakla at Sky.
-The webpage not available-
Hwahhhhh wala na wala ng pag-asang makalabas ka Hailey!
Peke to eh!
Napaangat ako ng mukha.
Uso ang free facebook ngayon uh.
Yes! Eto na maicha-chat ko na sila!
*battery low*
Epal mo, mamaya ka muna mag-inarte uy!
"Hi Cleo ganda tulungan mo naman ako-
*low battery shutdown*
O____________O
"Hwahhhh! Mommmy!"
-------------------------
*PAK*
Aray! Oh yan buti nga sayong lamok ka! Sabing huwag akong kakagatin eh.
Mukhang dito na yata ako mag-oovernight. Wala pa naman akong ilaw. Nakakatakot!
Tiningnan ko ang watch ko. Ito lang ang maliwanag ngayon.
6:32
Di na ako magtataka. Dumidilim na rin kasi. Napatayo ako para hanapin ang switch ng ilaw. Mukhang nahanap ko na, kaya lang bakit malambot, parang goma. Ano toh?
Ehhh!
"AHHHHHHHHHH!"
Nakahawak ako ng butiki. Yuckkkkkkkkk!
Agad kong kinapa ang gripo at hinugasan ko ang kamay ko bago bumalik ulit sa pagkakaupo. Baka kung ano na naman ang mahawakan ko.
*Kruuu*
Gutom na ako!
"Huk*"
Gusto ko nang umuwi!
"Opo Sir, nasa duty po ako ngayon eh. Ah sige po...
Sa-sandali! May tao sa labas!
"Tulong! May tao po ba diyan?"
"May nagkulong po sakin sa CR!"
"Gusto ko na pong umuwiiiiiiii---
*Klang*
Nabuhayan ako nang marinig ang tunog na yun.
Sana dito na yun! Sana narinig niya ako.
Agad akong nasilaw sa liwanag na sumalubong sakin.
Si Manong Guard!
"Hay nakung bata ka, anong ginagawa mo diyan? Gabing -gabi na ah!"
Sa halip na sumagot ay napahagulhol na lang ako ng iyak.
-------------------
"Tahan na iha, huwag ka nang umiyak. Papangit ka niyan."
Pag-aalo sakin ni Manong Guard.
Mula kasi nung nakita niya ako kanina di na ako tumigil.
*Kruuuuuu*
Yung tiyan ko nakakahiya na talaga!
"Nagka-kape ka ba ineng!"
"O-opo!"
"Oh kumain ka muna ng tinapay at inumin mo muna ito."
Agad kong tinanggap yung pakape at patinapay ni Manong guard. Gutom na gutom na talaga ako. Nandito ako sa tapat ng guard house. May iilan-ilang estudyante akong nakikitang pauwi palang.
Pero di talaga ako sanay umuwi ng mag-isa kapag ganitong gabi na.
"Dapat macontact natin yung parents mo iha at nang maipasundo ka na--
"Di na po kailangan! Ako na pong mag-uuwi sa kanya."
Sabay kaming napalingon ni Manong Guard sa nagsalitang yun.