Kakatapos lang niyang mag breakfast mag-isa, lumabas siya ng bahay at tumayo sa balkonahe niya habang nakatitig sa katapat na bahay sa kabilang kalsada. Naroroon pa din ang kotse ni Tia kaya sigurado na nasa loob ng bahay ang dalaga. Alam niya na kahit tumayo siya doon ay hindi siya nito makikita kung saka-sakali dahil bukod sa malayo ang pagitan ng mga bahay nila'y may malalaki at mataas na punong nakaharang kaya hindi siya nito maiispatan. Hindi niya alam kung may idea ito na siya ang nakatira dito, hindi pa din niya mapatawad si Sabrina dahil pakiramdam niya'y sinet-up siya nito para mapalapit siyang muli kay Tianna.
Nang mapasulyap siya sa katabing bahay sa bandang kaliwa'y nakita niya ang isang pulang muscle car na nakaparada sa harapan. Umuwi din pala ang may-ari ng kabilang bahay, naisip niya na Summer kasi kaya siguro nag bakasyon din ito. Wala pang dalawang minute siyang nakatayo doon nang makita niya ang isang sexy at magandang babae na nag jo-jogging, napahinto ito nang makita siya. Nakangiti itong naglakad papunta sa balkonahe niya. Huli na para umiwas, wala pa naman siyang gana na makipag kwentuhan sa kahit na sino pero mukhang friendly naman ito at mukhang mabait.
"Hi Neighborhood." Bati nito sa kanya. Kumaway pa ito. Nakatingin lang naman siya dito. "Ikaw ba ang nakabili ng bahay na 'yan?" Tanong nito sa kanya. Nasa labas ito ng balkonahe niya at nag i-stretching sa harapan niya.
"Hindi. Sinira ko lang 'yung pinto nung bahay para makapasok ako, intruder kasi ako eh." Sarcastic na sagot niya dito. Pero imbes na mainis ang kausap sa sagot niya'y humagikgik ito na parang bata.
"Mapagbiro ka pala neighbor." Tumatawa pa ding sabi nito sa kanya. Umakyat ito sa hagdan ng balkonahe niya kahit hindi niya ito ini-invite. "Ako nga pala si Cory Chavez. Ako ang nakatira diyan sa kabilang bahay." Pagpapakilala nito sa sarili. "Nanonood ka ba ng Strawberry Gang show?" Tanong nito sa kanya. Alam niya na isa itong sikat na Sexy Comedian, hindi nga lang niya ito masyadong kilala dahil hindi naman siya mahilig manood ng TV at lalong hindi siya mahilig sa mga artista.
"Hindi. Boring kasi akong tao, wala akong kahilig hilig sa mga ganyang bagay." Iniisip niya na kung magiging sarcastic siya dito'y titigilan siya nito at aalis na lang, pero mukhang hindi marunong makaramdam ang dalaga.
"Manood ka n'on para matawa ka."
Hindi naman siya kumibo. Nakatitig lang siya sa dalaga. Para naman itong napahiya ng slight at nagulat na lamang siya nang bigla itong kumanta sa harapan niya ng I'll never love this way again. Sintunado ito at masakit sa tenga ang boses. Feel na feel pa nito ang pagkanta habang siya'y salubong ang kilay na nakatitig lamang dito.
"What are you doing?" Iritableng tanong niya dito.
Tumigil naman ito sa pagkanta at napatingin sa kanya. Natawa sa sarili at malakas siyang tinapik sa braso. Napasulyap siya sa braso niyang tinapik nito at tsaka tinitigan ito ng masama.
"Ikaw naman, I'm just trying to make you laugh."
"Hindi ako natatawa."
Tinakpan nito ang bibig at muling humagikgik. "Tama nga 'ata 'yung sinabi ni Direk na boba akong comedian." Anito na sinundan pa ng tawa.
"Kilala mo ba 'yung may-ari nung Tudor sa tapat?" Tanong nito sa kanya. "Sabi nung Ahente ng bahay ko, Mobster daw 'yung nakatira diyan. Actually gustong gusto ko talaga makakita ng Mobster sa personal, 'yung parang mga nasa Godfather, si Al Capone, John Dillinger, Jesse James..."
"Hindi ko sila kilala." Aniya. Huminga siya ng malalim tanda nang pagkabagot sa kausap pero hindi pa din ito nakakahalata na ayaw na niyang makipag-usap pa dito.
"Ano nga palang name mo?" Tanong nito sa kanya.
"Althea."
"Wow, alam mo ba na 'yan ang gusto kong maging name ng magiging anak ko kapag nabuntis ako? The only problem is wala akong boyfriend." Muli itong tumawa ng malakas, muli naman siyang bumuntong hininga.
Nagulat siya nang bigla siyang hawakan sa kamay ni Cory at hilahin pababa ng Balkonahe niya. "Tara, mag spy tayo d'un sa kabilang bahay, let's see kung may tinatago siyang dead bodies inside her house."
"What?"
Wala na siyang nagawa pa, hawak hawak ni Cory nang mahigpit ang kamay niya at hila hila siya nito patawid sa kalsada. Nagtago pa sila sa makakapal na halamang Santan at sinilip ang bahay.
"Cory, mapapahamak tayo sa ginagawa mo..." Aniya dito, hindi lang niya masabi sa dalaga na kilala niya ang may-ari ng Tudor style house na mamanmanan nila dahil ayaw niyang mag kwento dito dahil malamang, magtatanong at magtatanong ito sa kanya.
"Sssshhhh 'wag kang maingay. Pangarap ko 'to eh, 'yung maging spy, 'yung secret agent." Anito sa kanya.
Nakayukod na naglakad ito papasok sa driveway ni Tia. Naiwan siya sa likod ng halamanan.
"Cory, Cory..." Mahinang tawag niya sa dalaga pero hindi siya nito pinakinggan. Napilitan naman siya na sundan ito. Kapag nakita ito ni Tia na nagmamanman sa labas ng bahay nito'y siguradong mayayari si Cory at kahit naman intrimitida ito'y hindi naman niya ito gustong mapahamak.
Sumilip sila sa glass windor ng bahay. Walang tao sa sala, naglakad sila paikot, papunta sa likod nang dalawang Japanese Spitz ang biglang lumabas sa bukas na pintuan at hinabol sila. Mabilis silang tumakbo papunta sa lake, pero hinahabol pa din sila ng dalawang aso, nagtago sila sa likod ng bushes, nakiramdam, naririnig pa din nila ang mga aso na tumatahol. Gusto niyang upakan si Cory dahil ipapahamak sila nito. Nakita niya ang isang bucket ng tubig na ginagamit sa pag fishing na nasa gilid ng lake.
"Ayun, buhusan natin ng tubig para mabugaw." Sabi nito sa kanya ni Cory. Nakatungko na dahan dahan niyang kinuha ang bucket at sinalukan ito ng tubig at tsaka bumalik sa tabi ni Cory. Tumahimik ang paligid. Nawala na ang tahol ng mga aso, dahan dahan nilang hinawi ang bushes at sabay silang napatili ni Cory at napaupo sa lupa nang lumusot doon ang mukha ng isang aso at malakas silang tinahulan. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang bucket ng tubig at ibinuhos iyon sa direksyon ng mga aso, huli na nang mapansin niya na naroroon si Tianna at nakatayo, hawak hawak ang kadena ng dalawang aso. Ito ang nabuhusan niya ng tubig.
Pareho silang napatda ni Cory, hindi sila agad nakakilos lalo na nang inis na inis na pinunasan ng isang kamay ni Tia ang basang basa nitong mukha at tumitig sa kanila ng masama.
"We're dead Althea, kung maka survive ka paki sabi sa Mommy ko na mahal na mahal ko siya..." Nakatulala kay Tia na sabi sa kanya ni Cory.
Titig na titig sa kanila ng masama si Tia. Kinuha naman ni Cory ang bucket at sumalok sa lake at tsaka ito ibinuhos sa kanilang dalawa.
"What the fuck..." gulat na sabi niya kay Cory.
"Basa na tayo pare-pareho, patawarin mo na kami..."
"Idiot..." bulong niya kay Cory habang sinusuklay ng daliri ang nabasang buhok. Hindi naman ito umimik.
Saglit na katahimikan.
"Ano bang ginagawa n'yo?!" Sigaw ni Tia sa kanila. Sabay pa silang nagulat sa pagsigaw nito.
"Hinabol kami ng mga aso mo..." Paliwanag niya.
"Hindi naman kayo hahabulin niyan kung hindi kayo nag trespass sa bahay ko."
"Bakit kasi hindi mo kinakadena ang dalawang 'yan?"
"At mga aso ko pa ang mag a-adjust talaga sa mga intruders na kagaya n'yo?"
"Intruders talaga? Hindi ba p'wedeng tsismosa lang?" Tanong dito ni Cory.
Impatient na napatingin dito si Tia.
"We're sorry, okay na tayo?" tanong niya dito. Sa kanya naman tumingin si Tia.
"Ganyan naman kayong mga babae, gusto n'yo maging maayos ang lahat agad agad sa isang sorry n'yo lang."
"Bakit? Ano pa bang gusto mong gawin ko? Lumuhod sa harapan mo para mapatawad mo? Kung ayaw mo akong patawarin choice mo na 'yun. I've done my part, ano pa bang gusto mo?"
"Parang utang na loob ko pa na nag sorry ka sa akin ah. Okay, salamat ha sa sorry mo, nakakahiya naman sa 'yo."
"Alam ko na malaki ang nagawa kong kasalanan sa 'yo, pare-pareho lang tayong nasaktan dito, ano bang akala mo sa akin? Manhid? Walang pakiramdam?"
"Sandali, sandali... napakalaki na ba ng nagawa nating kasalanan Althea?" Nalilitong tanong ni Cory sa kanya. Sabay nilang tinignan ito ni Tia at sabay din nila itong sinabihan ng; "Shut up."
"I already told you 'di ba na I want you out of my life, tapos malalaman ko ngayon na kapitbahay lang kita dito? Sinusundan mo ba ako Althea? Para ano? Para i-seduce ulit? Para akitin at paibigin at paasahin para sa huli, ipagpalit mo lang ako sa iba?"
"Coincidence lang na naging magkapitbahay tayo dito 'wag kang assuming, Sabrina set us up. If I know, ikaw ang nag-utos kay Sabrina na dito ako pabilihin ng bahay para mapalapit ako sa 'yo ulit."
Napatitig sa kanya si Tia, sarcastic na tumawa ito at umiling iling.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Cory sa kanilang dalawa. Muntik na niyang makalimutan na naroroon pala ang dalaga.
"We used to." Sabi ni Tia sabay talikod nito sa kanila hatak hatak ang dalawang aso nito.
Inis na inis naman na tumawid na siya sa kabilang kalsada, nakasunod pa din sa kanya si Cory.
"Wow, plot twist. Ang cute naman ng story n'yo. Mag ex kayo? Ngayon lang ako nakakilala ng Lesbian and you're both hot and beautiful, akala ko kasi sa mga lesbian mga mukhang boy, pa macho, mukhang lalaki, amoy lalaki..."
"You never give up, don't you?" Naiinis nang tanong niya dito.
"Hey, I just want us to be friends, that's all folks."
"I don't need friends, I just want to be alone." Aniya dito at tsaka niya ito tinalikuran at naglakad paakyat ng balkonahe niya. Hindi naman na sumunod sa kanya si Cory pero muli siya nitong tinawag.
"Althea, hey... Althea!"
"What?" Inis na talaga siya.
"Do you know how to bake a cake? Marunong ako, we can hang out sometime, tuturuan kita." Nakangiti pa din nitong sabi sa kanya.
Inirapan niya ito. "Give me a break." Aniya dito sabay talikod at tuloy tuloy na pumasok na sa loob ng kanyang bahay.
.
.
.
.
.
"Akala ko ba marunong kang mag bake?" Iritableng tanong niya kay Cory na titig na titig sa screen ng ipad nito habang sinusundan ang instructions ng Food blogger sa you tube.
Nagkalat na ang baking powder, flour at butter sa kitchen counter, pareho na ding maputi ang mga mukha nila dahil sa harina.
"Three eggs daw..." At nagbasag ito ng itlog at inilagay sa mixing bowl.
"Isinama mo 'yung shell ano ka ba?"
"Hayaan mo na talo talo na 'yan."
Inalis niya ang shell ng itlog sa bowl at hinalo halo iyon. "Oh ganito ba?" Tanong niya kay Cory.
"Oo daw, tapos lagyan daw ng butter." At nilagyan nito ng isang buong dairy cream ang bowl.
"Ganito daw ba talaga karami?" Alangan na tanong niya dito.
"Ewan ko, tang ina kasi nitong blogger na 'to ang bilis magsalita hindi ko masundan." Reklamo nito.
Binitawan niya ang bowl at nagpagpag ng kamay, ipinunas niya ang kamay sa shorts. "Ayoko na, wala namang pinapatunguhan 'tong gnagawa natin."
"Kailangan nating makapag bake ng cake para may maibigay tayo kay d'un sa Ex mo na pinagpalit mo sa iba." Kaswal na sabi nito sa kanya habang nakatitig pa din sa ipad nito. Gusto niya itong dagukan ng matindi sa ulo, napaka inosente kasi nito at tatanga tanga na hindi nito pinag-iisipan ang sinasabi at ginagawa.
"Kailangan talaga ipagdiinang ipinagpalit ko sa iba?"
"Iyon ang sabi niya, inulit ko lang naman."
Inirapan niya si Cory. Binuksan niya ang ref nito, kumuha ng isang bote ng san mig light at ininom iyon.
"I gave up. Oorder na lang ako ng cake sa Cinnamon county, iyon ang ibibigay natin sa ex mo."
"Her name is Tia."
Tumingin sa kanya si Cory at ngumiti. "Alam mo, infairness, bagay kayo. Noon hindi ako aware na p'wede palang maging bagay ang dalawang babae pero nung tinitignan ko kayo kanina, well, you complement each other very well."
Hindi naman siya kumibo. Lumapit siya sa bintana ng kitchen nito at hinawi ang kurtina, sinilip ang bahay ni Tia. Naroroon ang dalaga sa driveway nito at naglilinis ng kotse.
Lumapit naman sa kanya si Cory at nakisilip din sa bintana.
"Ang hot ng ex mo ha." Sabi nito sa kanya.
"Oo, hot siya at hot headed din."
Nagkatinginan sila ni Cory at nagtawanan.
"Halata naman eh. Pero mukha naman na ang laki ng pagkaka crush mo pa din sa kanya."
"Ano ako highschool? Crush?"
"Eh ano pala? Love?"
Inirapan niya si Cory. Umalis siya sa tabi ng bintana at bumalik sa kitchen counter. Hinawakan naman siya ni Cory sa kamay at hinila palabas.
"Saan na naman tayo pupunta?" Tanong niya dito.
"Magpapapansin tayo sa crush mo."
"Ano ba, nakakahiya..."
"Hindi 'yan, kunwari pupunta tayo d'un sa flower shop. Basta act natural lang huwag kang papahalata."
Naglakad sila sa gilid ng kalsada, napatingin naman sa kanila si Tia habang naglalakad sila, napatingin din siya dito. Pasimple naman siyang siniko ni Cory sa tagiliran.
"Huwag mong tignan, malandi ka din eh, no eye contact, act naturally nga 'di ba?" Suway nito sa kanya. Agad naman niyang inalis ang tingin kay Tia pero alam niya na sinusundan sila nito ng tingin.
Nagpunta sila sa flower shop at tumingin tingin sa mga bulaklak na naroroon, nakipag kwentuhan din sila sa dalawang matanda na may-ari ng shop.
Bumili si Cory ng white orchids na nasa paso at wala na siyang nagawa pa kundi sundan ito nang maglakad ito palapit kay Tia.
"Hi, peace offering naming ni Althea." At inabot nito kay Tia ang paso. Tinignan lang sila ni Tia saglit at tsaka nito itinuloy ang paglilinis ng sasakyan.
Pinagmasdan niya ang dalaga. Naka maiksi itong short at white t-shirt. Naka pony tail ang buhok nito at nakasuot ng pulang cap. Basang basa ito ng pawis. Napatitig siya sa mga tattoo nito sa braso at binti. Malalim siyang napabuntong hininga. Physically attracted pa din siya dito, hindi na 'ata talaga mawawala ang attraction na iyon sa kanya.
Inilapag ni Cory ang paso ng orchids sa gilid ng driveway nito. Pinulot nito ang hose at inabot sa kanya. "Tutulungan ka daw ni Althea sa paglilinis ng kotse mo." Anito. Tinignan niya si Cory at pinanlakihan ito ng mata, tumawa naman ito ng walang sound. Si Tia naman ay hindi pa din sila pinapansing dalawa. Hindi niya napansin na binuksan na ni Cory ang gripo na pinagkakabitan ng hose at todo ang ginawa nitong pagpihit kaya pumuswit ng malakas ang tubig na nakatutok kay Tia, tumama ang tubig sa mukha ng dalaga, natanggal pa sa pagkakakabit ang cap nito.
"Shit, shit!" Sigaw ni Cory at agad nitong pinatay ang gripo.
Inis na inis naman na tinitigan siya ng masama ni Tia. "Ano ba, nananadya ba talaga kayong dalawa?!" Bulyaw nito sa kanila. Agad naman niyang binitawan ang hose.
Inis na pinulot ito ni Tia at lumapit sa gripo, binuksan iyon at tsaka itinutok ito kay Cory na nagtatakbo palapit sa kanya, hindi naman ito nilubayan ni Tia hanggang sa pati siya ay nabasa na din ng tubig.
"Tia, stop, stop it!" Pilit niyang hinaharangan ng kamay ang tubig na nanggagaling sa hose. Narinig niya na tumatawa na si Tia habang binabasa sila nito.
Tatakbo na sana sila ni Cory palayo nang habulin sila ni Tianna, she grabbed her waist gamit ang isa nitong braso at isinalya siya sa hood ng kotse nito. Magkadikit ang katawan nila, nasa ibabaw niya ito at tumatawa nitong itinutok ang hose sa mukha niya. Masakit ang malakas na pressure ng tubig sa balat niya kaya malakas na hinawi niya ito ng kamay niya. Nabitawan naman ito ni Tia, pero hindi siya nito binitawan sa halip, hinawakan ng dalawa nitong kamay ang magkabilaan niyang braso at inilapit ang mukha nito sa kanya.
"Ano, gusto mo pa ng basaan?" Nang-aasar na tanong nito sa kanya. Hindi siya nakakibo dahil kahit na pilit niyang i-deny sa sarili niya'y apektado siya nang pagkakalapit ng mga katawan nilang dalawa.
Sabay silang natigilan ni Tia. Nagkatitigan.
"Awkward." Narinig nilang komento ni Cory. Agad siyang binitawan nito at umayos sa pagkakatayo, siya man ay umalis sa pagkakahiga niya sa ibabaw ng hood ng kotse nito at mabilis na naglakad palapit kay Cory. Hinatak ang kamay nito at walang lingon likod na tumawid na sila ng kalsada.
"Uy, nag ba-blush ka." Pang-aasar ni Cory sa kanya.
"Shut up." Inis na sabi niya dito.
"Nagkakaroon ka lang ng blood rush kapag na e-excite ka, na excite ka bas a scene ninyo ni Tia kanina?" Nang-aasar pa din na tanong nito sa kanya.
Binitawan niya ito sa kamay at inis na tinitigan ang dalaga.
"You know nothing Cory." Ang tangin nasabi na lamang niya dito.
.
.
.
.
.
-tobecontinued-