Tahimik siyang nakaupo sa sofa niya at nagbabasa ng libro habang umiinom ng wine, mahinang tumutugtog ang playlist ni Adele sa speaker na nakakonekta sa CP niya. It was one of her intimate moment with herself na never niyang na enjoy before. She's alone in a very quiet place, malapit sa nature, wala siyang iniisip na mission na kailangan niyang tapusin, she's in peace...
Bigla siyang natigilan nang maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya. Sa tinagal tagal na nag trabaho siya sa S.I.S ay sobra siyang na trained makiramdam sa kapaligiran, iniikot niya ang paningin na mata lang ang ginagamit, napakunot ang noo niya nang may makita siyang mga dahon ng halaman sa bintana ng kanyang sala. Wala naman siyang halaman malapit doon, nakiramdam siya, inihanda ang kamay na hugutin ang maliit na automatic knife na nasa bulsa ng denim short niya. Hindi siya kumilos, nanatili siyang nakikiramdam. Mula sa peripheral view niya'y nakita niya na gumalaw ang mga dahon ng halaman, binigla siyang humarap dito kasabay nang pag-angat ng dahon at nakita niya ang mukha ni Cory na may fedora hat, naka attached ang mga dahon ng halaman sa tuktok ng sombrero nito.
"What the fuck Cory!" Sigaw niya dito dahil kapwa sila nagkagulatang dalawa. Buti na lang at hindi niya ito ini-spin ng knife kundi'y siguradong mapapatay niya ito.
Tumayo siya at nilapitan ang dalaga sa bintana.
"What are you doing stupid?!"
"Sneaking out, spying on you." Seryosong sabi nito. Binigyan niya ito ng warning look, bigla naman itong tumawa ng malakas.
Pinagbuksan niya ito ng pintuan, pumasok naman ang dalaga at pasalampak na naupo sa sofa niya. Inagaw niya ang fedora hat nito at pinagmasdan ito.
"Ano 'to?" Disgusted na tanong niya sa dalaga.
"Eh 'di camouflage."
Natatawa niyang inihagis dito ang fedora hat at naupo sa tabi ng dalaga. May dala itong paper bag. Iniabot ito sa kanya ng dalaga.
"What is this?"
"Costume para sa mission natin."
"Mission?"
"Mission 101, akitin si Tianna Recova."
Kinuha niya ang nasa loob ng paper bag. It was a sexy, black leather cat woman costume.
"You're fucking kidding me." Hindi siya makapaniwala na sabi dito.
"Seduce her para magkabalikan na kayong dalawa."
"Did I say anything about me wanting us to get back together?"
"Wala. Pero you don't have to say anything naman kasi I can see it in your eyes na gusto mong magkabalikan kayo."
"Give me a break Cory." At ibinalik niya dito ang costume pero ipinilit ito sa kanya ni Cory.
"Give it a try Althea, malay mo kapag nagkabalikan na kayo that's the time you'll gonna be happy again."
Tinitigan niya si Cory sa mukha. Naramdaman niya ang sincerity sa concern nito sa kanya.
"What am I supposed to do with it?" Tanong niya sa dalaga.
"Give her a sexy dance."
"Sexy dance?"
Tumayo si Cory at tinanggal sa pagkakakonekta ang CP niya sa speaker, ipinalit nito ang sariling CP at tsaka nagpatugtog. Pumailanlang ang I'm not in love ng 10cc. Tumayo sa harapan niya si Cory at ngumiti.
"Let me teach you how to do it." Sabi nito.
Nagsimula itong mag sexy dance sa harapan niya. Nakatitig lang siya sa dalaga. Gusto niyang mapabunghalit ng tawa sa ginagawa nito dahil hindi ito marunong magsayaw, matigas ang katawan nito, hindi marunong gumiling, hindi nakakaakit ang ginagawa nito kundi nakakatawa, mukha itong trying hard na centrefold dancer sa isang super cheap na club sa probinsiya.
Tumayo siya at naghalukipkip habang nakatitig dito. Binigyan pa siya nito ng kunwaring sexy look na hindi naman effective dahil nagmukha lang itong constipated, pervert na exhibitionist. Dinampot niya ang remote control ng speaker na nasa center table at pinatay ang tugtog. Nagtataka naman na napatitig sa kanya si Cory.
"Oh bakit mo pinatay?" Tanong nito sa kanya.
"Don't do that again." Aniya.
Inirapan naman siya ni Cory at inagaw ang remote control sa kamay niya at muling nagpatugtog. Muli itong nagsayaw sa harapan niya. Inis na pinitik niya ito sa magkabilaan nitong tenga.
"Aray!"
"Get out." Hinawakan niya ito sa braso at pinagtulakan palabas ng pintuan niya pero kumapit ito sa gilid ng pinto para hindi niya ito tuluyang maitulak palabas.
"Give me another chance..."
Huminga siya ng malalim at binitawan ang dalaga, nagmamadali naman itong pumasok muli sa bahay niya at dumiretso sa kusina niya.
"Magluluto na nga lang ako ng popcorn." Anito.
Naupo siya sa Kitchen counter habang hinihintay nila ang isinalang nitong popcorn.
"Alam mo Althea, super bagay kayo ni Tia, isa pa halata naman na mahal ka pa niya eh, pareho pa din kayong bitter sa isa't-isa."
Hindi siya kumibo. Matipid lang niyang nginitian si Cory.
"Alam mo iniisip ko na mag pa house party tomorrow, iinvite ko si Tia, it's your chance baby para i-seduce siya."
"Hindi ka talaga nag gi-give up no?"
"Ship ko kayo eh."
"Nakita mo naman siguro na galit siya sa akin 'di ba? Paano ko siya ise-seduce sa tingin mo?"
"Through sexy dance nga."
"With that stupid sexy dance?"
"Kung maka stupid naman 'to akala mo may alam." At inis na inirapan siya ni Cory. Natawa na lang siya sa sinabi nito. Hindi kasi nito alam na bihasa siya sa pang-aakit, sa sexy dance, sa pang se-seduce, ilang beses na niyang ginawa iyon sa mga mission niya sa S.I.S at never na nag fail ang tactics niyang iyon.
Tumayo si Cory at inilagay ang popcorn sa bowl. Naupo silang muli sa Sofa. Naisip niya na pakitaan si Cory, pag ti-tripan niya lang ang dalaga. Kinuha niya ang catwoman costume.
"I'll try then tell me kung papasa ba." Aniya, nakangiti namang tumango tango si Cory.
Pumasok siya ng Comfort room at isinuot ang costume pati ang mask nito. Paglabas niya'y nakita niya ang amusement at satisfaction sa mukha ni Cory.
"Wow Althea, I didn't expect that, ang sexy mo pala!"
Hindi siya kumibo. Pinalitan niya ng Call out my name ng The Weeknd ang tugtog. Tumayo siya sa harapan ni Cory at ipinatong ang isang paa sa gilid ng center table at tsaka siya nag start na mag slow dance sa umpisa, sa bandang chorus na siya gumiling. Napanganga si Cory at nahulog sa sahig ang kinakain nitong popcorn. Parang hindi ito makapaniwala na magaling siya sa sexy dance, kahit nga sa pole dance, lap dance at striptease ay magaling siya, hindi na bago sa kanya ang ganoong gawain. Fourteen years old pa lang siya'y ginagawa na niya iyon.
Nang matapos siya'y nakanganga pa din sa kanya si Cory at hindi na nito naisubo ang popcorn na hawak hawak.
Hinubad niya ang mask at nakangiting nagtanong dito.
"Ano? How was it? Was it good?"
"That was so fucking amazing Althea." Ang tanging nasabi nito. Tumawa siya. Naupo siya sa tabi ni Cory at nakikain sa popcorn nito.
"May IG ka ba or FB Althea?" Tanong nito sa kanya.
"Wala, hindi ako mahilig sa social media."
"Gawan kita, tapos ang username mo is Catwoman."
Natawa siya at umiling iling. Kung ano ano na lang ang naiisip ni Cory.
"Punta tayo sa bahay, pictorial tayo suot mo 'yang costume."
Nag-isip siya. Iyon naman ang gusto niya 'di ba? Magkaroon ng normal na buhay? Ma expose sa mundong hindi niya nakita at na enjoy noon? Nag slow clap pa si Cory nang marahan siyang tumango.
Nagpalit siyang muli ng damit at nagpunta na sila sa bahay ni Cory. May manual camera ito, pinicturan siya nito, hindi pa ang catwoman costume ang pinasuot nito sa kanya, pinasuot siya nito ng iba't-ibang damit, dress, casual wear at kung ano ano pa at tsaka sila gumawa ng IG account niya. Nag post ito ng picture niya at tinadtad ng hashtag para daw mas ma expose ang picture niya sa ibang users. Hindi nga nagtagal ay dinumog na nang likes at follows ang notification niya. Nakakakilig na nakakatuwa, hindi niya ine-expect na ma e-enjoy niya ang ganoong klaseng feeling.
"Oh time for Catwoman na." Anito sa kanya.
Kinuha niya ang costume ni Catwoman at umakyat sa kwarto ni Cory para magbihis. Napapangiti pa siya sa sarili niya dahil ngayon niya lamang iyon na experience, ang magkaroon ng kaibigan, ang gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga normal na babaeng nabubuhay sa normal na mundo.
Para tuloy siyang teenager na ngayon pa lang nakawala sa super strict na parents nito. And she likes it, more than she expected.
.
.
.
.
.
Tinitignan niya sa camera niya ang mga shots ni Althea, she really is a very beautiful girl and she like her. For the first time in her life ay nagkaroon siya ng kaibigan na hindi taga showbiz, kahit na madalas na masungit ito at distant ay nararamdaman naman niya na totoo ito, ang lahat ng ipinapakita nito sa kanya ay totoo at hindi peke. She really wished na sana ay magkabalikan ito at si Tia. Hindi man niya alam ang totoong story ng dalawa'y gusto niya na makitang magkasama ang dalawa at masaya. They all deserve to be happy anyway.
Tatlong mahihinang katok ang narinig niya sa pintuan niya. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Nagulat pa siya nang makitang si Tia ang naroroon. Madungis ito, may putik ang damit at shorts nito, pati ang white sneakers nito ay maputik din, ang mukha at leeg ng dalaga pati buhok ay hindi nakaligtas sa putik. Saan kayang babuyan ito naglublob? Tanong niya sa sarili.
"Yes?"
"Cory? Cory right?"
Marahan siyang tumango.
"Look, nahulog ako sa gilid ng lake and I lost my keys..." Hindi nito maituloy tuloy ang sasabihin dahil halatang hindi ito sanay na humingi ng tulong at pabor sa ibang tao. "Allergic ako sa mud, kailangan kong maligo kung hindi mamamantal na ako maya maya..."
"Eh 'di d'un ka sa gripo sa driveway mo maligo." Suhestiyon niya dito, pagsasarhan na sana niya ito ng pinto nang iharang nito ang braso sa pintuan.
"Kailangan kong magsabon... and a pair of clean clothes."
Tinaasan niya ito ng kilay. Hinihintay niya lang na magsabi ito sa kanya at makiusap, tutulungan naman niya ito.
"I need your help."
Napangiti siya dito at tsaka niya ito pinapasok sa loob ng bahay niya. Itinuro niya ang comfort room na malapit sa kitchen. Agad naman na pumasok doon ang dalaga. Umakyat siya sa kwarto niya, nakita niya si Althea na nagbibihis sa harapan ng salamin niya. Hindi niya sinabi na nasa comfort room sa baba si Tia at baka bigla itong umalis. Pasimple siyang kumuha ng towel, t-shirt at short at tsaka siya bumabang muli, papunta na sana siya sa comfort room nang tumawag sa kanya ang Manager niya, ipinatong niya sa center table ang towel at damit at tsaka siya lumabas ng bahay niya dahil nag cu-cut ang line sa loob.
"Sandali, sandali... choppy nga 'yung line aakyat pa ako sa puno peste!"
.
.
.
.
.
Tapos na siyang maligo at inanlawan na din niya ang damit niya na puno ng putik. Tinignan niya sa salamin ang bandang leeg niya na nagsisimula nang mamula at magkaroon ng maliliit na pantal. Huminga siya ng malalim at binuksan ang pinto ng CR. Ang sabi ni Cory ay aabutan siya nito ng towel at damit na ipapahiram nito sa kanya pero hindi na siya binalikan ng dalaga. Walang tao sa labas, inilabas pa niya ang ulo sa pinto at natanaw niya ang towel at damit na nakapatong sa center table sa sala. Ang walanghiyang Cory hindi man lang inilapit ang mga ito sa kanya.
"Cory... Cory..." Halos paanas lang na tawag niya dito, pero walang sumasagot. Muli siyang huminga ng malalim at kahit nakahubad ay lumabas siya ng Comfort room, kailangan niyang bilisan at baka biglang bumalik si Cory at makita siya nito na nakahubad, nakakahiya!
Patakbo siyang lumapit sa center table at hindi na niya napansin ang isang babae na naka costume ng Catwoman na mabilis na bumababa ng hagdan, nagkabungguan sila, napayakap ito sa kanya at parang papel na dumulas ito pababa sa katawan niya tsaka sila sabay na nabuwal sa sahig na magkapatong. Nasa ibabaw niya ito.
Saglit silang nagkatitigan, parang pansumandaling huminto ang mundo nilang dalawa sa pag-ikot, hinubad niya ang mask nito sa mukha at nang makitang si Althea ito ay sabay silang napasigaw ng malakas.
"My goodness Tia!"
"What the hell..."
Sabay bukas ng pintuan at pumasok dito si Cory na napatili nang makita sila.
"What are you doing?!" Sigaw nito sabay takip ng mata.
Mabilis naman na tumayo si Althea mula sa pagkakapatong sa kanya, tumayo din naman siya agad. Inalis ni Cory ang kamay na nakatakip sa mata at nang makita nitong muli ang hubad niyang katawan ay muli itong tumili.
Bigla siyang nalito, hindi niya alam ang gagawin. Nang mapasulyap siya kay Althea ay nahuli niya itong tinititigan ang katawan niya, nang umakyat ang mata nito sa mukha niya at makitang nakatitig siya dito'y tsaka lamang ito sumigaw na kunwari ay nagulat.
"Good grief!"
Agad niyang hinablot ang towel sa center table at tinakpan ang katawan. Kinuha niya ang damit at patakbong pumasok muli sa Comfort room. Pagkasara ng pintuan ay doon lamang siya nakahinga ng maluwang. At noong mga sandaling iyon ay hiniling niya na sana'y kainin na siya ng lupa sa matindin kahihiyan na dinanas niya sa harapan ni Cory, lalo na sa harapan ni Althea.
.
.
.
.
.
Walang kibuan silang magkatabing nakaupo ni Cory sa Sofa nito, hinihintay ang paglabas ni Tia sa comfort room. Nakapagpalit na siya ng damit, hinubad na niya ang costume na suot suot.
"Ang hot ni Tia, grabe..."
Hindi siya nagsalita. Dalawang taon mahigit na niyang hindi nakikita ang katawan nito, ngayon na lamang ulit at para siyang binuhusan kanina ng mainit na tubig sa katawan. Bigla niyang nahiling na sana'y hindi na lang siya nakasuot ng costume ni Catwoman, na sana'y nakahubad na din lang siya para sana mas maramdamdaman niya si Tia.
Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa sarili sa mga naiisip.
"Halata ka kanina Althea." Sabi ni Cory sa mahinang tinig.
"Halata?"
"Ako nung nakita kong nakahubad si Tia, initial reaction ko s'yempre magugulat ako at sisigaw, ikaw mas inuna mo pang tignan ang katawan ng ex mong pinagpalit mo sa iba tsaka ka sisigaw kunwari na parang nagulat eh halata ka naman, ang peke mo kanina, swear."
"I'm not checking her body out, excuse me." Depensa niya.
"I saw you checking her out, stop denying it to me and to yourself."
Natahimik sila nang lumabas si Tia sa comfort room. Namumula pa din ang pisngi nito. Alam niya na hiyang hiya si Tia, kahit naman barumbada ito'y mahiyain ito deep inside.
Nagkatitigan sila, sabay din silang nag-iwas ng tingin.
"I can unlock your doors." Aniya dito.
"Sure you can." Sarcastic na sabi nito.
"I'm offering you a hand Tia, hindi mo kailangang maging sarcastic sa akin."
Humingi siya kay Cory ng perdible, nang iabot ito sa kanya ng dalaga'y lumabas na siya ng bahay nito, sumunod naman sa kanya si Tia. Si Cory naman ay hindi na sumama sa kanilang dalawa. Dumiretso siya sa bahay ni Tia, chineck ang pintuan nito, kinuha niya ang automatic knife sa bulsa ng short niya, sensitive ang alarm ng bahay ni Tia, once na mahawakan mo ito ay tutunog ito at automatic na magbibigay ito ng signal sa security ng Village at ayaw nilang mahassle kaya maingat niyang binuksan ito gamit ang knife niya at may ginawa siya sa mga wire sa loob nito para hindi ito tumunog at mag alarm kapag dinisrangka na niya ang pintuan ni Tia.
Nang masiguradong hindi na tutunog ang alarm nito'y tsaka niya ipinasok ang perdible sa keyhole ng doorknob, may kinapa sa loob at wala pang isang minuto'y nabuksan na niya ang pintuan nito.
"There you go." Aniya. "You owe me one." Aniya dito.
Titig na titig naman sa kanya si Tia. Para siyang hinuhubaran nang mga mata nito, nakaramdam siya nang pagkailang.
"Why are you looking at me like that?" Tanong niya dito.
"From Poison Ivy to Catwoman real quick." Anito sa kanya. Naghalukipkip ito, hindi pa din nito inaalis ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya. "From Tianna Recova to Tala Encarnacion real quick." Nagiging sarcastic na naman ito sa kanya. Inirapan niya ito at tinalikuran na ang dalaga pero agad siya nitong pinigilan sa braso.
"Hey, where do you think you're going?" Tanong nito sa kanya.
"Lalayas, mag wa-walk out, aalis, lalayuan ka."
"Diyan ka naman magaling eh, 'yung mag walked out palabas sa buhay ko."
"Let's cut this crap Tia, kung hindi mo na ako mapapatawad bahala ka, tapos na din naman ang role ko sa buhay mo kaya just let me go in peace."
"I owe you one, remember?" At tsaka siya nito hinatak palapit dito, she thought she'll gonna kiss her pero hindi, nginitian lang siya nito na may kasamang pang-aasar at tsaka siya hinatak papasok sa bahay nito.
"Sit down." Anito sa kanya at pwersahan siyang pinaupo sa sofa nito na gawa sa velvet leather. Minimalist ang design ng loob ng bahay nito. Simple pero elegante. Nang bumalik ito'y may dala itong dalawang wine glass at isang bote ng Macallan Whisky. Naupo ito sa center table kaharap niya.
Nagsalin ito ng alak sa dalawang wine glass at ibinigay ang isa sa kanya.
"Tell me Althea, did you even miss me while I'm gone?" Tanong nito sa kanya. Uminom muna siya ng alak bago sinagot ito.
"Ano namang akala mo sa akin? Nakalimutan ka kaagad real quick?" Kinuha niya ang bote ng alak at muling nagsalin. Muli niya itong ininom. Nakailang shot pa sila ni Tianna bago siya muling nagsalita. Medyo tinatamaan na siya sa iniinom nila.
"Nagtiis ako for two years na huwag kang makita at makausap, usapan namin 'yun ni Sabrina, she will take good care of you hangga't wala ako. I promised to myself na hindi ako babalik hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang totoong mastermind sa planong pagpatay sa 'yo..."
Muli siyang uminom ng alak. Titig na titig pa din sa kanya si Tia.
"That's how I loved you then Tia..." Aniya sa mahinang tinig.
"Then what happened? Bakit bigla, hindi na ako?"
"I don't know... I don't want to talk about it."
"Do you still miss me? Do you still think about me, kahit paminsan minsan lang sa buhay mo?"
Hindi siya nakakibo. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Tia. Oo, naiisip niya ito, namimiss niya ito pero hindi niya alam kung tama pa ba na sabihin niya ito sa dalaga.
Nang hindi siya sumagot ay nilapitan siya ni Tia, umupo ito sa tabi niya, ipinatong nito ang braso sa sandalan ng sofa at tsaka nito inilapit pang lalo ang sarili sa kanya.
"I don't care kung namimiss mo 'ko because I missed you every single damn day of my life..." Hinawakan siya nito sa braso, hinaplos siya nito paakyat sa balikat niya, papunta sa gilid ng leeg niya. Napapikit siya nang haplusin nito ang leeg niya, napabuntonghininga siya nang maramdaman niya ang labi ni Tia sa kabilang gilid ng kanyang leeg, paakyat sa kanyang tenga. Binigyan siya nito ng pinong kagat sa punong tenga niya at dinilaan nito ang likod ng tenga niya pababa sa kanyang batok.
Tao lang siya para hindi tablan at maapektuhan ng ginagawa ni Tia sa kanya. Napayakap siya sa balikat nito hanggang sa tuluyan na siyang inihiga ni Tia sa sofa, muling bumaba ang halik nito sa leeg niya, paakyat sa kanyang baba, dinilaan nito ang gilid ng labi niya at akma na siyang hahalikan sana nito sa labi nang bigla silang napahinto dahil sa narinig nilang ingay galing sa labas ng pintuan ni Tia.
Napabalikwas ito ng bangon, siya din ay gayon din. Para kasing narinig niya ang boses ni Cory. Binuksan ni Tia ang pinto, nasa likod naman siya nito at nakita nila si Cory na headlock headlock ni Sabrina. Nakita niya na tinatakasan na ng kulay ang mukha ni Cory kaya mabilis siyang lumapit dito at inawat si Sabrina.
"Let her go Sabrina!"
Binitawan naman ito ni Sab, kumawala dito si Cory na dinadaluhong na ng ubo habang hawak hawak ang leeg nito.
"She's trying to kill me!" Sigaw nito.
"I saw you spying outside your window Tia!" At huli na para pigilan ito dahil nahablot nitong muli si Cory sa braso at hinatak ito. "Who sent you here, tell me!"
"Ang OA mo, bwiset!" Sagot naman dito ni Cory.
"Sabrina, she's my friend..." Tinanggal niya ang kamay ni Sabrina sa braso ni Cory, napasulyap naman siya kay Tia na parang humihingi dito ng tulong pero wala namang ginagawa ang dalaga, nakatayo lamang doon at mahinang tumatawa.
"Seriously Althea? Kaibigan mo 'tong ungas na 'to?"
Inis na tinapik ni Cory ang kamay ni Sabrina na nakaduro dito. "Ungas your face, psychotic!" At inabot nito ng sampal si Sabrina. Bago pa muling magpang-abot ang dalawa'y pumagitna na siya sa mga ito at pilit inilayo si Sabrina kay Cory.
"Tama na, ano ba para kayong mga bata!" Sigaw niya sa mga ito. Hinawakan niya sa kamay si Cory at hinatak ito palayo.
"Magkikita pa tayo, gago!" Sigaw ni Cory dito.
"Yari ka sa akin sa susunod, ungas!" Pasigaw din na sagot dito ni Sabrina.
Tumawid na sila ni Cory sa kalsada at inihatid niya ito sa pintuan ng bahay nito. Exasperated na napatingin siya sa kaibigan, hindi niya alam kung maiinis ba siya dito dahil ito ang dahilan kung bakit naputol ang ginagawa nila ni Tia o magpapasalamat siya dito dahil iniligtas siya nito at iniiwas na magawa niya ang isang bagay na tanging katawan niya lang ang nagdidikta at may gusto, hindi ang kanyang isip, lalong hindi ang kanyang puso.
.
.
.
.
.
-tobecontinued-