Chapter 7

Nang idilat niya ang mata nang umagang iyon ay agad na gumapang ang kirot sa ulo niya. Napatitig siya sa ceiling at pilit inalala ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Lasing na lasing siya, 'yun lang ang tanging naaalala niya, wala ng iba. Napakunot ang noo niya nang maisip na wala siya sa kanyang kwarto at nakahiga siya sa carpeted floor ng kanyang sala, bigla siyang kinabahan nang maramdaman niya ang isang kamay na nakapasok sa loob ng t-shirt at bra niya at nakadantay sa kaliwang boobs niya na sinabayan pa ng mahinang hilik.

Kumakabog ang dibdib na dahan dahan niyang nilingon ang katabi at nanlaki ang mata niya nang makita si Sabrina na padapang nakahiga sa tabi niya at kamay nito ang nasa loob ng damit niya at nakahawak sa dibdib niya.

Malakas siyang sumigaw at tsaka parang diring diri na inalis ang kamay ni Sabrina na nasa dibdib niya at tsaka ito itinulak palayo sa kanya. Marahan namang dumilat ang dalaga, saglit na tumingin sa kanya at tsaka balewalang tumalikod sa kanya.

"Ang kapal mo walanghiya ka bakit ka nakahawak sa boobs ko?!" Sigaw niya dito at tsaka niya malakas na binatukan sa ulo ang nakatalikod na dalaga. Hindi naman siya pinansin nito, kinapa ng kamay nito ang throw pillow sa sofa, hinila iyon at itinakip sa ulo nito.

"May nangyari ba sa atin? Nagsex ba tayo? Tell me, Sabrina tell me!"

At hinatak hatak niya ang damit nito. Inis naman na humarap sa kanya si Sabrina at hinampas ng throw pillow ang mukha niya.

"Assuming ka, walang nangyari sa atin, bwisit!"

"Wala? Bakit wala?"

Natigilan siya sa tanong niya, bakit ba ganoon ang tanong niya na parang nanghihinayang pa siya na walang nangyari sa kanila ni Sabrina, baka isipin nito na gusto niyang mag sex sila, nakakahiya, pero huli na para bawiin ang lahat dahil nakita niya si Sabrina na nakatitig sa kanya, nagtataka, nagtatanong, hanggang sa unti unting sumilay ang isang clever smile sa mukha nito.

"Oh bakit umaasa ka ba na may mangyayari sa atin?" Pang-aasar nito sa kanya.

"Of course not!" At tsaka siya dali daling tumayo sa pagkakahiga. Nagpunta sa kitchen, naghilamos at tsaka uminom ng malamig na tubig.

Si Sabrina naman ay tumayo na din at sumunod sa kanya sa kitchen, kumuha ng dalawang coffee mug at nagtimpla ng kape. Pinagtimpla siya nito ng kape, kikiligin na ba siya? Ang rupok naman niya kung agad agad siyang kikiligin dahil lang sa pinagtimpla siya nito ng kape, kahit papaano naman ay may delikadeza pa din siya sa sarili.

Masarap magtimpla si Sabrina ng coffee, naghahalo ang tamis at pait. Tahimik lamang itong umiinom ng kape habang nakatitig sa kanya, nang-aasar pa din ang ngiti nito kaya muli siyang na badtrip sa mukha nito.

"You know what? I really want to knock that smile off of your face."

Lalong lumuwang ang pagkakangiti nito sa kanya.

"May sinabi ka sa akin kagabi." Makahulugang sabi nito sa kanya na hindi pa din naaalis ang kakaibang ngiti nito na parang may alam itong sikreto niya na hindi niya nais ipaalam sa kahit na sino.

"Ano naman sinabi ko sa 'yo aber?"

"Sabi mo..." Ibinitin nito ang iba pang sasabihin, tumayo ito sa pagkakaupo sa kitchen stool at lumapit sa kanya, bahagyang yumuko at inilapit ang mukha sa kanya. "Fuck me Sab, please fuck me..." Sabi nito sa tono na ginaya pa ang high pitch ng boses niya.

Napatingin siya dito na nanlalaki ang mata. Hindi siya naniniwala sa sinasabi nito, malamang ay nag iimbento lang si Sabrina ng kwento para asarin siya.

"Fuck me hard, hard, hard please!" Dagdag pa nito na sinabayan pa ng malakas na tawa. Nandidilat ang mata sa inis na itinulak niya ng kamay ang mukha nito palayo sa kanya.

"Kapal mo, feeling mo naman attracted ako sa 'yo, yuck!"

"Pero don't worry, I never lay a hand on you." Kaswal na sabi nito at tsaka ito muling naupo sa kitchen stool at itinuloy ang pag-inom ng kape.

"Really? Why not?" Iyon na naman ang malanding tanong niya. Pero hindi niya iyon mapigilan, it comes out naturally. Tama nga 'ata si Althea, tatanga tanga talaga siya at hindi pinag-iisipan ang mga sinasabi niya.

Tumingin sa kanya si Sabrina at marahang umiling, sinundan pa ito ng nakakalokong ngiti. "Simply because you're not my type."

Parang biglang uminit ang mukha niya sa sinabi nito. Napahiya siya sa sarili niya at gusto niyang lapitan si Sabrina, dunggulin ang nguso nito at pitpitin ang maanghang nitong dila.

"As if naman type kita Sab. Ayoko sa mga gangster." Ganti niyang sabi dito.

"At ayoko sa mga artista, especially sa kagaya mo na sexy comedian na kailangan pang magpakita ng cleavage, magbato ng corny and filthy green jokes para lang matawa ang mga audience."

Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Another insult na naman ang binato nito sa kanya pero this time, pati ang trabaho niya na halos isang dekada niyang pinaghirapan at pinagpaguran ang iniinsulto nito. Sino ba 'to sa tingin nito? Kung tutuusin, mas marangal at mas maipagmamalaki pa nga ang trabaho niya kumpara sa trabaho nito.

"Kung magsalita ka akala mo naman napakalaki ng inangat mo sa akin. Bakit ano ka ba? Mobster? Illegal drug dealer? Right hand ng isa sa pinaka Notorious na Syndicate leader na may hawak ng pinakamalaking Drug cartel sa Trinidad? What makes you better Sabrina?" Naiinis na talaga siya kaya seryoso na din ang nararamdaman niyang pagka-inis sa dalaga.

"What makes me better? At least hindi ko kailangang ibaba ang sarili ko para lang kumita ng pera."

Nagsalubong lalo ang kilay niya sa sinabi nito.

"And what the fuck do you mean by that?"

"Mostly naman sa inyong mga Artista pa booking 'di ba? Mga escort service sa mga Businessman, Politicians... Ilan na sa mga kagaya mong Artista ang pinadala kay Tia before as a courtesy gift and I'm pretty sure that you are no exemption to the game Cory."

Hindi siya agad nakapagsalita sa narinig. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon sa kanya ni Sabrina. Oo, madalas silang mag-away at mag-asaran pero kahit minsan ay hindi niya inakala na ganoon pala kababa at kacheap ang tingin nito sa kanya.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa coffee mug, napayuko siya at malalim na bumuntong hininga.

"Get out." Mahinang sabi niya dito.

Tumingin naman sa kanya si Sabrina at nang-aasar pa ding ngumiti.

"Oh naiinis ka? Bakit? Kasi totoo? Did I just hurt your Marilyn Monroe's super ego?"

Galit na tinignan niya ng masama si Sabrina. "Leave. Please, just leave me alone."

"Talaga ngang nagagalit ka na?" Surprised na tanong nito sa kanya.

"Ano ba Sabrina?!" Sigaw niya dito. Nakita niya na nagulat ito sa pagsigaw niya. "Umalis ka na nga lang kasi sabi!"

Nilapitan niya ito at hinatak sa damit. Pinagtulakan niya ito palabas ng bahay niya, bago pa ito makapagsalita pang muli'y padabog niya itong pinagsarhan ng pintuan.

Naiiyak siya. Totoo, nasaktan siya sa mga sinabi nito. Kasi alam niya sa sarili niya na hindi siya ganoong klase ng babae kahit na napakarami ng indecent proposal ang natanggap niya mula sa mga Director, Producer at mga mayayamang businessman at politicians ay wala siyang pinatulan kahit isa sa mga ito. Alam naman niya na iyon ang madalas na issue tungkol sa kanya, na chi-chismis siya kung kani-kaninong personality, na chi-chismis siya na nag E-escort Service pero kahit minsan ay hindi niya pinansin ang mga ito. Masakit lang kung harap harapang sasabihin ito sa iyo.

Palihim siyang sumilip sa bintana at nakita niya si Sabrina na nakatayo pa din sa labas ng pintuan niya. Nakita naman niya sa mukha nito na para itong nagsisisi at nakukunsensiya sa mga sinabi nito sa kanya, inangat nito ang kamay at nagbalak na muling kumatok pero nagbago ang isip nito. Tahimik itong tumalikod at naglakad na palayo.

Bumalik siya sa kitchen niya at niligpit ang dalawang coffee mug. Napatitig siya sa coffee mug na ginamit ni Sabrina, dinala ito sa lababo at hinugasan at sa hindi niya malamang dahilan, pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

.

.

.

.

.

Punong puno ng Pink Roses ang front porch niya nang magising siya nang umagang iyon. Pagkalabas niya'y iyon na agad ang bumungad sa kanya. Alam niya na galing kay Tia ang mga iyon bagamat hindi nagsasabi sa kanya ang dalaga'y sigurado siya na si Tianna ang nagpadala ng mga bulaklak. Three Consecutive days na binubungaran siya ng halos Anim na dosenang Pink roses sa fron porch niya tuwing umaga, hinihintay niya na lapitan siya ni Tia at makipag-usap ito sa kanya ngunit kahit anino nito o kahit simpleng text ay wala siyang nakuha mula dito. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi din niya nakikita ang sasakyan ni Tia o kahit ni Sabrina sa driveway ng bahay nito, gabi na kung dumating ang dalawa at maaga ding umaalis bago pa sumikat ang araw.

Naisip niya na malamang ay abala ang dalawa sa mga negosyo ng mga ito kaya halos hindi na nila napagkikita ni Cory ang magkaibigan. Napansin din niya ang pananamlay ni Cory na parang lagi itong malungkot at malalim ang iniisip, bagamat masayahin pa din ito'y hindi maitatago sa kanya ng kaibigan ang ikinukubli nitong lungkot sa kaloob looban nito. Hindi nga lang niya alam kung ano o sino ang dahilan ng lungkot na iyon ni Cory.

"Tatlong araw ka nang pinapaliguan ni Tia ng Roses, sng sweet naman pala ng ex mong pinagpalit mo sa iba." Biro sa kanya ni Cory. Naroroon sila sa front porch niya at pinagmamasdan ang mga Pink Roses na maayos na nakasalansan sa gilid.

"Sweet naman talaga si Tia, hindi nga lang niya alam minsan kung paano i-express ng maayos ang nararamdaman niya."

"Ganoon ba ang nangyari sa inyong dalawa? Hindi niya masyadong na express ang feelings niya para sa 'yo ng maayos?"

Sinulyapan niya si Cory at marahang umiling.

"Bago pa ako umalis n'un, bago pa ako biglang nag disappear sa buhay niya, naramdaman ko na na parang may nagbabago na sa feelings ko para sa kanya. She showered me with love and affection. Sinusunod niya lahat ng gusto ko, ibinibigay lahat ng kailangan ko. At first, I was happy kasi I'm not used to that kind of love pero habang nagtatagal, parang nagiging routine na lang ang lahat. Napaka predictable. Nakakaumay, nakakasawa, nakakabagot."

Nakatitig lang sa kanya si Cory, hindi ito nagsasalit, nakikinig lang sa kanya ang kaibigan.

"I don't know what happened, pero dumating ako sa point ng buhay ko na every single I love you na sinasabi ko ay parang sinasabi ko na lang out of responsibility, out of habit, nakasanayan na eh, iyon ang ine-expect sa akin ni Tia kasi iyon ang isa sa mga Girlfriend duty ko, pero hindi na, hindi ko na maramdaman 'yung sincerity sa bawat Mahal kita na sinasabi ko sa kanya."

Malalim siyang huminga at tumanaw sa kawalan. Ngayon niya lamang iyon inilabas sa dibdib niya, wala siyang ibang napagsabihan tungkol dito dahil ngayon niya lang din 'yun inamin sa kanyang sarili. Kay tagal niyang itinanggi na she's falling out of love with Tia right before she met Tala Encarnacion, pero isa iyon sa mga burden sa dibdib niya na kailangan na niyang pakawalan.

"She was so strong, manipulative and cruel the first time I met her. I fell in love with her unconsciously, little by little, nakuha niya ako at nawala ako sa kanya without batting an eyelash."

"And then you met someone new, doon ka na tuluyang nakalimot kay Tia."

Malungkot siyang tumango. Unti unti na naman siyang kinakain ng lungkot dahil naaalala na naman niya si Tala at ang lahat lahat ng pinagsamahan nilang dalawa. Kung paano siya napaibig nito sa loob lamang ng napakaiksing panahon. Kung paano siya nito nakuha ng walang kahirap hirap.

"I fell in love with Tala. I fell in love with someone I couldn't have."

"Ganyan naman kasi tayo, 'yun ang irony ng nature ng human. We all want something we couldn't have. We want love lalo na kapag nagbibigay ito sa atin ng sobra sobrang sakit, lalo tayong nababaon sa pag-ibig na iyon na kahit ang sakit sakit na, kumakapait ka pa din." Seryosong sabi ni Cory.

"You know why Cory? Because we're all addicted to that kind of pain, we craved that kind of pain because that pain kept us all alive. Hangga't nasasaktan tayo, lalo tayong nagmamahal. Napaka complicated kasi ng love, napaka complicated ng puso, napaka complicated ng tao."

Katahimikan.

"She changed herself for me. Nawala bigla 'yung Tianna na nakilala ko at minahal ko. Maraming pagkakataon na kapag magkasama kami I still feel so all alone, na parang may isang stranger akong kasama."

"No offense meant Althe pero minahal mo nga ba talaga si Tia o na overwhelmed ka lang sa feeling na naramdaman mo nung nakilala mo siya kasi first time mong maramdaman 'yun? Kasi bago ka sa ganoong emotions kaya na overwhelmed ka lang pero deep inside, you're not really in love."

"Of course I love her, I really do before..."

"You love her but you're not in love with her."

Natigilan siya at napatitig ng malalim kay Cory. Bigla siyang napaisip, bigla niyang kinuwestiyon ang tunay na nararamdaman niya noon kay Tia.

"I don't know..." Ang tanging nasabi niya.

Katahimikan.

"Bigyan mo ng isa pang pagkakataon Althea, baka this time around, you can make it right, baka this time around, you will fall for her truly."

Kapwa sila natahimik ni Cory nang magkasabay na dumating ang sasakyan ni Tia at Sabrina. Palihim niyang tinanaw si Tia nang lumabas ito ng kotse. Habang nakatitig siya sa mukha ng dalaga'y pilit niyang hinanap ang dating pagbilis ng tibok ng kanyang puso, ngunit wala siyang ibang narinig sa kanyang dibdib kundi katahimikan, isang nakakabingin katahimikan.

.

.

.

.

.

Pagkalabas niya ng kwarto'y agad niyang nakita si Sabrina na nakaupo sa terrace, nakatalikod ito sa kanya at nakaupo sa wicker chair. Abala ito sa pinapanood na video sa cellphone nito, tinawag niya ang dalaga pero hindi siya nito naririnig dahil nakaheadphone ito at malakas na tumatawa. Nagtataka niya itong nilapitan at tumayo sa likuran nito, hindi pa din siya napapansin ng kaibigan. Kunot noo niyang sinilip ang pinapanood nito sa CP, nasa You Tube ito at pinapanood ang replay episode ng strawberry gang show na pinagbibidahan ni Cory. Tawa ito nang tawa habang nanonood. Yumuko siya at isiningit ang mukha sa balikat ng dalaga. Napasulyap naman ito sa kanya at agad na in-exit ang pinapanood at patay malisyang binalik sa bulsa ng jeans nito ang Cellphone.

"Akala ko ba hindi ka mahilig manood ng mga gag show?" Tanong niya dito.

"Nakita ko lang sa suggested video ko. Nanonood kasi ako ng Smackdown." Pagdadahilan nito.

Diskumpyado naman siyang tumango tango. Inis na inirapan siya ni Sabrina at tumayo ito sa pagkakaupo. Nagsindi ng sigarilyo at tumanaw sa terrace. Nakatingin ito sa bahay ni Cory na nasa kabilang kalsada.

Hindi pa niya nakikitang nagkakagusto sa babae si Sabrina. Noong una'y iniisip niya na straight ito dahil hindi ito nagpapakita ng kahit na ano mang interes sa babae pero nang minsan siyang may ipa date dito'y pinatulan ito ng dalaga, pero magkaiba sila, bibihira lamang itong lumabas at sobrang mapili ito pagdating sa babae.

Pero napapansin niya ang atensyon na ibinibigay nito kay Cory. Hindi man siguro ito pansin ng dalaga'y tanging si Cory lamang ang nakalapit ng ganoon kay Sabrina. Mailap kasi ito, Introvert at loner.

Masyado din itong affected sa presence ni Cory, napapansin niya na parang nag-iiba ang kilos ni Sabrina kapag nasa tabi nito si Cory kahit na madalas na mag-away ang dalawa'y nararamdaman niya ang kakaibang connection ng mga ito.

Naalala niya sila ni Althea noong nag-uumpisa pa lang sila. Lagi silang nag-aaway pero gustong gusto naman nila na palaging magkasama.

"Nililigawan mo ba si Althea?" Tanong nito sa kanya.

"I sent her flowers kung panliligaw na ang ibig sabihin n'un, yes, it's safe to say na nililigawan ko siya."

"Hindi ka ba napapagod?"

"Hindi naman agad agad napapagod ang puso Sab."

Tumingin sa kanya si Sabrina. Nakita na naman niya ang tinatagong awa para sa kanya sa mga mata nito. Umiwas siya ng tingin.

"How far can you go Tia for Althea?"

"I don't know but I don't want to give her up. I love her and I will never let everything end just like that without putting up a good fight."

"Hindi ka na niya mahal."

That's the painful truth. Alam naman na niya iyon, pero kahit anong gawin niya, kahit na gaano pa siya nasasaktan, sadyang ayaw sumuko ng puso niya.

"I'll bring her home Sab. Hindi man ngayon pero one day, someday, I'll bring her home again."

Katahimikan.

"Bakit parang hindi kayo nag-uusap ni Cory?" Pag-iiba niya ng usapan.

"She hates me, na insulto 'ata nung last time na magkausap kami." Sagot nito sa mahinang tinig na sinundan pa ng malalim na buntong hininga.

"Bakit? Ano na naman bang sinabi mo kay Cory?"

"Wala, asaran lang. Hindi ko naman alam na mapipikon siya." Sabrina gave her a fake laugh. Napailing siya.

"You should stop playing games Sabrina, para kang bata."

Nag make face ito pero hindi kumibo.

"Try mong kausapin ulit si Cory." Suhestiyon niya dito.

"Ano namang sasabihin ko sa kanya?"

"Magsorry ka."

"No way jose."

Tinignan niya ang kaibigan at muling umiling nang umiling.

"Ano ka ba, dapat ine-effortan mo ang girls."

"Why should I exert an effort for Cory? I don't even like the girl."

"Sigurado ka?" Nanunubok na tanong niya dito.

"Yes. 100 percent."

"Alam mo kung anong pinakamapait na pagkain makakain mo sa buong buhay mo Sabrina?" She asked her.

"What?"

"Lahat ng sinabi mong hindi mo naman pala kayang panindigan. Hindi maganda sa pakiramdam na kainin lahat ng salitang sinabi mo kaya huwag na huwag kang magsasalita ng tapos."

Sumulyap sa kanya si Sabrina. She rolled her eyes.

"I don't like her. Period." Anito sabay talikod sa kanya.

.

.

.

.

.

Gabi na at kakatapos lang nilang mag dinner ni Althea. Alas nuebe na nang magpasya siyang umuwi na at dumiretso sa attic niya. Ipinuwesto sa bintana ang binoculars at sumilip dito. Itinutok niya ito sa tapat ng bahay ni Tia.

Totoo 'ata 'yung sinasabi ni Althea na na o-obsessed na siya sa Spying thing na ito peor hindi niya maiwasan, alam niya na unethical ang ginagawa niya, invading of privacy iyon pero hindi niya mapigilan ang sarili. Ilang araw din naman na pinigilan niya ang sarili na manilip sa bahay ni Tia, pero hindi na niya kayang magpigil pa ngayon siguro'y dala na din ng matinding kabagutan niya.

Walang tao sa loob ng kwarto ni Tia. Sunod niyang sinilip ay ang kwarto ni Sabrina na nasa first floor at nanlaki ang mata niya nang makitang naka bikini top lamang ito, basang basa ang buhok at nakatapi ito ng tuwalya sa bandang baywang pababa.

May kausap ito sa Cellphone. Gusto man niyang iiwas ang tingin sa katawan nito, gusto man niyang tigilan na ang ginagawa'y hindi naman niya magawang alisin ang mata mula sa pagkakasilip sa binoculars.

Napalunok siya habang pinagmamasdan ang katawan ng dalaga. Never siyang na attract sa mga muscles ng mga lalaking kasama niya sa showbiz, mga lalaking ginawang puhunan na ang katawan at abs para sumikat dahil mga hindi naman marunong umarte at wala ng ibang talent kundi ang maghubad. Pero ngayon, iba ang dating sa kanya ng katawan ni Sabrina. Mas hot si Tia, pero iba si Sabrina, maraming mystery ito sa katawan dahil sobra itong reserved kaya magugulat ka kapag may ipinakita ito sa iyo tungkol sa sarili nito.

Napaigtad siya nang makita niya ang isang super cute ng Persian Cat na nagtatakbo sa ibabaw ng kama nito. Sobrang hilig niya sa pusa at hindi niya alam na may pusa pala ang dalaga. Napatayo siya nang tumalon ang persian cat sa bukas na bintana at dahil abala si Sabrina sa pakikipag-usap nito sa cellphone ay hindi nito napansin na nakalabas na ang pusa sa bintana nito.

Mabilis siyang bumababa at lumabas ng bahay niya. Nakita niya ang persian cat na nagtatalon sa damuhan sa gilid ng bahay ni Tia. Tahimik siyang lumapit sa pusa.

"Miming... miming..." Tawag niya dito. Tumingin sa kanya ang pusa at mabilis na tumakbo papunta sa kalsada, baka masagasaan ito kaya hinabol niya ito at agad na dinaklot sa bandnag batok bito. Helpless naman na nakatingin lang sa kanya ang pusa. Kinarga niya ito ng mahigpit sa braso para hindi ito makatakas. Ibabalik niya ito kay Sabrina.

Naglalakad na siya papunta sa driveway ni Tia nang biglang umalpas ang pusa at kumawala sa kanya, nagtatakbo ito sa damuhan sa gilid ng lake.

Hinabol niya ito pero sadyang mailap ang pusa. Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nakatapis na si Sabrina.

"Anong ginagawa mo diyan cory?" Nagtatakang tanong nito dahil nakaluhod siya sa damuhan at bahagyang nakatuwad dahil dinamba niya ang pusa ngunit nakawala pa din ito sa kanya.

"Iyong pusa mo nakatakas!" Aniya.

"Oh shit!" Narinig niyang sabi nito at mabilis na lumapit sa damuhan at nakihabol sa kanya.

"Muning, muning..." Tawag nito sa pusa. "Kapag nahuli kita papaluin kita!" Pagbabanta nito.

"Lalo mong binubugaw eh!" Saway niya dito.

Umakyat ang pusa sa puno. Nagkatinginan sila ni Sabrina.

"Akyatin mo." Utos nito sa kanya at tsaka isinenyas na nakatapi lang ito ng twalya kaya hindi ito makakaakyat sa puno. Wala naman siyang ibang nagawa kaya umakyat siya sa puno, inalalayan pa siya ni Sabrina, mababa lang naman ito kaya madali lang para sa kanya na makasampa sa matabang sanga. Nasa dulo ng sanga ang pusa, parang naghihintay na kunin niya.

Dahan dahan siyang gumapang sa sanga at nang malapit na siya sa pusa'y narinig niya ang pag cracked ng kahoy, bigla itong naputol at nahulog siya, sasaluhin sana siya ni Sabrina ngunit dumulas ang kamay niya sa balikat nito, napakapit siya sa bikini ng dalaga at natanggal sa pagkakabuhol ang string nito, malakas siyang tumili lalo na nang aksidente siyang napakapit sa twalya na nakatapi sa bewang nito, iyon ang sumunod na nakalas at eksaktong napaluhod siya sa harapan ni Sabrina ay ang pagbagsak ng twalya sa damuhan.

Parang tumigil ang mundo nila sa pag-ikot. Parang naging estatwa si Sabrina sa pagkakatayo, siya naman ay naka face to face niya ang pussy ng dalaga, well shaved ito at maputi, nakita pa niya ang chinese character na nakasukat sa belly button nito. Parang naamoy pa niya ang ginamit nitong feminin wash.

"What the fuck!" Malakas na sigaw ni Sabrina at agad nitong hinatak ang twalya sa damuhan at itinapi sa nahubaran nitong katawan. "Ungas ka talaga Cory!"

At namumula ang pisnging tumakbo ito papasok ng bahay ng mabilis.

Ang pagka shocked niya'y unti unting napalitan ng naughty, clever smile. Napaupo siya sa damuhan at malakas na tumawa.

Hindi na siya pe-pwedeng basta basta asarin ni Sabrina, nakita na niya ang lahat lahat ng itinatago nito, wala nang maipagmamalaki pa sa kanya ang dalaga.

Walang wala na..

.

.

.

.

.

-tobecontinued-