Nakaupo sila ni Sabrina sa magkabilaang dulo ng sofa. Nakabihis na ito at nakatulala, siya naman ay nangingiti pa din habang hinahaplos haplos niya ang pusa na nakahiga sa kandungan niya. Hindi pa din mawala wala ang ngiti sa labi niya dahil hindi din nawawala sa isip niya ang mga nakita niya kanina lamang. Hindi niya makalimutan ang super firm na Abs ni Sabrina, ang tayong tayo kahit hindi kalakihang boobs nito, ang pinkish na areola at nipples, ang mga tattoo nito. Napayuko siya at tinakpan ng kamay ang bibig at mahinang tumawa. Inis na sinulyapan naman siya ni Sabrina at tsaka siya hinampas ng throw pillow.
"Tumatawa ka pa, ungas ka." Gigil na sabi nito sa kanya.
"Bakit ka ba naiinis? Kasalanan ko ba?" Sagot naman niya dito.
Si Tia naman ay nakatayo sa harapan nila, nakapamaywang at nagpapalit palit ang tingin sa kanilang dalawa.
"Nakita ko na din naman si Tia na nakahubad pero never siyang nag react ng ganyan. Akala mo naman sexy..." Pang-aasar pa niya dito lalo. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Tia. Tinitigan ito ng masama ni Sabrina kaya bigla naman itong huminto sa pagtawa at nagpigil.
"Kinalmot mo 'kong bwisit ka!" Sigaw nito sa kanya.
Tinignan niya ito at tsaka niya sinunod na tinignan ay ang kamay niya. Mahaba kasi kuko niya, typical na babaeng mahilig magpa manicure kaya natural na mahaba ang mga kuko niya sa kamay.
"Sorry, hindi ko naman talaga sinasadya."
Tumayo si Sabrina at lumapit sa kanya. Hinila nito patagilid ang collar ng t-shirt nito at pinakita ang mahabang kalmot niya sa balikat nito pababa. Sunod nitong itinaas ay ang laylayan ng t-shirt nito, kahit sa cleavage at sa bandang tiyan nito'y may kalmot niya, pero hindi sa kalmot siya nakapag focus, napatitig na naman siya sa katawan nito. Isa pa'y ang bango ni Sabrina. Amoy Burberry. Nang mapansin nito na hinahagod niya ng tingin ang katawan nito'y bigla itong nag blush, agad nitong inayos ang damit at muling naupo sa kabilang dulo ng sofa.
"Bakit ba hindi na lang kayo magbati? Maging friends? Para kayong mga batang away ng away." Sabi ni Tia sa kanilang dalawa. "Summer ngayon, dapat chill lang tayo. Masyado kasi kayong hot headed eh."
"Never akong makikipag friends sa ungas na 'yan, 'di bale ng walang kaibigan, I'm okay with it basta malayo sa akin 'yang ungas na babaeng 'yan."
"Para namang gustong gusto kong lumapit sa 'yo no? Feeling mo? Cute ka?" Ganting pang-aasar naman niya dito.
"Kunwari ka pa, naglalaway ka naman sa akin."
"Ha? Kapal ng mukha mo, well, nakita ko naman na ang lahat lahat sa iyo no kaya bakit pa ako maglalaway?"
Nakita niya ang pagtagis bagang ni Sabrina habang nakatitig sa kanya ng masama. Pulang pula pa din ang pisngi nito, ang cute cute pala nito kapag nag ba-blush.
"Nagkakaroon ka ng blood rush." Aniya dito.
"Oo nga Sabrina, nag ba-blush ka." Sabi naman ni Tia, inilapit pa nito ang mukha kay Sabrina at tinignan ng malapitan ang kaibigan. "Ngayon lang kita nakitang nag blush. Wow." At tsaka ito nag slow clap. "Congrats, you're human afterall."
Inis na inirapan naman ito ni Sabrina. Muli itong tumayo at biglang inagaw ang pusa sa kandungan niya.
"Get out, matutulog na kami ni Muning." Anito.
"Muning? Muning talaga pinangalan mo diyan? Wow, ang talino."
Gigil na tinignan lang siya saglit ni Sabrina at tsaka siya inirapan. Napatingin ito kay Tia, papalabas kasi ito ng bahay dala ang susi ng kotse nito.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya dito.
"Tinext ko si Althea, pupunta kami sa Amusement park."
"Sama kami!" Excited na sabi niya.
"Anong 'kami'? Sumama kang mag-isa mo." Angil naman sa kanya ni Sabrina. Inis na nilapitan niya ito at inagaw dito ang pusa.
"Bakit ikaw ba ang tinutukoy ko? Kami ni Miming ang sasama hindi ka kasama!"
"Bakit ba Miming ang tawag mo dito, Muning nga pangalan nito, Muning!" At muli nitong inagaw sa kanya ang pusa.
"Kapag napunta 'yan kasama ng ibang mga pusa at tinawag mong Muning, lahat titingin sa 'yo!"
"Bakit lahat din naman ng pusa lumilingon kapag tinawag mo ng Miming, ungas!"
"Excuse me, hindi Miming ang nililingon nila, Ming ming. Ming ming. Ming ming." At ginaya pa niya ang pag ngeow ng pusa.
Parang nandidiring tumingin sa kanya si Sabrina. Huli na nang mapansin nila na nakalabas na si Tia. Patakbo siyang lumabas ng bahay. Nakita niya si Althea na pasakay na sa passenger's seat ng kotse ni Tia kaya mabilis siyang lumapit sa mga ito at nagpumilit na sumakay sa backseat. Napatitig sa kanya si Tia at Althea na parang hindi natutuwang sasama siya sa lakad ng mga ito, mas lalong sumimangot ang dalawa nang sumakay mula sa kabilang pintuan si Sabrina.
"Oh bakit sasama ka?" Nagtatakang tanong niya dito.
"Wala kang pakialam."
"Nasaan si Miming?"
"Nilagay ko sa kwarto ko at baka ngasabin ng mga aso ni Tia kapag nakitang gumagala gala."
"Bakit ba kasi bigla kang bumili ng Pusa Sab? Hindi ka naman mahilig sa pusa." Tanong dito ni Tia.
"Trip ko lang bakit ba."
"Mahilig kasi siya sa pussy kaya bumili ng pussy cat na hihimas himasin niya."
Tinitigan siya ng masama ni Sabrina. Magsasalita pa sana ito nang pigilan ito ni Tia.
"Kung mag-aaway lang kayong dalawa, huwag na kayong sumama. Bumaba kayo."
Nag-irapan silang dalawa at sabay na tumingin sa bintana ng sasakyan.
Halos isang oras din ang byahe papunta sa Amusement Park. Tanging si Tia at Althea lang ang nag-uusap, nag ke-kwentuhan, nagtatawanan at parang hindi sila nag e-exist ni Sabrina sa backseat. Minsan silang nagkakatinginang dalawa na nauuwi sa irap at simangot.
Nang marating nila ang parking lot ng Amusement park at makitang maraming tao doon ay tsaka niya lang naisip na isa nga pala siyang Artista at sigurado na may makakakilala sa kanya. Pero naisip din niya na naka simpleng short at t-shirt lang siya, wala pa siyang ka make-up make-up kaya baka naman hindi na siya makikilala ng mga tao sa loob.
Pagkababa nila ng sasakyan ay humiwalay sa kanila si Althea at Tia. Nagkatinginan sila ni Sabrina.
"Oh paano ba 'yan? Bahala ka na sa buhay mo." Anito sa kanya sabay talikod at naglakad palayo, agad naman niyang hinabol ito at kumapit sa braso nito.
"Bitawan mo nga ako..." Parang allergic na allergic na sabi nito sa kanya pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakakapit dito.
"Sasama ako sa 'yo, hindi mo 'ko p'wedeng iwanang mag-isa." Aniya. Nakasimangot na bumuntong hininga na lamang si Sabrina at hinayaan na lamang siyang nakakapit sa braso nito.
Nakalagpas na sila sa Entrance ng Amusement park. Takang taka siya na tinanguan lang ni Sabrina ang tao doon pati na ang guard at nakapasok na sila na hindi nagbabayad ng fee.
"Hanggang dito ginagamit mo pagiging Mobster mo. Hindi tayo nagbayad ng Entrance fee." Usig niya dito. Hindi naman kumibo si Sabrina, tuloy tuloy lang silang naglakad papasok. Dumukot ito ng sigarilyo sa pocket ng jeans nito at nanigarilyo habang naglalakad. Natigilan sila nang mapadaan sila sa grupo ng mga bata kasama ang mga Parents ng mga ito, napatingin ang mga bata sa kanya at malakas na sumigaw.
"Si Starwberry!!" Tili ng mga ito. Wala na siyang nagawa nang maglapitan ang mga ito sa kanya at dinumog siya. Nabitawan niya ang braso ni Sabrina at tumayo naman ito sa gilid niya at pinagmamasdan lang siya.
Nagsiyakapan sa kanya at nagsipaghalikan sa pisngi niya ang mga bata, nagpapicture, nagpa autograph. Nang matapos siya sa mga bata'y masaya pang nag ba-bye sa kanya ang mga ito. Lalapitan na sana niyang muli si Sabrina nang ilang mga kalalakihan ang nagsipaglapitan sa kanya at nagpapicture. Sanay naman siya na inaakbayan at niyayakap ng mga fans niya mapalalaki o mapababae man, nagtataka lang siya na hindi man lang umakbay sa kanya ang grupo ng kalalakihan na nagpapicture sa kanya, Polite ang mga ito na tumatayo lang sa tabi niya, ni hindi nga nagawang dumikit ng mga ito. Nang matapos ang mga ito na magpapicture sa kanya ay nagpasalamat ang mga ito sa kanya at napasulyap sa bandang likuran niya tsaka nagmamadaling nagsipag-alisan. Nang mapalingon siya sa likod niya'y nakita niya si Sabrina na nakatayo doon, nakahalukipkip at hawak sa kanang kamay nito ang isang 45 calibre na laging dala dala nito. Kaya pala hindi siya inakbayan o dinikitan man lang ng mga lalaking iyon ay tinakot na ni Sabrina. Gusto niyang matawa, gusto din niyang kiligin pero hindi niya ito pinahalata sa dalaga. Nilapitan niya ito at hinampas sa braso.
"Bakit may dala kang baril? Tinakot mo pa mga fans ko."
"Lagi akong may dalang baril." Sabi nito sa kanya at tsaka isinuksok sa likod ng bewang nito ang baril at tsaka siya hinawakan ng mahigpit sa kamay. Halos pahatak siya nitong hinila palakad. Napatingin siya sa kamay niya na hawak hawak nito. Napangiti siya ng palihim. Lalo na nang mapadaan sila sa mga tao na nakatingin sa kanya at binabati siya, hinila siya ni Sabrina at inakbayan ng mahigpit na parang protektadong protektado siya nito.
"No more pictures, no more autograph please, let the girl enjoy her day, good grief!" Anito sa mga nagtatangkang lumapit sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi ngitian, kawayan at bigyan ng mabilis na shake hands ang mga ito.
Para tuloy niyang bodyguard si Sabrina. Nakakatuwa at nakakakilig. Kinikilig siya. Oo na, aaminin na niya na kinikilig siya, kasalanan ba niya? Tao lang siya, babae lang siya na madaling ma please.
Nagpunta sila ni Sabrina sa shooting range. Naninigarilyo pa din ito, napapansin niya na sunod sunod itong manigarilyo ngayon. Inalis nito ang braso na nakaakbay sa kanya.
"Sharp shooter ako, alam mo ba 'yun?" Pagyayabang nito.
"Talaga lang ha." Diskumpyado kunwari niyang sabi dito. Inis na inirapan siya nito. Sinenyasan nito ang nasa booth at agad naman na ibinigay ng lalaki ang silver gun toy sa dalaga. Inasinta nito ang maliliit na Action figure na nakapatong sa revolving rails, sinubukang tamaan ni Sabrina si Thor pero hindi nito natamaan ang laruan. Napasulyap siya kay Sabrina at nang-aasar na ngumisi dito.
"You missed, idiot."
Hindi naman siya pinansin nito. Muli itong sumubok pero wala itong natatamaan kahit isa.
"Hay naku, sayang, gusto ko pa naman 'yung hello kitty kaso sablay ka naman pala." Dagdag pang-aasar pa niya dito.
Inis na inis na pinagbabaril ni Sabrina ang revolving rails pero wala talaga itong natamaan. Nang maubos ang bala ng silver toy gun ay humingi ito sa lalaki sa booth ng bala at binigyan naman nito si Sabrina agad agad. Pero naubos na muli nito ang bala pero wala pa din itong natamaan. Inis na inilapag nito sa counter ng booth ang baril, halata sa mukha nito na inis na inis ito pero hindi ito tumitingin sa kanya.
"Wala ka pala eh."
Tahimik pa din ito. Sumulyap ito sa kanya, nakangisi lamang siya sa dalaga. Umirap ito at tsaka tumingin sa lalaki sa booth.
"Give me that hello kitty, boy." Utos nito sa lalaki. Kinuha naman ng lalaki ang hello kitty at inabot kay Sabrina, gigil na idinukdok naman ni Sabrina sa mukha niya ang stuff toy.
Natatawa naman niyang niyakap ang stuff toy sa isa niyang braso, muli naman siyang hinatak ni Sabrina at inakbayan siya nitong muli ng mahigpit.
"Matindi ba sikmura mo?" Tanong niya dito. "Hindi ka ba mahiluhin?" Taas ang kilay na umiling ito. Inaya niya ang dalaga sa Devil's wheel. Parang walang idea naman ang dalaga tungkol sa ride na iyon. Naupo na sila sa gilid ng hugis bilog na flatform na protektado ng kutson na nakabalot sa brown na leather, pati ang gilid ay malambot din para safe. Nang magsimulang umikot ang flatform ay napakapit si Sabrina sa ibabaw ng sinasandalan nila, unti unting bumilis ang pag-ikot at ang mga kasama nila na nakasakay sa Devil's wheel ay parang mga laruang nagslide slide paikot ikot. Nakabitaw si Sabrina sa kinakapitan nito at aksidente na napakapit ito sa binti niya, mahigpit ang pagkakakapit niya sa gilid kaya hindi siya dumudulas, si Sabrina naman ay pilit na gumapang pataas, para itong Mountain climber na umaakyat sa katawan niya at unconsciously ay dumakma ang dalawa nitong kamay sa dalawa niyang boobs at doon kumapit ang dalaga hanggang sa makaangat ito at para na itong nakapatong sa kanya. Inis na inis na tinadyakan niya ito pero nang dumulas ito'y nakabitaw siya sa kinakapitan niya kaya magkapatong silang dumulas pababa, umikot pakanan ang flatform at nagslide sila ni Sabrina kasabay nang pag-ikot nito, nakapatong pa din sa kanya si Sabrina at kahit anong gawin niyang tulak dito'y hindi niya ito maalis sa ibabaw niya. Tumambol tambol ang galaw ng flatform, kaya tumalbog talbog din sila, si Sabrina na nasa ibabaw niya'y tumalbog talbog kaya para siya nitong pinapump ng mabilis. Nag slide slide sila paikot, nahihilo na siya pero mas nabibigatan siya kay Sabrina. Nang matapos ang ilang minutong paggalaw ng flatform ay mabilis na tumayo si Sabrina, hilong hilo pa ito na bumaba sa ride at nagpunta sa gilid at sumuka.
Tawa naman siya nang tawa habang hinahaplos ang likod ng dalaga. Bumili siya ng mineral sa napadaan nanaglalako at inabot ito kay Sabrina. Kinuha naman ito ng dalaga, nagmumog, ang natirang tubig ay inihilamos nito at tsaka masamang tumitig sa kanya.
"Ipapasara ko 'tong walanghiyang ride na 'to, punyeta." Inis na sabi nito habang pinupunasan ng braso nito ang mukha.
"Naiinis ka pa kunwari, enjoy na enjoy ka nga sa pagkapit sa boobs ko kanina." At tsaka niya ito sinuntok sa braso. "Nakakailan ka na sa akin ha animal ka!" Pinandilatan niya ito sabay irap. Inis na sinabunutan naman siya ni Sabrina. Asar na hinawi niya ang kamay nito na nakasabunot sa kanya.
Inis na inis na inambaan siya nito ng suntok. Natigilan ito nang makitang may mga palapit na naman sa kanilang mga fans niya kaya agad na naman siya nitong inakbayan ng mahigpit. Halos pahatak na silang naglalakad at kulang na lang ay bitbitin siya ni Sabrina, pero na e-enjoy niya na nakadikit siya sa katawan nito, amoy na amoy niya ang dalaga. Mas matangkad ito sa kanya, parang nakaipit ang ulo niya sa braso nito kaya may ilang pagkakataon din na iginigilid niya ang mukha at palihim na inaamoy ang kilikili nito at tsaka siya kinikilig na ngumingiti. Ang bango bango kasi nito, feeling nga niya'y dumidikit na sa kanya ang amoy ng dalaga.
Sunod nilang pinasok ay ang Madhouse tunnel. Sa pinakalikod sila ng train sumakay. Nang pumasok na ang train sa madilim na tunnel at biglang may umalululong na aso'y napahawak sa binti niya si Sabrina ng mahigpit. Pinalo niya ang kamay nito, pero hindi naman nito inalis ang kamay sa binti niya.
Sa gilid nila'y may biglang sumusulpot na mga naka mask at nananakot. Naririnig niya ang malalim na paghinga ni Sabrina, mukhang natatakot ito at kinakabahan, pasikreto na naman siyang natatawa, hindi niya alam na sa tapang nito'y takot ito sa mga ganoong klaseng rides.
Nang biglang may sumulpot na werewolf sa likod nila at hinawakan siya sa balikat ay malakas siyang napatili sa gulat, nabigla naman na sinapak ito ni Sabrina sa mukha. Tumumba sa sahig ang werewolf hawak hawak ang nasaktang mukha. Nakatingin lang naman sila dito ni Sabrina dahil papalayo na ang sinasakyan nilang train.
"Bakit mo sinapak?" Inis na tanong niya dito.
"Nagulat ako eh!"
Hindi makapaniwalang umiling iling na lamang siya dito. Nang matapos ang ride ay nagpunta sila sa Star for a night, isa iyong videoke machine at halos walang tao doon, walang kumakanta kaya inaya niya doon si Sabrina. Bumili siya ng token, si Sabrina naman ay walang kibo na lamang na naupo sa bench at pinanood siya habang namimili siya ng kanta sa songbook. Naghulog na siya ng token sa machine at nagpipindot doon.
Kumanta siya ng Alone ng Heart, she can see the horror in Sabrina's face habang pinapanood at pinapakinggan siya dahil hindi naman talaga siya magaling kumanta pero doon siya sumikat, nakakapagpatawa siya sa sintunado niyang pagkanta, minsan na nga siyang nagkaroon ng concert dahil doon at dinumog ng tao ang concert niya.
Hindi nagtagal ay naglapitan ang mga tao na nakilala 'ata ang boses niya, masayang nanood ang mga ito sa kanya, nag che-cheer ang iba, ang iba naman ay pumapalakpak at sinasabayan siya. Para naman siyang nag concert na humarap sa mga audience at mas bumirit pa siya na siyang mas lalong ikinatuwa ng mga ito.
Para lang siyang nag sho-show sa TV at sa mga Gig niya, nag jo-joke siya sa mga ito habang hindi pa nagsisimula ang susunod niyang kanta. Total eclipse of the heart ang sunod niyang kinanta, nakikanta ang mga audience niya, ang mga ito ang kumanta ng part ng second voice, si Sabrina naman ay nakita niya na tawa na nang tawa. Napangiti siya, napaka genuine ng tawa nito, kinikilig siya sa isiping napapatawa niya ito, si Sabrina na napaka suplada at mainitin ng ulo ay tumatawa sa jokes niya.
"I need a moment of silence please." Aniya sa audience niya. Nakangiting tumahimik naman ang mga ito. "This is an emotional song, sa Comfort room ko lang 'to kinakanta before pero ngayon ipaparinig ko na sa inyo ng libre at walang bayad." Nagpalakpakan ang mga audience, sumenyas siya sa mga ito ng quiet please, sumunod naman ang mga ito. "I promise to give justice to this song, lalampasuhin ni Cory Chavez si Olivia Newton John, rawr!"
Mahinang nagtawanan ang audience. Kinanta niya ang Hopelessly devoted to you, iyon ang pinakapaborito niyang kanta at iyon ang bukod tanging kanta na nakakanta niya ng maayos. Napasulyap siya kay Sabrina, nakatitig ito sa kanya at nakangiti ng matipid. Nginitian niya ito habang kumakanta siya.
Hanggang sa matapos ang kanta niya'y hindi nawala ang pagkakatitig sa kanya ni Sabrina. Hindi na din ito nakangiti, seryosong seryoso na ang mukha nito. Napaisip tuloy siya bigla kung anong naglalaro sa utak ng dalaga, bigla siyang na conscious sa pagkakatitig nito sa kanya.
Nang matapos siyang kumanta'y naglapitan sa kanya ang mga fans niya at nagpapicture. Nang dinudumog na naman siya ng tao'y hinatak siya ni Sabrina sa kamay at sinabi sa mga fans niya na uuwi na sila at kailangan na niyang magpahinga.
Hinila siya nito palayo sa mga tao. May nadaanan silang nagtitinda ng cotton candy na nasa plastic, kumuha ng dalawa si Sabrina at ibinigay sa kanya ang isa, kumuha din ito ng dalawang mineral water na hindi man lang nagbabayad. Hindi na lamang niya sinita ang dalaga. Sa likod ng malaking tent ng Magic card house sila nagpunta ni Sabrina.
Magkatabi silang tumayo ni Sabrina doon at tinignan ang nagpapalit palit kulay sa mataas na ferris wheel.
"Alam mo ba na hindi ko naranasan nung bata ako na makapunta sa ganitong lugar, we were so poor back then, bonus na nga lang kung may uulamin kaming toyo at mantika noon." Mapait itong tumawa ng mahina. "Pareho kami ni Tianna, kaya tinayo namin 'tong Peter Pan's castle kasi isa ito sa mga dream namin ni Tia."
Pag-aari ni Tia at Sabrina ang Amusement park? Kaya pala hindi na sila nagbayad ng Entrance fee, kaya pala super polite ng mga staff sa kanila at hindi ito nagbabayad sa kahit saan.
"Halos lahat ng nag ta-trabaho dito mga dating street children." Tumingin sa kanya si Sabrina at ngumiti. "Bago ako inampon ni Ismaela, sa kalye ako nakatira. Sa hirap kasi ng buhay naming, napilitan ang Tatay ko na magtulak ng droga, isinama niya ang bunso kong kapatid para daw hindi halata pero natiktikan sila ng Pulis, napatay ang Tatay ko at nadamay ang bunso kong kapatid, si Nanay naman namatay sa Tubercolosis na hindi ko man lang nadala sa hospital. I was all alone. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, takot na takot ako noon and then, Ismaela came to me one day and she made me the person I never thought I could be. Doon na kami nagkakilala ni Tianna."
Ngayon, alam na niya ang isa sa mga piraso ng kwento ng buhay ni Sabrina. Naiintindihan na niya ngayon kahit papaano kung bakit napakatigas nito, kung bakit ito aloof at introvert, pinatigas ito ng mga sad experiences nito sa buhay. Gusto niya itong yakapin at bigyan ng comfort pero baka bigyan pa ito ng malisya ni Sabrina, ma feeling pa naman ito kaya hindi na lamang niya isinagawa ang binabalak.
Saglit silang kinain ng katahimikan.
Binuksan niya ang plastic ng cotton candy at sinimulan itong kainin. Napasulyap sa kanya si Sabrina, sulyap na nauwi sa titig. Inirapan naman niya ito at itinuloy ang pagkain ng Cotton candy.
"Masarap?" Tanong sa kanya ni Sabrina.
"Bakit hindi mo kainin 'yang isa?"
"Hindi ako mahilig sa sugar." Anito.
"Eh paano mo malalaman kung masarap?" Tanong niya dito.
Huminga ito ng malalim. Nakatitig pa din sa kanya si Sabrina. Bigla siyang kinabahan nang lumapit ito sa kanya at hinawakan ang chin niya at itinaas ang mukha niya.
"This is the only way that I know para malaman ko kung masarap ba 'yang cotton candy na kinakain mo."
Para siyang biglang nag freeze nang bahagya itong yumuko ang inilapit ang labi sa labi niya. Hahalikan ba siya nito? Binundol na ng malakas na kaba ang dibdib niya at nagsimula siyang mamawis.
"To taste it through your lips."
At nabitawan niya ang hawak hawak na cotton candy at ang hello kitty stuff toy nang dilaan ni Sabrina ang labi niya.
Kasabay ng pagguhit ng makulay na fireworks sa kalangitan.
.
.
.
.
.
Walang kibuan silang dalawa sa backseat nang umuwi na sila. Hanggang sa marating nila ang bahay nila'y hindi pa din sila nag-uusap ni Sabrina kahit man lang tingin ay hindi. Nahihiya siya dito na naiilang na hindi niya alam. She licked her lips kanina at wala siyang nagawa. Hahalikan pa sana siya nito ngunit dumating na sila Tia at Althea at magkakasama silang apat na pinanood ang fireworks display.
Tulala pa din siyang pumasok sa bahay niya, si Althea naman ay nanatili sa bahay ni Tia kasama ang mga ito.
Dumiretso siya sa mini bar ng bahay niya, ipinatong ang hello kitty sa counter at tinitigan iyon. Natatawa siyang umiling iling, nagbukas ng alak at nagsalin sa wine glass. Nagkakaroon na ng rigodon sa kaloob looban niya. Hindi na niya alam ang nararamdaman niya, naguguluhan siya, nalilito.
Natigilan siya nang may kumatok sa pintuan niya. Lumapit siya dito at binuksan iyon. Si Sabrina. Bigla na namang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ngumiti ito sa kanya at tsaka mula sa likod nito'y inilabas nito ang pusa at ibinigay sa kanya.
Nagtataka naman niya itong kinuha.
"Para sa 'yo talaga 'yan eh..." Anito sa kanya, natigilan ito, lumunok, mukhang hindi nito alam ang iba pa nitong sasabihin, parang nangangapa pa ito sa tamang salita na sasabihin sa kanya. "Alam ko naman na mahilig ka sa pusa kaya binilhan kita..." Tumikhim ito na para itong nabibilaukan. Tumingin sa kanya si Sabrina, umiwas ng tingin at muling tumingin sa kanya. "I'm sorry kung nainsulto kita... I'm just trying to be funny pero I'm a bad comedian unlike you..." Ninenerbiyos itong ngumiti sa kanya. Napansin niya na pinagpapawisan ito, halatang kinakabahan ito sa harapan niya.
Lumabas siya ng pintuan niya at naupo sa ibabaw ng doorstep niya, tumabi naman sa kanya si Sabrina. Hinaplos haplos niya ang balahibo ng pusa.
"From now on your name will be Mumay." Kausap niya sa pusa.
"Mumay? Ang pangit naman." Anito sa kanya.
"Kesa naman sa Muning 'no." Inis na inirapan niya ito. "Isa pa, binigay mo na siya sa akin kaya wala ka ng pakialam kung anong ipapangalan ko sa kanya."
Hindi naman kumibo si Sabrina.
"Paano mo nga pala nalaman na mahilig ako sa pusa?" tanong niya dito. Hindi din niya alam kung saan nakuha ni Sabrina ang information about sa pagkahilig niya sa pusa.
"Napanood ko 'yung interview mo sa you tube tapos..." Natigilan si Sabrina at napatingin sa kanya. Hindi siya makapaniwala na pinapanood siya nito sa you tube.
Nang-aasar niya itong nginitian. "Ini-stalk mo pala ako ha."
"Of course not."
Inilapag niya ang pusa sa paanan niya at hinarap si Sabrina. "Really? Malamang alam mo na din ang favourite color at food ko 'no?"
"Red and Japanese." Sagot naman nito na parang wala sa sarili.
Nagkatinginan silang dalawa at sabay silang natawa.
"Gusto mong mag coffee?" Tanong niya dito.
"Sure."
Tumayo na sila sa pagkakaupo, si Sabrina naman ang kumarga sa pusa at magkasama na silang pumasok sa loob ng bahay niya.
And she swear to God, nang pinapasok niyang muli si Sabrina sa bahay niya pagkatapos niya itong palayasin three days ago, hindi lamang sa bahay niya ito pinapasok, kundi na din sa buhay niya, lalong lalo na sa kanyang puso.
.
.
.
.
.
+tobecontinued+