Chapter 12

She was a super straight woman or so she thought.

She must admit that the first day she saw her, naisip na niya na Tianna Recova is such a very good looking woman pero never na sumagi sa isip niya na magugustuhan niya ito. Oo sinundan niya ito ng tingin nang pumasok ito sa farm, kasama nito si Sab, si Althea at si Cory na isang sikat na Artista, they were all beautiful and gorgeous pero kay Tianna napako ang atensyon niya. Siguro kasi napakalakas ng dating nito. Naka isang old white shirt at maong jeans lang n'un si Tia, naka white sneakers na madumi, nakalugay ang buhok, naka shades, naninigarilyo ito habang naglalakad. Her full sleeve tattoos and that devilish smile on her face gave her an impression that you can't mess with this woman or she can kill you with bare hands in broad daylight. During the meal, halos magkatapatan ang upuan nila, doon niya unang napansin na nakatingin sa kanya ang dalaga, she tried to look away pero bumabalik at bumabalik ang mga mata niya dito, and Tia just kept on staring at her, ibinaba nito ang shades sa mata at tsaka siya kinindatan. She almost lost it, para siyang sinipa ng kabayo sa dibdib lalo na nang bigyan siya nito ng isang matipid na ngiti.

After ng breakfast ay umalis si Tia at muli na lamang niya itong nakita nang pauwi na sila. Naghihintay ito sa kanya sa labas ng farm. Naaalala pa niya ang paraan nang pagpapakilala nito sa kanya, ang paraan nang pakikipag-usap nito sa kanya. She was smoking while staring at her. Nilapitan siya nito bago siya pumasok sa kotse niya. Hinawakan nito ang nakabukas na pinto ng sasakyan niya at muli iyong isinara. Napatitig siyasa dalaga, gusto niyang mainis dahil parang ang yabang ng dating nito sa kanya, isa pa'y tumatama sa mukha niya ang usok ng sigarilyo nito.

Ipinatong nito ang braso sa ibabaw ng bubong ng kotse niya at nginitian siya. "I think you need to go out with me." Confident na sabi nito sa kanya. Napataas ang kilay niya.

"And why should I go out with you?" Nakaarko ang isang kilay na tanong niya dito.

"Because I can tell that you are a very lonely woman."

Lumalim ang pagkakatitig niya kay Tia, sarcastic siyang natawa sa sinabi nito at tsaka nailing na umiwas dito ng tingin pero si Tia, titig na titig pa din ito sa kanya.

"I'm serious." Sabi nito.

Muli siyang tumingin sa dalaga. She's dead serious. At first she find it funny na inaaya siya nito ng date, it's obvious that this woman is actually flirting with her, she wanted to say No but what the hell, she just wanted to give it a try, wala namang masama, wala din namang mawawala sa kanya.

"Who are you Tianna? Seriously, who are you?" Nakangiti na niyang tanong dito, that moment she felt like nakikipag flirt na din siya sa dalaga.

Imbes na sumagot, Tianna gave her a clever smile, iyong klase ng ngiting parang ang daming nais ipakahulugan.

Hinatak nito ang laylayan ng t-shirt nito pataas at ibinuhol ito. Lumitaw ang magandang bewang at abs ng dalaga, napatitig siya dito. Huminga siya ng malalim.

"Your happiness." Sagot nito sa kanya.

Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya dito. First time niyang naaya ng isang babae na makipag date, first time din niyang maaya ng date sa ganoong ka confident na paraan. Most of the guys that she knew, laging na iintimidate sa kanya dahil Doctor siya, but it seems like Tianna doesn't give a damn about her being a Doctor.

So she said yes. Para namang inaasahan na ni Tianna ang sagot niyang iyon, ngumiti lang ito at tsaka muling isinuot ang shades nito, hinawakan siya nito sa kamay at dinala siya nito sa driveway ng bahay nito. Sumakay ito sa motor nito, umangkas naman siya sa likuran ng dalaga. First time niyang sasakay sa motor, she was nervous and thrilled at the same time. Iniikot lang siya ni Tia sa country side ng Trinidad, mabilis itong magpatakbo pero maingat. Amoy na amoy niya si Tia and she can say that Tia was the most well perfumed woman she'd ever met in her whole life.

Nag coffee sila sa lakeside. Kabaligtaran ng inaasahan niya, Tia was gentle and kind. Mahinahon itong magsalita, kahit na punong puno ng seriousness ang boses nito'y kalmado ito, halatang alam na alam ang lahat ng sinasabi nito. She was so sure of herself, confident and very attractive. She loves staring at her while she talks, that full, red, pouty lips was so effin sexy she wants to touch it with her fingertip.

That was the first time na lumabas sila. That night, she googled her name at doon niya nalaman na she was an alleged leader of a notorious syndicate na may hawak ng pinakamalaking drug cartel sa buong Trinidad. Ito ang may-ari ng isa sa pinakamalaking Casino sa bansa, marami itong pag-aari na nightclubs at Bars, mga GYM para sa Muay thai at Kickboxing, she was at the top list of the hottest and most popular Bachelorettes in the whole country. Marami na din itong scandal na nasangkutan, it's more on crimes and murders, pati ang mga scandalous affair nito sa mga babae'y nabasa na din niya.

Tianna Recova was a red flag to her pero nang muli siya nitong inaya na lumabas ay muli din naman siyang sumama dito.

Sa pangalawang paglabas nila'y nanood siya ng laban nito sa Muay thai. She was strong, halos hindi nagtagal ang laban, sa first round pa lang ay tatlong beses na nitong napabagsak ang kalaban. Pagkatapos ng laban nito'y isinama siya nito sa target shooting at tinuruan siya nitong humawak ng baril at bumaril. Hindi niya ine-expect na mag e-enjoy siya sa company nito, ang akala niya'y mukha itong sex dahil iyon ang nabasa niyang article tungkol sa dalaga pero nagkamali na naman siya dahil never itong nag take advantage sa kanya. Puno ng pag-iingat ang mga hawak nito sa kanya, lagi itong nakaalalay sa braso niya and she took good care of her. Pakiramdam niya'y safe na safe siya kapag kasama niya ito.

She was surprised when she offered her help para sa charity works niya. Nag donate ito ng malaki sa foundation nila at tumulong sa mga health missions na ginagawa nila.

Marami ding pagkakataon na nag i-sleep over siya sa bahay nito pero walang nangyayari sa kanila, kahit simpleng halik or smack sa labi ay wala. Wala din namang sinasabi sa kanya si Tia about sa feelings nito for her, hindi din naman niya alam kung anong sasabihin niya dito if ever na mag profess ito ng nararamdaman nito sa kanya.

Mas maganda 'yung ganoon, kahit walang label at least hindi sila na pe-pressure, hindi naman nila kailangang magmadali, mas maganda pa din na unti-untiin nila ang mga bagay bagay, mabagal man at least, sigurado.

She even opened her amusement park para sa mga batang may cancer na tinutulungan ng foundation niya. From that day on, she knew that inspite of her devilish charm and dangerous appearance, Tianna Recova has a wonderful heart and a beautiful soul.

"Wala 'tong Amusement park sa profile mo." Aniya habang magkatabi silang nakaupo sa wooden bench at kumakain ng ice cream na nasa cone.

"Few people lang ang nakakaalam na ako ang may-ari nito, kami ni Sabrina." Anito. Sinulyapan niya ang dalaga habang dinidilaan nito ang ice cream. Napatitig siya dito, she imagined herself being licked by that wonderful tongue. Iyon ang unang pagkakataon na nag imagine siya ng ganoon, gusto niyang matawa at batukan ang sarili.

"May childish side ka pala."

Ngumiti si Tia sa kanya, iyong klase ng ngiti na nahihiya.

"I want to meet that child inside you." Aniya.

"The child inside me is a lonely, scared child. I kept it hidden from the world."

"Why? It is not a crime to be lonely and scared."

Napasulyap sa kanya si Tia. Pakiramdam niya'y may nasaling siya sa kaloob-looban nito. Nag-iba ang expression sa mukha nito, naging soft and fragile.

"Kapag nakita kasi ng mundo ang kahinaan mo, they will use it against you, to hurt you, to leave you behind like you don't matter at all."

She knew it, may itinatago itong kakaibang lungkot sa dibdib nito. Isang klaseng lungkot na matagal na panahon na nitong itinatago at dinadala.

"Ang dami mong emotional baggages. Let it go, your weaknesses should not be a burden for you to keep. Lahat tayo may kahinaan, lahat tayo nangangailangan ng tulong from someone, it's hard to live your whole life pretending that you're strong when deep inside you, you're already falling apart."

"When was the last time that someone hasn't falling apart?"

"Exactly Tia." Aniya. Tinitigan niya ito ng diretso sa mata. "Lahat tayo may dinadala sa loob natin kaya we don't have the right to judge someone's misery. Wala tayong karapatan na sukatin ang kalungkutan nila, we don't have the right to measure the weight of their loneliness based on our own experiences and standards. Maybe for us it was just a puddle of mud but for someone else's life, it was already a quicksand."

Katahimikan.

"Crystal, I never had a happy childhood." Panimulang kwento nito. "My Mom was a prostitute, never kong nakilala ang Tatay ko. My Step dad was a total evil and he brutally killed my Mom right in front of me."

Hindi siya nakakibo sa narinig. Parang bigla siyang nahawa sa kalungkutang nararamdaman nito.

"I tried, God knows I tried to be strong, to keep that facade that nothing in this world can hurt me again. I closed my heart, I knew right from the start that Love will be my own demise, but I fell in love so fucking hard it drove me mad. I stripped naked to her, hinubad ko ang mask ko, ginuho ko ang defense wall ko but she broke me, no, she just didn't broke me, she wrecked me. She ruined me. Hindi ko alam kung gaano kalaking damage ang iniwan niya sa akin basta ang alam ko, I was lost. I felt cheated and abandoned."

Nakita niya ang pagsungaw ng luha sa mga mata ni Tia, pero pigil na pigil ito ng dalaga.

"She found someone else, she left me." Huminga ito ng malalim at tumitig sa ice cream na hawak nito. Nakita niya ang pagtigas ng panga nito. "You know why?" Malungkot itong ngumiti at tumingin sa kanya. "Because I'm weak."

Katahimikan.

"She made feel like I'm not enough and never will be enough for someone or for anyone."

"Of course not Tia, you will be enough for someone who truly love you."

Katahimikan.

Inis na binato ni Tia ang cone ng ice cream sa damuhan at pinagpag ang mga tulo ng ice cream sa kamay nito. Hindi niya alam kung anong klaseng masamang hangin ang pumasok sa kukote niya nang mga oras na iyon pero hinawakan niya ang kamay ni Tia at dinilaan ang daliri nito, dinilaan niya ang tulo ng ice cream sa kamay nito. Nang matapos siya'y titig na titig lamang sa kanya si Tia.

"Make a promise to yourself Tia that from now on, you'll find someone who's willing to lick the dirt off of your hands."

Binitawan niya ang kamay nito. "It's okay to cry Tia, wala kang lalabaging batas kung iiyak ka."

Malalim itong huminga at yumuko. She put her arms around her shoulder at niyakap ito ng mahigpit at tsaka ito mahinang lumuha sa balikat niya.

Nang mga sandaling iyon, isang bagay lamang ang pumasok sa isip at puso niya. She could make her happy. She wants to make her happy.

Everything was good until that night.

Hindi niya alam kung anong mayroon but she knew there's something going on between Tianna and that Althea woman. Napansin niya ang tinginan ng dalawa, ang makahulugang ngiti ni Althea. Hindi niya alam kung bakit natagalan ang paglabas ng dalawa mula sa bahay ni Tia, hindi niya alam kung bakit parehong nag ba-blush ang mukha ng mga ito. And when Tianna sat beside her she smelled something, something different, parang may ibang pabangong humalo sa pabango nito.

She don't know if Althea was just being clever pero nang sinabi nito na; "Para akong na drained." Ay parang may gusto itong ipakahulugan sa kanilang lahat, lalo na sa kanya.

Is she the girl na ikinuwento noon sa kanya ni Tia? Is she the ex-girlfriend?

She never felt threatened until now. Never siyang nakaramdam ng insecurities kahit kanino pero nang gabing iyon lalo na nang makita niya kung paano sinundan ng tingin ni Tia ang papaalis na si Althea ay may pinong kurot siyang naramdaman sa puso niya.

Nagseselos ba siya? Gaga din siya na makaramdam ng selos pero hindi niya maiwasan. She like Tianna so much na hindi na siya makapag-isip ng maayos. She has to do something for her to keep her. Hindi niya hahayaan na magaya siya sa ibang mga babaeng mabilis lang na dumating at naglahong parang bula sa buhay nito. She will never be just another game for Tianna, she's not just another toy na pagkatapos nitong paglaruan ay iiwan na lang sa kung saan.

She'll going to make sure that she's someone Tianna can't get over with.

Althea is such a hot, sexy young girl. Malakas ang dating nito kahit na mukha itong laging bagong gising. Pero alam niya sa sarili niya na hindi naman siya papahuli sa ganda nito.

That same night, she made a big drastic decision. She will give herself to Tianna, that's the only way to find out if she's into her or not. Isa pa'y iyon lang ang naiisip niyang paraan to get her full attention dahil napansin niya na parang nabaon si Tianna sa malalim na pag-iisip nang umalis na si Althea.

Kung si Althea man talaga ang tinutukoy ni Tia o hindi, isa pa ding malaking threat si Althea para sa kanya.

And that would be her last resosrt, ang cheap man ng dating nito'y wala na siyang pakialam. They made a wonderful start at hindi niya hahayaan na masira ito ng ganoon na lamang without putting up a good fight.

Pinag-isipan niya iyong mabuti. Inihatid na siya ni Tia sa kotse niya, nakita niya ang sasakyan ni Sabrina na paalis. Ang higpit higpit nang pagkakahawak niya sa manibela, napasulyap siya sa pintuan ng bahay ni Tia, kakapasok lamang ng dalaga sa loob. Malalim siyang nag-isip. She wants them for real, she and Tia, the two of them, she wants it to be for real so bad. Kaya bumaba siya sa kotse niya at naglakad papunta sa nakasarang pinto nito at tsaka niya pinindot ang doorbell.

Ilang sandali lamang ay nagbukas na ang pinto at sinalubong siya ng nakangiti ngunit nagtatakang tingin sa kanya ni Tia.

"Crystal, have you forgotten something?"

"My heart..." Aniya sa mahinang tinig.

"What?"

"My heart, I forgot my heart." At tsaka siya lumapit dito, kinabig ito sa batok at mariin itong hinagkan sa labi.

Hindi naman siya nabigo dahil gumanti naman ng halik sa kanya si Tia. Nang maghiwalay ang labi nila'y matagal silang nagtitigang dalawa. Hinaplos niya ang pisngi nito at muli itong dinampian ng halik sa labi.

"Make love to me, right here, right now."

Nagbitaw silang dalawa ni Tia. Gumilid ito sa pintuan upang papasukin siya. Nginitian niya ito at tsaka sinimulang tanggalin sa pagkakabutones ang damit niya. Marahan naman isinara ni Tia ang pintuan nito, nang humarap sa kanya ang dalaga'y tuluyan na niyang hinubad ang blouse niya. Nagkatitigan silang muli ni Tia, sumilay ang ngiti sa labi nito at tsaka ito naglakad palapit sa kanya.

.

.

.

.

.

First time siyang isinama ni Sabrina sa sarili nitong bahay sa Montecillo. It was a three storey Italian style house na malapit lang sa Beach. Nang ininvite siya ni Sabrina na mag overnight sa bahay nito'y pinaghandaan niya ang araw na iyon. Baka maganap na ang pinakahihintay ng mga readers na SPG sa lovestory nila ni Sab.

Nagpunta siya sa salon. Nagpa Brazilian wax, nagpagupit ng buhok, nagpa manicure at pedicure. Matiyaga naman siyang sinamahan ni Althea kahit na ilang beses siya nitong sinabihan na no need na niyang gawin ang ganoong klaseng preparations dahil ang kailangan lang naman niya ay magpakatotoo sa sarili niya pero mas gusto pa din niya na handa siya para sa hubaran time.

Aba malay ba niya, pintasera pa naman si Sabrina at lagi siya nitong inaasar tungkol sa hitsura niya kaya mas maganda nang confident siya kung saka-sakaling ipapakita na niya dito ang hot and sexy body niya.

Ginamit niya ang pinaka feminine at pinakamabango niyang perfume, never siyang binigo ng I love love ng Moschino, ginawa din niyang light lang ang make-up niya lalo na ang lipstick para hindi naman diyahe na kapag naglaplapan na naman sila ni Sabrina'y mas malalasahan nito ang lipstick niya kaysa sa labi niya.

Pati ang isinuot niyang damit ay simple lang, sabi nga ni Althea para daw hindi mahalata ni Sabrina na masyado niyang pinaghandaan ang araw na iyon. Isang puting crop top at denim skirt na maiksi ang isinuot niya, parang casual na mag ma-mall lang, pero sinigurado niya na sexy ang bra at panty na suot niya.

Habang nasa biyahe sila'y para pa siyang kinikilig kilig kapag naiisip niya ang mga p'wedeng mangyari sa kanila ni Sabrina nang gabing iyon. Sabi ni Althea, just keep it cool lang kasi baka mag Panic attack siya kapag nagsimula na, alam kasi nito na Virgin siya at wala pa siyang ka muwang muwang sa mundo pagdating sa mga ganoong bagay.

Pagdating sa bahay ni Sabrina'y namangha siya sa laki at ganda ng bahay nito, mas maganda pa ito sa bahay ni Tia o ni Althea. Sa first floor ay receiving area, naroroon ang sala at kitchen, ang dining room, sa second floor naman ay may bar, billiard table, ang bawat ding ding ay gawa sa glass na tinatakpan lamang ng makapal na kurtina. May malaking shelf na gawa sa wood at naroroon ang lahat ng action figure na collection nito pati ang mga die cast na vintage car. Sa gilid ng hall ay may isang top down grand Torino na kulay puti. Sabi ni Sabrina ay hindi na ito umaandar kaya binili niya ito sa isang horder at idinisplay na lamang doon.

Sa kabilang shelf naman ay nakadisplay ang mga vintage hand gun na ang iba'y nabili pa daw nito sa mga collectors sa ibang bansa. She was amazed lalo na nang makita niya ang isang malaking book shelf nito na sa bandang baba ay naroroon ang mga complete DVD ng The God Father at James bond movie. Napansin niya ang mga Romantic movies na halatang kakabili pa lang. Kinuha niya ang isa at tinignan iyon.

"A walk to remember? Nanonood ka pala ng ganito." Aniya dito. Agad namang kinuha ni Sabrina ang DVD sa kamay niya at inilapag iyon sa ibabaw ng mga libro.

"Hindi ako nanonood ng ganyan, naiwan lang 'yan ng Secretary ko dito."

"At bakit nandito ang Secretary mo?" Nakaarko ang isang kilay na tanong niya dito.

"Nagpupunta dito ang buo kong staff minsan, huwag kang ma issue." Depensa nito. "Pinapupunta ko ang iba sa kanila dito kahit wala ako para maglinis 'wag kanga no diyan." Singhal nito sa kanya.

Pairap naman na nag make face siya dito. Hinatak siya nito sa braso at inaya sa third floor. Puro kwarto lamang ang naroroon, hindi naman siya dinala ni Sabrina sa kwarto nito kaya napangisi na naman siya nang maisip niya kung saang mga kwartong iyon kaya sila mag se-sex ni Sabrina. Natatawa siya, hindi lamang niya iyon pinahalata sa dalaga.

Dumiretso sila sa roof top kung saan ay may maliit na penthouse at maliit na swimming pool that hang over the edge of her house. The view from the deck was breathtakingly beautiful. Kitang kita ang buong beach ng Montecillo, ang light house, ang mga ilaw ng dumadaang barko, ang mga torch na nakasaksak sa buhanginan sa beach front. Tingin niya'y mas maganda ang view dito sa umaga.

Bumaba saglit si Sabrina at naiwan siya doon na nakatanaw sa labas. Malakas ang ihip ng hangin, amoy nature. Ang payapa ng buong paligid. Pumasok siya sa penthouse, may maliit na bar doon, may kama, may couch. Nakita niya ang LP na nasa sulok, pumili siya ng Vinyl records na nasa maliit na shelf, isinalang niya ang America at tsaka muling lumabas at muli siyang tumanaw sa labas.

Nang bumalik si Sabrina'y dumiretso ito sa penthouse, pagkalabas nito'y may dala na itong isang bote ng alak at dalawang wine glass. Inilapag nito ang alak at wine glass sa gilid ng pool, naghubad ito ng damit at tsaka lumusong sa tubig. Inaya siya nito kaya hinubad na din niya ang damit niya at lumangoy palapit sa dalaga.

Nagsalin si Sab ng alak sa wine glass at ibinigay ang isa sa kanya.

"Let's talk about something serious naman Sab." Aniya sa dalaga.

"Ano namang gusto mong pag-usapan?"

"Let's talk about sex."

Muntik nang mabilaukan si Sab sa sinabi niya. Napatingin ito sa kanya at humalakhak ng malakas. Nainsulto siya sa paraan ng pagtawa nito, alam ba nito na virgin siya? Kahit naman sabihin niya na virgin siya'y sigurado siyang hindi ito maniniwala sa kanya dahil iba nga ang tingin nito sa mga artista.

"Okay." Natatawa pa din nitong sabi. Inubos nito ang alak sa baso nito at muling nagsalin. "What is your favourite sex position?" Tanong nito sa kanya.

"Missionary." Sagot niya. Iyon ang pinaka safe na sagot na naisip niya.

"Basic." Mayabang na sabi ni Sab sabay lagok ng alak. "Why missionary?"

"I don't know, parang iyon ang pinaka romantic na sex position na naiisip ko." Sagot naman niya.

"Naiisip mo? Naiisip mo lang meaning hindi mo pa na e-experience?" Nang-aasar na tanong nito. Naubos nitong muli ang alak sa baso, nagsalin itong muli.

Inirapan naman niya ito. Inubos nito ang alak sa wine glass bago muling nagtanong sa kanya. "Na try mo nang makipag threesome?"

Alam niya ang threesome pero hindi niya maisip na it can happen in real life, parang sa mga porn lang niya iyon na iimagine na p'wedeng mangyari. "Hindi pa, naniniwala kasi ako na three is a crowd."

Malakas na tumawa si Sabrina. Napansin niya na ang bilis uminom ng alak ni Sab nang gabing iyon, samantala siya'y hindi man lamang pa niya nagagalaw ang alak na nasa baso niya.

"Na experience mo nab a Cory ang ma French kiss down there?" At inginuso nito ang pussy niya. Gusto niyang ma shock sana sa tanong nito, pero naalala niya ang sabi sa kanya ni Althea na she need to play it cool, na huwag na huwag siyang mag pa-panic attack kaya nginitian na lamang niya si Sabrina, ngiting makahulugan kahit wala naman talaga itong kahulugan, sabi kasi ni Althea, huwag siyang diretso palagi, dapat may twist, may thrill, may mystery para mas makuha niya ang interes ni Sabrina.

Napatitig naman sa kanya si Sabrina sabay inom ng alak.

"Na enjoy mo ba?" tanong nitong muli sa kanya.

"It all depends on someone na mag fe-french kiss sa akin down there." Malandi niyang sagot sabay ngiti muli sa dalaga.

Muli na naman itong napalagok sa alak. Naubos na nito ang isang bote ng brandy kaya umahon ito sa pool, pumasok sa penthouse at muling kumuha ng isang bote ng brandy.

Bumalik ito sa pwesto nito, sa tabi niya.

"Isa sa mga gusto kong sex position..." Aniya dito at ibinitin niya ang huling sasabihin. Ininom ni Sabrina ang alak sa baso nito habang nakatitig sa kanya at naghihintay sa sasabihin niya.

"What?" Parang inip na tanong nito sa kanya.

Lumapit siya kay Sabrina at idinikit ang dibdib sa gilid ng braso nito at tsaka siya mahinang bumulong malapit sa tenga nito.

"Face fuck." Aniya, wala naman talaga siyang idea tungkol doon, narinig lang niya iyon noong nag gi-girls talk sila ni Althea at kinukwento nito sa kanya ang sexcapades nit okay Tianna at Tala.

Mas inilapit pa niya ang bibig kay Sabrina at dinilaan ang punong tenga nito. Narinig pa niya ang paghinga nito ng malalim. Pumikit ito saglit at nang muli nitong idinilat ang mata'y kinuha nito ang bote ng brandy at tinungga iyon.

Pumunta siya sa harapan ni Sabrina. Ipinatong niya ang dalawang siko sa magkabilaan nitong balikat. "You wanna do it to me?" She teased her, hindi naman kumibo si Sabrina, muli itong tumungga sa bote habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya. "Because I want you to do it to me."

Kinuha niya ang bote na hawak nito at inilapag sa gilid ng pool. Inilapit niya ang labi dito at tsaka niya ito hinalikan sa labi. And they kissed again. That wonderful mouth, that beautiful kiss, that gorgeous woman, paano pa ba siya makakapag-isip ng diretso kung ganitong klase ang nasa harapan niya?

Matagal silang naghalikan, lasang lasa niya ang brandy na ininom ni Sabrina sa bibig nito. Nakakapanibago lang na napaka soft and tender ng halik ni Sab sa kanya nang mga sandaling iyon.

Ito ang unang bumitaw sa halik nila. Namumungay ang mata na tumitig ito sa kanya. "Wait, I'll just go and get us another bottle of brandy." Anito.

Umahon itong muli sa pool at pumasok ng penthouse. Sumandal naman siya sa gilid ng pool at hinubad ang kanyang bra para pagbalik ni Sabrina'y handa na siya. Humarap siya sa pinaka edge ng pool at tumanaw muli sa view ng beach.

Hindi nagtagal ay napansin niya na hindi pa bumabalik si Sabrina at ilang minuto na ang lumilipas. Nagtataka niyang isinuot muli ang bra niya at umahon sa pool. Pagkapasok niya sa penthouse ay nakita niya si Sabrina na nakahiga sa kama, nakalaylay ang isa nitong kamay sa gilid ng kama at hawak ang isang bote ng brandy.

Inis na nilapitan niya ito at malakas na hinampas sa balikat. "Walanghiya ka, tinulugan mo lang ako!"

Naalimpungatan naman ito at bumangon sa pagkakahiga. Lasing na lasing na hinatak siya nito braso, hinaplos siya nito sa pisngi, iginapang nito ang kamay papunta sa batok niya at tsaka siya nito kinabig palapit. Tinitigan siya nito, mula sa mga mata niya papunta sa kanyang labi. Napapikit siya nang unti unting lumapit ang labi nito sa kanya ngunit ang inaasahan niyang halik ay hindi natuloy dahil bago pa lumapat ang labi nito sa labi niya'y parang papel itong bumagsak muli sa kama at tuluyan nang nakatulog.

Kuyom ang palad na inambaan niya ng suntok si Sabrina at tsaka frustrated na tumili. Inis na inis na kinuha niya bote ng brandy na nasa sahig, binuksan iyon at tsaka ito tinungga.

Hindi natuloy ang lahat ng mga eksenang iniimagine niya sa kanyang utak, walang Warning: Explicit content na nakasulat, walang SPG na naganap.

Sorry na lang muna sa lahat.

.

.

.

.

.

-tobecontinued-