Nang magising siya ng umagang iyon ay agad na gumuhit ang kirot sa ulo niya. Nakahiga siya sa carpeted floor ng penthouse, naka bra't panty pa din siya pero may nakakumot na sa kanyang blanket. Naalala niya na ininom niyang mag-isa ang isang bote ng brandy, malamang ay nalasing siya at nakatulog ng hindi niya namamalayan. Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. Wala si Sabrina. Napasimangot siya nang maalala niya na tinulugan siya nito kagabi dahil sa sobrang kalasingan. Asar na asar na tumayp siya at kinuha ang bag niya. Mag sho-shower na sana siya nang makaisip siya ng kalokohan. Bumaba siya sa swimming pool at pumuwesto sa gitna at tsaka siya doon umihi. Sa ganoong paraan lamang ay makaganti siya kay Sabrina sa pambibitin nito sa kanya nang nagdaang gabi.
Tumatawang mag-isa na pumasok na siya sa comfort room at nag shower. Nang matapos siya'y agad siyang nagbihis at napatingin sa Memory stick na nakapatong sa side table. Naisip niya na baka porn ang laman nito, malamang iyon ang pinapanood ni Sabrina kapag mag-isa lang ito sa bahay nito. Isinaksak niya iyon sa gilid ng smart tv at tsaka isinaksak ang TV sa outlet. Hindi nagtagal ay nakita niya ang footage ng interview niya sa isang sikat na Male host sa leading Channel sa buong bansa. Napakunot ang noo niya. Finast forward niya ito, ang sumunod na napanood niya ang copy ng isa sa mga episode ng Starberry gang show. Iyon ang Anniversary episode nila at pinakamataas ang rating sa lahat ng episodes na nagawa nila. Napaarko ang kilay niya. Dinownload ba ito ni Sabrina sa You tube? Bakit? Anong purpose nito? Akala ba niya'y hindi ito mahilig manood ng mga ganoong 'kacheapan' sabi nga nito.
Natatawa siyang umiling iling at pinatay ang TV. Sumisipol sipol pa na bumaba na siya sa first floor. Naroroon si Sabrina, nagluluto ng breakfast. Ang animal, naka bikini top na pula lang at maiksing sleeping shorts. Hindi niya alam kung nananadya ba itong akitin siya o ano. Masama ang pagkakatingin na nilapitan niya ito. Naupo siya sa stool.
"Omelette and French toast." Nakangiting inilapag ni Sabrina ang plato sa harapan niya. "And a hot coffee." Sunod nitong inilapag ay ang mug ng kape.
Inirapan niya ito bago kinain at ininom ang kapeng inihain nito sa kanya.
"Oh bakit ganyan mukha mo? Umagang umaga nakaburangot ka." Sita nito sa kanya. Umupo ito sa katapat na stool at sinabayan siya sa pag-inom ng kape.
"Tinulugan mo 'ko kagabi, gago ka ba?" Asar na sabi niya dito habang ngumunguya.
"I was drunk, I'm sorry." Natatawang hingi nito ng paumanhin.
Gusto niyang itanong dito ang tungkol sa napanood niya na video clips na naka save sa memory stick nito pero hindi na niya ginawa at baka masira pa ang mood nito.
"Disappointed ka kasi walang nangyari 'no?" Tudyo nito sa kanya.
"As if naman I'm expecting that something will happen between us. Dream on." Depensa niya. Malakas na tumawa si Sabrina.
Nangingiting sinabayan siya nitong kumain hanggang sa natapos sila'y puro irap at ismid lang ang ibinigay niya dito na sinasagot lang nito ng ngiti.
Nang matapos sila'y magkatulong silang nagligpit at naghugas ng pinagkainan. Habang ginagawa nila ito'y nag ke-kwentuhan sila tungkol sa nalalapit niyang shooting para sa End of Summer Rom-Com Movie na gagawin niya. Tanong ito nang tanong tungkol sa details ng time at location ng shooting niya, pati sa magiging partner niya.
"Si Briggs Johnson ang partner ko sa Movie." Aniya.
"Eh 'di ma li-link ka na naman d'un." May kurot ng inis ang tinig ni Sabrina. Hindi ito maitago ng dalaga sa kanya.
"Oh bakit? Nagseselos ka?" Balik tanong niya dito.
"Bakit naman ako mag se-selos? Alam ko naman na kahit kanino ka ma i=partner, crush mo pa din ako." At ngumisi ito sa kanya.
"Hindi talaga nawawala ang kapal sa mukha mo 'no?" Inirapan niya ito. "Lakas ng loob." Pahabol pa niya dito.
They spend another whole day in Sabrina's house. Naglaro sila ng bilyar, nagpunta ng beach, nag bike paikot sa makikipot na cobbledstone pathways. Ang ganda ganda sa lugar na iyon, para siyang nasa Santorini sa Greece.
Palubog na ang araw pero wala pa din ang sex na hinihintay niya. Hindi man lang nagpakita si Sabrina ng interes na halikan siya o yakapin o kahit tsansingan man lang kahit na may mga pagkakataon na kusa na niyang idinidikit ang boobs niya sa braso nito o sa likod nito pero parang manhid lang ang dalaga at parang wala itong pakiramdam.
Hanggang sa inihatid na siya nito pauwi sa bahay niya ay wala man lang naganap kahit smack na kiss man lang. Nagsisimula na siyang ma frustrate. Hindi na niya alam kung anong mayroon sa kanila ni Sabrina. Ano ba? Naglalandian lang ba sila? Hindi naman na sila highschool para magpacute sa isa't-isa, hindi na sila mga bata para maglaro ng taguan, taguan ng feelings.
Ang nakakainis pa nito'y after nang araw na iyon ay hindi na ito nagparamdam sa kanya. Hindi ito umuuwi kay Tia, walang text or tawag, hindi din ito nag re-reply sa kanya, hindi sinasagot ang tawag niya. Iniisip niya nab aka busy ang dalaga pero kahit man lang sana kahit papaano'y mag reply ito sa kanya kahit 'K' lang ay tatanggapin na niya pero talagang wala siyang nakuha o natanggap man lang na kahit ano mula dito.
Namimiss niya ito. Hinahanap hanap na niya ito. Nakakainis lang na sinanay siya nito na halos araw araw silang magkasama, araw araw silang magkausap, nasanay siya, sinanay kasi siya nito at ngayon ay biglang tumigil ang lahat na hindi niya alam kung bakit.
Hindi na din niya alam kung tama pa bang umasa siya kay Sabrina o isipin na ang lahat ng namagitan sa kanila'y isa lamang sa masakit na biro nito sa kanya.
.
.
.
.
.
Halos araw araw niyang napapansin na nasa driveway ni Tia ang kotse ni Crystal. Hindi niya alam kung official na ba na may relasyon ang dalawa o nasa proseso pa din ang mga ito ng getting to know each other. Sigurado siya na may nangyayari na sa dalawa, si Tia pa ba? Sa tuwing naiisip niya na nag se-sex ang dalawa'y nasasaktan siya. Hindi niya iyon kayang itago sa sarili niya, oo sa ibang tao kaya pa niyang i-deny ito pero kahit kailan ay hindi niya kayang lokohin ang sarili niya.
Lalo na nang minsang masilip niya ang dalawa sa bintana niya na naghahalikan sa terrace ng bahay ni Tia, kitang kita pa niya kung paano ito hinalikan ni Tia sa noo at niyakap ng mahigpit.
Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.
That moment she already knew na tuluyan na siyang pinalitan ni Tia sa buhay nito and she can't blame anyone but her. It was all her fault. Ang tanga tanga niya. Kasalanan niya, pinakawalan niya si Tia, nagmahal siya ng iba at kinalimutan niya ito.
Tapos ngayon ay iiyak iyak siya? Manghihinayang? Magseselos? Maiinggit? Isa siyang malaking gaga.
"Kayo na ba ni Sabrina?"
Hindi agad sumagot si Cory. Nasa front porch sila ng bahay nito, nakaupo sa ibabaw ng staircase at kumakain ng lays habang umiinom ng beer. Sinulyapan niya ang kaibigan, tulala lang itong nakatingin sa kawalan habang ngumangata ng lays.
"Cory, are you with me?" Tanong niya ditong muli.
"Kasi Althea I don't know if it's normal or if it's okay na hindi namin napag-uusapan ang tungkol sa label na 'yan." Anito sa mahinang tinig. First time niyang nakitang sobrang seryoso ni Cory. Hindi siya sanay.
"Nag se-sex na ba kayo?" Kaswal na tanong niya dito.
"Hindi. Hindi kami nag se-sex. We do kiss sometimes, occasional hugs and kisses were okay, its fine with me pero alam mo minsan 'di ko ma gets bakit hindi siya nag i-initiate ng first move." Sumulyap sa kanya si Cory, nakita niya sa mga mata nito ang lungkot. "Maybe she's not really that into me." Huminga ito ng malalim at tsaka uminom ng beer. Muli itong tumulala sa kawalan.
"Or maybe she's just taking her time."
Pagak na tumawa si Cory. "Sabi nila mahirap daw mag expect, pero alam mo kung ano 'yung part na mas worst Althea?" Muling sumulyap sa kanya si Cory. "Iyong pilitin mo 'yung sarili mo na 'wag umasa kasi alam mong malabo pero ang hirap kasing hindi umasa."
Hindi siya kumibo. Hindi niya alam ang sasabihin sa kaibigan. Hindi naman kasi siya sanay na nagbibigay ng payo, she don't even know how to be a friend to someone.
Katahimikan.
"It's been one week Althea, wala siyang paramdam. Walang tawag, walang text. Hindi ko din siya nakikitang umuuwi diyan kay Tia. I tried calling her pero hindi niya sinasagot ang tawag ko, kahit man lang sana simpleng emoji or blank message, tatanggapin ko eh just the thought na naalala niya 'ko okay na sa akin kaso wala eh."
Katahimikan.
"Althea, aasa ba ako?" Tumingin sa kanya ang kaibigan at malungkot na ngumiti.
"Ano bang sabi ng puso mo?" Balik tanong niya dito.
"Sabi ng puso ko, 'Damn Cory puntahan mo siya' sabi naman ng utak ko, 'don't come cheap Cory, you're not that kind of girl.'" Muli itong tumawa, hungkag. "Ano bang susundin ko?"
"Sino bang gusto mong sundin?"
Muli itong nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "I don't know."
Katahimikan.
Nakita nila na dumating ang sasakyan ni Tia. Bumaba ito sa kotse nito at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay nito.
"Gusto mo siyang puntahan?" Tanong sa kanya ni Cory. Umiling siya. "So hahayaan mo na lang na maagaw siya ng iba sa iyo ng tuluyan?"
"Kasalanan ko naman kung maagaw siya sa akin ng iba, isa pa hindi naman na kami. Tapos na ang lahat lahat sa amin ni Tia."
"Ang complicated naman pala ng Love Althea, kaya pala may mga taong iwas na iwas dito."
Tumayo na ito at tumingin sa kanya.
"Pero you know, true love comes once in a lifetime. Siguro magmamahal ka ng maraming beses sa buhay mo, pero minsan ka lang makakatagpo ng isang tao na kayang pantayan, higitan ang pagmamahal na ibinigay mo, minsan ka lang magmamahal ng isang tao with no boundaries, na willing kang i-risk lahat for that person, buhay mo, pride mo, puso mo, minsan ka lang magmamahal at mamahalin ng walang kondisyon. And that person is for keeps Althea." Tinapik siya nito sa balikat at tsaka pumasok sa bahay nito. Naiwan siya doon mag-isa. Inubos niya ang laman ng bote ng beer bago siya tumayo at naglakad papunta sa bahay ni Tia.
Pinindot niya ang doorbell nito. Hindi naman nagtagal ay pinagbuksan siya nito ng pintuan.
"Can I talk to you?" She asked her.
Hindi naman kumibo si Tia. Pinapasok siya nito sa bahay nito. Naglakad siya papasok sa loob.
"Are you gonna keep her Tia? Seriously?"
"Why do you care?"
"She's so out of your league Tianna."
"I like her." Sagot nito.
Isang malakas na sipa sa puso ang naramdaman niya. Pero hindi niya ito pinahalata sa dalaga.
"More than you like me?" Alam niya she may sound so stupid pero wala na siyang ibang maisip na sabihin dito.
"Oh come on Althea, stop mind playing games with me?"
"I'm not mind playing games with you, I'm asking you bakit hindi ka makasagot?"
Hindi ito nagsalita. Halatang pigil na pigil ito sa emosyon nito sa kanya. "Leave me alone." Sabi nito sa kanya.
Pero sa halip na umalis ay nilapitan niya ito. "Why? You can't stand being near me?" Hinawakan niya ang kamay nito at idinantay sa ibabaw ng dibdib niya, agad naman na hinila ni Tia ang kamay nito.
"God damn it Althea, will you please stop this none sense."
Matagal silang nagtitigang dalawa. Iyon ang unang pagkakataong tinanggihan siya ni Tia. Masakit pala, masakit na sa puso, masakit pa sa ego niya. Pero hindi siya agad agad susuko. Hinatak niya ang collar ng leather jacket nito at hinalikan ang dalaga sa labi. Mahigpit siyang hinawakan ni Tia sa magkabilaang braso at sapilitan siyang inilayo dito.
"Althea, what the fuck are you thinking?"
"I want to know the truth, hindi mo na ba talaga ako mahal?"
"Bakit mahalaga pa ba 'yun? Hindi mo na ako mahal 'di ba so just let me go, just let me be happy with someone else."
"You can't be happy with someone else Tianna if you're still in love with me."
Katahimikan.
"Just go. Please, just leave me alone." Mahina pero matigas na sabi nito sa kanya.
"Are you in love with her?" She asked her.
Hindi agad nakasagot si Tia. Nasapo nito ang noo at umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ito makasagot sa tanong niya, could it be na siya pa din ang mahal nito? Na siya pa din ang nasa puso nito?
"Bakit hindi ka makasagot? Mahal mo na ba siya? Nakalimutan mo na ba ako ng tuluyan?" Nilapitan niya si Tia at mahigpit itong hinawakan sa braso. "Tell me the truth, I want to know the truth!"
"I love her." Matigas na sabi nito sa kanya. Tinitigan siya nito ng diretso sa mata. "I love her Althea."
Natahimik siya sa sinabi nito. Saglit na nagtama ang mga mata nila ni Tia bago siya kusang umiwas dito ng tingin. Binitawan niya ang braso nito. Napahakbang siya paatras. Parang hindi siya handa sa ganoong sitwasyon, parang siyang binabayo ng paulit-ulit sa dibdib.
"Hindi mo na ako mahal?" Hindi din niya alam kung saang lupalop ng mundo siya kumuha ng lakas ng loob na itanong iyon kay Tia kahit alam niya na sobra siyang masasaktan sa isasagot nito.
"I'm sorry Althea..."
She gets it. Mas lalo siyang nagalit sa sarili niya ng mga panahong iyon.
"So lahat ng halik at yakap, lahat ng nangyari sa atin sa Beach, sa kitchen mo, it doesn't mean anything to you anymore?" Muli siyang tumingin kay Tia, tumitig sa mga mata nito, pilit hinahanap ang dating pagmamahal sa mga mata nito sa tuwing tinitignan siya nito. Pero wala na, naglaho na ang lahat.
Huminga ng malalim si Tia at marahang umiling.
"It was a mistake."
Nangilid ang luha sa mga mata niya kaya agad niyang iniiwas ang mata dito. Bumuntong hininga siya at tsaka tumango tango.
Hindi na siya nagpaalam kay Tia nang lumabas siya sa bahay nito. Pigil na pigil niya ang luha sa mga mata ngunit nang tuluyan siyang makapasok sa bahay niya'y doon na niya pinakawalan ang kanyang mga luha.
Hindi siya nagbukas ng ilaw. Naupo siya sa sofa niya at tahimik na umiyak sa gitna ng dilim.
Kinuha niya ang CP sa bulsa ng jeans niya at kinontak ang number ni Capt. Leon. Hindi naman nagtagal ay sinagot na ito agad ng matandang lalaki.
"Althea, I'd been waiting for your call. Kumusta ka na hija?"
"Captain, give me something." Aniya dito, pilit tinatago ang pagsinghot at garalgal sa boses niya.
"Governor Teodore Ausria. Philanthropist. Paedophile. Rapist. Child extortionist. Siya ang may-ari ng pinakamalaking Toy company sa buong bansa. Bukas, nasa Sunday Mass siya sa St. Agatha's Bassilica. Palagi siyang nasa unang hanay ng bleacher kasama ang Asawa at Anak niya, make sure na walang ibang madadamay."
"Wait for the breaking news tomorrow morning."
At tsaka niya pinatay ang tawag.
Tumayo siya at tinaob ang couch niya. Sa ilalim nito nakatago ang M24 Sniper rifle niya at Zastava M76. Binitbit niya iyon paakyat sa kwarto niya at inilagay sa isang Guitar case. Inihanda niya ang lahat ng kakailanganin niya para bukas. Sinigurado na wala siyang nakalimutan kahit isa.
Binuksan niya ang laptop niya. Binuksan ang email na i-sinend sa kanya ng S.I.S, blueprint copy ito ng St. Agatha's Bassilica, mga picture ng loob at labas ng simbahan. Pati ang top view picture ng Bassilica at buong paligid nito. Sunod niyang tinignan ay ang information na pinadala sa kanya ng S.I.S tungkol kay Teodore Ausria. Napangiti siya dahil hindi na niya kailangan ng baril para patayin ito. It will be an easy target for her.
Pinagplanuhan niya ang lahat. Alas-singko ng umaga nang magsimula siyang magbihis. Nagsuot ng wig. Nagbago ng skin color, naglagay ng contact lens, nag apply ng heavy make-up at nang tignan niya ang sarili sa salamin ay halos hindi na niya makilala ang sariling repleksyon.
Sumakay na siya sa kotse niya at nag biyahe papuntang Bassilica. Seven AM ang first mass, umupo siya sa second row ng bleachers. Hindi nagtagal ay nakita niya si Teodore kasama ang Asawa at Anak nito.
Buong mass ay nakatingin lang siya sa nakatalikod na lalaki. Hinintay niya ang parte ng misa na pipila na ang mga tao para sumubo ng ostia. Nang pumila na si Teodore ay sumingit siya sa unahan nito, nakiusap siya kunwari na nagmamadali siya kaya nakangiti na siya nitong pinauna. Nang akmang susubuan na siya ng Pari ay hinawakan niya ang kamay nito na may hawak na ostia and with a sleight of hand, pinalitan niya ang hawak nitong ostia na hindi nito namamalayan.
"Bless you father." Mahinang sabi niya dito. "I'm sorry but I'm not a catholic girl." Aniya at tsaka umalis sa pila.
Hindi na niya pinansin ang nagtatakang tingin sa kanya ng Pari, ni Teodore at ng mga tao. Tuloy tuloy siyang naglakad at tsaka pansumandaling lumingon. Nakita pa niya na sinubuan na ito ng Pari ng ostia, napangiti siya at tsaka diretsong lumabas ng simbahan. Naglakad papunta sa isang fast food chain, nagpunta sa comfort room, pumasok sa bakanteng cubicle at tsaka niya hinubad ang kanyang wig, inalis ang contact lens sa mata, binura ng wet tissue ang make-up sa mukha at sa braso. Nagpalit ng damit at tsaka lumabas ng CR. Naglakad siya palabas at itinapon ang itim na trash bag sa basurahan.Dumiretso siya sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya at tsaka ito pinatakbo ng mabilis palayo.
Pagkarating niya sa opisina ng S.I.S ay sinalubong siya ng mga kasamahan na nakangiti at pumapalakpak.
Lumabas sa opisina niya si Capt. Leon and with arms wide open ay nilapitan siya nito. "Governor Teodore is Dead and our very own Poison Ivy is back." At tsaka siya nito niyakap.
Pumasok sila sa office nito at doon siya masinsinang kinausap ni Capt. Leon.
"Evergreen is on the loose. Sigurado ako na ifu-fulfill niya ang huling mission niya kay Ysmaela and that is to kill Tianna Recova."
Hindi siya nakakibo sa sinabi nito. Kinabahan siya. Agad na bumangon ang matinding pag-aalala sa puso niya.
"I want you to protect her from that mad dog." Pakiusap sa kanya ni Capt. Leon. Hindi niya alam kung bakit nito ipinapakiusap sa kanya na protektahan si Tia. Kailan pa nagkaroon ng concern ang S.I.S kay Tianna Recova?
"I don't understand Captain." Aniya sa mahinang tinig.
"This will be your secret mission Althea. This will be just between you and me." Puno ng pakiusap na sabi nito sa kanya.
"But why? Bakit hindi na lang natin sabihin kay Tianna na may nagtatangkang pumatay sa kanya? She can protect herself from her own enemies captain."
"Nagpabago ng mukha si Evergreen. Natagpuang patay ang Plastic Surgeon na nag opera sa kanya. Kagaya ng dati, wala na namang nakakaalam ng hitsura niya, walang nakakaalam kung nasaan siya at kung anong pinaplano niya. Nakaharap mo na si Evergreen nung nasa Rancho Innocencio ka, Ikaw lang ang alam ko na may kakayahan na protektahan si Tia sa kanya. Nakikiusap ako sa iyo Althea."
Napatitig siya kay Captain Leon. Hinawakan nito ang kamay niya ng mahigpit.
"Tianna Recova is my daughter. Please Althea, protect her, protect my child from her."
.
.
.
.
.
-tobecontinued-