BLOOD RUSH 2
Chapter 14
Ever since the day na nalaman niya ang tungkol kay Evergreen, wala na siyang ibang pinaghinalaan kundi si Crystal and her intuition tells her so that her doubts about that girl is not just about insecurities and jealousies, she knew she couldn't trust that girl.
Kinontak niya ang mga connections niya para imbestigahan ang background ni Crystal and they gave her every documents that she needed. Isa itong Licensed Doctor, grumaduate sa isang Prestigious Medical University, grumaduate ng Residency at naging Diplomate three years ago. Hindi niya ito mahanapan ng butas, isa lang ang ipinagtataka niya dito, One month ago nag resign ito sa isang Government hospital na limang taon na nitong pinag se-serbisyuhan para mag focus sa Foundation na ginawa at itinayo nito para sa mga bata. Bakit kailangan nitong mag resign sa trabaho? Hindi niya alam at iyon ang isa sa mga bagay na kailangan niyang bigyan ng kasagutan.
Pinag-iisipan niyang mabuti kung sasabihin ba niya kay Tia ang hinala niya, nagdadalawang isip siya dahil baka isipin ng dalaga na ginagawan lang niya ng issue ang babaeng ipinalit nito sa kanya.
But she needs to protect her, kahit na hindi nito alam, ang mahalaga ay masigurado niya na Tia is safe kahit na ano pa man ang mangyari.
Palihim niya itong sinusundan everytime na aalis ito. Under her own disguise, she spied on her, stalked her, at nasasaktan siya na makita itong masaya kasama ng babaeng iyon. Pero mas mahalaga sa kanya ang kaligtasan nito kaysa sa sarili niyang nararamdaman kaya nagtiis siya, dahil iyon lang ang tanging paraan na alam niya.
Nasa Pia Pueblo noon si Tia kasama si Crystal. Sa Providence Hotel nag stay ang dalawa and using her fake ID's, nag check in din siya sa hotel na iyon. She wore a red haired wig, she changed her skin complexion, naglagay ng bangs, ibang iba din ang pananamit niya. She secretly placed a Tracker sa kotse ni Tia, hinacked din niya ang security cameras ng hotel para hindi siya makita nang pasukin niya ang hotel room ng mga ito at nag install siya ng mga hidden cameras sa buong unit na kasing laki lamang ng marble at nakakonekta ang mga ito sa Cellphone niya kaya magiging madali lang para sa kanya na i-access ito. Inilagay niya ito sa lamp, sa mirror, sa headboard, sa TV para nakikita niya ang lahat ng activities ng mga ito.
Nasa Cafe sila ng hotel nang aksidenteng mapasulyap sa kanya si Crystal. Kahit nakashades siya'y malinaw niyang nakita ang mga mata nitong nakatitig sa kanya na para bang kinikilala siya at tsaka ito nagkibit balikat at itinuloy ang pag-inom nito ng coffee at pakikipag-usap kay Tia.
That night, mag-isang umalis si Tia. Naiwan sa hotel si Crystal. Sinundan niya ang dalaga at nakita niya na nakipagkita ito kay Sabrina. Kinita ng dalawa ang ilan sa Business Partners ng mga ito at habang nasa kotse siya'y tinignan niya sa CP niya ang activities sa Hotel room ni Tia. Nakita niya si Crystal na nakahiga sa kama at natutulog. Ibinalik niya ang tingin sa long table kung saan naroroon sila Tia at Sabrina na tanaw niya mula sa labas ng Restaurant. Everything seems okay. Isa pa'y kasama ni Tia si Sabrina kaya alam niya na magiging safe ang dalaga.
Nagpasya siyang bumalik na sa hotel para tiktikan si Crystal. Pagkalabas niya sa elevator, bago pumasok sa hotel room niya'y napasulyap siya sa CCTV camera na pinakamalapit sa kanya. Napakunot ang noo niya. Huminga siya ng malalim at tsaka siya pumasok sa loob ng kanyang kwarto.
Muli niyang tinignan sa CP niya at inaccess ang kwarto ni Tia. Naroroon pa din si Crystal sa kama nito, tuloy na tulog pa din. Pinagmasdan niya ang buong paligid, napakunot ang noo niya. Napasulyap siya sa nakasaradong pintuan ng kanyang hotel room. Dinukot niya ang leather gloves sa pocket ng kanyang coat at isinuot iyon, sunod niyang inilabas ay ang isang swiss knife na nakasiksik sa gilid ng sapatos na suot niya. Lumapit sa pintuan at itinutok sa ceiling ang swiss knife, may pinindot siyang button doon, umigkas pa itaas ang isang silver hook at bumaon iyon sa sementadong ceiling, may nakakabit ditong cable wire, muli niyang pinindot ang button at umangat siya sa ceiling. Ikinapit niya ang kamay na may suot na leather gloves na kayang kumapit ng matagal sa kahit na anong bagay. Ganoon din ang sneakers na suot niya kaya para siyang si spiderman na nakakapit sa ceiling at pader sa taas ng pintuan. Hinugot niya ang handgun niya sa holster na nakakabit sa binti niya sa loob ng kanyang denim skirt. Inihanda ang sarili.
Hindi nagtagal ay narinig niya ang pag click ng doorknob. Bumukas iyon at tahimik na pumasok ang apat na lalaking nakasuot ng itim at naka mask. Nang tuluyang makapasok ang mga ito sa kwarto'y marahan niyang inabot ang pintuan at isinara iyon.
May automatic silencer ang handgun niya. Iyon ang same handgun na palagi niyang dala dala. Walang kamalay malay at walang kalaban laban na pinagbabaril niya sa ulo ang nakatalikod na apat na lalaki. Bumagsak ang mga ito sa sahig na wala ng buhay. Alam niya na may naghihintay pa na mga kalaban sa labas, kaya agad siyang bumaba mula sa ceiling at nagtago sa likod ng pintuan. Hindi nagtagal ay isang malakas na tadyak ang nagpabukas sa pinto at pumasok ang isang lalaking nakaitim din at may suot din na mask. Siniko niya ang pinto pasara at agad na sinunggaban ang lalaki, ikinawit niya pasakal sa leeg nito ang isa niyang braso at mabilis na binaril ito sa sentido. Hinawakan niya ang damit nito sa likod, naka bulletproof ito kaya agad niya itong hinila paikot, iniharang sa kanya ang walang buhay nitong katawan, paharap sa pinto na malakas na bumukas, pinaulanan siya ng bala ng mga lalaking nasa labas ng kanyang kwarto, ngunit hindi siya natamaan ng mga ito dahil ipinangharang niya ang katawan nito. Yumuko siya at sumilip sa bandang tagiliran nito at isa isang inasinta sa noo ang mga lalaking nasa labas ng kanyang pinto. Bumagsak ang mga ito isa isa.
Binitawan niya ang katawan nito at agad na hinila ang isang katawan ng lalaking patay papasok sa loob ng comfort room. Sinilip niya ang CP niya at nakita niya ang iba pang mga lalaking naka itim na paakyat na sa hagdan. Agad siyang naghubad, mabilis at hinubaran ang bangkay ng lalaki, isinuot niya ang damit nito, ang bullet proof at ang mask. Kinuha niya ang chewing gum na nasa bulsa ng coat niya, nginuya iyon pansumandali at tsaka idinikit sa tiles ng comfort room.
Lumabas siya ng comfort room at ipinahid ang kamay sa dugo sa ulo ng isa sa mga bangkay at ipinahid iyon sa bandang braso niya, humahangos kunwari na lumabas na siya ng unit niya at eksaktong naroroon na ang mga iba pang mga lalaking kasama ng mga ito. Nagkunwari siyang may tama, hindi naman siya nakilala ng mga ito, ipinakita niya sa mga ito ang duguang kamay at sumenyas na pumasok na ang mga ito sa loob ng unit. Walang kamalay malay na pumasok ang mga ito sa hotel room at nagmamadali siyang naglakad paalis, pababa na siya ng hagdan nang makarinig siya ng malakas na pagsabog. Dumiretso siya sa fire exit at doon bumaba. Nasa likod siya ng hotel at mabilis niyang binuksan ang malaking trash can na naroroon at kinuha ang isang itim na bag. Hinubad niya ang bullet proof vest sa katawan niya at isinuot ang itim na coat na nasa loob ng itim na bag. Isinuot niya ang shades niya at tsaka niya hinawi ang mga karton ng prutas na maayos na magkakapatong sa gilid ng pader, nakatago doon ang get away motorbike niya, kinuha niya ang susi nito sa loob ng itim na bag, sumakay doon at bago niya ito pinatakbo palayo ay may pinindot siya sa wrist watch niya at sumunod na sumabog ay ang lumang sedan na ginamit niya na nasa parking lot.
Dumiretso siya sa Opisina ng S.I.S.Doon siya naligo at nagbihis. Isa sa mga taga S.I.S ang nagpunta ng Providence para maniktik.
Magkasama sila ni Capt. Leon na nanonood ng TV. Breaking news sa bawat News station ang nangyaring barilan at pagsabog sa Providence Hotel. Lumabas sa TV Screen ang still shots galing sa security camera ng Hotel ang picture niya pero hindi makikilala ng kahit na sino na siya iyon dahil ibang iba ang hitsura nito sa totoo niyang hitsura.
"Tingin mo gawa ito ni Evergreen?" Tanong sa kanya ni Capt. Leon.
"100 % sure Captain."
"May hinala ka na ba kung sino at nasaan si Evergreen?"
Umiling siya. Kailangan niyang magsinungaling muna sa matandang lalaki hangga't hindi niya nasisigurado ang hinala niya.
Sigurado siya na si Crystal si Evergreen. Alam niya na nang magtama ang mga mata nila sa Cafe ay nakilala siya nito. Alam nito na siya si Althea kahit na naka disguise siya, iisa lang ang takbo ng utak nila, pareho silang Assassin, parehong dumaan sa matinding training kaya sigurado siya na alam nitong naroroon siya sa hotel. Unang tingin pa lang niya sa CCTV na malapit sa kwarto niya'y alam na niyang may nagmamasid sa kanya at nang i-access niya sa CP niya ang kwarto ni Tia at nakita niya si Crystal na nasa kama pa din nito at natutulog ay alam niyang naka tapped na ang camera dahil hindi nagbabago ang orasan sa side table clock. From 7:30 ay mag ju-jump ito sa 7:45 at tsaka babalik sa 7:30 kaya nalaman niya na wala na sa kwarto nito si Crystal, malamang ay nagtawag na ito ng mga kasamahan nito sa Belleforth. Nagkamali si Evergreen, inunderestimate nito ang kakayahan niya.
Gustong gusto na niyang kausapin si Tia tungkol dito ngunit alam niya na hindi ito maniniwala sa kanya dahil mukhang hulog na hulog na ito kay Crystal. Muli niyang inaccess ang hotel room ni Tia ngunit hindi na niya ito ma-access, mukhang tinanggal na ni Crystal ang mga hidden camera na inilagay niya doon. Mahina siyang napamura.
Lumabas siya ng S.I.S at tinawagan si Sabrina. Nasa Providence ito kasama si Tia. Kinausap niya ang dalaga at sinabi na kitain siya nito sa isang bar malapit sa hotel. Pumayag naman ito kaya nagpahatid siya sa isa sa mga taga S.I.S sa meeting place nila ni Tia.
Nasa loob ng bar si Tia at Sabrina nang dumating siya. Iniwan naman sila ni Sabrina na dalawa para makapag-usap sila na sila lamang.
Inilabas ni Tia ang phone nito at may picture na ipinakita sa kanya. Ito ang still shot niya sa security camera ng Providence.
"This is you Althea, I know." Seryosong sabi sa kanya ni Tia. Hindi siya agad nakakibo, para na din siyang umamin dito. "What the fuck are you doing there? Akala ko ba in hiatus ang status mo sa S.I.S? May bago ka na naman bang Mission?" Bagama't sinisikap ni Tia na maging kalmado'y halata sa boses nito ang labis na pag-aalala sa kanya.
"Mga taga Belleforth ang umatake sa akin sa Providence. Nakatakas sa kulungan si Evergreen."
Hindi nakakibo si Tia. Huminga ito ng malalim at umiwas ng tingin sa kanya.
"Tia you're in a great danger. Ikaw ang huling misyon ni Evergreen bago siya nakulong, bago namatay si Ysmaela. Bumalik siya para tapusin ang misyon niya sa 'yo."
"How did you know? Ako ba ang bago mong misyon?"
Siya naman ang hindi nakakibo. Hindi niya masabi kay Tia ang tungkol sa ipinagtapat sa kanya ni Capt. Leon dahil wala siyang karapatan na ipagtapat iyon sa dalaga, tanging ang matandang lalaki lamang ang may karapatan na magsabi dito ng totoo.
"Kaya ka ba nasa Providence para bantayan ako? Para iligtas ako?" Titig na titig si Tia sa kanya. Muli siyang huminga ng malalim. "Hindi na talaga magbabago ang tingin mo sa akin Althea. Mahina pa din ang tingin mo sa akin. Lampa. Emotional. Walang kwenta."
"Tia, hindi 'yun ang dahilan kung bakit kita binabantayan!" Depensa niya.
"Then tell me your reason." Matigas na sabi nito sa kanya.
Muli na naman siyang hindi nakapagsalita.
"Kaya kong iligtas ang sarili ko, kaya kong protektahan ang sarili ko, hindi kita kailangan." Sabi nito sa kanya. Tumayo na ito at akmang aalis nang pigilan niya ito sa braso.
"Tia, mag-ingat ka kay Crystal... she is not what you think she is."
Pagak na tumawa si Tia sa sinabi niya. Hinila nito ang brasong hawak niya. She lean closer to her. She stared at her coldly. "Stay her out of this. She is not like you." Sabi nito sa kanya. Nasaktan siya sa sinabi nito.
"I want you to stay out of my life. I don't need you Althea." Anito at tsaka ito tumalikod at naglakad palabas ng bar, mabilis naman niya itong sinundan.
"Listen to me Tianna Recova, kung ako lang tatanungin hindi ako mag-aaksaya ng oras at panahon na bantayan at iligtas ka. Wala na akong pakialam sa 'yo but this is my mission and this is my duty. Kung ako lang ang masusunod I will never risk my neck for you again." Madiin at matigas na sabi niya dito.
She gave her a blank stare. "I hate you." Sabi nito sa kanya. "I hate you so much Althea Esmundo, I should have let everything go right from the start, I wish I never knew you. I wish I never loved you before."
Parang biglang tumama ang lahat ng bala ng baril na hindi tumama sa kanya kanina sa Providence. Parang bigla siyang namatay ng mga sandaling iyon sa mga sinabi sa kanya ni Tia.
Nang tumalikod ang dalaga at tuluyang sumakay sa kotse nito at umalis ay agad na pumatak ang luha sa kanyang mga mata kasabay nang malakas na pagbuhos ng ulan. Napilitan siyang bumalik sa loob ng Bar at mag-isang uminom doon ng alak.
Gusto niyang lunurin ang sarili sa alak at magpakalasing, baka sakali, kahit papaano'y makalimutan niya ang lahat, baka sakali kahit papaano'y hindi niya maramdaman ang sakit. Kahit ngayong gabi lang, kahit saglit lang...
.
.
.
.
.
Wala silang kibuan ni Tia habang sakay ng kotse nito. Sa ibang hotel siya nag check in at ihahatid na siya dito ni Tia. Alam niya na kahit hindi nagsasalita ang dalaga'y maraming gumugulo sa isip nito. Ayaw naman niyang magtanong, hindi niya naging gawain na magtanong dito dahil alam niya na hindi din magtatagal ay magsasabi ito sa kanya.
Malakas ang ulan sa labas. Bigla lamang iyon, malapit na din kasing magtapos ang buwan ng Mayo at papasok na ang tag-ulan.
Napadaan sila sa Bar na pinagkitaan nila kay Althea kanina at natigilan siya dahil parang nakita niya si Althea na nakaupo sa gutter ng waiting shed, mukhang lasing na lasing ang dalaga.
"Tia, si Althea 'yun 'di ba?" Aniya. Sinilip ito ni Tia sa rearview mirror.
"Hayaan mo siya. Bahala siya sa buhay niya." Matigas na sabi nito.
"Hindi ka ba nag-aalala? Baka mapa'no 'yun d'un?"
"Kaya niya ipagtanggol ang sarili niya. She's a top agent of S.I.S, remember?" Sabi nito sa kanya.
"But she's drunk. Kahit na ikaw pa ang pinakamagaling na agent ng C.I.A kung lasing ka at walang malay, hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo sa kahit na kanino."
Hindi kumibo si Tia. Her jaw tightened. Inihinto nito ang sasakyan. Huminga ng malalim at tsaka nito iniikot ang kotse pabalik.
Alam niya na kahit na anong mangyari, hindi kayang tiisin ni Tia si Althea.
Binalikan nila si Althea at kahit na malakas ang ulan ay lumabas si Tia at binuhat nito ang lasing na lasing na si Althea sa braso nito, lumabas din siya at binuksan ang backseat. Maayos na inihiga ni Tia sa upuan ang dalaga. Nakita pa niya na palihim na hinaplos ni Tia ng daliri nito ang pisngi ni Althea.
Pumunta na sila sa Point Pine Hotel kung saan siya naka check in. Kumuha ng isang kwarto si Tia at magkatulong nilang dinala doon si Althea. Nakapasan sa likod nito si Althea, nakaalalay naman siya sa likod nito.
"Hindi ka na ba babalik ng Providence?" Tanong niya dito.
Nakaupo ito sa gilid ng sofa na kinahihigaan ni Althea. Pinupunasan nito ang towel ang mukha ng dalaga. Natigilan ito at saglit na nag-isip.
"Hindi na muna, tatawagan ko nalang si Crystal." Anito.
Tumango siya at tsaka nagpaalam na dito. Pumunta na siya sa sarili niyang kwarto. Pagkahiga niya sa kama niya'y tinignan niya ang cellphone niya. Limang miscalls galing kay Cory. Binasa din niya ang mga text messages nito sa kanya.
Tinype niya ang number ni Cory, matagal niyang tinitigan ang numero nito. Mapait siyang napangiti. Saulo niya ang cellphone number nito. Malalim siyang bumuntong hininga at tsaka binura ang number nito at inilock ang phone niya. Inilagay iyon sa ilalim ng unan niya at tsaka niya ipinikit ang mga mata at pilit inalis sa kanyang utak ang alaala ng mukha ni Cory.
Nalilito siya. Ayaw na ayaw niya ang na co-confused siya, ang pangit pangit sa pakiramdam. At wala siyang ibang naiisip na paraan para dito kundi ang tumakas.
Tumakas at lumayo.
.
.
.
.
.
Nakatayo siya sa harapan ng glass wall ng hotel at pinagmamasdan ang view sa labas habang umiinom ng kape. Malakas pa din ang ulan sa labas. Natigilan siya nang marinig niya ang mahinang pag-ungol ni Althea. Nilingon niya ang dalaga at nilapitan iyon. Ang ungol ay naging mahihinang impit ng iyak. Napaupo siya sa gilid ng sofa at pinagmasdan ang dalaga. Nakapikit pa din ito. Nakita niya ang pag-agos ng luha sa gilid ng mga mata nito.
Nananaginip siguro ang dalaga. Ano kayang napapanaginipan nito? Bakit ito umiiyak?
Pinahid ng daliri niya ang luha sa gilid ng mata nito.
Nasasaktan pa din siya at nagagalit at the same time. Bakit ba kailangan nilang saktan ng paulit-ulit ang isa't isa? Ano bang nangyari sa kanilang dalawa? Bakit nauwi sila sa ganoong kasakit na sitwasyon? Bakit? Saan ba sila nagkamali? Saan ba sila nagkulang? Bakit hindi nila nagawang isalba ang relasyon nila? Bakit sila kailangang maghiwalay? Bakit siya nito iniwan?
Nagkulang nga ba talaga siya? Ibinigay naman niya ang lahat para dito pero bakit hindi naging sapat ang lahat? Bakit? Paulit-ulit niyang tinatanong iyon sa sarili niya kung bakit siya iniwan ni Althea.
Noon, hindi niya alam ang sagot pero nagkamali pala siya. All this time, alam naman talaga niya kung bakit ito umalis, kung bakit hindi siya naging sapat dito.
Dahil kahit na anong gawin niya, kahit na ibigay pa niya ang lahat lahat dito'y she couldn't make her stay, she couldn't make her choose her dahil hindi na siya ang mahal nito.
Kahit na anong gawin niya, she will still leave anyway dahil hindi na ito masaya sa kanya.
Isang realization ang naintindihan niya nang mga sandaling iyon. You will never be enough for someone who doesn't love you.
Malungkot siyang huminga ng malalim. Tumayo na siya nang hawakan ni Althea ang kamay niya. Nakapikit pa din ito.
"Stay with me, please stay with me..." Pakiusap nito sa kanya.
Nananaginip pa din ba ang dalaga? Siya ba ang kausap nito o may iba itong nakikita sa panaginip nito?
"Althea..."
Marahan nitong idinilat ang mga mata.
"Tala..."
Daig pa niya ang tinaga sa dibdib sa narinig. Mariin siyang napapikit at tiim bagang na inalis ang kamay ni Althea na nakahawak sa kanya. Muling pumikit ang dalaga.
Naupo siya sa katabing upuan sa bandang paanan nito. Tahimik lamang niyang pinagmasdan ang dalaga. Pinigilan niya ang sarili na umiyak at magalit. Mabigat ang dibdib na sumandal siya at tumitig sa ceiling ng kwarto. Ipinikit niya ang mga mata.
Hindi nagtagal ay dinalaw din siya ng antok dahil siguro na rin sa matinding pagod.
Nang magising siya'y malakas pa din ang ulan sa labas at napatayo siya mula sa pagkakaupo nang makitang wala na sa sofa si Althea. Inilibot niya ang tingin at nakita niya itong nakaupo sa maliit na kitchen, nakayuko ito, nakapatong sa table ang dalawa nitong siko at nakasapo ang dalawang kamay sa noo nito.
"Althea..." Mahinang tawag niya sa dalaga.
Napasulyap ito sa kanya. Umiiyak ang dalaga. Agad nitong pinunasan ang luha sa mga mata. Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa kanya.
"Is it really true that you don't love me anymore?" Tanong nito sa kanya.
Hindi siya nakakibo. Hindi niya alam ang isasagot sa tanong ng dalaga sa kanya. Pinilit niyang magmatigas sa harapan nito. Tinalikuran niya ito. Mabilis naman itong lumapit sa kanya at hinarap siya.
"Sabihin mo, just for once, huwag kang maging duwag."
Tiim bagang na tinitigan niya si Althea. Kumuyom ang palad niya. Pigil na pigil siya. Ayaw niyang magpakita na naman ng kahit na anong klaseng emosyon dito dahil mas lalo lang siyang nasasaktan.
"Ano? Nagagalit ka? Nagagalit ka sa akin? Sabihin mo!" Sigaw nito sa kanya. "Sabihin mo sa akin lahat ng nararamdaman mo, ilabas mo lahat ng galit diyan sa dibdib mo! Sumbatan mo ako, murahin mo ako!" Hinatak siya nito sa damit. "Gusto kong malaman kung anong nasa isip mo, kung anong nasa utak mo, gusto kong malaman kung anong nararamdaman mo! Sabihin mo sa akin!"
Tumigas ang panga niya. Huminga siya ng malalim pero nanatiling tikom ang bibig niya. Muli siyang hanatak ni Althea sa damit niya.
"Tell me what you feel Tianna, God damn it!"
"Oo galit ako!" Sigaw niya. Binigyan niya si Althea ng malamig na titig. "Galit na galit ako sa 'yo dahil iniwan mo ako, iniwan mo ako at ipinaramdam mo sa akin na wala akong kwenta tao!"
Nagtitigan silang dalawa. Hinawakan niya ang kamay nito na mahigpit na nakahawak sa kwelyo ng damit niya.
"Galit na galit ako sa 'yo dahil ikaw lang ang minahal ko, ang nag-iisang taong pinakitaan ko ng totoong ako, ng kahinaan ko, lahat lahat ng kung ano ako and then what? You left me and you chose someone else over me. Ipinamukha mo sa akin na mahina ako, na duwag ako! Sinira mo ako, sinira mo ang lahat ng bagay na pinaghirapan kong itayo. Lahat ng bagay na pinaniniwalaan ko sa sarili ko!"
Inalis niya ang kamay nito na nakahawak sa kwelyo niya. Lalong lumalim ang sakit nanararamdaman niya nang maalala niya kung paano ito lumuha kanina habang natutulog at kung paano nito tinawag ang pangalan ni Tala.
"You really don't love me anymore Tianna?" Ulit na tanong nito sa kanya. Malalim itong tumitig sa kanya. "Do me." Anito.
Nagsalubong ang kilay niya na sinundan nang pagkunot ng kanyang noo.
"What did you say?" Tanong niya dito.
"I said do me."
Lumapit ito sa kanya at kinuha ang kamay niya, inilagay ito ni Althea sa pagitan ng hita nito. "Do me, iparamdam mo sa akin na hindi mo na talaga ako mahal."
Sinubukan niyang hilain ang kamay niya na nasa tapat ng ari nito pero hindi ito binitawan ni Althea.
"What now Tia? Hindi mo kaya? Hindi mo kayang makipag sex ulit sa akin because you're afraid na maramdaman ko sa mga yakap at halik mo na mahal mo pa din ako!"
Inipon niya ang lakas at tsaka hinila ang kamay dito.
"Get out!" Sigaw niya sa dalaga.
Nilapitan niya ito at tsaka pinagtulakan palabas ng hotel room niya.
"Get out of here, I don't wanna see you anymore! Get out!" Sigaw niya at tsaka niya ito sinarhan ng pintuan.
Galit na galit siyang napaupo sa sofa at malakas na nagmura.
"Fuck!"
Ikinulong niya ang mukha sa dalawa niyang kamay. Ano bang pumasok sa isip niya? Nagpapakain na naman siya sa emosyon niya. Tama nga si Althea, masyado siyang emotional at sensitive. Pagdating dito'y napakahina niya.
Tumayo siya at muling tumanaw sa view sa labas ng hotel room niya. Malakas pa din ang ulan, parang wala na itong balak huminto.
Halos thirty minutes na din ang lumipas. Muli siyang naupo sa sofa at natigilan siya nang makitang nahulog ni Althea ang wallet at cellphone nito.
Biglang bumangon ang pag-aalala sa puso niya.
Walang pupuntahan ang dalaga. Wala itong pera, walang magagamit na pang contact sa kahit na kanino. Malakas pa ang ulan sa labas.
Agad niyang isinuot ang leather jacket niya at lumabas ng kanyang hotel room. Hinanap niya sa lobby si Althea, nagdadasal na sana'y makita niya doon ang dalaga ngunit wala doon si Althea. Mabilis siyang sumakay ng kotse niya at pinaandar iyon.
Hinanap niya si Althea, ngunit hindi niya ito makita. Mas lalong lumalim ang pag-aalala niya. Gusto niyang magsisi at magalit sa sarili ngunit hindi iyon makakatulong sa kanya. Muli siyang nagmaneho at umikot sa kung saan saan, umaasa na makikita niya si Althea ngunit nabigo siya.
Galit na galit sa sariling inihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada at pinagsusuntok ang manibela ng kotse niya habang nagmumura.
"Shit, shit!"
Natahimik siya nang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang tinignan kung sino ang tumatawag. Number lang. Kabadong kabado niya itong sinagot.
Isang pamilyar na boses ng babae ang narinig niya sa kabilang linya.
"Tia, she's here. Puntahan mo siya dito."
"Sino 'to?"
"Si Tala Encarnacion."
Lalong kumabog ang dibdib niya. Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito. Pinatay niya ang tawag ang nag drive papunta sa Condo unit nito. Alam na alam niya kung saan ito nakatira.
Nasa tapat na siya ng pintuan nito. Nanginginig ang kamay na pinihit niya ang doorbell at hindi nagtagal ay bumukas iyon at sinalubong siya ng seryosong mukha ni Tala.
Pumasok siya sa unit nito kahit hindi pa siya nito pinapapasok.
"Where is she?" Tanong niya dito.
Hindi naman ito sumagot. Titig na titig lang ito sa kanya. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng unit nito at nakita niya si Althea na natutulog sa sofa nito.
Agad niya itong nilapitan. Namumutla ang dalaga. Natutulog ito pero patuloy ang pag-agos ng luha sa gilid ng mata nito. Hinaplos niya ang noo ng dalaga, mainit ito.
Parang nadudurog ang puso niya habang pinagmamasdan niya ito. Binuhat niya ang dalaga at ipinasan ito sa likod niya. Inihatid sila ni Tala hanggang sa parking lot. Wala itong kakibo kibo. Hindi sila nag-uusap.
Maingat niyang iniupo si Althea sa passenger's seat at masuyong ikinabit ang seatbelt nito.
"Tianna..." tawag sa kanya ni Tala.
Isinara niya ang pinto ng kotse at tumingin sa dalaga.
"Please, take good care of her, She deserves everything in this world." Sabi nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Naglakad siya papunta sa driver's seat at bago siya sumakay dito'y sinulyapan niya si Tala.
"Thank you." Mahina niyang sabi dito.
Sumakay na siya sa sasakyan at pinatakbo ito palayo kay Tala.
.
.
.
.
.
-tobecontinued-