Pagpasok niya sa loob ng bahay niya'y nagulat siya nang makita niya si Althea na nakaupo sa sala niya, natutulog sa isang braso nito si Mumay at naghhintay sa kanya. Nakapatay ang ilaw at tanging ang liwanag na tumatagos sa bintana niya mula sa lamp post sa labas ang nagbibigay ng kakapiranggot na liwanag sa buong kabahayan.
"Althea my goodness, you scared the shit out of me!" Akma na sana niyang bubuksan ang ilaw nang magsalita si Althea sa mahinang tinig. Nagising ang pusa sa boses niya, nag meow meow at tsaka tumalon at umakyat sa sofa at muling natulog.
"You don't need to open the lights for us to see each other 'cause I can see you clearly from here, Red fox."
Inihagis nito sa kanya ang maliit na knife at agad naman itong sinalo ng kanan niyang kamay.
Nakangiting tumango tango si Althea.
"Kayang sumalo ng kanan mong kamay pati na din ng kaliws, kayang magsulat ng kanan at kaliwa mong kamay. Isa sa mga skills na natutunan ko sa Training ko sa S.I.S." Anito sa kanya.
Biglang bumilis ang kabog sa dibdib niya. Parang biglang nanigas ang katawan niya sa narinig. Althea already knew about her identity at hindi niya alam ang gagawin niya. Literal na hindi niya alam ang gagawin niya. Kaharap niya ang pinakamagaling na Assassin ng S.I.S, si Poison Ivy, the most ruthless and dangerous Assassin na kahit kailan ay hindi nag fail sa mga mission nito. She knew her reputation, alam na alam niya kung paano ito pumapatay ng walang remorse, kung paano nito tinatapos ang lahat ng misyon nito ng mag-isa. Ano nga bang laban niya dito?
"Why?" Tanong nito sa kanya. Hindi siya agad nakasagot. Ipinatong ni Althea ang isa nitong braso sa armchair ng upuan at nakita niya na may hawak itong baril. That famous silver handgun na gamit nito sa lahat ng misyon nito. Ilan na ba ang napapatay ng handgun na iyon? Mukhang makakasama na din siya sa mahaba nitong listahan.
"Althea..."
"You are my friend. I trusted you, loved you... but you lied to me." Matigas ngunit mahina pa ding sabi nito sa kanya.
"Nagsinungaling ka din naman sa akin Althea. Hindi mo sinasabi sa akin ang tungkol sa pagkatao mo."
"You know the rules Cory. Once na ipinagtapat mo sa ibang tao ang tungkol sa identity mo, the Organization will kill that person and I was trying to protect you from S.I.S but you betrayed me."
Hindi siya nakakibo. Simula nang makilala niya si Althea, simula nang maging kaibigan niya ito'y nagsimula nang ma shake ang lahat ng paninindigan niya, lahat ng paniniwala niya, lahat ng ipinaglalaban niya. Naging kaibigan niya ito, ito lang ang nag-iisang taong naging kaibigan niya at sandali niyang nakalimutan ang misyon niya, sandali niyang hinayaan na maging masaya sa pagkakaroon ng normal na buhay kahit sandali lang, kahit alam niya na hindi naman magtatagal ang lahat.
Lalo na nang makilala niya si Sabrina. Doon niya naramdaman na unti-unti na siyang gumuguho, wala naman sa plano niya na mapalapit dito o kahit kay Tia, wala sa plano niya ang mga iyon, lalong lalo na ang mahalin si Sabrina. It was an accident, a bad decision, a bad choice, dahil alam niya na sa huli ng lahat ng ito, kailangan pa din niyang tapusin ang misyon niya sa Golden Jackal.
"Golden Jackal is a Black Ops of S.I.S, I know everything about you and your Organization Red fox, you underestimated my capabilities, my connections, my skills." Ikinasa nito ang silver handgun nito at tsaka nag dekwatro at diretsong tumitig sa kanya. "But I want to hear everything from you Cory. Tell me everything I already know." Itinutok nito sa kanya ang baril. Alam niya na kayang kaya siyang patayin ni Althea mula sa kinatatayuan niya ng mga oras na iyon, huminga siya ng malalim at marahang umiling.
"They'll gonna kill me Althea. I don't want to die." Helpless na sabi niya dito.
"Tell me God damn it Cory or I'll kill you right here, right now." Kalmadong sabi nito sa kanya ngunit punong puno ng panganib at pagbabanta ang boses ni Althea.
"Si Capt. Leon si Coyote. He asked me to spied on you dahil pinaghihinalaan ka niya na ikaw si Evergreen."
Sarcastic na tumawa si Althea at umiling iling ito na parang hindi din makapaniwala na pinaghihinalaan ito ni Capt. Leon na si Evergreen.
"Iyon lang ang misyon ko sa iyo Althea, si Sabrina at si Tianna ang nasa list ko." Huminga siya ng malalim. Naiiyak na siya. Oo mahina siya, noon pa man ay mahina na siya, pero isa siya sa pinakamagaling na spy ng Golden Jackal. Magaling siyang umarte, magaling siyang maka adapt sa bawat environment na pinapasukan niya. Tanging si Althea lamang ang naka blow ng cover niya at hindi niya alam kung paano iyon nagawa ng dalaga. Poison Ivy is really one hell of a woman.
"So it's true na gustong ipapatay ni Capt. Leon si Sabrina at si Tia."
"Oo dahil gusto ni Capt. Leon na ang S.I.S ang mag take over sa buong Sindikato, gusto ni Capt. Leon na ibalik ang Drug Cartel sa Trinidad." Pag-amin niya dito. Alam niya, she's a dead meat after this night.
"It's not true that Tianna is her daughter. Sinabi niya lang sa akin 'yun para bigyan ako ng malalim na rason para bantayan ko si Tianna dahil alam niya na babalikan ni Evergreen at ng Belleforth si Tia at si Sabrina, gusto niyang masiguro na ang Golden jackal ang papatay kay Tia at kay Sabrina. Tama ako hindi ba?"
Hindi siya nagsalita. Mula pa pala umpisa ay alam na ni Althea ang lahat lahat ng plano ni Capt. Leon at alam niya, alam nilang lahat na kayang kaya silang pabagsakin ni Althea. Isa silang malaking tanga na maniwalang maloloko at maiisahan nila si Althea na mas tuso pa kay General Primo.
"Do you really believe that I will let you kill Sabrina, especially Tianna?"
Napatitig siya kay Althea. Hinanda na niya ang sarili na mamatay sa kamay nito nang gabing iyon. Ngunit ibinaba nito ang baril na nakatutok sa kanya at isinuksok iyon sa likod ng pantalon nito. Tumayo si Althea sa pagkakaupo at naglakad palapit sa kanya.
"Do you really believe that I will kill you Cory?"
Tumutulo na ang luha sa mga mata niya. "Althea, I don't wanna die..."
Mapait na ngumiti sa kanya si Althea. "I will never hurt you Cory, remember that."Anito sa kanya at tsaka ito tumalikod at naglakad palabas ng pintuan niya. Hindi na niya ito hinabol man lang ng tingin. Ipinikit niya ang mga mata at tsaka siya tahimik na lumuha.
Buong gabi siyang hindi makatulog. Bukas na niya isasagawa ang una niyang misyon. Hindi pa man niya ito nasisimulan ay napakabigat na ng dibdib niya na para siyang pinipiga ng isang napakalakas na pwersa at hindi siya makahinga.
Pero kailangan niyang tapusin ang misyon niya dahil doon nakasalalay ang kanyang kaligtasan, isa pa, kung hindi man niya ito magawa'y may ibang iha-hire si Capt. Leon para tapusin ang kanyang misyon.
She needs to kill Sabrina.
Iyon ang araw na itinakda ni Capt. Leon para isagawa ang una niyang misyon. Kaya umagang umaga ay nasa taas na siya ng isang lumang fly over na hindi na pinapadaanan dahil sa ire-renovate ito. Inayos niya ang kanyang sniper rifle sa pasimano ng over pass at tumayo doon, nakasilip sa scope, hinihintay ang pagdaan ng sasakyan ni Sabrina.
Nagsimulang tumagaktak ang pawis niya, nanlalamig ang kamay niya, parang hindi niya ito kayang gawin, para siyang pinanghihinaan ng loob lalo na nang magbalik sa alaala niya ang unang pagkakataong nagkakilala sila ni Sabrina, pinagbintangan siya nito na naniniktik kay Tia, malungkot siyang napangiti, who would have thought that they will end up falling in love with each other? Who would have thought that they will end up like this?
They lived into two different world at kahit anong gawin niya, sa ganito at sa ganitong paraan lamang sila p'wedeng magtapos ni Sabrina dahil sigurado siya na lahat ng pagmamahal nito sa kanya ay maglalaho sa oras na malaman nito ang tungkol sa totoo niyang pagkatao.
Nagsimulang manginig ang kamay niya, lumalim ang kanyang paghinga, tumulo na din ang luha sa kanyang mga mata.
She can't do this but she have to.
Nagsimulang pumatak ang ulan kaya mas lalong naging mahirap sa kanya na asintahin ang kanyang target.
Hindi nagtagal ay nasilip na niya sa scope ng sniper rifle niya ang kotse ni Sabrina. Ipinuwesto na niya ang daliri sa trigger ng rifle ngunit nang makita niya ang mukha ni Sabrina'y parang nanigas ang kanyang daliri.
Naalala niya ang mukha nito habang natutulog sa tabi niya nang nagdaang gabi. Naalala niya ang sound ng tawa nito, naaalala niya ang una nilang halik at ang mga sumunod pang mga halik na hinding hindi na niya makakalimutan pa kahit kailan.
Naaalala niya ang ngiti nito nang sabihin nito sa kanya ang una nitong, "I love you."
Her heart ached.
She can't pull the trigger. She just can't.
"Move over Cory."
Nagulat siya nang makita niya si Althea sa kanyang tabi. Bahagyang hinawi ng braso nito ang sniper rifle niya at tsaka ipinatong sa pasimano ang sariling rifle na dala dala nito. Titig na titig lang siya sa kaibigan.
"This is a McMillan TAC-50 sniper rifle, two miles ang estimated na layo ng kotse ni Sabrina mula sa position mo, hindi 'to kayang abutin ng dala dala mong sniper rifle." Paliwanag nito sa kanya. Nakasilip ito sa scope ng rifle at nakapwesto ang daliri sa trigger. "Your emotions can affect your heartbeat, kapag hindi mo kayang kontrolin ang heartbeat mo there's a big possibility that you'll gonna miss your shot. Control your breathing, hindi mo ba 'yun natutunan sa training mo?" Tanong nito sa kanya.
Lalong lumakas ang ulan, pero mukhang hindi ito hadlang para kay Althea.
Katahimikan.
Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib niya. She doesn't want this to happen pero para siyang nag freeze at hindi niya mapigilan ang mga nangyayari sa paligid niya. She closed her eyes when she finally saw Althea pull the trigger.
"Done." Anito sa mahinang tinig. Mabilis nitong iniligpit ang sniper rifle at hinawakan siya sa kamay. Idinilat niya ang mga mata at napatingin siya sa highway. Nakita pa niya kung paano nawalan ng control ang ford pick-up ni Sabrina, kung paano ito bumunggo sa katabi nitong truck at dahil sa malakas na impact ay tumaob ang sasakyan nito. Agad na tumulo ang luha sa mga mata niya.
Napalapit siya sa pasimano ng overpass at umiiyak na pinagmasdan ang nangyayari sa baba.
"Let's get out of here." Sabi sa kanya ni Althea. Nang hindi siya kumilos ay hinatak siya ni Althea sa braso at pinabuhat sa kanya ang rifle nito. Ito na ang nagligpit ng rifle niya at tsaka siya hinawakan sa kamay pababa ng fly over, sumakay sila sa motor na naghihintay sa ibaba at mabilis itong pinatakbo ni Althea palayo.
Dinala siya nito sa roof top ng isang Building. Tumila na ang ulan at unti unti nang sumisikat ang araw. Nakatanaw lamang sila sa kalangitang dalawa. Hindi nagtagal ay nagsimulang tumulo ang luha sa kanyang mga mata, humikbi siya, ang impit na iyak ay nauwi sa malakas na hagulgol.
She's dead. Hindi man lang siya nakapagpaalam dito. Hindi man lamang niya nasabi dito na mahal din niya ang dalaga. Namatay ito na hindi man lamang naririnig ang mga salitang gusto niyang sambitin dito.
"Everything about me was a lie. My life was a big lie." Umiiyak na kwento niya kay Althea. "I was ten years old nang ibenta ako ng Parents ko kay Capt. Leon. He trained me na maging spy. Ang family na mayroon ako? Ang pagiging artista ko? They are just part of my facade and it works for a long time until you came and you blew my cover."
Katahimikan.
"I love her Althea." Aniya dito. Pinunasan niya ang luha sa mga mata at malalim na bumuntong hininga. "I love her."
"Everything in this world is not just about love Cory, you have to understand that."
"I don't know Althea... I don't know..."
Tinignan siya ni Althea at tsaka siya nito mahigpit na niyakap. "We only have each other now Cory, just you and me." Mahinang bulong nito sa kanya.
Pauwi na sila ng Trinidad sakay ng kotse niya nang makatanggap ng tawag si Althea, hindi niya alam kung kanino galing ang tawag na iyon. Tahimik na nag-usap ang dalawa. Iniikot nito ang sasakyan pabalik at dumiretso sila sa St. Matthew Hospital. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib niya. Alam na niya kung saan sila patungo.
"Get hold of yourself Cory, hindi dapat malaman ni Tia ang totoo." Kalmadong bulong sa kanya ni Althea habang naglalakad sila papuntang morgue.
Her whole body was shaking nang lapitan niya si Sabrina. She broke down nang tuluyan niyang makita ang wala ng buhay na dalaga. Sa right temple ang tama nito, talaga ngang magaling at asintado si Althea.
Gusto niya itong hawakan, yakapin ng mahigpit, ngunit hindi niya ginawa dahil hindi niya ito deserve na hawakan, napakalaki ng kasalanan niya dito, napakalaki ng kasalanan nila ni Althea dito. Wala na siyang karapatan na yakapin ito o hawakan, dahil Sabrina doesn't deserve her. She doesn't deserve her.
"Where is she?"
Napalingon sila ni Althea sa pinanggagalingan ng boses. Si Tia, dumating na ito kasama ang mga bodyguards nito. Halata sa kilos nito na nagpapanic ito kahit na pilit pa din nitong ikino-compose ang sarili.
"Tia..." Mahinang tawag ni Althea dito.
Napatitig si Tianna sa bangkay ni Sabrina. Parang hindi pa ito makapaniwala, parang hindi pa nito malapitan ang kaibigan.
"You're just playing tricks on me, I know this is just a prank. Stop this none sense." Anito sa kanila. Namulsa ito at huminga ng malalim.
Naglakad ito palapit kay Sabrina, tumayo sa gilid nito at hinawakan ang malamig na kamay ng kaibigan.
"Hey you Idiot, get up." Sabi dito ni Tia. "We got a lot of work to do ano ka ba naman."
Nakita nila na humigpit ang pagkakahawak ni Tia sa kamay ni Sabrina. Hindi nagtagal ay pumatak ang luha nito sa mata. Titig na titig ito sa bangkay ni Sabrina habang tahimik na lumuluha. Tumigas ang panga nito, halatang galit ito, galit na malungkot na nasasaktan.
"Sabrina, you can't do this to me, you can't just leave me here alone."
"Tia..." Nilapitan ito ni Althea at mula sa likod ay niyakap nito ang dalaga.
"She's not dead, right? Althea, tell me, she's not dead."
"Tianna, I'm sorry..."
Mariing pumikit si Tianna. "No, this can't be happening... she can't just leave me here all by myself... we promised to be together for the rest of our lives... she can't just leave me here... she just can't..." Mahina itong humikbi, yumuko ito at hinalikan ang noo ni Sabrina, hinaplos ng dalawa nitong kamay ang malamig na pisngi ng dalaga. "Sab... please wake up... wake up..." At tuluyan itong napahagulgol. Mahigpit nitong niyakap ang bangkay ni Sabrina. Samantala, siya naman ay umiiyak din na nakamasid lang sa dalawa, habang si Althea ay nakatitig lamang sa mga ito.
Iyon na siguro ang pinakamalungkot na araw sa buhay niya, lalo na sa buhay ni Tia.
Hanggang sa unang araw ng burol ni Sabrina'y walang ibang ginawa si Tia kundi ang tumayo sa tabi ng kabaong nito. Hindi ito nagsasalita, wala itong ibang sinasabi, hindi din nito inaalis ang pagkakatitig sa kabaong ni Sabrina. Hanggang sa huling sandali'y binabantayan nito ang kaibigan na para bang may darating na kalaban at kukunin ang katawan ni Sabrina.
At siya? Wala siyang lakas na lapitan ito, wala siyang lakas na makita ito. Hindi na kinakaya ng puso niya ang matinding lungkot na nararamdaman, wala na siyang ibang ginawa kundi ang lumuha at umiyak ng tahimik. Hindi niya alam kung paanong nagagawa ni Althea na harapin at kausapin si Tianna na parang wala itong kasalanang nagawa. Hindi na siya nagtataka kung bakit ito ang pinakamagaling na Assassin ng S.I.S na kinatatakutan ng ibang Organization pati na din mismo ng Organization na kinaaaniban nito.
It's true. Poison Ivy can kill anyone without remorse. Nagawa nga nitong patayin si General Primo na siyang nag-alaga dito, nag train dito at naging pangalawang Ama nito sa S.I.S.
And she knew right there and then that Althea is a very dangerous woman.
Isang gabi lamang binurol si Sabrina. Kinabukasan ay pina-cremate ni Tianna ang katawan nito. Inuwi nila ang ashes ni Sabrina sa Trinidad. Nagpunta sila sa wharf sa lakeside, inabot sa kanya ni Tianna ang urn.
"Why me?" Nagtatakang tanong niya dito.
"Because she love you so much Cory." Sagot naman ni Tianna.
Parang punyal na tumarak sa puso niya ang mga sinabi sa kanya ni Tia. Naiiyak na binuksan niya ang cover ng urn at kinuha ang ashes ni Sabrina sa kanyang kamay.
"You have now the peace that you want Sabrina..." At isinaboy niya ang ashes sa lake. Lalong bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. "You are now in peace... I love you..." Umiiyak na bulong niya sa hangin.
"Run free my friend. We will see each other again someday... someday..." Mahinang sabi ni Tia habang ang mga luha nito'y tahimik pa din na dumadaloy sa mga mata nito.
Nilingon niya si Althea na nakatitig lang sa tubig ng lake. Nag-angat ito ng tingin at nagsalubong ang kanilang mga mata. Umiiyak pa din siya, nanlalabo na ang mga mata niya sa luha. Marahan itong tumango. Lumapit siya dito at mahigpit itong niyakap.
"She's gone Althea, she's gone..."
.
.
.
.
.
Siya si Evergreen. Ang akala ng lahat ay si Poison Ivy ang pinakamagaling at pinakamatinik na Assassin na nabuhay sa lupa pero nagkakamali sila. Siya si Evergreen, ang babaeng may iba't-ibang mukha. Walang nakakaalam ng tunay niyang hitsura, kung sino man ang makaharap niya'y agad na namamatay.
Siya si Evergreen. Two years lamang simula nang pumasok siya sa Belleforth ay naging isa siya sa pinaka ruthless at kilalang Assassin ng Agency. Siya ang nag take over ng buong Belleforth Agency simula nang mamatay si Ysmaela. That crazy, old woman na nagpakain sa insecurities at fears nito, ang babaeng natakot sa halimaw na ito mismo ang gumawa, si Tianna Recova.
Pero hindi na niya kailangan pa ang Belleforth, wala na itong halaga sa kanya dahil lahat ay umayon sa plano niya. Kailangan na niyang burahin ang buong Agency dahil sa oras na mapatay nya si Tianna at si Capt. Leon, hindi lamang ang buong Sindikato ang hahawakan niya kundi na din ang S.I.S.
Para sa kanya'y isa lamang masamang biro si Poison Ivy. Compare to her, Poison Ivy is just a joke with an awful punch line. Sooner or later, that Poison Ivy will be exterminated and her legacy will be buried six feet under with her rotten body.
Pinagmasdan niya ang mukha niya sa malaking wall mirror sa opisina niya sa Belleforth building na nagtatago sa likod ng isang Cosmetic Company. She was wearing a 3d print mask, isa sa mga skills na natutunan niya mula sa kanyang mentor ang paggawa ng isang special mask na didikit sa balat mo, that mask can last a lifetime, tanging siya lamang ang maaaring makapagsuot noon at makapagtanggal. Sinong mag-aakala na ang mukhang gamit gamit niya ay hindi sa kanya kundi sa isang unknown Russian girl na nakita lamang niya sa Instagram? Nobody knows her true face, nobody knows her true identity and it will remain a secret until the day she dies.
Pinatawag niya ang buong miyembro ng Belleforth, mula sa pinaka mataas na position hanggang sa pinakamababa. Pinapunta niya ang mga ito sa Meeting hall na nasa first floor ng Tenth storey building. Pagkapasok niya sa meeting hall ay sinigurado muna niya na naroroon na ang lahat. Napangiti siya nang makita ang lahat ng miyembro ng Belleforth na naroroon at naghihintay sa kanya.
Binuksan niya ang glass door at pumasok siya sa loob.
"Good evening Ladies and Gentlemen." Bati niya sa mga ito. Magalang naman na nagsiyukod ang mga ito sa kanya. "We're here tonight to celebrate our Victory. Sabrina Crisostomo is dead, hindi magtatagal ay susunod na si Tianna Recova and the whole syndicate will be in our hands."
Nagpalakpakan ang mga ito. Iminuwestra niya ang mga alak na nasa table. Nagsalin ang mga ito sa kanya kanyang braso, nag cheers at sabay sabay na uminom. Nakangiti lamang niyang pinagmasdan ang mga ito. Naglakad siya palabas ng hall.
"I have something for all of you, a gift and a big surprise." Aniya. Sinundan siya ng tingin ng mga ito. Pagkalabas niya sa glass door ay automatic itong nagsara at naglock.
Huminga siya ng malalim at mahinang nagbilang sa isip niya, eksaktong limang Segundo ay halos sabay sabay na napahawak sa kani-kanilang mga leeg ang buong miyembro ng Belleforth, ang iba'y nagsimula nang bumula ang bibig at bumagsak sa sahig na nangingisay, ang iba naman ay nagawa pang makabunot ng baril at itinutok sa kanya, binaril siya ng mga ito ngunit bullet proof ang glass door at ang glass wall, kaya nanatili siyang nakatayo doon at nakatingin lamang sa mga ito habang isa isang itong nagsimatayan sa harapan niya.
Napangiti siya at tsaka naglakad palabas ng building. Bago siya sumakay sa kotse niya'y dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa ng kanyang red leather jacket at may pinindot doon na code. Hindi na niya nilingon ang building, unang sumabog ay ang tenth floor hanggang sa sunod sunod nang sumabog ang bawat floor ng building at tuluyan itong gumuho na para lamang isang laruang karton, sumakay na siya sa kanyang kotse at mabilis iyong pinatakbo palayo.
Siya si Evergreen. Everybody will remember her name hanggang sa kabilang buhay.
.
.
.
.
.
-tobecontinued-