Chapter 20

Sabrina was a sacrificial lamb.

She needs to do it or else, Golden jackal will hunt down Cory and kill her. At hindi niya iyon hahayaang mangyari. Anu't ano man ay kaibigan niya si Cory. She love her, she's the only friend she ever had. She will do everything to protect her, no matter what it takes.

Pagod na din siya. Pagod na pagod na siya sa klase ng buhay na mayroon sila. Ang tanging nais na lamang niya ay katahimikan, normal na buhay, payapang mundo. Kung ganoon nga lang ba kadaling kumalas, lumayo at tumakas ay ginawa na niya ngunit hangga't nabubuhay siya, hangga't nabubuhay sila, hindi sila magkakaroon ng katahimikan, hindi sila makakatakas sa mundong habang buhay silang hahanapin, hahabulin at tanging kamatayan lamang ang makakapagbigay sa kanila ng katahimikan.

At least, Sabrina was now in peace.

She no longer has to live every single day of her life in this cruel, mad world.

Nasa loob sila ni Cory ng isang getaway vehicle, papunta sila sa isang Grand Event ng S.I.S. dahil pinarangalan ng Gobyerno si Capt. Leon bilang isa sa pinaka kapita-pitagang Veteran Soldier sa buong bansa. Gusto niyang matawa, kung alam lang nila na mas malupit pa ito kay General Primo, kung alam lang nila na mas madilim ang taling nito sa kaluluwa'y hinding hindi nila ito pag-aaksayahan ng panahon o kahit man lang ng isang medalyang tanso.

Silang dalawa ni Cory, they were hiding in a guised of two young Armenian girls na siyang nirentahan ng mga taga S.I.S. para ipang regalo kay Capt. Leon. That old man has the insatiable appetite for young, sexy girls at iyon ang gagamitin nila para siluhin ang matandang lalaki.

"After nito Althea, kapag napatay na natin si Capt. Leon, we can finally be free..." Anito. Sinulyapan niya si Cory at marahang umiling.

Cory was a great spy but not a good assassin.

"Kung mapatay man natin siya, S.I.S will pick someone to lead the Organization and that someone will just end up like General Primo and Capt. Leon. This is an endless struggle Cory. Hindi na tayo makakatakas sa S.I.S, hindi ka na makakawala sa Golden Jackal."

Tumahimik ito at malalim na nag-isip.

"Don't worry, I'm here. I will never leave you, I will do everything to protect you."

Nagkatinginan silang dalawa. Marahan itong tumango.

Nang marating nila ang S.I.S ay mahigpit muna niyang hinawakan ang kamay ni Cory para maalis ang kaba nito sa dibdib.

Pumasok na sila sa building. Dumaan sila sa sensor, wala silang ano mang dala ni Cory na baril o kahit man lang maliit na knife. Planado na niya ang lahat. Matagal na niyang pinagplanuhan ang lahat. At kahit kailan ay hindi siya nabigo, hindi siya maaaring mabigo.

Dalawang babaeng operatives ng S.I.S. ang lumapit sa kanila at kinapkapan sila.

"We are here for Capitan Leon." Aniya sa Armenian Accent. Tumango naman ang mga ito at tsaka sila inihatid sa elevator. Pinindot nito ang pinaka taas na floor at sinabi sa kanila na umakyat sila sa hagdan paakyat sa penthouse na nasa rooftop ng Building. Tumango sila ni Cory at sumakay na sa elevator.

Tahimik silang umakyat sa hagdan paakyat sa penthouse. Ilan sa mga bodyguards ni Capt. Leon ang nasa labas at naghihintay. Hinubad nila ni Cory ang suot na itim na coat. Pareho silang naka suot ng bikini lamang sa loob at pinagmasdan ng mga lalaki ang katawan nila, ininspekyon, kahit ang loob ng tenga nila, siniguradong walang nakatagong ano man sa mga iyon. Kinuha nila ang coat nila at muli itong isinuot.

"They are clean and hot and sexy." Sabi pa ng isa. Nginitian niya ito.

Pinagbuksan sila nito ng pinto at pumasok na sila sa loob ng penthouse. Madilim doon, tanging ang pulang ilaw lamang na nanggagaling sa Bar ang nagsilbing liwanag sa buong paligid. Nakita nila si Capt. Leon na kaswal na nakaupo sa couch na nasa gitna, nakapatong ang paa sa center table at naninigarilyo. Sa gitna nito ay ang isang pole na naka attach sa sahig hanggang sa kisame ng kwarto. Nagpunta na si Cory at nag mix ng alak. Pumailanlang ang isang sexy sound at hinubad na niya ang suot niyang coat. Napangisi si Capt. Leon habang nakatitig sa kanya. Lumapit siya sa pole at nagsimulang mag sayaw doon.

Nilapitan naman ni Cory ang matandang lalaki at inabutan ito ng alak.

Titig na titig ito sa kanya habang umiinom ng alak at naninigarilyo. Kitang kita niya ang matinding pagnanasa sa mga mata nito habang pinapanood siya. Una niyang hinubad ay ang bikini top niya, halos lumuwa ang mata nito nang makita ang dibdib niya. Lumapit siya sa matanda at tsaka ito ni lap dance. Hinaplos nito ang likod niya at nanggigigil na hinapit siya. Kumalong siya dito paharap at tsaka niya ito muling ginilingan. Napahawak ang matandang lalaki sa magkabilaan niyang suso. Yumuko siya at hinalikan ito sa labi. Hinawakan niya ang panga ng lalaki at tsaka itinulak ang mukha nito palayo.

Ngumisi ito sa kanya.

"Suck my lips." Aniya dito at tsaka niya inilapit ang labi sa bibig nito. Sinunod naman ni Capt. Leon ang utos niya, sinipsip nito ang lower lip niya at tsaka kinagat.

Hahalikan sana siya nito ngunit iniiwas niya ang mukha at tsaka niya binuksan ang butones ng pantalon nito, ibinaba ang zipper at tsaka inilabas ang naghuhumindig nitong alaga. Marahan niya itong binigyan ng handjob, mahina nang umuungol ang lalaki, muli niyang inilapit ang labi sa nakaawang nitong bibig at muling pinasupsop dito ang kanyang lower lip.

Muli niyang inilayo ang mukha dito at pinagmasdan ito habang umuungol na nakapikit ang mata. Sarap na sarap ito sa ginagawa niyang paghagod sa alaga nito.

Maya maya'y biglang nanigas ang katawan nito, nanginig na parang nag ko-kombulsyon. Hindi nagtagal ay bumula ang bibig nito na sinundan ng pagtalsik ng dugo mula sa bibig nito. Agad niyang tinakpan ang bibig ni Capt. Leon ng isa niyang kamay at ang isa naman niyang kamay ay may inalis na parang maliit na plastic na nakakabit sa kanyang labi.

Naroroon ang lason na ginamit niya kay Capt. Leon, that was a very special poison na siya mismo ang nagtimpla.

Pati ang mata ni Capt. Leon ay nagdurugo na din, titig na titig ito sa kanya. Nginitian niya ito at tsaka inilapit ang labi sa tenga nito.

"I am Poison Ivy."

Hindi nagtagal ay tuluyan itong nalagutan ng hininga. Tumayo siya mula sa pagkakakalong dito, kinuha ang isang bote ng alak at iyon ang ipinanghugas sa kamay niya. Nagkatinginan sila ni Cory, tumango siya dito.

Mabilis niyang isinuot ang kanyang bikini top pati na din ang kanyang coat at tsaka siya pumuwesto sa likod ng Bar. Si Cory naman ay nagtitiling patakbong lumabas ng penthouse. Agad na nagpasukan ang mga ito, inabangan niya ang unang lalaking pumasok at agad niyang kinawit ito ng isa niyang braso at binalian ng leeg. Hinawakan niya ang kamay nito na may hawak na baril at tsaka pinagbabaril ang mga nasa likod nila. Si Cory naman ay gayon din ang ginawa sa huling lalaki na papasok sana sa penthouse, wala pa halos isang minuto'y naubos nila ang mga bodyguards ni Capt. Leon.

Lumabas siya ng penthouse at tumingala sila ni Cory sa kalangitan. Hindi nagtagal ay dumating na ang isang chopper, naglaglag ito ng hagdang gawa sa lubid na mabilis nilang inakyat ni Cory bago pa magsidatingan ang buong Operatives ng S.I.S, kahit hindi pa sila nakakaakyat sa chopper ay sinenyasan niya ang driver na paandarin na ito palayo.

Nang makaakyat na sila dito'y doon lamang nakahinga ng maluwag si Cory at mahigpit itong yumakap sa kanya.

"This will all be over soon."

Lumingon sa kanya ang driver ng chopper at ngumiti ito sa kanya. Gumanti siya ng ngiti dito at tsaka nagpasalamat.

Inilapag sila nito sa isang open field sa labas ng Pia Pueblo. Pagkababa nila ni Cory dito'y mabilis silang tumakbo palayo, nagpunta sila sa gilid ng kalsada papunta sa bamboo forest, inalis niya ang mga damo at kawayang nakatumba sa gilid ng kalsada, doon niya itinago ang isa pang getaway vehicle na gagamitin nila ni Cory.

Agad silang sumakay doon. Siya ang nagmamaneho.

Tinatahak na nila ang mahabang highway ng Guerero nang ilang mga naka motor ang biglang sumulpot mula sa gilid ng kalsada at pinaulanan sila ng bala. Pilit niyang iniiwas ang sasakyan, nang tumapat sa kanila ang isang motor ay bigla niyang tinapakan ang preno at nauna ito sa kanila, samantala ay bumunggo naman sa likod ng sasakyan nila ang isa pang motor na nakasunod sa kanila.

Naglabas si Cory ng baril at ikinasa iyon. Muli niyang pinatakbo ang kotse, ibinaba ang bintana at tinapatan ang motor na kanina'y humahabol sa kanila, pagkatapat nila dito'y itinutok dito ni Cory ang baril at tsaka ito pinaputukan bago pa sila nito mabaril.

May tatlo pang motor na humahabol sa kanila. Galit na muli niyang inapakan ang preno at tsaka inatrasan ang mga ito, nabasag na ang salamin ng sasakyan nila sa backseat, mula sa passenger's seat ay inasinta ni Cory ang mga ito, dalawa ang napabagsak nito kaya muli niyang pinatakbo ang sasakyan pasulong, pa curve ang highway kaya hindi niya napansin ang paparating na kotse, iniwasan niya ito at sumalpok sila sa malaki at matabang poste.

Buti na lamang at naka seat belt siya, bahagya pa siyang nahilo dahil tumama ang ulo niya sa manibela. Napahawak siya sa kanyang noo, dumudugo iyon.

Napatingin siya sa passenger's seat. Yuping yupi ang parte ng sasakyan kung saan nakaupo si Cory. Dahil iyon ang parte ng sasakyan na sumalpok sa poste. Naipit ang mga binti nito at duguan ang ulo. Nag-aalala niya itong niyugyog sa balikat.

"Cory... Cory..."

Nanghihinang idinilat nito ang mata at tumingin sa kanya. "Save yourself Althea... go..." Bulong nito sa kanya. Ramdam niya ang paghihirap sa boses nito. Agad na tumulo ang luha sa mga mata niya.

"Cory I can't leave you here..."

"No Althea... please, go..." Pakiusap nito sa kanya. "Go..."

Umiiyak na lumabas siya ng sasakyan. Naaamoy na niya ang natatapon na gasolina. Bumagsak pa siya sa kalsada nang mabuksan niya ang pinto ng sasakyan. Nakita niya ang natitirang naka motor sa 'di kalayuan na parang naghihintay lamang sa kanila. Pinilit na itinaas ni Cory ang kamay nito at inihagis sa kanya ang baril, sinalo niya ito at agad na binaril ang naka motor na papalapit na sana sa kanila. Walang buhay itong bumagsak sa kalsada.

"Althea, go!" Muling pakiusap sa kanya ni Cory. Pinilit niyang tumayo kahit na nananakit ang tagiliran at binti niya.

Mabilis siyang lumayo sa sasakyan, nilingon pa niya ito at nakita pa niya si Cory na nakatingin sa kanya, mapait itong ngumiti sa kanya bago tuluyang sumabog ang kotse.

Napaluhod siya sa kalsada at malakas na sumigaw na sinundan ng hagulgol.

Pagod na pagod siyang humiga sa kalsada at luhaan ang matang tumanaw sa kalangitan.

Hindi niya alam kung sino ang humabol sa kanila, kung sino ang nagpapapatay sa kanila ni Cory. Ang Belleforth ba? Ang Golden Jackal? Ang S.I.S? Sino ba?

Napakahirap mabuhay na maraming kalaban, hindi ka makakasiguro sa safety mo, hindi mo p'wedeng pagkatiwalaan ang mga taong nakakasalamuha mo.

Tumayo siya sa pagkakahiga sa kalsada at naglakad palapit sa huling lalaking naka motor na napatay niya. Itinayo niya ang motor nito, ito ang sasakyan niya palayo, natigilan siya nang marinig ang cellphone ng lalaki na tumutunog. Nilapitan niya ang bangkay nito at kinuha ang cellphone nito na nasa bulsa ng pants nito. Biglang dumagundong ang kaba sa dibdib niya nang mabasa ang pangalan ng tumatawag sa lalaki.

Boss T.

Nanginginig ang kamay na sinagot niya ang tawag at muli siyang napaluha nang marinig ang isang boses sa kabilang linya na kilalang kilala niya.

"Are they dead Raul? Make sure that Althea Esmundo is dead."

Parang piniga ang puso niya sa narinig.

Dahil ang nag-utos na patayin sila ay walang iba kundi si Tianna Recova.

.

.

.

.

.

Patay ang ilaw sa buong kabahayan. Nasa bar siya at mag-isang umiinom habang tinititigan ang larawan na pinadala sa kanya ng Belleforth. Picture ito ni Cory at ni Althea na nasa abandoned fly over, may hawak hawak na sniper rifle.

Tumulo ang luha sa mga mata niya.

Hindi siya makapaniwalang si Althea at Cory ang pumatay kay Sabrina. Hanggang ngayon ay hindi niya iyon matanggap pero iyon ang totoo. Hindi niya maaaring pagkatiwalaan si Cory, higit sa lahat si Althea. Hinding hindi niya maaaring pagkatiwalaan ang dalaga.

Hindi niya alam kung nagtagumpay ba ang mga tauhan niya na patayin ang dalawa. Ngunit kung buhay man si Althea, handa siya na harapin ito. Handa siya, matagal na.

Mabilis siyang napabalikwas sa pagkakaupo at agad na hinugot ang baril sa kanyang bewang nang bumukas ang pintuan niya. Itinutok niya dito ang baril ngunit agad din niya itong ibinaba nang makita niya si Crystal.

"Tia, we have to go..." Anito sa kanya. Lumapit sa kanya ang dalaga at hinawakan siya sa kamay. "We have to leave right now!"

"Bakit? Anong nangyayari?"

"Tia..." Nakita niya sa mukha ni Crystal ang labis na takot at pagkabahala. "She's coming, she's coming to kill you, we have to go!"

"Who's coming to kill me?" Tanong niya dito.

"Evergreen."

"Who the fuck is Evergreen?"

"I don't know..." Bakas sa mukha nito ang pagkalito. "I have to tell you something... I worked for Belleforth."

Malakas niyang tinulak si Crystal palayo, napaupo ito sa sahig. Mabilis niya itong tinutukan ng baril. "Althea was right, you are Evergreen."

"No! I'm not Evergreen, I am just her decoy. I worked for her. Itinakas niya ako sa kulungan para patayin si Althea but I met you and I fell in love with you... hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang lahat sa iyo pero I am not here to kill you, I am here for Althea... pero handa akong kalimutan ang lahat, sumama ka lang sa akin, tumakas tayo Tia, magpakalayo layo tayo. Pumunta tayo sa lugar na walang nakakakilala sa atin..."

"I don't believe you... you are Evergreen. Wala na akong p'wedeng pagkatiwalaan kahit na sino!"

Ikinasa niya ang baril. Tumayo si Crystal at umiiyak na muling nagpaliwanag sa kanya.

"Tia, hindi ko alam kung sino si Evergreen... boses lang niya ang naririnig ng buong Belleforth, nang mamatay si Ysmaela siya na ang nag take over sa buong Agency. Kapag nakaharap mo siya, it means you'll gonna die..."

Umiling siya nang umiling.

"Tia, you have to believe me! She's coming for you, she'll gonna kill you!"

"No! I don't believe you!"

"Tianna, she's right, hindi siya si Evergreen."

Natigilan sila ni Crystal nang mula sa bukas na pintuan ay biglang sumulpot doon si Althea. Nagkatitigan silang dalawa. Bumilis ang tibok ng puso niya.

"Because I am Evergreen."

At walang sabi sabi nitong binaril si Crystal. Patay na bumagsak ito sa sahig. Itinutok nito ang baril sa kanya, ngunit siya, hindi niya maitutok dito ang hawak na baril. Mahal niya ito, mahal na mahal niya ito na hindi niya ito kayang patayin kaya nag-utos siya ng ibang tao para patayin ito... pero siya, hindi. Hindi niya kaya. Isa lamang siyang mahina at duwag sa harapan nito. Ibinaba niya ang kamay na may hawak na baril.

"You never learn Tia... you never learn." Anito sa kanya at umiling iling. Nakatitig lamang siya sa dalaga. Naglakad ito papasok sa bahay niya at isinara ang pintuan.

"Everything is not just about love Tia. Life is about power and control..." Napangiti ito, sarcastic. Nang-iinsulto. "Oo, of course I loved you, kaya nga nang malaman kong double agent si General Primo ng Belleforth, ginawa ko ang lahat para makapasok sa Agency bilang si Evergreen para alamin kung sino ang nag-uutos na patayin ka and I became the most notorious Assassin in Belleforth." Tumitig ito sa kanya. Nawala na ang damdaming lagi niyang nakikita sa mga mata nito kapag tinitignan siya. Hindi na ito ang Althea na kilala niya, ibang iba na ito.

"Pero once na ako na ang nag take over ng Belleforth, I was overwhelmed by the power and control na nasa kamay and I don't want to let it go, I don't want to lose it and I want more." Huminga ito ng malalim at tsaka ito naupo sa upuan na nasa harapan niya. "Alam ko na pinaghihinalaan na ako ni Capt. Leon na ako si Evergreen kaya I ordered Crystal and Belleforth na atakihin ako sa Hotel para mapaniwala ko si Capt. Leon that Evergreen and Belleforth were after me. Hindi nila alam na si Althea Esmundo at si Evergreen ay iisang tao lang."

Nakangiti itong tumingin sa kanya. "I want to be in control of everything, I want to control the world, hindi 'yun mangyayari kung buhay si Sabrina, kung buhay si Capt. Leon, kung buhay ka."

Wala siyang masabi sa mga nalaman niya. Napapikit siya ng mariin. Ang sakit sakit na pinaglaruan siya nito, na pinaglaruan sila nito, silang lahat, minanipula sila ni Althea, pinaniwala, inisahan, trinaydor.

Bakit nga ba hindi niya iyon napansin man lamang? Dahil nabulag siya sa matinding pagmamahal niya para kay Althea.

"Soon, ako na din ang mag te-take over ng Sindikato at ng buong S.I.S dahil tanging si Althea Esmundo lang ang matitira sa ating lahat."

Tumayo ito sa pagkakaupo. Nakatutok pa din sa kanya ang baril nito.

"Goodbye Tianna Recova."

Pumatak ang luha sa mga mata niya at idinilat ang kanyang mga mata. Tinignan niya si Althea at mahinang bumulong sa hangin.

"I love you Althea."

At tatlong sunod sunod na putok ng baril ang pumailanlang sa dilim ng gabi.

.

.

.

.

.

Mula sa taas ng chopper ay kitang kita niya ang buong Isla De Corazon. The beauty of the Island took her breath away. Napangiti siya, hindi siya makapaniwala na doon na siya maninirahan para magsimula ng isang panibagong buhay. She bought almost half of the Island, her connections made it possible, planado na niya ang lahat kung saan siya magsisimula, napakatagal na panahon niya iyong pinagplanuhan.

Tinignan niyang muli ang Headline sa Newspaper na hawak niya.

The death of a legendary Mobster of Trinidad.

Binasa niya ang article tungkol sa pagkamatay ni Tianna Recova. Kung paano ito inihalintulad kay Al Capone at Jesse James ng Social Media. Tinignan niya ang mga pictures kasama ng Article. Stolen picture ni Tianna na naka Suit at umiinom ng alak sa isang party na dinaluhan nito noon, sumunod ay ang picture ng libing nito. Buhat buhat ng mga tauhan nito sa Sindikato ang itim na kabaong at sunod niyang tinignan ay ang larawan ng lapida nito.

Gone too soon.

Inilipat niya ang page ng news paper, nagpunta sa Entertainment section at naroroon ang balitang namatay na din sa isang Car Accident ang isang sikat na Artista na si Cory Chavez. Binasa din niya ang article tungkol sa detalye at informations nang pagkamatay nito.

Huminga siya ng malalim.

Nasa braso niya si Mumay at natutulog, hinahaplos haplos ng kamay niya ang fur nito. Napangiti siya nang unti unti nang lumapag ang chopper sa hellypad, maingat siyang bumaba dito at sinalubong siya ng dalawang lalaki at ito ang nagbuhat ng mga gamit niya.

Isang babae ang lumapit at nakangiting bumati sa kanya.

"Good Morning Miss Scarlet King."

Huminga siya ng malalim at nilanghap ang hangin ng buong Island. Napakasarap palang pakinggan na tawagin ka sa totoo mong pangalan. Napakatagal nang panahon mula nang may tumawag sa kanya ng Scarlet. Iyon ang tunay niyang identity na binaon ni General Primo at binura upang palitan ng identity na ginawa nito para sa kanya, si Althea Esmundo.

"Good Morning." Ganting bati naman niya dito.

Iniabot nito sa kanya ang dalawang Susi. Isang susi ng sasakyan at isang susi ng bahay.

"Welcome to Socotra Miss King."

Ngiti lang ang isinagot niya dito at tsaka siya nito iginiya sa sasakyang naghihintay sa kanya.

Inilagay ng dalawang lalaki ang gamit niya sa trunk ng kotse. Nagpasalamat siya sa mga ito at sumakay na sa sasakyan. Masuyo niyang inilapag si Mumay sa Passenger's seat at tinanggal ang ear plug sa tenga nito, muli niya itong hinaplos haplos sa ulo.

She drove around the Island. Tahimik dito, totoo nga ang sabi nila na mas mas payapa sa Isla De Corazon kumpara sa Madre Moara Island. Hindi man ito kasing garbo ng Madre Moara ay mas exclusive naman ito kaya mas tahimik ang buong isla. Halos iisa lang ang style ng mga bahay na nadadaanan niya, mga wooden cottages na inspired sa Britain's thatched cottages ang style.

May malawak na bamboo forest sa kabilang gilid ng kalsada, maraming mga sunflower na nakatanim kung saan saan at ang mga Locals na nakakasalubong niya'y mga nakasakay sa kabayo o kaya ay sa mga vintage cars. Halos puro green ang nakikita niya sa buong paligid. Binuksan niya ang bintana ng kanyang sasakyan upang mas maramdaman niya ang buong paligid. Simple lang ang buhay sa buong Isla, This is the kind of life she wants from the very start. Hindi na siya makapaghintay.

Huminto siya sa tapat ng isang Craftsman style home. Bumaba siya sa kotse at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. Iyon ang pangarap niya, isang bahay na gawa sa natural materials, gawa sa wood, sa bricks and stones.

Sumandal siya sa kotse niya at tinawagan ang taong tumulong sa kanya na maisagawa ang mga plano niyang iyon. Idinial niya ang numero nito at hindi nagtagal ay sinagot ito ng dalaga.

"Thank you, thank you Tala for everything. Thank you for your help." Pinakinggan niya ang mahina nitong pagtawa.

"Are your ready for tomorrow's biggest event of your life?" Tanong nito sa kanya.

Napangiti siya. "Siguradong hindi ako makakatulog mamayang gabi."

Muli niyang narinig ang mahinang tawa ni Tala sa kabilang linya.

"Enjoy your New life in Socotra Scar, I'll see you tomorrow."

Nang maibaba na nila ang tawag ay muli niyang binuhat si Mumay sa kanyang braso at magkasama silang pumasok sa loob ng kanyang bagong bahay na magiging saksi ng kanyang panibagong buhay.

.

.

.

.

.

-tobecontinued-