The Fall of Summer Collection.
Isinagawa ang fashion walk na iyon ng Helena Romano Clothing Company sa white beach ng Socotra. Dinaluhan ito ng mga kilalang Celebrity sa Fashion Industry. Pagkatapos ng unang rampa ng mga Elite models ni Helena Romano ay nagdilim ang stage, naglabas ng usok ang smoke machine at sa malaking screen na nasa harapan ng stage ay lumabas ang video ng isang babaeng naka half mask na naglalakad. Tumahimik ang buong audience at namatay ang tugtog. The higly anticipated na pagpapakilala ni Helena sa pinakabagong mukha ng Clothing Company nito na inabangan ng marami. Halos lahat ay hinigit ang hininga sa paghihintay.
Umakyat si Helena Romano sa stage hawak hawak ang wireless mic at nakangiti itong nagsalita sa harapan ng lahat.
"Let me introduce to you the new face of Helena Romano Clothing Company, Ladies and Gentlemen, Miss Scarlet King."
Nagsimulang tumugtog ang Young and Beautiful ni Lana Del Rey at mula sa likod ng usok ng smoke machine ay lumabas siya na nakasuot ng Royal Purple Cape, hinubad niya ang cape at tsaka siya nagsimulang maglakad sa rampa.
She's now wearing her true identity and nobody knows her, except sa mga taong lubos niyang pinagkakatiwalaan. Walang nakakaalam na siya si Althea Esmundo, ibabaon na nilang lahat ito sa limot gaya nang bigla nitong paglaho na parang bula sa mundo.
Kay tagal na panahon niyang pinangarap na maipakita sa mundo ang totoong siya, pagod na pagod na siyang magtago, pagod na pagod na siyang tumakas. Kung siya lamang ang masusunod ay kayang kaya niya iyong gawin na siya lang, ngunit hindi, hindi niya kayang iwanan si Cory.
Hinanap niya sa Audience ang kaibigan, nakita niya ito na nasa bandang unahan ng upuan. Ibang iba na din ang hitsura nito. Bumalik na ito sa Nerdy kid na nakilala niya noon sa Training Camp ng S.I.S, hindi mo na makikita ang bakas ng sikat na artistang minahal ng mga fans nito. Kasabay nang pagkalaho ni Althea Esmundo ay ang pagkamatay ni Cory Chavez.
Ibinalik na din ni Cory ang Red, curly hair nito and she's wearing her prescription glass. Ngumiti ito sa kanya. Kitang kita niya ang sincerity sa mukha nito, ang happiness, ang contentment.
Matagal na silang magkaibigan ni Cory simula pa mga bata sila. Sabay silang lumaki sa Training Camp, teenager na sila nang magkahiwalay sila dahil dinala ito ni General Primo sa Golden Jackal na pinamumunuan ni Capt. Leon. Sigurado siya na kaya si Cory ang pinadala ni Capt. Leon na mag spy sa kanya ay dahil kilala siya nito, ang hindi nito alam, mas higit na mabigat ang pagkakaibigan nila kaysa sa kanilang misyon. Sa unang beses pa lang na muli silang nagkaharap na dalawa ay nagkaintindihan na sila. Alam nila na may nanonood, may nakikinig sa bawat galaw at pag-uusap nila kaya kailangan nilang magkunwari, kailangan nilang magpanggap para maisagawa nila ang pinaplano nilang pagtakas sa S.I.S.
Siya ang nagplano ng lahat. Sinigurado niya na hindi sila magkakamali, na walang butas na masisilip sa kanilang pagkawala. Alam niya na napaniwala nila ang buong mundo sa pagkamatay ni Cory Chavez. Maraming issues na kumalat, may chismis na pinapatay daw ito ng asawa ng isang mayamang pulitiko dahil natuklasan na kabit ng asawa nito si Cory, may mga usap usapan din na involve ito sa drugs, may usap usapan naman na suicide ang pagkamatay nito. Wala na din silang pakialam pa, ang mahalaga ay nakaalis na sila sa mundong iyon.
Alam niya na hinahanap pa din siya ng mga S.I.S dahil sa pagkamatay ni Capt. Leon. Naniwala ang mga ito at ang Golden Jackal na siya ang pumatay kay Cory ngunit kahit anong gawin nilang paghahanap sa kanya'y hindi siya nito matatagpuan.
Dahil tanging si General Primo lamang ang nakakaalam ng totoong identiy niya, totoong mukha at pangalan. All her life ay nakatago siya sa 3d mask print na ginawa ni General Primo para sa kanya upang itago ang totoo niyang mukha, all her life nagkubli siya sa pangalang Althea Esmundo at ngayon lamang siya nakawala sa anino nito.
Nang matapos ang Fashion walk niya'y nag standing ovation ang audience sa credits. Pinalakpakan siya ng mga ito, binati at pinuri.
Tama si Tala, this is the kind of life that she deserves, none of her past matters anymore. Dahil ang mahalaga ngayon ay Malaya na sila ni Cory, Malaya na silang dalawa, Malaya na siya.
.
.
.
.
.
One year later.
Sa tuwing napapadaan siya sa hillside ay hindi niya maiwasang huwag mapatingin sa magandang Cape Cod house na nasa taas ng burol. Lagi niyang iniisip kung sino kaya ang may-ari nito. Sa loob ng isang taong paninirahan niya sa Socotra ay naging isang malaking palaisipan sa kanya ang bahay na iyon.
Inalis niya ang tingin sa bahay at ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho. Nagpunta siya sa Farm, kinumusta ang mga milkmen na nagtatrabaho doon. Isa sa mga pinasok nila ni Althea na negosyo sa Socotra ay ang Dairy Industry, sila din ang may-ari ng mga Rental houses at Cottages para sa mga bakasyonista at turista. Mula sa buhay ng isang sikat na artista at discreet na Spy ng isang Secret Organization ay ganitong mundo na ang ginagalawan niya. Simple lang, hindi fabulous pero masaya sila. Kuntento.
Ngunit sa tuwing naaalala niya si Sabrina'y hindi pa din niya maiwasang umiyak at malungkot. Isang taon na din ang lumilipas ngunit nanatiling nagluluksa ang puso niya. Hindi pa din magawang makalimot ng puso niya. Hindi nito magawang tumingin o magkagusto man lang sa iba. Nanatili siyang lumilingon sa kanyang nakaraan at sa mga alaala nilang dalawa.
Naging ugali na niya ang magpunta ng Beach tuwing hapon at papalubog na ang araw. Gustong gusto niyang nakikita ang sunset kahit na madalas ay mag-isa lamang niya iyong pinapanood. Huminga siya ng malalim at malungkot na ngumiti.
Hinubad niya ang damit at tumakbo palapit sa dagat. Lumangoy siya. Sumisid sa ilalim ng malamig na tubig. Nang muli siyang umangat sa tubig ay nakita niya ang isang paparating na jet ski, mabilis siyang lumubog muli sa tubig at lumangoy paiwas dito upang hindi siya nito masagasaan.
Galit na galit siyang bumalik sa pampang at nagbihis. Tinanaw niya ang walanghiyang naka jet ski na sasagasa sana sa kanya kanina.
"Walanghiya ka! Huwag kang makapunta punta dito kundi papatayin kita!!" Sigaw niya dito. Hindi niya alam kung naririnig siya nito basta ang mahalaga ay makapag vent out siya at mailabas niya ang pagkabwisit na nararamdaman.
Maya maya'y nakita niya ang jet ski na papunta sa pampang. Bumama ito sa motor at naglakad palapit sa kanya. Naka black longsleeve rush guard ito at itim din na maiksing swimming short. Naka shades ang dalaga, biglang lumakas ang tambol sa puso niya habang pinagmamasdan itong naglalakad palapit sa kanya.
Nagtanggal ito ng shades at matipid siyang nginitian at parang nakita niya na bumuka ang mga ulap at nalaglag ang isang laksang anghel mula sa langit.
Nag-init ang mga mata niya hanggang sa tumulo na ang luha mula dito. Tinakpan niya ng kamay ang bibig at tsaka mahinang umiyak. Tuluyan siyang napahagulgol nang makita na niya ito ng malapitan.
"Hello Stranger..." Bati nito sa kanya.
Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang magkabilaan nitong pisngi, sinisigurado na totoo ito at hindi lamang isang imahinasyon.
"You're alive." Ang tanging nasabi niya dito.
"Yes and I'm here."
Patalon niya itong niyakap, ikinawit niya ang dalawang binti sa balakang nito. Mahigpit din naman siya nitong niyakap pabalik.
"I'm sorry if it took me one year bago nagpakita sa iyo..."
Umiiyak siya sa balikat nito. Matagal silang nagyakap na dalawa, hindi na nila kailangang magsalita pa o magbatuhan ng mga madramang linya, dahil ang mahigpit na yakap nila sa isa't-isa'y sapat na upang iparating sa lahat ng mga readers kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
Masuyo siyang ibinaba ni Sabrina sa buhanginan at itinuro nito sa kanya ang Cape cod na nasa Burol. Tinignan niya ang bahay.
"Diyan ako nakatira. Diyan na tayo titirang dalawa."
Kaya siguro ganoon na lamang niya tignan ang bahay na iyon noon dahil nararamdaman niya ang emotional connection niya dito, dahil doon pala nakatira ang nag-iisang babaeng minamahal niya.
"That house will be our home Cory."
Lumuluha ngunit nakangiti pa din siyang yumakap kay Sabrina. "When I'm with you, I'm home. You are my home Sabrina." Bulong niya sa dalaga.
Hinagkan niya ang pisngi nito at tsaka siya bumitaw sa yakap nito. Hinaplos niya ang mukha ng dalaga at puno ng pagmamahal itong tinitigan sa mata.
"I love you."
Hinalikan niya ito sa labi habang ang araw sa kalangitan ay nagsasabog na nang pinakamakulay nitong liwanag.
She's home. She's already home.
.
.
.
.
.
Napakaganda ng Valentina Falls. Napakamahiwaga ng malumanay na pagbagsak ng tubig ng talon. Nasa pinaka sentro ito ng Isla De Corazon, she fell in love with the whole place the first time she saw it. Hindi din siya makapaniwala na nag e-exist ang ganoong klaseng lugar na nakatago mula sa gulo ng mundo.
It was placed right in the heart of the Virgin Forest of Isla De Corazon, maraming wild orchids ang nakatubo sa paligid, maayos ang rock formations na nakapalibot sa Falls na para bang it was perfectly crafted by the hands of God.
And one of the wonders of this falls was the white sand na nakapaikot sa tubig. Ang sabi nila'y dinadala daw ng malalakas na bagyo ang mga puting buhangin sa falls dahil may malaking cave sa likod ng tubig kung saan ay nakakonekta doon ang dagat.
Mas gumanda pa ang buong paligid nang hapong iyon. Maayos na ang lahat. Mula sa white sand na dadaanan niya ay may built in na malapad na wooden flatform ang nakatayo papunta sa gitna ng falls.
Sa bandang kanan niya ay naroroon ang buong orchestra at naghihintay lamang sa pagsisimula ng event. Sa kaliwa naman ng buhanginan ay naroroon ang isang puting grand piano, nakaupo doon si Tala at tumutugtog habang nakatayo naman sa tabi nito si Helena Romano.
Nakasakay siya sa isang itim na kabayo. Nang dumating siya ay isang kamay ang umabot sa kanya upang alalayan siya. Napatingin siya dito at napangiti.
Inalalayan siya ni Sabrina sa pagbaba niya sa kabayo, sinalubong naman siya ni Cory at iniabot sa kanya ang isang bouquet ng puting wild orchids na sinamahan ng sunflowers.
Huminga siya ng malalim at nagsimulang tumugtog ang orchestra.
Narinig niya ang pagsabay ng grand piano sa orchestra na sinundan ng malamyos na boses ni Tala.
Ikaw ang init sa lamig
Nitong gabing hinaharap
Ikaw ang ilaw sa dilim ng buhay
Kong walang kislap
Sa piling mo'y walang lamig,
Sa piling mo'y walang dilim...
Nagsimula siyang maglakad sa wooden flatform. Pinigilan niya ang luha niya sa pagpatak. Naalala niya ang unang araw na nagkita silang dalawa, sa Mansion nito ilang taon na ang lumilipas. She was so young then, she's only eighteen years old. How time fly so fast...
Ang sumunod na umawit ay si Helena. Sila ni Tala ang tumulong sa kanila, hindi niya alam kung paano magpapasalamat sa mga ito hanggang ngayon.
ikaw ang awit sa puso
kong binihag ng lumbay
ikaw ang sinag na kay tagal
ko nang hinihintay
sa piling mo'y walang lumbay
sa piling mo'y maghihintay
Oo, dumating siya sa panahon na nakalimutan niya ito, nagmahal siya ng iba, nanghinawa siya sa pagmamahal nito sa kanya, naligaw siya ngunit nakabalik siya, muli niyang natagpuan ang daan pabalik dito. Dahil alam niya, she will always be her journey, the start and the end of her journey.
Hindi lamang pagbabalik ng pagmamahal ang naramdaman niya para dito, kundi pag-usbong ng bagong pag-ibig, mas malalim, mas malakas, mas matindi pa sa una and she will never let her go this time.
Ikaw ang aking bukas,
ikaw ang aking ngayon
Mahirap mang takasan
ang pait ng kahapon,
Ikaw ang nanaisin
magpakailan pa man
Ngayon, bukas, kahapon...
She can still remember nang puntahan siya ni Tia nang gabing iyon sa bahay niya. Ginawan niya ng paraan na ma distort ang mga spy cam na alam niyang nakakakabit sa paikot ng bahay niya na ininstall doon ng mga taga S.I.S. Ipinagtapat niya dito ang lahat lahat sa kanya. She unmasked herself, ipinakita niya dito ang totoo niyang mukha. Sinabi niya dito ang totoo niyang pangalan. Si Tia ang pangalawang tao bukod kay General Primo na nakaalam ng tunay niyang identity. Alam niya na hindi maaaring magtagal na distorted ang spy cam ng S.I.S dahil siguradong maghihinala ang mga ito kaya nang sumunod na araw, while they are making love sa bahay ni Tia, doon niya sinabi dito ang mga plano niya.
She orchestrated their deaths dahil iyon lamang ang tanging paraan para makatakas sila sa S.I.S., kung mapatay man niya si Capt. Leon ay alam niyang hindi pa din tatantanan ng susunod na hahawak ng organization at ng mga taga S.I.S si Tia at si Sabrina hangga't buhay ang mga ito. Sila man ni Cory ay gayon din, hindi sila makakatakas at makakawala sa S.I.S hangga't hindi sila namamatay.
Wala na siyang ibang maisip na paraan tanging iyon lamang at hindi siya nabigo.
Mahal na mahal niya si Tia at wala na siyang ibang pinangarap pa kundi ang mamuhay ng tahimik sa piling nito.
Ito ang kanyang tahanan. Ang kanyang buhay. Ang kanyang kaligayahan. Ang kanyang kapayapaan.
Nang mapatingin siya dito na nasa dulo ng flatform at naghihintay sa kanya'y tuluyan siyang napaiyak. Iyon na ang katuparan ng kanilang pangarap, ang magkaroon ng mundong malayo sa gulo. Tanging sila lamang dalawa, wala ng iba pa.
Ikaw ang langit na sa akin ay
nagbibigay himbing
ikaw ang himig sa isip kong
nahiwa ng talim
sa piling mo'y mahihimbing
sa piling mo'y walang talim...
Napakalapit na niya dito. She's the most gorgeous woman on earth, with her black tuxedo and that familiar scent na agad niyang naaamoy kahit malayo pa siya dito.
Nakita niya na pinunasan ng daliri nito ang luha sa mga mata. Sinalubong siya nito at inilahad ang kamay sa kanya. Umiiyak na inabot niya ito at puno ng pagmamahal na dinala ni Tia ang kamay niya malapit sa labi nito at tumingin sa kanya.
"You're so beautiful." Anito sa kanya at tsaka hinagkan ang kanyang kamay.
Naroroon pa din ang kilig sa dibdib niya na parang may kumakalabit sa puso niya, kinikiliti ang mga kalamnan niya.
Magkahawak kamay silang tumayo na magkaharap. Sa background nila ay ang magandang pagbagsak ng tubig sa Valentina Falls. Dinig na dinig pa din nila ang malamyos na musika galing sa Piano at Orchestra.
Natatawang pinunasan ni Tia ng kamay nito ang luha sa pisngi niya.
"I don't care if you're Althea Esmundo, if you're Poison Ivy, Evergreen or Scarlet King, I really don't care at all, as long as I know it's you, I will still love you no matter what."
Napabuntong hininga siya sa sinabi nito. Hindi pa din niya mapigilan ang luha sa pagtulo mula sa kanyang mga mata. Masuyong isinuot ni Tianna ang singsing sa kanyang daliri.
"I love you." Bulong nito sa kanya.
Kinuha niya ang kamay ni Tianna at tumitig ng diretso sa mga mata nito.
"Our love will always lead me back to you." Aniya at isinuot din niya ang singsing sa daliri nito.
"I love you Tia. I love you so much."
Humakbang si Tia palapit pa lalo sa kanya at tsaka siya nito dinampian ng halik sa labi. Kinabig siya ng isa nitong braso sa batok at mahigpit siyang niyakap, tuluyan itong napaiyak sa pagkakayakap sa kanya.
Habang sa paligid ay paulit-ulit nilang naririnig ang sabay na pagkanta ni Tala at Helena...
Ikaw ang nanaisin magpakailan pa man,
Ngayon...
Bukas...
Kahapon...
.
.
.
.
.
FIN